Home / Romance / Brix & Lace: Enemies or Lovers / Chapter 2 Operation: Getting Slim

Share

Chapter 2 Operation: Getting Slim

last update Last Updated: 2021-09-06 22:56:11

LACE...

"Lace, may dala ang papa mong chocolate cake dyan sa ref, kumuha ka na lang."

"Nandito si papa? Bakit di mo'ko ginising agad, ma?" pagmamaktol ko. Every two weeks lang kung umuwi si papa, o kung minsan inaabot pa ng buwan. Kaya naman pag ganung umuwi sya, gusto ko salubungin ko sya kasi siguradong matutulog na sya. Masyadong busy si papa sa work nya, bilang heneral, sa Davao sya ngayon nakadestino dahil sa di magandang nangyayari ngayon sa Mindanao. At sa ganitong pagkakataon lang sya nakakapagpahinga, kapag umuwi sya sa amin. Sobrang miss na miss ko na si papa.

"Ayaw ka na ipagising ng papa mo e. Sinilip ka nya sa kwarto mo, ang sarap daw ng tulog mo. Mamaya susunduin ka na lang daw nya sa school tapos mamasyal daw tayo, manonood ng sine, o di kaya'y kakain sa labas."

"Ma, pwede ba dito na lang tayo sa bahay, mag-videoke na lang tayo o dito na lang tayo manood ng movie."

"Bakit? Ayaw mo ba lumabas kasama ang papa mo?"

"Kasi pag lumabas tayo kakain na naman tayo sa mga restaurant, mapapadami na naman ang kain ko."

"Eh, ano naman ngayon, bata ka pa naman. Kahit gaano pa karami ang kainin mo, ok lang. Wala naman nagbabawal sa'yo."

"Ah, basta ma. Gusto ko lang limitahan na ang pagkain ko these days."

Tiningnan ako ni mama pagkatapos sinalat nya ang noo ko.

"Maysakit ba ang baby ko? Bakit? May nararamdaman ka bang di maganda sa katawan mo?"

"Ma! Wala po. Gusto ko lang talaga magbawas ng pagkain." sabi ko sabay talikod na at pumanhik ulit ako sa kwarto ko. Iniwan ko si mama na nagtataka sa desisyon ko.

Mula nang insultuhin ako ni Brix nang ganoon sa klase, nde ko mawari bigla naging conscious ako sa sarili ko. Nasaktan talaga ako sa ginawa nya, akalain mong pagtawanan ako ng buong klase dahil sinabi nyang wala namang lumalaki sa dibdib ko, puro katawan ko lang daw ang lumalaki! Bwisit talaga sya! Kaya mula noon, naisip ko baguhin ang lifestyle ko. Pinagmasdan ko ang sarili ko sa salamin. Kelangan talaga, lumaki ang dibdib ko at maging slim ako. Kelangan maging sexy at maganda ako. Para maipamukha ko sa Brix na yan, na wala syang kwenta. Tingnan ko lang kundi sya maglaway sa ganda ko! 

Kaya mula ngayon, ang nasa isip ko lang, OPERATION: Getting Slim. Nag-research nga ako sa internet kung ano ang mga dapat gawin para magpa-payat.

Kelangan magbawas ng carbs, as in carbohydrates at mga sweats. Kaya binabawasan ko na ang pagkain ng kanin at lalong lalo na pagkain ng chocolate, cake at ice cream. Dapat din daw mag-exercise. Kaya naman niyayaya ko lagi si Jas na mag-swimming sa swimming pool ng subdivision namin. O kung minsan mag-jogging sa park.

Naligo muna ako, pagkaligo nagbihis na ako ng uniform, nagpabango, nag-polvo at naglagay ng light lip shiner. Pagbaba ko, nadatnan ko ulit si mama sa kusina.

"Ma, alis na po ako."

"Kumain ka muna bago umalis."

"Ok na ako sa isang slice ng tinapay," saka ko kinuha ang tumbler ko sa ref.

"O baunin mo na lang to, baka magutom ka." iniabot nya sa akin ang lunch box.

"Thanks, ma. Love you." saka ako humalik sa kanya bago ako lumabas. 

Nadatnan ko na nga ang service namin sa tapat ng gate namin.

"Good morning kuya Jess." bati ko sa driver na ngumiti lang sa akin.

