Kabanata 7
PINASADAHAN ni Keeno ng kanyang palad ang kanyang panga habang nakaupo sa driver's seat ng kanyang kotse. Patungo sila ni Honey sa isang exclusive bar sa may BGC, at naiinis siya dahil tila nananadya talaga ito.
She's wearing her red body-hugging mini dress. Litaw ang porselana at sexy'ng mga hita at payat na balikat. Damn she's on fire! Her collar bone is defined and her cleavage is drawing his attention.
Humigpit ang hawak niya sa manibela. Bumakat ang kanyang mga ugat sa kamay at braso. His knuckles turned pale with his tight grip and his jaw became sharper than usual when he clenched it hard.
Mahinang tumawa si Honey. "What's with the expression? Halos magdugtong na 'yang masungit mong kilay." Puna nito.
Nalunok niya ang kanyang laway saka sumulyap sa mukha nito. Maamo. Mapungay ang mga mata. Ang pilikmata ay mahaba at nadepina ng mascara, at ang mga labi...
He sighed and did his best to not go lower. Baka kung masulyapan niya ang bundok na nagtatawag ng kanyang atensyon, mapamura na talaga siya nang tuluyan.
Sinalat niya ang tux jacket niya sa passenger at ibinigay kay Honey. "Cover yourself before I go wild." Sinamaan niya ito ng tingin. "I told you don't mess with my primitive side."
Muli itong natawa. "How do you expect me to dress up? Like a manang? Jeez." Umiling ito. "By the way you look hot with your shirt. I like it. I didn't know you'll look good even when you're not in your usual get up."
Tinaasan niya ito ng kilay at sinulyapan. Thank God she's already covering that part that makes him want to groan and feel so turned on.
"What usual get up?"
"You know, the oozing with sex appeal businessman get up." Umangat ang sulok ng labi nito at ang mga mata ay kumislap. "Parang kahit saan ka pupunta ay may meeting ka."
Umismid siya. "Oozing with sex appeal, huh? So my three-layered suit turns you on? Is that what you're saying?"
Hindi ito kumibo at bumaling lamang sa daan. Nang tignan niya ito, may multong ngiti nang nakapinta sa mapulang mga labi.
Damn, her lips are too tempting. Gusto niyang tikman ulit ang mga iyon gaya noong nakaraan. He sometimes dreams about kissing her, and honestly, his mind kind of wanted to go farther than just branding her lips.
Napahugot muli siya ng malalim na hininga. Bakit ba pakiramdam niya ay kinakapos na siya ng hangin kapag si Honey na ang kasama? Naitatapon niya ang kanyang matinong pag-iisip. All that wanted to dominate is the wild one. The version of him who won't let her leave his bed.
Nahilamos niya ang kanyang palad sa kanyang mukha. "Second date. Spill what you know. The rest of it."
Tumikhim si Honey. "Mamaya."
"Don't trick me, Honey."
"I'm not." Nagtama ang kanilang tingin. Ngumisi ito sa kanya at nagtaas ng kilay. "We've got a long night. Plus, it's your birthday, right?"
Kumunot ang kanyang noo. Sa totoo lang nakalimutan niya nga ang kung anong mayroon sa araw na ito. Kung sabagay, sino bang nakakaalala sa birthday niya? Wala naman dahil hindi niya talaga sini-celebrate. He feels old enough to still set parties for himself.
"How'd you know?"
"I told you I know a lot about you."
"Stalker."
"Secret admirer."
Sumingkit ang mga mata niya. "Who? Me?"
"Uh-huh." She licked her lips and oh my goodness, Keeno almost lost his battle against his lust for her lips.
Iniwas niya ang tingin at sinubukang punuin muli ng hangin ang kanyang dibdib. "I'm not. I don't do petty stuff."
"Like cheating on your girlfriend?" Mapang-inis itong ngumisi. "Birthday mo pero ako ang kasama mo. What's wrong, hmm? Isn't she available?"
"Who? Hayriss?"
Napansin niya ang pag-igting ng panga nito. Nang umiwas ng tingin, dumilim ang ekspresyong nasa mga mata nito kasabay ng pagkapawi ng kurba sa mga labi. "Sekretarya mo ang girlfriend mo. Nakakasawa bang kasama ang babaeng 'yon kaya ako na lang ang niyaya mo?"
