Share

Kabanata 4

Kabanata 4

KEENO'S jaw clenched hardly when he saw the most recent chat he received. Gusto niyang magmura nang malutong ngunit nang madinig niya ang pagbukas ng pinto sa kanyang opisina, wala na siyang nagawa kung hindi ang huminga nang malalim at kalmahin ang sarili.

He knew he should never let his emotions get on the way again. The last time he let it, he ended up getting so fucked up.

Tumikwas pataas ang sulok ng kanyang mga labi at ang kaninang galit na ekspresyon ay napalitan ng mahinahon nang magtama ang mga mata nila ng kanyang kapatid na si Krei.

"Long time no see. Someone's busy with his ranch, huh?" Anas niya kasabay ng pagtaob niya ng kanyang phone sa mesa.

Ngumisi ang kapatid niyang si Krei. Nakapamulsa itong naglakad patungo sa harap ng kanyang mesa saka pabagsak na inupo ang sarili sa bakanteng upuan.

"Yeah. I just finished the expansion. Sa susunod na linggo idedeliver na ang mga kabayo." Krei whistled. "Can't wait to go on a race with you."

Hindi naiwasang makadama ng kaunting selos ni Keeno. Buti pa ito, nabigyan na ng kalayaang magawa ang gusto. Their father really listens to their oldest brother, Kon. Ilang taon nang nagtatalo si Krei at ang kanilang ama dahil gusto nang umalis ni Krei sa kumpanya, ngunit dahil mahirap kumbinsihin ang kanilang ama, noong isang buwan lamang nakuha ni Krei ang kanyang kalayaan.

Keeno rested his back on his swivel chair. He noticed the glow on Krei's eyes and he can easily tell how much Krei is enjoying his freedom while him, being the second of the oldest Ducani, knew he will never have such liberty. He is destined to be here, being his older brother's puppet, signing contracts on his behalf.

Tanggap niya. Matagal na niyang naisiksik sa kanyang isip na iyon ang papel niya sa pamilyang ito, ngunit minsan ay naiisip pa rin niya kung paanong nagawang patayin ng kanilang ama ang mga sarili niyang pangarap.

Well who is he to demand for a chance to chase his dreams, right? Even if Kon is called "the shadow", Keeno thinks that term fits better to him.

Siya ang tunay na anino. Siya ang tunay na walang tinig.

He sighed silently before forcing another smile. Magaling din siyang magpanggap. Maging ang sarili niya nga ay naloloko niya na gusto niya ang buhay na ito at masaya siya kung sino siya ngayon.

"Maybe I can pay your ranch a visit soon. Alam mo na, kapag hindi na abala."

Krei jerked his head up. "Si kuya asan?"

"He's having a meeting with the Australian investors."

"Himala hindi ka bitbit?" Biro nito.

Ngumisi siya. "Kaya niya na 'yon. He's finally out, remember?"

"Yeah." Krei rolled the tip of his tongue between his parted lips. Sandali itong natahimik at tila nag-isip. "Junaira saw your shots before. She's wondering if you'd want to join the benefit auction and exhibit of her friend. Kami na ang bahalang magpa—"

"Thanks but please don't touch my camera." Seryoso niyang putol sa kapatid at agad iniwas ang tingin. "Y—You know Dad. If he finds out I still keep it he will surely get rid of it."

"Pero kuya, don't you think it's time for you to come out of your shell?"

Peke siyang tumawa at tinitigan itong muli. "What shell?"

Naging makahulugan ang tingin ni Krei, tila ba sinasabi sa kanyang hindi niya kailangang magsinungaling dito ngunit nanindigan siya. Besides, masaya siya hindi ba? May silbi siya. That's all that matters.

"This family's standard of success." Krei answered in a low tone.

He knows. Hindi na kailangan pang sabihin ni Krei. Alam na alam niya kung ano ang batayan ng kanilang ama sa pagsukat ng tagumpay. If you aren't being successful as a businessman, then you are not successful in his eyes. Si Keios ngang tinitingala na ng mundo, talunan pa rin ang pakiramdam kapag kaharap ang kanilang ama, paano pa kaya siya kung sakali?

"Those photos are just products of boredom, Krei. Iba ang hobby sa career."

Napabuntong hininga si Krei. "When will you realize that you can have a hobby and a career at the same time?"

"Krei..."

"Fine, fine." He sighed. "I almost forgot that you are the epitome of a perfect Ducani."

"If you came here to insult me again, sorry but we both know it'll never work."

Umismid ito. "Kailan ka ba kasi napikon?"

Maraming beses na, ngunit sadyang magaling lang siya sa pagkikimkim. No one is ready for that kind of conversation anyway. He doesn't want to be toxic to anyone, too so he'd rather keep his thoughts to himself.

"Anyway, hindi rin ako magtatagal. Dumaan lang ako to check on you and to ask about your shots." Tumayo ito at muling binulsa ang mga palad sa itim na pantalon. "Kung magbago ang isip mo, tawagan mo agad ako. Next month pa naman ang exhibit."

