ELIZABETH Napailing na lang siya, at saka bumaba na sa hagdan. Hindi niya akalain na sasakit ang ulo niya sa apo ng Don. Parang dito siya tatanda ng maaga. He's f-cking irritating, and what an irresponsible man he is. She had never expected to meet someone like him. He irritates her so much! Pagkababa niya ay nadatnan niya ang Don na umiinom ng kape, at nagbabasa ng dyaryo. Agad na umaaliwalas ang mukha nito nang makita siya. Tumayo ito at nilapitan siya nito. Napangiti siya rito. Ang bait talaga ni Don Hernand. Wala talaga siyang masabi sa ugali nito dahil ang bait nito, at handang tumulong sa kapwa. Kaya nga hindi siya nagkakamali sa pagpili ng business partner niya dahil sa magaling din itong humawak sa negosyo, at masinop.“Good Morning, Don Hernard!” bati niya sa Don. “Ginising ko na ang apo ninyo dahil starting from now… tuturuan ko na siya. Hanggang maaga pa ay kailangan na niyang matutong maagang gumising para maraming matapos na trabaho.” Halata sa mukha ni
GABRIEL May pilyong ngiting naglalakad siya papalayo kay Miss Beth. Talagang asar talo ang babae. Inaasar niya ito dahil nasisiyahan siyang makita na may epekto siya rito. Akalain mo ba naman, nakikita niya sa babae na may pagnanasa ito sa kanya habang titig na titig ito sa katawan niya kanina. Tanaw pa rin niya si Miss Beth mula rito sa nipa hut. Nagpapahinga muna siya mula sa pagtulong niya sa pagtatanim ng palay. Ito ang unang beses na siya mismo ang nagtanim ng palay. Nakamasid siya kay Miss Beth na abala sa pakikipag-usap sa trabahador nitong si Ismael. "Ang sexy mo talaga, sir!" Nabaling ang atensyon niya sa dalawang babaeng nasa magkabilang gilid niya. Kanina pa siya hindi tinatantanan ng dalawa, at gusto naman niya iyon na napapaligiran ng mga babae. Wala eh, iba talaga ang pogi, malapitin ng mga babae. Napahalakhak siya nang pinisil pa ng babae ang kanyang braso. Halata sa mukha ng nasa kanan niya ang pagkamangha sa mukha nito habang nakatitig sa
GABRIEL Sumisipol siyang naglalakad patungo sa opisina ni Miss Beth. Nagtataka siya sa kanyang nadatnan sa loob. Aligaga ang mga empleyado nito. Tinawag niya si Bella, ang sekretarya nito. Kalalabas lang nito sa opisina ni Miss Beth. “What happened? Bakit hindi kayo mapakali?” Tumingin muna ito sa likuran nito bago ito lumapit sa kanya, at bumulong sa tainga niya. “Hindi rin namin alam, sir. Kanina pa iyan umaga na wala sa mood. Siguro, nag-aaway na naman sila ni Sir Leo.” “Christian!” rinig niyang sigaw ni Miss Beth. Nakita niyang muntik nang tumalisod ito. Nabangga si Christian sa isa pang kasamahan nito. “Good Luck, Christian!” pampalakas loob ni Bella nang lumayo ito sa kanya. Kunot-noo niyang pinagmasdan si Christian. Inayos muna ni Christian ang salamin nito bago pumasok sa opisina ni Miss Beth. “Gusto mo ba ng coffee, sir?” Napaisip siya. Coffee? What if bigyan niya ng coffee si Miss Beth? “Mahilig ba sa kape si Miss Beth?” “Opo,
ELIZABETH Sumimsim siya ng alak habang nakatitig kay Antonia. Wala talaga ito sa mood ngayon. Hindi maipinta ang pagmumukha nito, at hinayaan na lamang niya ito. "Nasa tamang pag-iisip ka ba, Liza?" Nilapag nito ang goblet sa bar counter. Nasa isang private room silang dalawa ni Antonia rito sa Xclusive Bar. Kanina pa siya nito sinisermunan dahil sa nalaman nito ang tungkol sa deal nilang dalawa ni Gabriel. Mahina siyang natawa dahil ito pa ang may problem sa kanila. Sapo ni Antonia ang noo nito. Ngumiti lamang siya sa kaibigan niya. After all, this her chance, at posibleng pagalingin siya ni Gabriel sa sakit niya. “Oo naman, Antonia. Hindi ako nagbibiro sa sinasabi ko sa’yo na inaya ko siya. Gusto kong makaramdam ng excitement, Antonia. Posibleng si Gabriel na ang sagot.” Umismid ito sa kanya. “Pang ilang lalaki na iyan? Hindi ko alam kung bakit sa lahat pa ng lalaki na pinili mo ay apo pa ng business partner mo. What if malaman ni Don Hernand ang deal