"Just to be clear, I don't have a girlfriend. I don't like relationships. I don't fancy attachments and too clingy people."
"Talaga?" Makahulugan na naman siyang tinignan ni Honey, ang sulok ng labi ay bahagyang umangat. "Paano kung ako ang maging clingy sayo? Will you try to get rid of me?"
"Don't try me, Honey." He said in a breathy way. "I told you. I don't do stuff like that. Besides, I know you're just playing with me that's why you're sticking around. Kung bakit mo ko kinukulit, malalaman ko rin."
"Kung sabagay, I don't like relationships anymore. My previous ones are very toxic. Wala man lang nagtagal." Kaswal nitong tugon.
Medyo nakadama siya ng selos kahit hindi naman dapat. Okay, he get it. Hindi na bata si Honey para imposibleng magkaroon ng previous boyfriends pero ewan ba niya kung bakit nainis siya. He wonders how they treated her? Did they make her cry? Did they hurt her and made her lose faith in love?
At bakit niya naiisip ang mga ganoong bagay? Galing din siya sa mapait na nakaraan kaya gets niya pero hindi niya naman lubos na kilala si Honey. Misteryoso itong tao kaya anong pakialam niya sa buhay pag-ibig nito noon?
He cleared his throat and was about to say something when his phone rang. Nakakabit ito sa phone holder ng kanyang kotse. Nang makitang ang daddy niya iyon, nagkaroon siya ng kaunting pag-asang tumatawag ito para batiin siya.
Pinindot niya ang accept button. Hindi niya na inintindi kung maririnig ba ni Honey ang kanilang usapan. Alam niyang siya lang naman ang gusto nitong pakialamanan. She doesn't look like a gold-digger type anyway. Her movements show class. Even the way her hands move and how she speaks. She's probably born with money, too. Alam niyang hindi pera ang dahilan bakit siya pinaglalaruan.
"Dad."
"Where are you?" Seryosong tanong ng kanyang ama.
"I went out. I'm on my way to a club—"
"You went out? You mean you'll go somewhere to drink or party? Is that what you're saying?"
Napalunok siya sa tono ng ama. "Uhm, yeah. It's my—"
"How irresponsible, Keeno." Bumuntong hininga ito. "Alam mo na nga ang lagay ng kapatid mo ay ganyan pa ang aatupagin mo. When will you grow up?"
Grow up? Gusto niyang matawa. He's been forced to grow up a long time ago. He was denied the rights to live his teenage life because of the business lessons he needed to learn at an early age. He wad tutored while his friends are hanging out, enjoying their once in a lifetime young adult lives.
Humigpit ang hawak niya sa manibela ang dumilim ang kanyang ekspresyon. He isn't allowed to reason out nor talk back, right? Siya ang perpektong anak sa mga mata ng tao. Iyon ang papel niya.
"I'm sorry."
"Well you should be. Check doctor Edezar's schedule. Let's see if Keios is making progress."
Nilunok niya ang kanyang laway. "W—What about kuya Kon or Krei? Can't they—"
"Busy sila."
Pero busy rin siya lagi ngunit ni minsan hindi naman niya iyon dinahilan. Ang saya naman ng birthday niya.
Lumamlam ang kanyang mga mata. Ano pa bang bago, hindi ba?
"I'll call him after this call, Dad."
"You better do. Baka mamaya malimutan mo na naman dahil sa paggala na 'yan gaya ng paglimot mo sa reports noon."
Mapakla siyang ngumiti. The reports? That's three years ago! Bakit hindi nito nakakalimutan ang mga mali niya ultimo ang pinakamaliliit? That's why he doesn't like sharing his problems. Mula college hindi na siya nag-open up dahil imbes tulungan siya ay ipinamumukha pa sa kanya na pumalpak siya.
He never had the support his Dad gave fully to his older brother. Their father celebrated Konnar's success and achievements no matter how small it was, habang siya?
Umigting ang kanyang panga at pilit niyang isinantabi ang namumuo na namang sama ng loob. Gaya ng palagi niyang ginagawa, tinikom na naman niya ang bibig niya at kinimkim ang tampo kahit mabigat na masyado sa dibdib.
