Home / Romance / Brix & Lace: Enemies or Lovers / Chapter 1: Mortal Enemy No. 1

Share

Brix & Lace: Enemies or Lovers
Brix & Lace: Enemies or Lovers
Author: AnäLeRïeYeäN

Chapter 1: Mortal Enemy No. 1

Author: AnäLeRïeYeäN
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

LACE...

"Oh shit!!" Laking gulat ko nang buksan ko ang locker ko. "Brix!! Lagot ka talaga sa akin pag nakita kita!!", nanggagalaiti kong sigaw. Halos maputol na ang litid ko sa pagsigaw.

"Oy, Lace, bakit naka-megaphone ka na naman?" Sabi ni Jas, ang bestfriend ko since grade one.

"Bwisit talaga yang Brix na yan, akalain mong lagyan ng dagang costa 'tong locker ko, aatakihin ako sa puso sa kagagawan ng lalaking 'yon e."

"How sure ka naman na sya ang naglagay nyan?"

"Hello, sino pa ba? Alam naman nating lahat na sya lang ang makakagawa nito sa akin!"

Si Andrei Brix Alarcon, ang most hate kong nilalang. Marahil sadyang itinadhana kaming magkaaway, dahil halos sabay kaming nabuo at nag-exist sa mundo. Sabay kaming ipinanganak ng February 14, 1988, nauna lang sya, I mean sila (ng kambal nyang si Andrew Brylle) ng limang oras. Pero sa halip na LOVE ang isaboy namin sa isa't isa, WAR ang tuwina'y ibinibigay namin sa isa't isa. Idagdag pang, ipinanganak kami sa ilalim ng year of the dragon, kaya mala-dragon kami kung mag-away, pareho kaming bumubuga ng apoy sa galit.

Naalala ko pa nga nung maliliit pa kami, gumugulong pa kami sa putikan kung mag-away, at batuhan ng kung anu-anong mahawakan. 

Unlike him, his twin Brylle is like a best friend and a brother to me. Lagi syang in between o kundi man nakakampi sa akin everytime na nag-aaway kami. Opposite kasi sila ng ugali. Kung mapang-asar, pikon, masungit, suplado, at un-gentleman ang tingin ko kay Brix, si Brylle naman ay gentle, mabait, maalalahanin, masiyahin at mapagbigay.

Though, physically, pareho silang gwapo. Syempre identical sila e, singkit (dahil may lahing Chinese ang mommy nila), maputi, matangos ang ilong, may mapupula at maninipis na mga labi at matikas pumorma. Pareho din silang may biloy sa magkabilang pisngi, pero dahil suplado nga si Brix, bihira mong makita ang kanyang dimples maliban na lang kung mapangiti mo sya. At kahit identical sila, kilalang kilala ko kung sino ang Brix at sino ang Brylle.

Parehong sundalo ang papa ko at ang daddy nila, naging mag-bestfriend nung nagte-training pa lang sila sa Baguio hanggang sa maka-graduate sila. Nang magpakasal sila pareho, naging magkakaibigan na rin pati ang mama ko at mommy nila, lalo na nang makabili sila ng magkatapat na house & lot sa Cavite. Bank manager ang mama ko habang may sariling clothing business naman ang mommy nila. Kahit magkaibigang matalik ang parents namin, kahit ninang ko pa ang mommy nya at ninong nya ang papa ko, kaming dalawa, mortal enemy no.1. 

BRIX...

Parang nakikita ko na ang reaksyon ni Lace pagbukas nya ng locker. Nilagyan ko kasi 'to dagang costa, alam na alam kong hate nya ang mga daga. Naiinis kasi ako sa kanya. Napaka-arte.

Kaninang umaga pagsakay namin sa service naming school bus, ayaw nyang tumabi sa akin kahit 'yung pwesto ko na lang ang natitirang available seat sa bus. Umakto pa siyang diring-diri sa akin habang nagpupumilit makipagpalit ng upuan sa isang classmate namin.

Tatluhan ang upuan ng service, at sinadya kong umupo sa gitna habang si Bryle sa dulo dahil alam kong sya ang huling sasakay. Mabagal kasing kumilos kaya laging sya ang nahuhuli. Gusto ko talaga syang inisin kaya ginusto ko ring makatabi sya. Ewan ko ba, kakaibang kasiyahan ang nararamdaman ko sa tuwing binubwisit ko sya. Mula kasi pagkabata bad trip na kami sa isa't isa kaya normal na sa akin ang galitin sya. Napakaboring ng buhay kapag hindi ko sya nabuska ng isang araw.