Dumiretso ako sa bandang dulo, nang makita ko ang available seat ay sa tabi na naman ni Brix, di ko maiwasang mapaismid. Bigla tumayo si Brylle, nasa kabilang side pala.

"Dito ka na, Lace."

"Thank you Brylle, so sweet of you." sabi ko saka ko sya nginitian ng pagkatamis-tamis. I know ginawa nya yun para iiwas na rin ako sa kapatid nya. At natuwa ako sa simpleng gesture na 'yon. Napansin ko ang pagsimangot ni Brix nang umupo si Brylle sa tabi nya.

Matagal-tagal na rin kaming ceasefire ni Brix, nde dahil sa hindi na kami nag-aaway, kundi dahil umiiwas na ako sa kanya. Hindi ko na sya pinag-uukulan ng pansin. Basta gagawin ko na lang ang goal ko na pumayat at maging maganda.

Besides, malapit na ang graduation namin, gusto kong maging maganda habang umaakyat sa stage.

"Good morning class." bati ni Miss Carvajal, ang English teacher at adviser namin.

"Good morning, Ms. Carvajal", ganting bati naman namin.

"The result of your final grade has been out. It was a very tight competition for this two top-notchers. I guess, they are very consistent. We, among your teachers with other subjects, have discussed and decided who will be our valedictorian for this year. We really find it hard to choose. There is so much to consider since their academic grades have the same results, so we have to see through their extra-curricular grades. Do you have any idea who wins the top 1?"

"Spill it out now, ma'am!" sigaw ng buong klase.

I can't breathe in anticipation. I know it's just between me and Brix. But since grade 1, it's always been him. I don't think it would be fair for him if he lose this time.

"Ok, I don't want to prolong your excitement. Our valedictorian for this year is Alicia Mae Guerrero Santillan." 

Napapikit ako, pagkarinig ko sa pangalan ko. Nagpalakpakan ang buong klase. "She got 98.86 in her final grade while Andrei Brix Lee Alarcon got 98.80, he will be our salutatorian. See, it's a very close fight." pagpapatuloy ni Miss Carvajal. 

Gusto kong makita ang reaksyon ni Brix pero hindi ko magawang lumingon sa kanya. Alam ko kung gaano kaimportante sa kanya ang ranking na 'yon. His parents expect so much from him. I heard our teacher says congratulations, even some of my classmates did, may lumapit pa para bumati. Pero hindi doon naka-focus ang attention ko. Na kay Brix, na nang lingunin ko ay nakatungo lang sa desk nya. Blanko ang expression sa mukha nya. Ano kaya ang iniisip nya? Galit ba sya? Parang may kumudlit na guilt sa puso ko. Kahit alam kong deserve ko rin naman maging first, alam ko rin yung pakiramdam na naagawan ka. 

Lumipas ang maghapon. Tahimik lang si Brix, pero nagpa-participate pa rin naman sya sa discussion. Pero pagkatapos ng every subject, lumalabas sya. Babalik lang pag dumating na ang teacher namin sa next subject. Ramdam ko, dismayado sya sa result ng ranking. Dapat matuwa ako pero hindi ganoon ang nararamdaman ko.

After ng klase namin, as expected dumating ang parents ko para sunduin ako.

"Kamusta po, tito, tita", Nagmano sina Brylle at Brix sa kanila.

"How are you boys? Have you taken good care of my princess well?"

"Yes, sir!" halos sabay pang sumaludo ang dalawa sa papa ko. Ganoon kasi ang training sa kanila mula pa noong mga bata kami. Kelangan nila sumaludo like a military combat sa daddy nila at kay papa sa tuwing kinakausap sila.

"Good. You may now proceed." sumaludo din si papa senyales na maaari na silang umalis. "Ikamusta nyo ako sa daddy't mommy nyo ha."

"Yes, sir!" saka nag-about face ang dalawa at sumakay sa service na school bus.

"How are you, my princess?" humalik ako sa pisngi ni papa at saka ko sya niyakap.

"I miss you, pa. Bakit hindi mo ako ginising kanina? Antagal kitang di nakita." pagmamaktol ko kunwari.

"Well, I'm here. Ayoko lang istorbohin pa ang pagtulog mo. So, where do you want to go?"

"Pwede ba sa bahay na lang, pa. Kasi, wala naman magandang movie ngayon e. Saka, ayoko rin kumain sa labas. Pwede naman mag-take out na lang tayo di ba. Hindi na rin naman ako bata para mamasyal pa."