"I'm so sorry, Dad."
Pagkatapos niyang humingi ng tawad, binabaan siya nito ng tawag. Wala man lang goodbye at ingat ka. Kahit iyon man lang. Kahit hindi na siya binati ay ayos lang sana.
Nahilamos niya ang palad niya sa kanyang mukha. Madilim na ang kanyang ekspresyon sa inis, ngunit nang madama niya ang kamay ni Honey sa kanyang braso, nabaling dito ang kanyang tingin.
He suddenly noticed the sadness in her eyes. Malambot ang ekspresyong nakaguhit sa mga mata nito, tila naawa sa kanya dahil sa narinig na pag-uusap nila ng kanyang ama.
"Why didn't you try to tell him what day it is?"
Peke siyang ngumiti. "I tried but he kept cutting me off." Kumirot ang dibdib niya. "Wala naman bago. I don't actually celebrate my birthday kaya siguro wala na rin silang pakialam."
"But birthdays are important. It's a celebration of life."
Pumakla ang kurba sa kanyang mga labi. Binaling niya ang kanyang tingin sa daan saka niya pinakawalan ang hangin sa kanyang dibdib habang matabang na nakatitig sa labas ng sasakyan.
"That doesn't apply to people who no longer feel alive..."
Kabanata 8HONEY can't help but notice the quick change in Keeno's emotion when he talked to his dad. Tila nawala ang confident version, the man who shouts authority even when his facade is gentle. Now all she sees is a disappointed, lost man.Walang kumibo hanggang narating nila ang exclusive club. Pagka-park ng kotse, pinatay nito ang makina at hinagod ang palad sa mukha bago tumingin sa kanya. A difeaning silence enveloped them, she could almost hear her own heartbeat already.He tried to push the corner of his lips for a smile but Honey didn't see it reach his eyes. Mapungay pa rin ang mga ito at hindi nagawang itago ang tunay na emosyon."I'll just make a quick phone call if you don't mind." Malumanay nitong sabi.Simple niyang tinango ang kanyang ulo at nagpanggap na lamang na inaabala ang sarili sa pag-aayos ng buhok.Nothing is wrong with her hair but she made an excuse for
Kabanata 9EVERYTHING felt so fast. Masyado na yatang nadadarang si Honey dahil hindi man lamang niya namalayang nasa labas na sila ng bahay nina Keeno. Hindi siya sa hotel o sa kung saan pa dinala kung hindi sa mismong bahay nito, and that puzzled Honey so much.They kissed again, thorough and wild before he removed her seatbelt and bit her lower lip. She groaned with the pain and pleasure that se her on fire even more. Nang lumayo ito, halos humabol pa ang mga labi niya upang hagkan ito.She opened her heavy eyelids out of frustration and looked at his magnetic obsidian eyes. Sa mga mata ni Keeno, malinaw na nakaukit ang hindi na makontrol na apoy na tumutupok dito, at alam ni Honey na ganoong klaseng intensidad din ang makikita niya sa kanyang mga mata kung titingin siya sa salamin."Let's go. I don't like car sex. The space is too small." He uttered in a breathy way before he went out of the driver's seat.