Si Alicia Mae Santillan, ang spoiled brat at pinaka-maarteng babae sa mundo ko. Ah, pinaka-astig at brusko din dahil akala mo lalaki kung makasuntok. Ilang beses na ba nya akong nasuntok? Na kusa kong pinagbibigyan dahil babae sya, pero gumaganti ako sa ibang paraan. Mag-kaibigan ang pamilya namin, pero para sa akin, siya ang pinakamatindi kong kaaway. Bakit nde, laging sya ang dahilan kung bakit ako nasesermonan ng parents ko. Sya din ang dahilan kung bakit nagagalit sa akin ang kakambal kong si Brylle. Sya pa rin ang dahilan kung bakit ako nagsusuplado. 

Ewan ko ba. Maganda naman sya, chubby nga lang. Maputi sya na namana nya sa mama nyang mestisa (dahil may lahing kastila). Matangos ang ilong, may katamtaman at mapupulang labi. Mahaba ang alon-along buhok na lagi nang nakapusod. Matangkad, sa madaling salita, malaking babae sa edad naming onse. Pareho kaming graduating ng grade six. Pati sa grades, magkakumpetensya kami. Nde lang ako nagpapalamang sa kanya, ang lagay lagi na lang sya ang panalo. Pinagbibigyan ko na nga siya sa suntukan e. Gaya ngayon..

"Hoy, Brix! Bakit mo nilagyan ng daga ang locker ko ha?"

"Ako?? Teka,"

"Maang-maangan ka pa, lika dito sapakan tayo. Porke't alam mong takot ako sa daga, suntukan na lang, gusto mo?"

"Hoy, oink oink. Tumigil ka nga ha. Nananahimik ako dito. Nag-re-review ako para sa quiz mamaya, pagbibintangan mo'ko ng kung ano.."

"Aba't--. Sinong oink oink ha, halika dito nang makatikim ka." nanggigigil na talaga sya sa akin at pinipilit kong wag matawa dahil nakaisa ako sa kanya. 

"Lace, tama na. Ano na naman ba yan, Brix? Wala ka ba talagang gagawing matino kay Lace?" ani Brylle.

"Bakit ba, tol? Ano ba’ng ginawa ko? Nakita mo naman nag-aaral ako, sya 'tong basta na lang susugod dito at maghahamon ng away."

Napailing na lang si Brylle. "Tara, Lace. ‘Wag mo na pag-aksayahan ng panahon ang taong yan. Sayang ang effort mo." Alam nya kasi na kahit anong gawin ni Lace, hindi ako aamin sa kalokohan ko. 

Hinila na lang nya si Lace, na walang magawa kundi ang sumunod na lang, but there's a look in her face saying "May araw ka din sa'kin!" na ipinagkibit-balikat ko lang.

"Class, our lesson for today is about the basic physical changes among adolescents during puberty. Can you please give an example, Ms. Santillan."

"Of course ma'am. Most of us experience getting taller. For women, our menstruation period begins and our breasts started to get bigger."

"Very good, Ms. Santillan," sabi ng teacher namin.

I raise my hand to add something. "Yes, Mr. Alarcon."

"Ma'am, Ms. Santillan mentioned about her breasts getting bigger, but I can't see any of those. I'm just curious, maybe she meant her body getting bigger and bigger." Nagtawanan ang buong klase dahil sa sinabi ko. Pagtingin ko kay Lace, halos magbuga na ng apoy ang mga mata nya sa galit sa'kin.

"Mr. Alarcon, we have no time for jokes here. What you said is very offensive, Im so disappointed in you, knowing you even top in this class."

"Oh, I'm sorry ma'am," mahina kong sabi. "Nasapol ako dun a." naisip ko.

"You should apologized to Ms. Santillan, not to me."

"Yes ma'am. Sorry Lace, peace." Nag-peace sign pa ako. Pero sa halip na tanggapin ang sorry ko, inambahan nya ko ng suntok at saka matalim na tiningnan.

"Enough! Let's continue our discussion. Other changes everyone, aside from what Ms. Santillan has mentioned. Yes, Mr. Alarcon. Please do it right, this time."