"Of course not. Para sa akin, ikaw pa rin ang baby ko."

"Pa, naman." Natatawa lang si mama sa aming dalawa.

"Wala ka bang gustong ipabili, like gifts, stuff or anything?" dugtong pa ni papa habang ini-start ang kotse.

"Wala naman, pa." hinipo nya pa ang noo ko na ikinahalakhak ni mama.

"Ganyan din ang ginawa ko kaninang umaga, nagtataka ako sa anak mo why suddenly she changed, mukhang nagdadalaga na ata talaga ang baby natin."

"Naku, mukha nga. Sino ba sa kambal ang nagbibigay ng inspirasyon sa'yo ha?"

"Pa! Sa kanila talaga? Hindi ba pwedeng ibang kaklase ko? Grabe sya, o." sabi ko saka ako sumimangot.

"Of course, my princess. Binibiro lang naman kita."

BRIX...

Nang i-announce kanina ni Ms. Carvajal na si Lace ang valedictorian, totoong natuwa ako para sa kanya. Deserve nya yun, dahil katulad ko lagi rin syang perfect sa mga exam this school year, plus active din siya sa mga extra-curricular activities, unlike me. Sports lang naman talaga ang sinasalihan ko e.

Gusto ko nga syang lapitan para batiin gaya ng ibang classmates namin, kaya lang nainis ako sa mga pasulyap-sulyap nyang tingin sa akin, na para bang naaawa sya sa akin. Gusto nya ba akong pagyabangan na sya naman ang nanalo sa pagkakataong ito?

"Tol, ok ka lang ba?" basag ni Brylle sa pananahimik ko. 

"Oo naman. Bakit naman ako hindi magiging ok?"

"Kasi tahimik ka buong maghapon e. Iniisip mo ba ang sasabihin nila dad at mom?"

"For sure, ok lang naman sa kanila 'yon kasi yung prinsesa naman nila ang nag-top 1."

"Pero, sigurado ako na nag-expect din naman sila sa'yo."

"Kaso, hindi nga ako. Ano ka ba, Brylle, dapat kang matuwa dahil 'yung bestfriend mo ang nanalo." sabi ko sa kanya. Tumingin ako sa bintana ng bus para hindi na nya ako kulitin.

Pagdating sa bahay, dumiretso ako sa kwarto ko. Ayoko munang kausapin ang mommy. Saka na lang pag anjan na si dad.

Napansin kong maingay sa kabilang bahay, kaya namintana ako.

Nagkakasayahan sila, marahil nasabi na ni Lace sa family nya na sya ang valedictorian kaya, nagce-celebrate sila. Maingay ang videoke nila. Narinig ko si Lace na kumakanta ng I Will Always Love You ni Whitney Houston. Maganda ang boses ni Lace, isa sa magagandang talent nya, malamyos at mataas ang tinig, buong-buo, magaling sya sa biritan. Madalas nga sya pinapakanta sa mga school program e. Maya-maya, Tagpuan naman ang inawit nya, original song ni Moira dela Torre. Napansin ko na lang ang sarili kong nakatalungko sa bintana at nag-e-enjoy sa lamig ng kanyang boses. 

Napangiti ako nang maisip na minsan, gusto ko syang sabayang kumanta kaya lang, mas minabuti kong inisin sya kaya sinabihan ko syang boses palaka. Dahil natural na pikon sya, pinagsusuntok nya ako sa braso. Kung ayaw ko daw syang pakinggan, takpan ko daw ang tenga ko dahil maraming gustong makinig sa boses nya, na totoo naman dahil sadyang maganda ang boses nya. Nang bigla, mapatingin ako sa kabilang bahay, nandoon si General Santillan may kausap sa phone. Maya maya sinenyasan nya akong bumaba. Agad akong tumalima.

Pagbaba ko, kausap na nya si mommy at si Brylle.

"O ayan na pala si Brix e. Brix, ini-invite kayo ng tito Al nyo, maki-videoke daw kayo sa kabilang bahay."

"Sige po mom." sabi ko at sumunod na kina Brylle at tito Al.

Pagpasok namin sa kabilang bahay, lumingon sa amin si Lace na kumakanta pa rin ng My Heart Will Go On na theme song naman sa Titanic. Nagsalubong ang mga tingin namin. Nde ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng pagkailang kaya ibinaling ko kay tita Maya ang tingin ko.

