Nasa parking lot na sina Cleon at Lily dahil natapos na silang kumain. Huminto silang dalawa sa tapat ng kotse ni Lily.Nginitian ni Cleon si Lily nang lumingon ito sa kaniya. “Thank you, Cleon. I enjoyed our meal together.”“No worries. Puwede naman tayo mag-hang out or food hunting ulit nang ganito kapag hindi tayo busy.”Lily smiled back at him. “I’d like that. Sige, mauna na ‘ko.” Tinalikuran na siya nito at binuksan ang pinto ng kotse pero pinigilan ito ni Cleon sa pamamagitan ng paghawak niya sa pulso nito.“Lily, wait lang.”Nang magtama ang tingin nila ni Lily, marahan na binitawan ni Cleon ang pulso nito. “What is it?”Huminga nang malalim si Cleon. “Naalala mo ba iyong babaeng tinutukoy ko before?”Tila nagliwanag ang mukha ni Lily sa narinig. “Yeah. Iyong matagal mo nang gusto, right? Gusto mo nang advice?”Sumilay ang isang maliit na ngiti sa labi ni Cleon. Umiling-iling siya. “Not exactly advice, but I’m planning to confess. What do you think? You think it’s okay?”“Alam
“Good afternoon, Sir.”Pagbati ni Russel kay Ivor nang pumasok siya sa ISAAC’s. Ilang araw din siyang hindi nakakapunta rito dahil busy siya sa sariling kompanya.“Good afternoon, Russel. Nand’yan ba si Lily?” pagbati ni Ivor pabalik kasabay nang paghahanap niya kay Lily.“Sorry, Sir Ivor. Wala po rito si Ma’am Lily, may outside meeting po siya sa isang client.”Tumango-tango si Ivor bilang sagot saka nagpaalam sa kaniya si Russel na may gagawin din ito. Um-order na lang din siya nang isang cinnamon roll at hot caramel macchiato for take-out dahil may filming shoot.Matyagang naghihintay si Ivor sa orders niya nang may isang lalaki ang lumapit sa counter para um-order din.“Hi. One iced americano, please.”Nang tingnan ni Ivor kung sino iyon, sumalubong sa kaniya si Cleon. Nalingon din ito sa gawi niya kaya nagtama ang mga tingin nila. Dahil lang do’n, tila may nabuong tensyon ng alitan sa kanilang dalawa. Hindi sila nagsasalita pero alam ni Ivor na para silang nagtatalo sa isip nang
“Tawagin niyo na lang ako kung may kailangan pa kayo, pupunta lang ako sa kitchen,” pagpapaalam ni Lily sa mga staff niya na naka-assign sa pagse-set up ng event.Pagpasok ni Lily sa loob ng kitchen ng function hall, nakita niya ang mga bagong dating niyang staff na dala ang mga pagkain. Dahan dahan ibinababa ng mga ito ang food pan sa isang mahabang mesa.“Ayos ba ang mga pagkain?” tanong ni Lily sa mga staff niya. “Ayos naman po lahat, Ma’am,” sagot sa kaniya nang isa sa mga waiter niya. Binuksan ni Lily isa isa ang mga food pan para makasigurado. Nakahinga siya nang maluwag dahil maayos ang mga ito, walang tapon o kung ano man.Malakas ang ulan sa labas kaya naman kailangan niya i-check kung okay ang mga pagkain na ise-serve nila.Lumabas siya ng kitchen at nag-double check siya sa paligid. Naka-set up naman halos lahat. Finishing touch na lang ang kulang, ilang minuto na lang din ay darating na ang mga bisita.Swerte rin niya dahil sa first floor ng hotel sila nakapag-book ng fu
Nakadukdok si Lily sa office table niya dahil pakiramdam niya naging problemado siya sa kinakaharap niya ngayon. Nag-angat siya nang tingin kay Gwyneth na nakaupo sa couch at naghihintay sa ikukuwento niya dahil naabutan siyang ganito nang kaibigan niya.“Wala ka na namang trabaho?” pagpuna ni Lily kay Gwyneth.Tinawanan siya nito. “Grabe! Imbes na batiin mo ‘ko, ‘yan talaga bungad mo sa’kin?”“Argh!” iyon ang lumabas sa bibig ni Lily at dumukdok ulit sa mesa niya.“Bakit ba ang problemado mo? May nangyari ba?”Nag-angat ulit nang tingin si Lily kay Gwyneth at nagpalumbaba siya. Bumalik sa isip niya ang mga nangyari nitong mga nakaraang linggo na lumipas.Simula nang gabing iyon sa event, parang mas naging malapit sa kaniya si Ivor lalo na sa anak nila. Ito na ang sumusundo kay Isaac tuwing hapon sa school. Dinadala na lang ni Ivor sa kaniya si Isaac dito sa café & restaurant niya pagkatapos sabay silang uuwi kahit na kaniya kaniyang kotse ang gamit nila.Nagpapaalam naman si Ivor sa