GABRIEL Dumating siya sa mismong club na pinuntahan niya noong nakaraan. Sa totoo lang, naguguluhan siya sa sinasabi ni Miss Beth kanina. Sasabihin lamang niya sa staff na E, at alam na ng mga ito kung saan siya ihahatid. Bakit kailangan pa niyang magbigay ng code o baka pina-prank siya ni Miss Beth? Walang ibang sinabi kung ‘di E lang. Tumungo siya sa bar counter, at kinuha niya ang atensyon ng isang bartender.“Alam mo ba kung saan hahanapin ang E?” Nakita niyang nagkatinginan ang dalawang bartender, at may pinindot itong isang gold button na malapit sa wine bar. “Sir, maghintay lamang kayo ng ilang minuto dahil may hahatid sa’yo sa itaas.” Kahit na naguguluhan siya ay naghintay lang siya, at hindi na nagtanong pa. Wala talaga siyang alam kung anong ibig sabihin ng E. Lugar ba iyon o code?“Sir, ako nga pala si Rafael. Ihahatid kita sa itaas.” May isang lalaki na bumungad sa kanyang harapan. Sumunod siya rito. Tumungo sila sa ikalawang palapag. Kailan
GABRIEL“Is there something going on? I believe that you two are becoming more intimate.” Napalingon siya sa kaibigan na nasa tabing upuan. Nandito sila ngayon fruit area ng mga Santillan. Gusto kasi nitong malaman kung ano ang pinagkakaabalahan niya.“Halata ba?” Nakaangat ang gilid ng labi niya, at napatingin agad siya sa dalaga na abala na nakikipag-usap sa mga tauhan nito.“Oo. Hindi naman ako bulag para hindi makita ang malagkit na tingin ninyong dalawa.” Natawa siya sa pasaring nito. Hindi na siya tumanggi pa dahil totoo naman talaga. Kanina pa siguro ito nagmamasid sa kanilang dalawa ni Miss Beth, at nasagot na ang katanungan nito sa isipan na meron talagang nangyayari. Hindi naman na sila bata para sabihin dito dahil pinasok nila ang sitwasyon na maglaro sa delikadong apoy. Pareho silang sumang-ayon sa isa’t-isa. Hindi niya itatanggi na may alindog itong nakakaakit kahit matanda pa ito sa kanya ng siyam na taon. Maganda ito, at maganda ang hubog ng katawan. Hindi ha
ELIZABETH Nakatanaw siya sa malawak na karagatan na nasisinagan dahil sa kumikislap na bituin. Nakaupo siya sa nakalatag na mat sa buhangin. Hawak-hawak niya ang goblet na may lamang wine at marahang sumipsip siya ng paborito niyang inumin kapag gusto niyang makapag-relax at may iniisip.“Bakit dito mo ako dinala?” Hindi na muna niya ito sinagot dahil nilalasap niya muna ang lasa ng wine. Napangiti siya ng nanunuot ang lasa ng kanyang iniinom. Nilingon na niya ang kanyang kasama na si Gabriel. Sinundo niya ito bandang alas dies, at hindi naman ito nagtanong kung saan niya ito dinala, pero ngayon ay kailangan na niyang sagutin ito. Kahit madilim ay tumitingkad ang kagwapohan ng binata. Ang nakakaakit nitong mga mata ay puno ng pagtataka. Nasisinagan ang mukha nito ng sinag ng buwan at bituin kaya malaya niyang pagmasdan ang hindi nakakasawang pagmasdan na mukha nito.“Gusto ko kasing makapag-relax, at makapag-isip kung tama ba ang pinaggagawa ko.”“What do you mean?” Nag