"Oy, may bisita pala tayo e. Hala kumain muna kayo ng mirienda bago magkantahan." sabi niya.

"Salamat po tita". Halos sabay naming sagot ni Brylle.

"Brylle, pumili ka na ng kanta mo." sabay bumaling sya kay tita Maya as if i wasn't there. "Ma, sabi ko ayokong kumain ng chocolate cake e."

"Ay, hindi naman para sa'yo yan, kundi para sa mga bisita. Brix, sige lang kumain na, wag mahiya."

"Naku, tita nde po ako mahihiya. Ako pa." sabay tumingin ulit ako kay Lace, huling-huli ko syang nakatingin sa akin. Nde ko mabasa ang expression nya. Nag-iwas sya ng tingin.

Gusto ko sanang mag-request ng kanta pero nde na naman nya ako pinansin. Bakit ba hindi nya ako pinapansin? Lagi na lang si Brylle. Siguro may gusto sya kay Brylle. Bigla naisip kong mang-asar para makita nya ang presensya ko.

"Pahiram nga ako ng song book, ako ang kakanta. Kanina pa ako nakakarinig ng nakakarinding boses e, para maiba naman." ayun, bingo! Nakita ko ang paniningkit ng mata nya sa inis.

"Ako ba ang sinasabihan mo ng nakakarinding boses? Alam mo, ang sabihin mo, nde ka lang marunong mag-appreciate ng magandang boses kasi puro yabang lang ang alam mo!"

"Oooppss, tama na yan. Nag-uumpisa na naman kayo. Antagal ko na ring nahinto sa pagiging referee, parang awa nyo na." awat ni Brylle sa amin.

"E yan kasing kakambal mo, pumunta lang dito para mambwisit!"

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo, bawal ba yon?"

"Brix--" banta ni Brylle.

"Hanggang ngayon ba naman ganyan pa rin kayong dalawa magbangayan" sabi ni Gen. Santillan na nasa likuran na pala namin.

"Pa, bakit kasi in-invite mo pa yan. Nasira tuloy ang mood ko".

Napalunok ako. Ang totoo, takot akong asarin si Lace pag anjan si tito Al, di ko kasi alam kung ano ang gagawin nya pag naghamon na naman ng suntukan si Lace. Tumahimik na lang ako.

Maya-maya pa nagkakasayahan na kami sa pagkanta. Nang tumugtog na yung Ikaw at Ako ni Moira at Jason, nag-request si tito Al ng duet, kaya nagpresinta ako na kaming dalawa ni Lace ang kumanta sa pagkabigla ni Lace at ni Brylle. Pero no choice kasi anjan si tito Al. "No choice nga ba?" sabi ng utak ko. 

Si Lace ang unang kumanta.

Lace:  Sabi nila balang araw darating ang iyong tanging hinihiling.. At nang dumating ang aking panalangin ay hindi na maikubli..ang pag-asang nahanap ko sa iyong mga mata at ang takot kong sakali mang ika'y mawawala..At ngayon, nandiyan ka na, di mapaliwanag ang nadarama.. Handa ako sa walang hanggan, di paaasahin, di ka sasaktan.. Mula noon hanggang ngayon, Ikaw at Ako.. 

Damang-dama ko ang lyrics na kanyang inawit. Sa di ko maintindihang kadahilanan, pakiramdam ko para sa akin ang mga salitang 'yon.. 

Ako:  At sa wakas ay nahanap ko na rin ang aking tanging hinihiling.. Pangako sa'yo na ika'y uunahin at hindi na itatanggi.. Ang tadhanang nahanap ko sa'yong pagmamahal at dudulot sa pag-ibig natin na magtatagal.. 

Duet:  

At ngayon,  nandyan ka na, di mapaliwanag ang nadarama.. (Nagtama ang aming mga mata pero agad din niyang binawi ang tingin at ibinaling sa monitor ang kanyang paningin) 

Handa ako sa walang hanggan, di paaasahin, di ka sasaktan.. Mula noon hanggang ngayon, Ikaw at Ako.. 

Hinintay kong muli siyang tumingin sa akin subalit hanggang sa matapos ang aming awitin ay hindi na siya bumaling ng tingin sa akin. 