Hininto ni Ivor ang kotse sa tapat nang isang bahay. Bungalow house ito na may garden sa harap bago makarating sa front door. Pinaghalong itim at puti ang kulay ng bahay sa labas.“Nandito na po tayo, Uncle Ivor.”Narinig niyang sabi ni Isaac. Tinulungan niya itong magtanggal ng seatbelt. Binuksan ni Ivor ang pinto sa passenger seat para makalabas si Isaac. Inalis na rin niya ang kaniyang seatbelt at lumabas mula sa driver seat. Sinamahan ni Ivor umuwi si Isaac para kunin ang assignment nito. Hindi kasi iyon nadala ng bata nang ihatid ito ni Lily sa condo ni Lian kaninang umaga. Pagkatapos nilang kunin ang assignment ni Isaac, babalik na rin sila sa condo at dadaanan nila si Lian sa grocery store na pinag-iwanan nila rito.Sinundan ni Ivor si Isaac na maglakad patungo sa gate. Nakasunod lang siya rito hanggang sa makarating sila sa front door. Dahil naka-passcode system ang lock ng pinto nina Lily, nakita ni Ivor na nag-type doon si Isaac. Bumukas ang pinto at pumasok sila sa loob.N
Naglalakad si Lily sa parking lot ng isang commercial building para hanapin kung saan niya na-park ang kotse niya. Nang makita niya ito, pumasok siya sa driver seat. Mabilis niyang sinara at ni-lock ang pinto saka siya nag-seatbelt. Pinaandar niya ang makina ng kotse at nagsimulang magmaneho paalis ng building na ‘yon.Kagagaling lang niya sa isang client meeting at pauwi na siya ngayon. Mabagal ang daloy ng mga sasakyan dahil rush hour na. Kaya naman kinuha ni Lily ang cellphone niya at tinawagan si Ivor para i-check si Isaac. Ilang ring pa lang ay sumagot na si Ivor. “Hello, Lily?”“Hi, Ivor. Kumusta si Isaac? Pauwi pa lang ako, sorry.”“No, it’s okay. Ayos naman siya. Katatapos lang namin gawin ang assignment niya.”Weekdays ngayon pero magkasama sina Ivor at Isaac. Simula nang si Ivor ang magsundo kay Isaac galing sa eskwelahan at nang malaman nito ang bahay nila, ito na minsan ang nagtitingin kay Isaac kapag ginagabi siya sa trabaho. Dinidiretso na ni Ivor ang anak niya sa bahay
Nang makadating si Ivor sa bahay nila, sinalubong siya nang kaniyang ina. “Mabuti at nandito ka na, Ivor.”Bakas sa mukha nito ang pag-aalala kay Janelle kaya niyakap niya ang ina. “Don’t worry, Mom. Magiging okay din siya. How was she?”Humiwalay silang mag-ina sa pagkakayakap sa isa’t isa. Inakbayan ni Ivor ang ina niya at sabay sila naglakad patungo sa second floor.“She’s alright. Pero sabi ng doktor, kailangan niya nang bed-rest.”Pagdating nila sa second floor, dumiretso sila sa kwarto ni Janelle. Kumatok ang kanilang ina.“Anak, nandito na ang kuya mo.”Binuksan ni Ivor ang pinto at nakita nilang nakaupo si Janelle sa kama nito at nakasandal sa headrest. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat nang makita siya.“Oh, Kuya? Anong ginagawa mo rito?” dumako ang tingin ni Janelle sa kanilang ina. “Sinabi mo kay Kuya Ivor, Mom?”Humiwalay kay Ivor ang kanilang ina, lumapit ito kay Janelle at umupo sa gilid ng kama nito. “I’m sorry. Nag-aalala lang ako sa’yo, bunso. Isa pa, hindi namin k
Kalalabas lang ni Lily sa living room mula sa kwarto ni Isaac. Pinatulog niya muna ito bago kausapin si Lian. Nakaupo ang kaniyang kapatid sa couch habang hinihintay siya. Nag-angat ito sa kaniya nang tingin nang maramdaman nito ang presensya niya.“Iniiwasan mo na naman si Kuya Ivor ‘no?”Umiwas nang tingin si Lily at umupo sa tabi ni Lian. Sumandal siya sa couch at ipinikit niya ang kaniyang mga mata. “Oo. Naalala ko ang mga dahilan bakit kailangan ko siyang iwasan,” seryosong sagot ni Lily sa tanong ni Lian.She heard him heaved a deep sigh. “May problema ba kayo? Hindi mo ba puwedeng kausapin si Kuya Ivor tungkol do’n?”“Lian, simula pa lang dapat ganito na. Ilang taon nang hindi parte nang buhay namin ang isa’t isa. Kahit sabihin ko sa kaniya na ayoko na siyang makita, ano naman ang idadahilan ko?”Nang hindi siya nakarinig nang sagot kay Lian, dinilat niya ang kaniyang mga mata. Tahimik itong nakaupo sa tabi niya.“You want to know the reason?”Lumingon sa kaniya si Lian, pagk