GABRIEL Napaangat ang gilid ng labi ni Gabriel nang makita ang ekspresyon ni Miss Beth. Nasisiyahan siyang makita si Miss Beth na sabik na sabik sa kanyang hawak. Alam niya kapag ganito ang ekspresyon ng isang babae dahil ilang babae na ang kanyang naikama. Hindi niya mawari kung bakit mas nagugustuhan pa niyang makita ang magandang mukha nito. Feeling niya’y kay sarap siguro nitong katabi kapag nasa kama sila. Bakit siya tumigil? He wants her to beg. Pleading for his touch. Napatitig siya sa maamong mukha ni Miss Beth. Gusto niyang haplusin ang namumulang pisngi nito, pero sinupil niya ang kanyang sarili dahil ayaw niyang magtataka ito sa kanyang kinikilos. Maganda talaga ang babae kahit matanda na ito sa kanya. “I want you to beg, Miss Beth.” Tumirik ang mga mata nito sa inis kaya natawa siya. Halata kasing naiinip na ito sa kanyang pagtigil. Gusto niyang makitang magmamakaawa ito sa kanyang hawak. Higit pa sa lahat ay ayaw niya iyong inuutusan o minamanduan siya. I
ELIZABETH Nakapikit na uminat na lamang si Elizabeth nang bumangon siya sa kama. Napamulat na lamang siya ng kanyang mga mata nang marinig niya ang pagkabasag, at pag-ubo sa paligid niya. Hinanap niya iyon. Nakita niya si Gabriel na napatanga sa harapan niya. Napangiti na lamang siya nang makita niya na naglalakbay ang mga mata nito sa kabuuan niya. “Enjoying the view?" nakangising tanong niya rito, at pinagkrus niya ang kanyang braso sa dibdib niya. Natawa na lamang siya nang makita niya ang paglunok nito. Napailing na lamang siya, at naglakad patungo sa banyo. Wait! Napahinto siya. Inilibot niya ang kanyang paningin sa silid. Paano siya napunta rito? Bakit siya nandito sa silid ng lalaki? Humarap siya rito, at pinameywangan ito. “Anong ginagawa ko rito?” Napailing na lamang siya sa paglalakbay ng mga mata nito sa kahubaran niya. Nakita niya na nahimasmasan na ito, at ngayon ay nasisiyahan na pinagmamasdan ang katawan niya. Natawa siya. Boys will always be boys. Kapag may n***
GABRIEL He deeply sighed. Napatitig na lamang siya sa papalayong si Miss Beth. Base sa nadatnan niya kanina ang pagtatalo ng dalawa ay pakiramdam niya’y may ugnayan ang dalawa. Base sa reaksyon, at sigaw ni Miss Beth kanina ay malaki ang galit nito sa Tito Ric niya. Kailangan niyang malaman ang ugnayan nilang dalawa. Nawala ang atensyon niya sa pagtanaw kay Miss Beth sa biglaang may yumakap mula sa likuran niya. “Gab, I miss you,” malambing wika sabay hilig nito sa likuran niya. Napatingin siya sa kamay ni Inday na humigpit ang pagkakayapos nito sa beywang niya. Napabuga siya ng hininga bago niya hinawakan ang kamay nito sabay kalas sa pagkakayakap nito. Humarap siya rito, at umatras siya ng ilang pulgada na malayo rito. Salubong ang kilay niya sabay na malamig niyang tiningnan ang kasambahay ni Miss Beth. “Anong ginagawa mo, Inday?” Humakbang ito
ELIZABETH“Tito Ric, bakit ka nandito?” Bakit ba niya nakalimutan na ito ang kapatid ni Anna? Isa pa’y pamangkin ni Enrique si Gabriel. What a small world? Napatda na lamang siya sa biglaan na pagyapos ni Gabriel sa beywang niya. Pilit niyang tinanggal ang pagkakayapos nito, pero mas lalo lamang iyon humigpit.“Gabriel,” tawag pansin niya sa lalaki. Nakatutok ang atensyon nito kay Kiko. Napatitig siya sa pagtiim ng bagang nito.“Gusto ko siyang makausap." Hinawakan niya ang kamay ni Gabriel na nasa beywang niya. Mahina niyang tinapik ang kamay nito. Ramdam niya ang tensyon ng magtiyuhin. "Pumasok ka muna sa bahay, Gabriel. Mag-usap muna kaming dalawa.” Doon na nabaling ang atensyon ni Gabriel sa kanya.“Are you sure?” paninigurado sa kanya.