Masasabi kong ito ang pinakamagandang kanta na inawit ko dahil ka-duet ko sya. Nde ko alam kung bakit ang saya ng pakiramdam ko ng mga oras na 'yon.

Nang pauwi na kami ni Brylle, naisip kong lumingon at kausapin sya.

"Lace", nagulat sya sa pagtawag ko.

"O, bakit?" asik nya. 

Ano ba naman 'tong babaing to, nde pa nga ako nakakapagsimula ng sasabihin galit na agad ang tono. Kaya minsan, mas gusto ko na lang syang asarin kesa kausapin ng maayos. Pero nde sa pagkakataong ito. Sumeryoso ako, marahil napansin nya ang reaksyon ko kaya, "Dun tayo sa may upuan." Itinuro nya ang pahingahan sa may bandang gilid ng bahay nila. Naupo sya at sumunod ako. Pero hindi ko naman alam kung paano magsisimula. Narinig ko na lang na sinabi nya-

"Masama ba ang loob mo dahil ako ang napili nila sa school---"

"No! Ano bang sinasabi mo? Kanina ka pa sa school, tinitingnan m'ko na parang--" 

"E bakit ba nagagalit ka, tinatanong ko lang naman. Alam mo, nde talaga tayo pwedeng mag-usap nang mahinahon. Kahit kelan!" galit na rin nyang sabi kaya bigla syang tumayo. Hinawakan ko sya sa kamay para pigilan. Napapitlag sya. Maski ako, nde ko maintindihan, parang may kuryenteng dumaloy sa mga kamay namin sa simpleng pagdampi na iyon. Napatayo ako at bumitaw sa kanya. Nakatingin lang sya sa akin.

"Sorry. Hindi ako galit. Believe it or not, I think you deserve to be a valedictorian. Congratulations." sabi ko saka ako ngumiti sa kanya. Totoong ngiti iyon, tagos sa puso ko. "Sige, good night." Yun lang at umalis na ako. Gusto ko syang lingunin pa, pero nde ako handa sa kung anong reaksyon nya sa sinabi ko.

Related chapters

  • Brix & Lace: Enemies or Lovers   Chapter 3. What's With the Spark

    LACE... Hindi ako makatulog. Binabalik-balikan ko sa isip ko ang nangyari kanina lang. Totoo ba 'yon? Bakit may ganun? Sabi ni papa, ihatid ko daw sa may gate ang mga bisita. Bisita ba 'yon e si Brylle lang naman at si Brix 'yon. Pero bilang mabuting anak, sumunod naman ako kay papa. Pagkalabas nila ng gate, nagulat ako nang tawagin ako ni Brix. "Lace." "O, bakit?" asik ko, alam ko naman kasi na wala syang matinong sasabihin kaya pinangunahan ko na sya ng galit na tono. Pero may kakaiba akong nabanaagan sa kanyang mga mata. Ano yun? Nde ko masabing lungkot pero nde rin naman saya. Higit sa lahat seryoso sya. Kaya minabuti ko nang kausapin sya ng maayos. "Dun tayo sa may upuan." niyaya ko sya sa may pahingahan sa may gilid ng bahay namin. Naupo ako at sumunod naman sya. Pero nde naman sya nagsasalita kaya naisip kong itanong yung kanina ko pa gustong itanong sa kanya sa school pa lang. "Masama ba ang loob mo dahil ako ang napili nil

    Last Updated : 2021-09-07
  • Brix & Lace: Enemies or Lovers   Chapter 1: Mortal Enemy No. 1

    LACE... "Oh shit!!" Laking gulat ko nang buksan ko ang locker ko. "Brix!! Lagot ka talaga sa akin pag nakita kita!!", nanggagalaiti kong sigaw. Halos maputol na ang litid ko sa pagsigaw. "Oy, Lace, bakit naka-megaphone ka na naman?" Sabi ni Jas, ang bestfriend ko since grade one. "Bwisit talaga yang Brix na yan, akalain mong lagyan ng dagang costa 'tong locker ko, aatakihin ako sa puso sa kagagawan ng lalaking 'yon e." "How sure ka naman na sya ang naglagay nyan?" "Hello, sino pa ba? Alam naman nating lahat na sya lang ang makakagawa nito sa akin!" Si Andrei Brix Alarcon, ang most hate kong nilalang. Marahil sadyang itinadhana kaming magkaaway, dahil halos sabay kaming nabuo at nag-exist sa mundo. Sabay kaming ipinanganak ng February 14, 1988, nauna lang sya, I mean sila (ng kambal nyang si Andrew Brylle) ng limang oras. Pero sa halip na LOVE ang isaboy namin sa isa't isa, WAR ang tuwina'y ibinibigay namin sa isa't isa. Idagdag pan

