Share

Kabanata 10

Kabanata 10

PANAY ang sulyap ni Keeno sa kanyang phone habang nagrereview ng mga bagong contracts. Their expansions in Sydney need his full attention but right now, his focus keeps drifting back to that night he shared with Honey.

Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi ba dapat babae ang nakakadama ng kakaibang attachment pagkatapos ibigay sa lalake ang pagkabirhen nito? Bakit parang siya pa itong winasak at hindi mapakali?

Palibhasa tatlong araw na siyang hindi tinatawagan ni Honey mula nang umalis ito ng bahay niya. Hindi niya maintindihan kung bakit parang iritable ito nang makita si Hayriss. Nagpaalam itong uuwi na at humalik pa nga sa kanyang mga labi na akala mo may relasyon sila pero nang mag-insist siyang ihahatid ito, hindi siya pinayagan.

He sighed and flipped his phone when the door opened. Pumasok ang kanyang sekretarya dala ang kape na ipinabili niya pati na ang mga panibagong papeles na itatambak na naman sa trabaho niya ngayong araw.

Hayriss looked at him in a cold manner bago nito nilapag ang kape sa kanyang mesa. "Sugar-free just like how you like your coffee."

Hindi niya ito tinignan. Tutok ang mga mata niya sa papeles nang damputin niya ang baso. "Thanks." He took a sip and placed the cup back to his table. "Review my schedule."

Nagsimula itong basahin ang kanyang schedule ngunit pansin niyang malamig ang tinig nito. Well, he doesn't care anyway. Sa isip-isip niya ay masama lamang siguro ang timpla nito gaya ng mga nakaraang araw.

Nang matapos basahin ni Hayriss ang schedule ay tumikhim ito at humakbang palapit sa kanya. Nilapag nito ang tab sa mesa saka nito malanding hinagod ang kamay sa kanyang batok.

"You don't have any dinner meeting today, boss. Wanna crash at my place? I got some—"

"I already made plans that's why I turned down the Punzalans' dinner invitation." Seryosong ani ni Keeno.

Halatang nadismaya si Hayriss dahil natigilan ito at nang umayos ng tindig matapos siyang bitiwan, padabog nitong dinampot ang tab. "Do you still need anything from me?"

Kumunot ang noo ni Keeno. Inangat niya ang kanyang tingin dito at seryoso itong sinalubong sinalubong ang galit nitong titig. "Nakakalimutan mo yata kung sinong boss dito?"

Parang biglang natauhan si Hayriss. She looked away and clenched her jaw. "I—I'm sorry, boss."

"You better be. Ayoko ng unprofessional sa workplace. Of all people, ikaw ang mas nakakaalam niyan, Hayriss."

Hayriss breathed in. Namula ito sa hiya at dahil may lahing Amerikana ay madaling napansin ni Keeno ang pag-init ng magkabila nitong pisngi.

He sighed and shook his head. Yes, naiirita talaga siya ngayong araw dahil nahihirapan siyang magfocus. Hindi niya nga magawang ngitian kahit ilang board members kanina sa meeting. All his mind keeps thinking is Honey and how sweet she smiled when he told her she looks so beautiful.

Naisara ni Keeno ang kanyang mga mata saka niya padabog na binaba ang kanyang pen. He rested his back on his swivel chair and rubbed his palms on his face while he's letting out the air inside his chest.

Bakit ba hindi niya maalis sa sistema niya si Honey? Mas tumindi pa yata ang naging epekto nito sa kanya matapos may mangyari sa kanila.

"Boss, can I ask you something? I hope you won't mind." Seryosong tanong ni Hayriss.

Keeno gulped. Ang kanyang mga mata ay nanatiling nakatitig sa kisame. "What is it?"

"That woman you were with a few days ago, who is she?"

"She's Honey." Deretsahan niyang tugon.

"Bago mong babae?"

Hindi niya nagustuhan ang tono nito. Or mas magandang sabihin, hindi niya nagustuhan ang itinawag nito kay Honey. Kaya lang ay bago siya nakapagreact, tinamaan siya ng reyalidad. 

What is Honey to him really? Isn't he the man who's allergic with anything permanent? Kasi hindi niya iyon matatagalan. Kung ganoon ay bakit hindi niya nagustuhan kung paano itong tinawag ni Hayriss?

His lips parted but no words came out of his mouth. Naging madilim ang ekspresyong nakapinta sa mukha ni Hayriss habang isang pekeng ngiti ang lumandas sa mga labi nito.

"Nawalan ka na siguro ng gana sa akin kaya tumitikim ka na ng iba. It's okay. She's surely just going to be like the others. Dadaan lang sila pero hindi sila magtatagal." She turned her back on him. "Sa akin ka pa rin babalik kapag tumalikod na sila sayo, Keeno. I think we both know that."

Kumuyom ang mga kamao ni Keeno. Dumilim ang kanyang mga mata ngunit hindi niya nagawang makapagsalita dahil sa loob-loob niya, alam niyang totoo ang sinabi ni Hayriss. Tuwing nananawa siya sa ibang babae ay ito pa rin ang sumasalo sa kanya.

But Honey makes him feel something different...and that something is kind of scaring him.

HINIPAN ni Honey ang kanyang kuko na bagong palit niya ng nail polish. Sa sobrang pagpipigil niyang tawagan o i-text si Keeno, kung ano-ano na ang inatupag niya sa kanyang hotel room. Ayaw naman niyang lumabas at magparty dahil baka kung malasing siya ay contact-in niya si Keeno.

