Dumating ang araw ng Linggo. Sa mall na dumiretso si Lily dahil nando’n na sina Lian, Isaac at Ivor. Nagkausap na rin sila ni Gwyneth na do’n na lang magkita. Nang matapos ma-park ni Lily ang sasakyan niya sa parking lot, pumasok siya sa loob ng mall at dumiretso sa isang restaurant. Lunch time na rin kaya balak nilang kumain muna bago gumala.Hindi na rin naman nagtaka si Lily kung bakit sa mall lang sila gagala. Mukhang gusto lang nina Lian at Ivor magliwaliw dahil busy sa kompanya.Pagdating ni Lily sa restaurant kung saan naka-dine in na sina Lian at Ivor, mabilis niyang nakita ang tatlo na nakaupo sa table for six. Nakita ni Lily na busy sa pangungulit si Isaac kasama iyong dalawang adult kaya hindi siya napansin ng mga ito. Magkatabi sa right side sina Lian at Ivor at sa left naman si Isaac. Naglakad si Lily patungo sa mesa nila.“Busy na busy kayo, ah.”Sabay sabay na tumingin ang tatlo sa kaniya. “Mommy!” masiglang bati sa kaniya ni Isaac. Lumapit siya sa upuan ng anak at umu
“Saan mo ‘to nabili? Masarap din naman iyong creampuff namin dito, pero iba ‘yung sarap nito!”Iyon ang unang lumabas sa bibig ni Lily nang matapos niyang kumain ng creampuff na dala ni Cleon. Nakaupo sila sa pangdalawahan na mesa na malapit sa hagdanan.Sa mga linggo na lumipas, tuwing may filming shoot sa ISAAC’s, sabay na sila nagme-merienda o kumakain tuwing breaktime ng mga pagkain na dala ni Cleon galing sa iba’t ibang restaurant at iba’t ibang cuisine.Natutuwa naman si Lily dahil bilang isang owner ng restaurant, nakakatikim siya ng ibang pagkain na gawa ng iba.“Sa bakery na ni-recommend ng co-directors ko. Um-order ako kaninang umaga at naisip kong i-share na lang ulit sa’yo. Parehas tayong busy at walang time para pumunta sa mga recommended places na puwede kainan. Mas masarap din ang pagkain kapag may kahati,” nakangiting sabi ni Cleon sa kaniya.Nginitian ni Lily pabalik ang kaibigan. “Totoo talaga ‘yan. Thank you for sharing it with me, Cleon!”Nang matapos silang mag-me
Hawak hawak ni Lily ang kaniyang cellphone habang nakaupo siya sa kaniyang swivel chair at kaharap ang ilang documents sa mga darating nilang event.Nagtataka man, nireplayan pa rin niya ang message ni Ivor sa kaniya. Nag-message kasi ito na hindi na muna makakapag-dine in sa ISAAC’s tuwing breakfast. Hectic ang schedule nito sa kompanya dahil sa big collaboration nito sa iba pang dalawang kompanya pati na rin sa iba pang investments at projects.Sinagot niya ang message nito na hindi naman nito kailangan na magpaalam at magsabi. She understands how busy he is. Ganitong ganito rin siya noong nagsisimula ang ISAAC’s.Nanlaki ang mga mata niya sa reply nito sa kaniya.“Anong baka mamiss ko siya?!” She blurted it out. Mabilis namang isinara ni Lily ang kaniyang bibig. Mabuti na lamang at mag-isa lang siya sa loob ng opisina niya. Dahil kung nandito si Gwyneth, aasarin lang siya no’n.Huminga siya nang malalim at nireplayan itong hindi niya ito mamimiss. Nag-haha react lang si Ivor sa re
Nasa parking lot na sina Cleon at Lily dahil natapos na silang kumain. Huminto silang dalawa sa tapat ng kotse ni Lily.Nginitian ni Cleon si Lily nang lumingon ito sa kaniya. “Thank you, Cleon. I enjoyed our meal together.”“No worries. Puwede naman tayo mag-hang out or food hunting ulit nang ganito kapag hindi tayo busy.”Lily smiled back at him. “I’d like that. Sige, mauna na ‘ko.” Tinalikuran na siya nito at binuksan ang pinto ng kotse pero pinigilan ito ni Cleon sa pamamagitan ng paghawak niya sa pulso nito.“Lily, wait lang.”Nang magtama ang tingin nila ni Lily, marahan na binitawan ni Cleon ang pulso nito. “What is it?”Huminga nang malalim si Cleon. “Naalala mo ba iyong babaeng tinutukoy ko before?”Tila nagliwanag ang mukha ni Lily sa narinig. “Yeah. Iyong matagal mo nang gusto, right? Gusto mo nang advice?”Sumilay ang isang maliit na ngiti sa labi ni Cleon. Umiling-iling siya. “Not exactly advice, but I’m planning to confess. What do you think? You think it’s okay?”“Alam