"I'm really sorry, ma'am. I just want to add, among other things, our hair grows in the armpits, legs and on between our legs."

"Okay. Yes, Mr. Alarcon, the other Alarcon."

"Ah ma'am, we started to have modulated voice, adam's apple, sweaty armpits, and some even easy to get pimples."

"Excellent. What all of you have mentioned are all correct. Those are what adolescents encounter during puberty. And why does it happen? Anyone please? Yes, Ms. Santillan."

"It happens because of hormonal changes that activates during puberty."

"Correct. Aside from that, it is also because of the increase in the reproduction of what we call "sex hormones" in our body. And what are these sex hormones?"

Si Lace na naman ang nagtaas ng kamay. Gusto ko pa sanang magparticipate sa discussion kaya lang na-badtrip na ako, napahiya kasi ako sa buong klase sa halip na si Lace sana ang gusto kong ipahiya. Nakarma ata ako this time.

"Yes, aside from Ms. Santillan. Is there anyone other than Ms Santillan & Mr. Alarcon's in this class? Yes, Ms. Atienza."

"Estrogen in girls and testosterone in boys." sagot ni Jas.

"Thank you, Ms. Atienza."

Nagpatuloy pa ang discussion hanggang sa magbigay na ng homework si Mrs. Cardinal. Nagmamadali akong lumabas after ng klase.

Ayokong magpang-abot kami ni Lace, sigurado akong magwawala sya sa galit dahil sa nangyari. Pumuwesto ako sa pinakadulong bahagi ng school bus at nagkunwaring tulog para makaiwas sa kanya pero pagsampa nya pa lang ng bus sumigaw na sya.

"Hoy Brix na mayabang. Wag kang magtago dyan!" Nagmamadali syang tumungo sa kinaroroonan ko at hinila ang polo ko.

"Ano bang problema mo?" kunwa'y tanong ko.

"Anong problema ko? Wow," pa-sarcastic syang ngumiti saka sinabing. "Ikaw! Ikaw, ano ba talagang problema mo sa'kin, huh? Inaano ka ba ng katawan ko ha? Alam ko type mo 'yung mga slim at sexy. So what? Ano bang pakialam ko!! Eh hindi rin naman kita type!"

Pinagmamasdan ko sya habang sinasabi nya 'yon. May kumudlit sa konsensya ko nang mabanaagan ko ang luhang pinipigilan nya, pero nangilid sa mga mata niya. Nagpatuloy sya. "Kapag ako naging sexy, hu u ka talaga sa akin!" saka nya ako pabalyang binitiwan.

Nagmamadali syang tumungo sa may pinto ng bus at sinabi "Kuya Jess, hindi po ako sasabay, magko-commute na lang po ako, salamat po".

"Teka Lace, alam ba'to ng magulang mo?" Dumiretso sya ng baba ng bus, pero hinabol sya ni Brylle. Tiningnan ko lang sila. Habang papalayo ang service naming, kitang-kita ko sa bintana nang yakapin sya ni Brylle. May kung anong kumurot sa puso ko sa eksenang 'yon. Pakialam ko ba sa kanila. Eh, bakit parang apektado ako sa nangyari!

BRYLLE...

"Lace, wait san ka pupunta?" habol ko sa kanya.

"Brylle, pupunta ako sa opisina ng mama ko. Bumalik ka na dun sa service."

"Samahan na kita. Ok ka lang ba?"

"Ok lang ako. Sige na bumalik ka na do'n." 

Alam kong hindi sya ok kaya, hinila ko sya at niyakap. "Brylle, ano ba?" pagpupumiglas nya pero hinapit ko sya nang mahigpit. Naramdaman kong nabasa ang polo ko mula sa mga luha nya. Umiiyak sya? Ngayon ko lang nakitang umiyak si Lace nang dahil kay Brix. Matapang ang personality nya para mapaiyak sya ni Brix ng ganito. Ibig sabihin, sobra syang nasaktan sa mga ginawa ni Brix. Shit, Brix! Lagot ka mamaya, isusumbong talaga kita kay dad at mom. Pinaiyak mo ang munti naming prinsesa.

My parents adore her so much. Palibhasa wala akong kapatid na babae kaya itinuturing si Lace na prinsesa sa pamilya namin. At sa mga ganitong pagkakataon, hindi ikinatutuwa ng parents kong masaktan ang munti naming prinsesa.

