Lily got caught off-guard by what Ivor had said. She needed a minute to calm herself down. Inalis niya lahat nang emosyon na nakita panandalian ni Ivor sa mga mata niya. Hindi maalis sa isip niya ang mga itinanong ni Ivor sa kaniya. Dahil doon nagsimula nang mabuo ang galit sa loob niya.Malamig niya itong tiningnan kasabay nang isang masamang tingin. “So, what about it?” panimulang tanong niya kay Ivor. “What is it to you if I have another reason?” tanong muli ni Lily kay Ivor.“At least, I deserve to know them. Para hindi na ako nangungulit,” sagot nito sa kaniya at sinalubong nito ang malamig niyang mga tingin. Umiling-iling si Lily. “No, you don’t. Bakit sino ka ba sa buhay namin? You are nothing, but my son’s friend. His uncle’s boss and his mom’s client. Hindi ka parte ng pamilya namin kaya wala kang karapatan para malaman ang dahilan.“Simple lang naman, Ivor. Hindi mo na makikita si Isaac dahil may nakuha na akong babysitter niya. Kaya hindi ko na siya kailangan dalhin sa co
Nagpadala si Lily ng message kay Ivor noong Lunes gamit ang business email niya tungkol sa pakikipagkita nito kay Isaac ngayong Biyernes. Hinayaan niyang si Ivor ang pumunta sa café & restaurant niya para makita si Isaac bago niya muling ihatid ang anak kay Lian tuwing weekends.As much as possible, ayaw pa rin naman ni Lily na mapalapit kay Ivor kaya nagpadala na lang siya ng email kaysa naman sa kausapin niya pa ito sa personal phone niya.At ngayong Biyernes ng gabi, nakatayo si Lily sa second-floor habang nakapatong ang mga kamay niya sa railings. Naghihintay siya nang maaring gawin para makatulong sa baba. Madami silang customers ngayon. Bukod sa dinala niya muna rito si Isaac pagkagaling sa school dahil gagabihin siya sa trabaho, ito na rin ang napag-usapan na araw nila ni Ivor.Nakapako ang atensyon niya kina Isaac at Ivor na nakaupo sa pangdalawahang mesa sa bandang dulo ng ISAAC’s. Kahit malayo siya, nakikita niya ang mga tawanan at ngiti ng mga ito sa isa’t isa habang naglal
Tahimik lang na kumakain si Lily dahil sa awkwardness na nararamdaman niya. Hindi naman bago na kasama niya sa hapagkainan si Lian at Isaac, pero bago sa kaniya ang kasama si Ivor— na masaya at puno nang buhay makipag-usap sa anak niya habang kumakain.This reminds her how their breakfast went when they were still in the U.S. Walang nagsasalita sa kanilang mag-asawa noon, tanging pag-iyak lang ng sanggol na si Isaac ang maririnig habang kalong-kalong ito ni Lily kahit na kumakain siya. Pinagsasabay niya ang pagkain at pagpapatahan sa anak niyang inaantok. Palagi pang nagmamadali si Ivor noon kumain ng agahan para lang hindi mahuli sa trabaho.And their situation now, can make Lily feel a bit weird. Hindi niya alam na ganito kabuhay ang hapagkainan kapag magkakasama sina Lian, Isaac at Ivor. Masayang nagbibiruan at nagkukuwentuhan ang mga ito habang kumakain. Nawala si Lily sa kaniyang malalim na iniisip nang mapansin niyang tumahimik. Nag-angat siya nang tingin at nakita niyang nakati
Magkaharap na nakaupo sina Lily at Cleon sa isang table sa ISAAC’s.“Para saan ito?”Iyon ang bungad ni Lily nang abutan siya ni Cleon nang dalawang paperbags.“Pasalubong ni Mom galing Japan. Almost everyday niya kasi akong tinatawagan. Kaya noong nagkita tayo ulit, nakwento kita sa kaniya.”Sobrang na-touch si Lily sa nalaman niya kaya naman nagpasalamat siya kay Cleon. “Pakisabi na lang kay tita na maraming salamat dito, ha? Nag-abala pa siya,” nakangiting sabi ni Lily.Tinabi niya muna ang paperbag saka tumingin muli kay Cleon. “Nandito pa ba siya? You can take her here. Sagot ko na,” pag-aalok pa ni Lily sa kaibigan.Bakas sa mukha ni Cleon ang isang ngiti na nanghihinayang. “I would love to, but she already left last weekend. Last week, umuwi siya rito for some business trip kaya hindi ako nakapasok for our filming shoot. Mabuti na lang nand’yan iyong assistant director ko.”“Kaya pala wala ka rito last week, pero sayang naman! Next time dalhin mo siya rito, ha?”Inabot ni Lily a