Gabriel Bumaba siya mula sa kama na walang kahit na anong saplot sa katawan. Tumayo siya upang abutin ang boxer shorts niya, at white shirt niya na nakasabit sa upuan. Sinuot niya ito, at naglakad patungo sa kanyang table top wood wine rack na malapit sa balcony. Kumuha siya ng red wine, at goblet. Dinala niya ang mga ito sa balcony. Binuksan niya agad ang bote ng wine, at nagsalin kaagad ng wine sa goblet niya. Nilapag niya ang bote sa wooden table, at nagtungo sa railings. Tinukod niya ang kaliwang kamay sa railings. Pinaikot niya muna ang wine bago siya sumimsim ng wine upang mas lumabas ang sarap nito. Biglang sumagi sa kanyang isipan si Miss Beth. Habang tumatagal ang pagsasama nila ng dalaga ay mas gusto pa niyang makilala ito ng lubusan. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit nakaramdam siya ng saya kapag kasama niya ito. Masarap itong kasama. Kahit minsan ay hindi niya ito maintindihan, at naiinis siya rito, subalit gusto pa rin niyang makasama ito
ELIZABETH"Good Morning po, Ma'am Liza!" bungad ni Inday sa kanya paglabas niya sa kanyang silid. Napatigil siya sa paghahalungkat ng kanyang bag nang marinig niya ito. Tumingin siya rito, at nakita niya ang maaliwalas na ngiti nito sa mga labi. Kumunot ang noo niya sa ngiti na pinapakita nito sa kanya. Anong nakain nito? Bakit ganito ang bungad nito sa kanya? Hindi naman sa ayaw niya na ngumiti sa kanya si Inday kaya lang ibang-iba ang pinapakita nito sa kanya. Nakakapagtaka talaga. May kolorete ulit ito sa mukha at pulang lipstick. Maganda si Inday. Hindi man ito maputi, pero tumingkad pa rin ang kagandahan nito. Batid niya’y may ibang kinahuhumalingan itong lalaki. Hindi man siya updated sa buhay ng katulong nila ay alam naman niya na wala itong pamilya o nobyo. Nasa treinta y cinco ang edad nito, at noong 20’s pa nito ay nagtatrabaho na ito sa kanila. Mas matanda pa siya rito ng dalawang taon.“Bakit gan’yan na naman ang itsura mo, Inday?” Naniningkit ang mga mata niy
GABRIEL Palipat-lipat ang tingin niya sa kanyang magulang, at papaalis na dalaga. Napahagod na lang siya ng kanyang buhok dahil sa sinabi niya rito. Hinilamos niya ang kanyang mga kamay sa mukha niya. Binabagabag siya sa nakikita niya sa mga mata ng dalaga.“Ma… Pa...” tawag atensyon niya sa kanyang mga magulang. Napahinto ang mga ito sa paglalakad patungo sa dining area. Lumingon ang mga ito sa kanya. “Kailangan ko muna siyang ihatid sa bahay niya.” Nakita niya ang pagkunot ng noo ng ina niya. “Sino siya sa buhay mo, anak? Is she your girlfriend?”“Ma, she’s not my girlfriend.” Natawa na lang siya sa tanong nito. Ano ba ang pumasok sa isipan nito upang tanungin siya ng ganoon?"So, if she's not your girlfriend, is she one of your flings?" Hinawakan niya ang kamay nito. Hindi siya nito titigilan kapag hindi niya sinasagot ang katanungan nito.“Ma, she’s one of my friends. Huwag ninyong bigyan ng malisya.” Umismid ito. “ You know what, I think I saw her before bu