Mula pagkabata, close na kami ni Lace, unlike Brix, masyado akong attached sa kanya, na gusto ko syang protektahan sa kahit anong paraan. Malambing kasi si Lace, nde ko nga lang mawari kung bakit hindi 'yon nakikita ni Brix. Bukod sa maganda na at matalino. Well, medyo chubbby sya, pero I find it cute sa kanya na lagi namang ipinipintas ni Brix sa kanya na nauuwi sa away. Lagi na lang silang nagbabangayan kahit na sa simpleng bagay lang. Na kadalasan, si Brix ang nag-uumpisa. Kaya akala ko sanay na si Lace sa pang-aasar ni Brix, pero bakit napaiyak sya ngayon?

"Lace, gusto mo bang pumunta sa isang lugar na tahimik, pwede kitang samahan." naisip kong itanong kasi pakiramdam ko, gusto nyang makapag-isip.

"Salamat Brylle. Gusto kong pumunta sa park."

Sinamahan ko nga sya sa park. Bumili ako ang ice cream, ibinigay ko sa kanya.

Tahimik lang sya the whole time. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nya. Pero hindi na sya umiiyak gaya kanina. Umuwi din kami agad pagkalipas ng halos tatlong oras.

"Brix, pinaiyak mo daw si Lace kanina. Hindi ko maintindihan kung bakit ginagawa mo 'yun sa kanya. Ano ba ang napapala mo sa halos araw-araw na pakikipagbangayan mo sa kanya. Mabuti pa si Brylle---"

"Mom, si Brylle na naman. Pasikat ka talaga Brylle e, kahit kailan."

"Pwede ba, Brix. You're not a toddler anymore, kaya umayos ka. At wag mo sisihin ang kapatid mo, sinasabi nya ang kung anong maling nakikita nya sa'yo. Matalino ka naman, sana gamitin mo 'yung katalinuhan mo. Besides, Lace is a family. She's like your kid sister."

"She's not my sister! She will never be, because I won't allow it!" saka nya tinalikuran si mommy.

"Brix! Come back here, I'm not done with you." Pero dire-diretso lang 'tong umakyat ng hagdan.

Related chapters

  • Brix & Lace: Enemies or Lovers   Chapter 2 Operation: Getting Slim

    LACE... "Lace, may dala ang papa mong chocolate cake dyan sa ref, kumuha ka na lang." "Nandito si papa? Bakit di mo'ko ginising agad, ma?" pagmamaktol ko. Every two weeks lang kung umuwi si papa, o kung minsan inaabot pa ng buwan. Kaya naman pag ganung umuwi sya, gusto ko salubungin ko sya kasi siguradong matutulog na sya. Masyadong busy si papa sa work nya, bilang heneral, sa Davao sya ngayon nakadestino dahil sa di magandang nangyayari ngayon sa Mindanao. At sa ganitong pagkakataon lang sya nakakapagpahinga, kapag umuwi sya sa amin. Sobrang miss na miss ko na si papa. "Ayaw ka na ipagising ng papa mo e. Sinilip ka nya sa kwarto mo, ang sarap daw ng tulog mo. Mamaya susunduin ka na lang daw nya sa school tapos mamasyal daw tayo, manonood ng sine, o di kaya'y kakain sa labas." "Ma, pwede ba dito na lang tayo sa bahay, mag-videoke na lang tayo o dito na lang tayo manood ng movie." "Bakit? Ayaw mo ba lumabas kasama ang papa mo?" "Kas

  • Brix & Lace: Enemies or Lovers   Chapter 3. What's With the Spark

    LACE... Hindi ako makatulog. Binabalik-balikan ko sa isip ko ang nangyari kanina lang. Totoo ba 'yon? Bakit may ganun? Sabi ni papa, ihatid ko daw sa may gate ang mga bisita. Bisita ba 'yon e si Brylle lang naman at si Brix 'yon. Pero bilang mabuting anak, sumunod naman ako kay papa. Pagkalabas nila ng gate, nagulat ako nang tawagin ako ni Brix. "Lace." "O, bakit?" asik ko, alam ko naman kasi na wala syang matinong sasabihin kaya pinangunahan ko na sya ng galit na tono. Pero may kakaiba akong nabanaagan sa kanyang mga mata. Ano yun? Nde ko masabing lungkot pero nde rin naman saya. Higit sa lahat seryoso sya. Kaya minabuti ko nang kausapin sya ng maayos. "Dun tayo sa may upuan." niyaya ko sya sa may pahingahan sa may gilid ng bahay namin. Naupo ako at sumunod naman sya. Pero nde naman sya nagsasalita kaya naisip kong itanong yung kanina ko pa gustong itanong sa kanya sa school pa lang. "Masama ba ang loob mo dahil ako ang napili nil

