Share

CHAPTER 28

Nagpadala si Lily ng message kay Ivor noong Lunes gamit ang business email niya tungkol sa pakikipagkita nito kay Isaac ngayong Biyernes. Hinayaan niyang si Ivor ang pumunta sa café & restaurant niya para makita si Isaac bago niya muling ihatid ang anak kay Lian tuwing weekends.

As much as possible, ayaw pa rin naman ni Lily na mapalapit kay Ivor kaya nagpadala na lang siya ng email kaysa naman sa kausapin niya pa ito sa personal phone niya.

At ngayong Biyernes ng gabi, nakatayo si Lily sa second-floor habang nakapatong ang mga kamay niya sa railings. Naghihintay siya nang maaring gawin para makatulong sa baba.

Madami silang customers ngayon. Bukod sa dinala niya muna rito si Isaac pagkagaling sa school dahil gagabihin siya sa trabaho, ito na rin ang napag-usapan na araw nila ni Ivor.

Nakapako ang atensyon niya kina Isaac at Ivor na nakaupo sa pangdalawahang mesa sa bandang dulo ng ISAAC’s. Kahit malayo siya, nakikita niya ang mga tawanan at ngiti ng mga ito sa isa’t isa habang naglal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status