The rule. She has to remember the rule. Kailangan siya ang ma-miss nito kaya kahit anong text nito upang makipagkita sa kanya, hindi niya pinapatos. Higit dalawang oras bago niya replyan na busy siya kahit ang totoo ay nanonood lang siya ng TV at nagpapagulong-gulong sa kama dahil iniinda pa rin niya ang kirot sa pagitan ng mga hita niya. 

Ngayon ang huling araw ng pagpapakipot niya at mamaya ay ready na siyang magpasilay muli rito. Whatever will happen later, bahala na muna. She'll enjoy the night and if it will end up in another mind-blowing sex with him, she'll make sure she'll have enough chance to tame him.

Tumunog ang kanyang phone. Nang makitang si Rus iyon ay napangisi siya. Pinapamonitor kasi niya kung nasaan si Keeno at nang sabihing may plano itong pumunta ng eskwelahan, umismid si Honey. 

She got up and  went to her wardrobe to fetch her clothes. Pinili niya ang simpleng off-shoulder dress at pinaresan ng flats. Ang buhok niya ay brinade niya at tanging light make up ang ini-apply niya sa kanyang mukha upang lumabas ang kanyang natural na ganda. 

Matapos niyang maayos ang sarili ay ngumiti siya sa salamin habang nagpapabango. "Let's see how much you missed me, Ducani..."

MAINGAY ang mga batang naglalaro. The playground outside the school building looks like the typical after-school scene. Puno ng mga batang pawis dahil sa kakalaro, ngunit mas nakatawag ng pansin ni Honey ang lalakeng nakasumbrero at itim na jacket. Nakatitig ito sa pamilyar na bata habang nakaupo sa hood ng kanyang mamahaling kotse.

Honey gulped and walkes towards Keeno. Halatang nagulat ito na naroroon siya ngunit bago pa ito makapagtanong ay ngumisi na siya. "I told you, Keeno. I know a lot about you." She cocked her brow. "Especially the things about him."

Dumilim ang ekspresyon nito ngunit ang mga mata, ibinalik nito sa bata. "You're someone I don't really think can be trusted with such secrets, but I wonder why you still wanna tease me when you can just go ahead and talk to my dad."

Natigilan siya at ang ngisi ay nawala. Nang muli siya nitong tignan, si Keeno na ay may multong ngiti sa mga labi. "Maybe you're blackmailing me because you really want me."

Her eyes popped open. "Ang kapal mo nama—"

"His name is Krishnan." Putol nito saka siya hinatak. Napaupo siya sa tabi nito at hindi agad nakakilos nang ipaikot nito ang isang braso sa likod niya hanggang sa mamirmi ang palad nito sa kanyang tagiliran.

Napahigit ng hininga si Honey. Ang dibdib niya ay nagwala at nang inangat niya ang kanyang ulo upang tignan si Keeno, nagtama ang mga nila. Her heart gone even wilder as Keeno's eyes slowly traveled down her parted lips. Nakita niya itong lumunok at mayamaya'y nag-iwas ng tingin. Oh, thank goodness Keeno looked away. Mukha na siyang hinog na kamatis sa sobrang pula. Hindi ito ang plano!

Tumikhim si Keeno. "Krishnan is seven. I have to keep him a secret because my family will never be ready to know my fucked up past."

Napansin niyang lumamlam ang mga mata nito nang makita muli ang bata sa hindi kalayuan. Para tuloy sinipa ang dibdib ni Honey. Napatingin siya sa direksyon ng batang naglalaro at masayang tumatawa habang nakikipaghabulan.

Keeno sighed. "Whenever he falls to the ground or gets too tired to even get up, I... I wanna walk towards him and carry him on my back...pero hindi pwede."

Natigilan si Honey. Parang piniga ang puso niya lalo nang ibalik niya ang tingin kay Keeno, nakikita na niya ang magkahalong galit at pananabik sa mga mata nito.

Honey gulped to wash away the lump forming in her throat. "Bakit hindi mo siya ipaglaban? Hindi mo ba naisip na kaduwagan bilang tatay 'yan, Keeno?"

Natawa ito nang mapakla. "Hindi nga ibinigay sa kanya ang apelyido ko at ipinaako siya ng nanay niya sa iba dahil kahit nanay niya takot sa magiging reaksyon ng pamilya ko, paano ko ilalaban ang batang hindi kailanman aamining akin?"

"Magdemand ka ng paternal test. Ask—"

"You think it's that easy?" Gumuhit ang galit sa mga mata ni Keeno, ngunit mayamaya'y unti-unting lumamig ang mga mata nito. "Let's say I'll succeed in proving Krishnan is really mine, oras na malaman ng pamilya ko, saan kami pupulutin mag-ama? My family can work their magic. Walang kahit anong trabahong tatanggap sa akin, Honey. I will be shut out by the world."

"But—"

"Sometimes we have to keep our distance from people whom we know are better off without us." May bahid ng lungkot nitong ani bago tumayo at akmang papasok na ng sasakyan nang isang malakas na palahaw ang nadinig nila mula sa palaruan.

Nanlamig bigla si Honey. Pareho silang napatingin ni Keeno sa direksyon ng palaruan at nang makita ang batang binuhat ng gwardya, nanlaki ang mga mata ni Honey kasabay ng pagmanhid ng kanyang dibdib.

Ang batang kanina lang ay masayang nakikipaglaro, ngayon, walang malay at dumudugo ang ulo...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status