Nakatanaw si Ivor sa labas ng bintana sa cafeteria ng company building. Nakaupo silang dalawa ni Lian sa pangdalawahan na mesa at katatapos lang nilang mag-lunch.Iniisip niya kung paano ba sila magiging close ulit ni Lily bilang magkaibigan. Nakita kasi ni Ivor noong isang araw sina Cleon at Lily sa ISAAC’s. Masayang nagkukuwentuhan ang mga ito sa isang table ‘tapos parang sabay pa ang dalawa na nagme-merienda. Ang alam niya, childhood friend iyon ni Lily. Pero, bakit ganoon pa rin ka-close ang mga ito? Iyon ang tumatakbo sa isip ni Ivor. Para sa kaniya, may mga childhood friends na mas nagkakalayo na once na maging teenager o adult na sila.He kinda felt it was unfair. College friend o sabihin ng casual friend naman sila ni Lily, e ‘di dapat mas malapit silang dalawa kaysa si Lily at Cleon. Saka bakit gano’n? Nakikita niyang tumatawa, ngumingiti at parang komportable pa si Lily kay Cleon. Bakit sa kaniya hindi? “Tsk!” Parang nainis siya dahil sa isipin na ‘yon. Hindi tuloy niya mai
Ilang segundong nakatitig si Lily kay Ivor na nasa harap niya. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. Sasagot pa lang sana siya nang magsalita itong muli.“Did I do something wrong to you in the past? Maybe, college days? After graduation? I did feel that it was kind of unfair how you treat me and the way you treat Cleon. Even if we lose our communication, I’m still your friend, right? Ikaw nagsabi sa’kin n’yan no’ng magkita tayo ulit.”Hindi siya hinayaan ni Ivor na magsalita kasi nagsalita na naman ulit ito. Nakikita ni Lily sa mga mata ni Ivor ang paghingi nito nang pasensya.“I’m sorry. I know I shouldn’t have said these things, but I just want it to let it out in my chest.” Yumuko ito at sinuklay nito ang buhok gamit ang kamay. “Hindi ko alam bakit ganito ‘yong nararamdaman ko. I’m sorry, Lily.”Gusto niyang sabihin kay Ivor na higit pa nga sa isang kaibigan ang mayro’n sila. Kaya hindi siya komportable rito kagaya sa kung gaano siya kakomportable kay Cleon. They are not on
Dumating ang araw ng Linggo. Sa mall na dumiretso si Lily dahil nando’n na sina Lian, Isaac at Ivor. Nagkausap na rin sila ni Gwyneth na do’n na lang magkita. Nang matapos ma-park ni Lily ang sasakyan niya sa parking lot, pumasok siya sa loob ng mall at dumiretso sa isang restaurant. Lunch time na rin kaya balak nilang kumain muna bago gumala.Hindi na rin naman nagtaka si Lily kung bakit sa mall lang sila gagala. Mukhang gusto lang nina Lian at Ivor magliwaliw dahil busy sa kompanya.Pagdating ni Lily sa restaurant kung saan naka-dine in na sina Lian at Ivor, mabilis niyang nakita ang tatlo na nakaupo sa table for six. Nakita ni Lily na busy sa pangungulit si Isaac kasama iyong dalawang adult kaya hindi siya napansin ng mga ito. Magkatabi sa right side sina Lian at Ivor at sa left naman si Isaac. Naglakad si Lily patungo sa mesa nila.“Busy na busy kayo, ah.”Sabay sabay na tumingin ang tatlo sa kaniya. “Mommy!” masiglang bati sa kaniya ni Isaac. Lumapit siya sa upuan ng anak at umu
“Saan mo ‘to nabili? Masarap din naman iyong creampuff namin dito, pero iba ‘yung sarap nito!”Iyon ang unang lumabas sa bibig ni Lily nang matapos niyang kumain ng creampuff na dala ni Cleon. Nakaupo sila sa pangdalawahan na mesa na malapit sa hagdanan.Sa mga linggo na lumipas, tuwing may filming shoot sa ISAAC’s, sabay na sila nagme-merienda o kumakain tuwing breaktime ng mga pagkain na dala ni Cleon galing sa iba’t ibang restaurant at iba’t ibang cuisine.Natutuwa naman si Lily dahil bilang isang owner ng restaurant, nakakatikim siya ng ibang pagkain na gawa ng iba.“Sa bakery na ni-recommend ng co-directors ko. Um-order ako kaninang umaga at naisip kong i-share na lang ulit sa’yo. Parehas tayong busy at walang time para pumunta sa mga recommended places na puwede kainan. Mas masarap din ang pagkain kapag may kahati,” nakangiting sabi ni Cleon sa kaniya.Nginitian ni Lily pabalik ang kaibigan. “Totoo talaga ‘yan. Thank you for sharing it with me, Cleon!”Nang matapos silang mag-me