He just simply jerk hid head up. Kahit naman magbago ang isip niya, hindi pa rin pwede. His talent, no matter how good people think he is, will always be useless to the only person whom he wanted to impress.

When Krei left, it didn't take long before he received another chat. This time, mula na sa taong ginagamit ang nakaraan niya para makasama siya.

He breathed out in a frustrating way. He doesn't do dates but if it's the only way to find out what this woman really knows about him, fine. Nagtipa siya ng dalawang letrang tugon at pabalang na nilapag ang kanyang cellphone sa mesa.

"OK." 

Bahagyang natawa si Honey nang matanggap ang reply ni Keeno. Madali naman pala itong kausap kapag ginipit. Hindi na niya ito kailangang gilingan pa at idaan sa libog para magawa niya ang kanyang plano. Kung alam niya lang noong umpisa pa lang, hindi sana nasayang ang efforts niya.

"Hay, Keeno Ducani." She stared at her newly polished fingernails. "Sadly your past will just keep on haunting you until you learn to face it. Tsk tsk. Hindi talaga lahat ng bagay natututunan sa eskwelahan but don't worry, ako ang magtuturo no'n sayo pati sa lintik mong sekretarya."

Her fists clenched as she pictured out Hayriss' face again. Sumiklab na naman ang galit niya para rito ngunit nang maisip na nagsisimula na niyang malaro si Keeno sa kanyang palad, nananalo ang kanyang tuwa.

Pinakawalan niya ang hangin sa kanyang dibdib saka matipid na ngumiti. Ang mga mata niya ay bumagsak sa mga larawang nagkalat sa mesa. Kinuha niya ang isa sa mga ito at lalong nilawakan ang kurba sa mga labi.

"Don't worry. You will surely benefit on their fall." Mahina niyang anas habang nakatitig sa pares ng mga mata sa larawang pakiramdam niya, nakatingin din pabalik sa kanya.

HONEY can't help but suppress her laugh when she noticed Keeno's irritation. Paano ay sa pinaka-hindi mataong bahagi ng sinehan niya ito hinatak at ang pinili niya pang panoorin ay isang pelikulang R18 ang tema.

Keeno sighed when they finally settled on their seat. "This is very inappropriate for a first date, Honey." Halatang badtrip nitong sabi.

She smiled teasingly. Sinadya niyang ilapit nang maigi ang katawan dito, sinigurong hahaplos ang kanyang dibdib sa matipuno nitong braso.

"Don't worry. We'll go wilder on the next date." She whispered seductively. 

When she felt him stiffened, nagdiwang ang puso niya. Gusto niya itong tawanan lalo nang mapansin niya ang mariing pag-igting ng panga nito at halatang pilit na kinokontrol ang sarili.

"I will only go on a second date if you'll tell me what you really know about me."

Napakalapit ng kanyang mukha sa sulok ng mukha ni Keeno kaya nang magsalita ito at biglang humarap sa kanya, biglang nagwala ang dibdib niya dahil kumiskis ang tungki ng matangos nitong ilong sa kanyang pisngi.

Napawi ang kanyang ngiti at ang mga mata ni Keeno, tila hinigop ang lakas niya. Jesus, this feels like a trap. His face is so close that she can already feel her cheeks slowly turning red. The lights that are kissing the side of his face gave him a dramatic look. Tila isang eksena sa isang palabas kung saan unti-unting lalapat ang mga labi ng mga bida sa isa't-isa, ngunit bago pa mapunta roon, tumikhim na si Keeno at umayos ng upo.

Nakaramdam ng inis si Honey. Nakakainis! Wala ba talaga siyang matinding epekto rito at kung mapairal nito ang pagiging maginoo sa kanya, tila pinaparamdam sa kanyang kulang ang alindog niya para mapigtas ang pasensya nito?

She mentally cursed herself. Binaling niya ang tingin sa palabas at nag-isip kung papaano niya pa ba malalaro si Keeno nang hindi siya ang nabibwisit, ngunit ewan. Nang maglaro sa kanyang ilong ang panlalake nitong pabango ay parang nawala na naman sa katinuan ang kanyang isip. Muli niya itong tinignan at alam niyang sa sulok ng mata nito ay nakita nitong bahagyang nakaawang ang kanyang mga labi.

She didn't do it on purpose, tho, but Keeno cursed in a breathy way and gazed back at her. She almost held her breath when desire twinkled in his eyes, but when he lifted his hand to the side of her face and gently stroke his thumb on her lower lip, she shuddered with the need for more.

"Don't play with me, Honey. If you know enough about me, then you should already have an idea how bad I handle my temper once I lose control." His eyes darkened as he pushed her lower lip down in a controlled manner. 

"I don't show chivalry in bed...in case you missed that part about me."

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Rose Anthonette Mara Calagos
Pano po magkakagems
goodnovel comment avatar
Rose Anthonette Mara Calagos
Series 4 sya sa watty po dba??
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status