“Good afternoon, Sir.”Pagbati ni Russel kay Ivor nang pumasok siya sa ISAAC’s. Ilang araw din siyang hindi nakakapunta rito dahil busy siya sa sariling kompanya.“Good afternoon, Russel. Nand’yan ba si Lily?” pagbati ni Ivor pabalik kasabay nang paghahanap niya kay Lily.“Sorry, Sir Ivor. Wala po rito si Ma’am Lily, may outside meeting po siya sa isang client.”Tumango-tango si Ivor bilang sagot saka nagpaalam sa kaniya si Russel na may gagawin din ito. Um-order na lang din siya nang isang cinnamon roll at hot caramel macchiato for take-out dahil may filming shoot.Matyagang naghihintay si Ivor sa orders niya nang may isang lalaki ang lumapit sa counter para um-order din.“Hi. One iced americano, please.”Nang tingnan ni Ivor kung sino iyon, sumalubong sa kaniya si Cleon. Nalingon din ito sa gawi niya kaya nagtama ang mga tingin nila. Dahil lang do’n, tila may nabuong tensyon ng alitan sa kanilang dalawa. Hindi sila nagsasalita pero alam ni Ivor na para silang nagtatalo sa isip nang
“Tawagin niyo na lang ako kung may kailangan pa kayo, pupunta lang ako sa kitchen,” pagpapaalam ni Lily sa mga staff niya na naka-assign sa pagse-set up ng event.Pagpasok ni Lily sa loob ng kitchen ng function hall, nakita niya ang mga bagong dating niyang staff na dala ang mga pagkain. Dahan dahan ibinababa ng mga ito ang food pan sa isang mahabang mesa.“Ayos ba ang mga pagkain?” tanong ni Lily sa mga staff niya. “Ayos naman po lahat, Ma’am,” sagot sa kaniya nang isa sa mga waiter niya. Binuksan ni Lily isa isa ang mga food pan para makasigurado. Nakahinga siya nang maluwag dahil maayos ang mga ito, walang tapon o kung ano man.Malakas ang ulan sa labas kaya naman kailangan niya i-check kung okay ang mga pagkain na ise-serve nila.Lumabas siya ng kitchen at nag-double check siya sa paligid. Naka-set up naman halos lahat. Finishing touch na lang ang kulang, ilang minuto na lang din ay darating na ang mga bisita.Swerte rin niya dahil sa first floor ng hotel sila nakapag-book ng fu
Nakadukdok si Lily sa office table niya dahil pakiramdam niya naging problemado siya sa kinakaharap niya ngayon. Nag-angat siya nang tingin kay Gwyneth na nakaupo sa couch at naghihintay sa ikukuwento niya dahil naabutan siyang ganito nang kaibigan niya.“Wala ka na namang trabaho?” pagpuna ni Lily kay Gwyneth.Tinawanan siya nito. “Grabe! Imbes na batiin mo ‘ko, ‘yan talaga bungad mo sa’kin?”“Argh!” iyon ang lumabas sa bibig ni Lily at dumukdok ulit sa mesa niya.“Bakit ba ang problemado mo? May nangyari ba?”Nag-angat ulit nang tingin si Lily kay Gwyneth at nagpalumbaba siya. Bumalik sa isip niya ang mga nangyari nitong mga nakaraang linggo na lumipas.Simula nang gabing iyon sa event, parang mas naging malapit sa kaniya si Ivor lalo na sa anak nila. Ito na ang sumusundo kay Isaac tuwing hapon sa school. Dinadala na lang ni Ivor sa kaniya si Isaac dito sa café & restaurant niya pagkatapos sabay silang uuwi kahit na kaniya kaniyang kotse ang gamit nila.Nagpapaalam naman si Ivor sa
Hininto ni Ivor ang kotse sa tapat nang isang bahay. Bungalow house ito na may garden sa harap bago makarating sa front door. Pinaghalong itim at puti ang kulay ng bahay sa labas.“Nandito na po tayo, Uncle Ivor.”Narinig niyang sabi ni Isaac. Tinulungan niya itong magtanggal ng seatbelt. Binuksan ni Ivor ang pinto sa passenger seat para makalabas si Isaac. Inalis na rin niya ang kaniyang seatbelt at lumabas mula sa driver seat. Sinamahan ni Ivor umuwi si Isaac para kunin ang assignment nito. Hindi kasi iyon nadala ng bata nang ihatid ito ni Lily sa condo ni Lian kaninang umaga. Pagkatapos nilang kunin ang assignment ni Isaac, babalik na rin sila sa condo at dadaanan nila si Lian sa grocery store na pinag-iwanan nila rito.Sinundan ni Ivor si Isaac na maglakad patungo sa gate. Nakasunod lang siya rito hanggang sa makarating sila sa front door. Dahil naka-passcode system ang lock ng pinto nina Lily, nakita ni Ivor na nag-type doon si Isaac. Bumukas ang pinto at pumasok sila sa loob.N