Latest chapter

  • Brix & Lace: Enemies or Lovers   Chapter 3. What's With the Spark

    LACE... Hindi ako makatulog. Binabalik-balikan ko sa isip ko ang nangyari kanina lang. Totoo ba 'yon? Bakit may ganun? Sabi ni papa, ihatid ko daw sa may gate ang mga bisita. Bisita ba 'yon e si Brylle lang naman at si Brix 'yon. Pero bilang mabuting anak, sumunod naman ako kay papa. Pagkalabas nila ng gate, nagulat ako nang tawagin ako ni Brix. "Lace." "O, bakit?" asik ko, alam ko naman kasi na wala syang matinong sasabihin kaya pinangunahan ko na sya ng galit na tono. Pero may kakaiba akong nabanaagan sa kanyang mga mata. Ano yun? Nde ko masabing lungkot pero nde rin naman saya. Higit sa lahat seryoso sya. Kaya minabuti ko nang kausapin sya ng maayos. "Dun tayo sa may upuan." niyaya ko sya sa may pahingahan sa may gilid ng bahay namin. Naupo ako at sumunod naman sya. Pero nde naman sya nagsasalita kaya naisip kong itanong yung kanina ko pa gustong itanong sa kanya sa school pa lang. "Masama ba ang loob mo dahil ako ang napili nil

  • Brix & Lace: Enemies or Lovers   Chapter 2 Operation: Getting Slim

    LACE... "Lace, may dala ang papa mong chocolate cake dyan sa ref, kumuha ka na lang." "Nandito si papa? Bakit di mo'ko ginising agad, ma?" pagmamaktol ko. Every two weeks lang kung umuwi si papa, o kung minsan inaabot pa ng buwan. Kaya naman pag ganung umuwi sya, gusto ko salubungin ko sya kasi siguradong matutulog na sya. Masyadong busy si papa sa work nya, bilang heneral, sa Davao sya ngayon nakadestino dahil sa di magandang nangyayari ngayon sa Mindanao. At sa ganitong pagkakataon lang sya nakakapagpahinga, kapag umuwi sya sa amin. Sobrang miss na miss ko na si papa. "Ayaw ka na ipagising ng papa mo e. Sinilip ka nya sa kwarto mo, ang sarap daw ng tulog mo. Mamaya susunduin ka na lang daw nya sa school tapos mamasyal daw tayo, manonood ng sine, o di kaya'y kakain sa labas." "Ma, pwede ba dito na lang tayo sa bahay, mag-videoke na lang tayo o dito na lang tayo manood ng movie." "Bakit? Ayaw mo ba lumabas kasama ang papa mo?" "Kas

  • Brix & Lace: Enemies or Lovers   Chapter 1: Mortal Enemy No. 1

    LACE... "Oh shit!!" Laking gulat ko nang buksan ko ang locker ko. "Brix!! Lagot ka talaga sa akin pag nakita kita!!", nanggagalaiti kong sigaw. Halos maputol na ang litid ko sa pagsigaw. "Oy, Lace, bakit naka-megaphone ka na naman?" Sabi ni Jas, ang bestfriend ko since grade one. "Bwisit talaga yang Brix na yan, akalain mong lagyan ng dagang costa 'tong locker ko, aatakihin ako sa puso sa kagagawan ng lalaking 'yon e." "How sure ka naman na sya ang naglagay nyan?" "Hello, sino pa ba? Alam naman nating lahat na sya lang ang makakagawa nito sa akin!" Si Andrei Brix Alarcon, ang most hate kong nilalang. Marahil sadyang itinadhana kaming magkaaway, dahil halos sabay kaming nabuo at nag-exist sa mundo. Sabay kaming ipinanganak ng February 14, 1988, nauna lang sya, I mean sila (ng kambal nyang si Andrew Brylle) ng limang oras. Pero sa halip na LOVE ang isaboy namin sa isa't isa, WAR ang tuwina'y ibinibigay namin sa isa't isa. Idagdag pan

DMCA.com Protection Status