ELIZABETH Hinihila siya ni Gabriel patungo sa mga magulang nito. Panay hila siya sa kanyang kamay subalit humihigpit lamang ang pagkakahawak nito sa kanya. Ayaw talaga siya nitong bitawan. Ang matagal na niyang kinaiinisan na tao ay makikita na naman niya ulit. Ang liit talaga ng mundo. Akala niya’y hindi sila magkikita, ayon naman pala’y konektado pa rin siya sa nakaraan. Nakita niya ang mga magulang nito na nakikipagbiruan kay Don Hernard kasama si Marco. Abala ang mga ito sa pag-uusap kaya hindi sila napansin. Huminto si Gabriel ng ilang pulgada. Napansin lamang sila ng mga ito nang tumikhim ang binata. Napakuyom ang kanyang kaliwang kamay, at napahigpit ang pagkakahawak kay Gabriel. Nakaramdam siya ng pagkanibugho sa taong nasa harapan nila ngayon. Akalain ba naman niya ay magkikita sila ni Anna.“Ma… Pa…”“Anak!” Nakita niya ang kasiyahan sa mukha ng dalawang bisita nang makita si Gabriel. Napabitaw ang paghawak-kamay nila ni Gabriel mula nang bigla na lang niyakap n
ELIZABETH Naglalakad siya sa malawak na kapaligiran ng Hacienda Gabriella. Wala siya sa wisyo habang naglalakad siya papauwi sa bahay nila. Mabigat ang pakiramdam ni Elizabeth. Halo-halong emosyon ang lumulukob sa dibdib niya. Hindi na niya masigurado kung kakayanin pa ba niyang kimkimin ang matagal na niyang dinadala. Akala niya ay kakayanin niyang harapin ang nakaraan niya. Akala niya’y tatanggapin na niya ang katotohanan na wala na talaga, at hindi na niya maibabalik kung ano ang nawala sa kanya. "Birthday?" Pagak siyang natawa. Simula ng nawala sa kanya si Evren ay hindi na siya nagdiriwang ulit ng kaarawan niya. Sa mismong araw ng kaarawan niya ay namatay si Evren. Hanggang ngayon, kimkim pa rin ang sakit sa dibdib niya. Kahit ni isa sa pamilya ni Enrique ay walang tumulong. Humugot siya ng hangin upang pakalmahin ang sarili niya dahil bigla siyang nakaramdam ng paninikip ng dibdib niya. Hanggang sa nawalan na siya ng ulirat. — — — Maingay ang
ELIZABETH“Anong pumasok sa utak mo, Gabriel? Bakit mo ako dinala rito sa pamamahay mo? Alam mong marami akong gagawin ngayon dahil may problema akong dapat iresolba tapos dadagdag ka pa?” Kanina pa siya rito nagtatalak, subalit walang epekto sa lalaki, at patay malisya lamang ito. Dito siya naiinis dahil parang balewala lang nito ang pagsisigaw niya rito. Patuloy pa rin ito sa pagluluto. Nandito sila sa kusina nito at nakakagulat dahil marunong itong magluto. Lumapit siya rito dahil curious siya sa niluto nito. Napahawak siya sa kanyang tiyan nang bigla itong kumulo. Natawa ito nang marinig nito iyon. Sinamaan niya ito ng tingin at ang loko ay napailing at napangisi lang. “Kumuha ka na ng isang plato, baso, at kubyertos dahil malapit na itong maluto.” Tumirik ang mga mata niya sa inis. “Inuutusan mo ako?”“Oo. Kaya sige na, kumuha ka na para makakain ka na.” Umismid siya rito. Naghanap na siya sa cabinet nito ng plato, baso, at kubyertos na inutos nito. Nilapag ni