Kabanata 10PANAY ang sulyap ni Keeno sa kanyang phone habang nagrereview ng mga bagong contracts. Their expansions in Sydney need his full attention but right now, his focus keeps drifting back to that night he shared with Honey.Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi ba dapat babae ang nakakadama ng kakaibang attachment pagkatapos ibigay sa lalake ang pagkabirhen nito? Bakit parang siya pa itong winasak at hindi mapakali?Palibhasa tatlong araw na siyang hindi tinatawagan ni Honey mula nang umalis ito ng bahay niya. Hindi niya maintindihan kung bakit parang iritable ito nang makita si Hayriss. Nagpaalam itong uuwi na at humalik pa nga sa kanyang mga labi na akala mo may relasyon sila pero nang mag-insist siyang ihahatid ito, hindi siya pinayagan.He sighed and flipped his phone when the door opened. Pumasok ang kanyang sekretarya dala ang kape na ipinabili niya pati na ang mga panibagong papeles na itatambak na naman
Kabanata 11BAKAS sa mukha ni Keeno ang matinding kaba nang marating nila ang emergency room. Aksidenteng naitulak ng kalaro nito si Krishnan at ang ulo ng bata ay tumama sa nakausling bakal. Ang damit ni Keeno, puro mantsa ng dugo dahil ito ang nagtakbo sa bata sa ospital kasama si Honey."Doc, save him, please. If you need my blood, just say so." Halos magmakaawa nitong ani sa doktor na siyang tumitingin sa bata.Natulala si Honey, hindi makapaniwala sa nakikitang reaksyon ngayon ni Keeno. Bakit ganito? Akala ba niya ay ayaw nito sa bata gaya ng nakalap nilang impormasyon?Ang sabi ni Rustom sa kanya, nabuntis ni Keeno ang babaeng ginagamit nito noon para lamang magkaroon ng matataas na marka. Keeno was desperate to be on top of his
Kabanata 12HONEY breathed in sharply as she withdrew her hand from his. "W—What?"Umigting ang panga ni Keeno at iniwas ang tingin sa kanya. Mayamaya'y tumikhim ito. "Si Mona, hindi niya kagustuhan na tumigil. She's actually willing to face humiliation and still go to school even when she's pregnant. Ready siyang tawaging Santa Santita ng lahat pero... Pero ayaw ko. I was scared that people will find out na ako ang nakabuntis sa kanya dahil siguradong malalagot ako kay Dad, kaya nang mag-offer si Hayriss ng tulong, pumayag ako."Kumunot ang noo ni Honey. "Hold on. You've known Hayriss since you were in college?"Mahinang tumango si Keeno. "Isa siya sa mga babaeng ginamit ko noon. Tuwing nababakante ako ay siya ang s
KABANATA 13NAPAKAAGA ng meeting nina Keeno sa kompanya dahil sa proyektong binabalak ng kanyang kuya Kon. Nasa pre-planning stage pa lamang ang inilalatag sa board ngunit ang kuya Kon niya, nasa ground-breaking na ang isip. That's how powerful Konnar's mind is. Something Keeno knows he can never achieve.Now that Kon is finally out in the limelight, kahit paano nabawasan ang loads ng kanyang trabaho mula nang makausap na nito ang kapatid ng ex-girlfriend nito one week ago. Somehow, running the business along-side him and their dad helped Kon cope up with his loneliness.Keeno listened carefully to his brother who took the liberty of presenting the project. Bumibilib talaga siya rito dahil kahit ang informal ng itsura—nakatiklop ang puting long sleeves polo hanggang s
Kabanata 14NAPATAYO si Keeno mula sa kanyang swivel chair nang pumasok ng kanyang opisina ang kanyang ama. He's already a grown up man but whenever his father is around, observing and judging him as a man, he still trembles like the young fragile boy he used to be."Dad," he greeted with respect and fear. Kahit yata kailan ay hindi niya na iyon maaalis."How's everything?" tanong nito, ang mga mata ay kasing lamig pa rin gaya noon. He gets it, alright? He was, after all, never a product of love unlike his older brother.Matipid niya itong nginitian. "Everything's fine."Tumaas ang kilay nito, halatang disappointed sa kanyang sagot. "Fine?"
Kabanata 15NATATAWANG inilapag ni Rustom ang take-out food sa mesa matapos ibaba ni Honey ang tawag. Tingin pa lamang nito, alam niyang kung ano-ano na namang naiisip ni Rustom."Sigurado ba siyang sa akin siya magseselos? Baka mamaya ikaw pa ang magselos mamaya?" pang-aasar nito. Tinaasan pa siya ng kilay at ang ngisi ay naging mapanuya. "He's hot, by the way. Mas hot pa sa kapatid mo."Nakangisi siyang umirap. "As if he'll kneel down in front of you, huh?"Nagkibit-balikat ito. "Malay mo? Tsaka ako naman ang fucker sa relationship. Baka nga mas mahusay pa ako at sa akin pala 'yan mabaliw?"Sabay silang tumawa habang mainit ang mukha ni Honey. "Ang bastos talaga ng bibig mo."