    Last Updated : 2021-09-06

Latest chapter

  • Brix & Lace: Enemies or Lovers   Chapter 3. What's With the Spark

    LACE... Hindi ako makatulog. Binabalik-balikan ko sa isip ko ang nangyari kanina lang. Totoo ba 'yon? Bakit may ganun? Sabi ni papa, ihatid ko daw sa may gate ang mga bisita. Bisita ba 'yon e si Brylle lang naman at si Brix 'yon. Pero bilang mabuting anak, sumunod naman ako kay papa. Pagkalabas nila ng gate, nagulat ako nang tawagin ako ni Brix. "Lace." "O, bakit?" asik ko, alam ko naman kasi na wala syang matinong sasabihin kaya pinangunahan ko na sya ng galit na tono. Pero may kakaiba akong nabanaagan sa kanyang mga mata. Ano yun? Nde ko masabing lungkot pero nde rin naman saya. Higit sa lahat seryoso sya. Kaya minabuti ko nang kausapin sya ng maayos. "Dun tayo sa may upuan." niyaya ko sya sa may pahingahan sa may gilid ng bahay namin. Naupo ako at sumunod naman sya. Pero nde naman sya nagsasalita kaya naisip kong itanong yung kanina ko pa gustong itanong sa kanya sa school pa lang. "Masama ba ang loob mo dahil ako ang napili nil

  • Brix & Lace: Enemies or Lovers   Chapter 2 Operation: Getting Slim

    LACE... "Lace, may dala ang papa mong chocolate cake dyan sa ref, kumuha ka na lang." "Nandito si papa? Bakit di mo'ko ginising agad, ma?" pagmamaktol ko. Every two weeks lang kung umuwi si papa, o kung minsan inaabot pa ng buwan. Kaya naman pag ganung umuwi sya, gusto ko salubungin ko sya kasi siguradong matutulog na sya. Masyadong busy si papa sa work nya, bilang heneral, sa Davao sya ngayon nakadestino dahil sa di magandang nangyayari ngayon sa Mindanao. At sa ganitong pagkakataon lang sya nakakapagpahinga, kapag umuwi sya sa amin. Sobrang miss na miss ko na si papa. "Ayaw ka na ipagising ng papa mo e. Sinilip ka nya sa kwarto mo, ang sarap daw ng tulog mo. Mamaya susunduin ka na lang daw nya sa school tapos mamasyal daw tayo, manonood ng sine, o di kaya'y kakain sa labas." "Ma, pwede ba dito na lang tayo sa bahay, mag-videoke na lang tayo o dito na lang tayo manood ng movie." "Bakit? Ayaw mo ba lumabas kasama ang papa mo?" "Kas

  • Brix & Lace: Enemies or Lovers   Chapter 1: Mortal Enemy No. 1

    LACE... "Oh shit!!" Laking gulat ko nang buksan ko ang locker ko. "Brix!! Lagot ka talaga sa akin pag nakita kita!!", nanggagalaiti kong sigaw. Halos maputol na ang litid ko sa pagsigaw. "Oy, Lace, bakit naka-megaphone ka na naman?" Sabi ni Jas, ang bestfriend ko since grade one. "Bwisit talaga yang Brix na yan, akalain mong lagyan ng dagang costa 'tong locker ko, aatakihin ako sa puso sa kagagawan ng lalaking 'yon e." "How sure ka naman na sya ang naglagay nyan?" "Hello, sino pa ba? Alam naman nating lahat na sya lang ang makakagawa nito sa akin!" Si Andrei Brix Alarcon, ang most hate kong nilalang. Marahil sadyang itinadhana kaming magkaaway, dahil halos sabay kaming nabuo at nag-exist sa mundo. Sabay kaming ipinanganak ng February 14, 1988, nauna lang sya, I mean sila (ng kambal nyang si Andrew Brylle) ng limang oras. Pero sa halip na LOVE ang isaboy namin sa isa't isa, WAR ang tuwina'y ibinibigay namin sa isa't isa. Idagdag pan

DMCA.com Protection Status