Humahangos na tumatakbo si Lily mula sa parking lot ng ospital hanggang pagpasok niya sa loob. Lumapit siya sa nurse’s reception para tanungin kung nasaan ang anak niya. Sinamahan siya nang isa sa mga nurse patungo sa emergency room.Nakasunod si Lily sa nurse at huminto sila sa isang kama. Nakahiga si Isaac habang tahimik na nakaupo si Ivor sa tabi ng ospital bed. Mabilis na nilapitan ni Lily ang natutulog niyang anak.Hinaplos niya ang buhok nito at naluluhang pinagmamasdan si Isaac.Lumingon si Lily sa nurse. “How’s my son? Kailangan niya ba ng surgery? May injuries ba siya? Anong kailangang gawin?” sunod sunod niyang tanong habang hindi maalis ang malakas na pagkabog sa kaniyang dibdib.“Gladly, Ma’am, your son is okay. May kaunti lang siyang gasgas sa noo pero maayos ang lagay niya. We’ve run several tests on him and there are not any findings. Nahimatay lamang po siya dahil sa pagkabigla ngunit maari niyo na po siyang i-uwi pagkagising niya,” mahabang paliwanag sa kaniya ng nurse
***SEVEN YEARS AGO...Nakatayo si Ivor sa harap nang kaniyang boss habang binabasa nito ang project proposal niya. Kumunot ang noo nito at nang mag-angat ito nang tingin sa kaniya, masama ang mga titig nito.The next thing he knew, binato sa kaniya nang kaniyang boss ang folder kung saan nakalagay ang mga documents ng proposal na iyon.“What the f*ck is this, Ivor? Can you do your job better?” Hindi man siya sigawan nito, ramdam niya ang panggagalaiti sa boses nito.“I’m sorry, Sir,” he said. Almost a whisper.“Revised it! That f*cking trash can’t even be approved! I’ll give you five days!”“Limang araw lang?” Iyon ang pumasok sa isip niya. Halos dalawang linggo niya iyong ginawa at may overnight pa, pagkatapos sobrang iksi ng deadline para sa revision?Walang magawa si Ivor dahil ito pa rin ang senior manager nila habang assistant manager pa lang siya. Swerte pa nga siya dahil office worker siya rito sa U.S. Huminga siya nang malalim. “Yes, Sir.” Dinampot niya ang mga nahulog na pa
Kalalabas lang ni Lily sa living room mula sa kwarto ni Isaac. Pinatulog niya muna ito bago kausapin si Lian. Nakaupo ang kaniyang kapatid sa couch habang hinihintay siya. Nag-angat ito sa kaniya nang tingin nang maramdaman nito ang presensya niya.“Iniiwasan mo na naman si Kuya Ivor ‘no?”Umiwas nang tingin si Lily at umupo sa tabi ni Lian. Sumandal siya sa couch at ipinikit niya ang kaniyang mga mata. “Oo. Naalala ko ang mga dahilan bakit kailangan ko siyang iwasan,” seryosong sagot ni Lily sa tanong ni Lian.She heard him heaved a deep sigh. “May problema ba kayo? Hindi mo ba puwedeng kausapin si Kuya Ivor tungkol do’n?”“Lian, simula pa lang dapat ganito na. Ilang taon nang hindi parte nang buhay namin ang isa’t isa. Kahit sabihin ko sa kaniya na ayoko na siyang makita, ano naman ang idadahilan ko?”Nang hindi siya nakarinig nang sagot kay Lian, dinilat niya ang kaniyang mga mata. Tahimik itong nakaupo sa tabi niya.“You want to know the reason?”Lumingon sa kaniya si Lian, pagk
Nang makadating si Ivor sa bahay nila, sinalubong siya nang kaniyang ina. “Mabuti at nandito ka na, Ivor.”Bakas sa mukha nito ang pag-aalala kay Janelle kaya niyakap niya ang ina. “Don’t worry, Mom. Magiging okay din siya. How was she?”Humiwalay silang mag-ina sa pagkakayakap sa isa’t isa. Inakbayan ni Ivor ang ina niya at sabay sila naglakad patungo sa second floor.“She’s alright. Pero sabi ng doktor, kailangan niya nang bed-rest.”Pagdating nila sa second floor, dumiretso sila sa kwarto ni Janelle. Kumatok ang kanilang ina.“Anak, nandito na ang kuya mo.”Binuksan ni Ivor ang pinto at nakita nilang nakaupo si Janelle sa kama nito at nakasandal sa headrest. Nanlaki ang mga mata nito sa gulat nang makita siya.“Oh, Kuya? Anong ginagawa mo rito?” dumako ang tingin ni Janelle sa kanilang ina. “Sinabi mo kay Kuya Ivor, Mom?”Humiwalay kay Ivor ang kanilang ina, lumapit ito kay Janelle at umupo sa gilid ng kama nito. “I’m sorry. Nag-aalala lang ako sa’yo, bunso. Isa pa, hindi namin k
Naglalakad si Lily sa parking lot ng isang commercial building para hanapin kung saan niya na-park ang kotse niya. Nang makita niya ito, pumasok siya sa driver seat. Mabilis niyang sinara at ni-lock ang pinto saka siya nag-seatbelt. Pinaandar niya ang makina ng kotse at nagsimulang magmaneho paalis ng building na ‘yon.Kagagaling lang niya sa isang client meeting at pauwi na siya ngayon. Mabagal ang daloy ng mga sasakyan dahil rush hour na. Kaya naman kinuha ni Lily ang cellphone niya at tinawagan si Ivor para i-check si Isaac. Ilang ring pa lang ay sumagot na si Ivor. “Hello, Lily?”“Hi, Ivor. Kumusta si Isaac? Pauwi pa lang ako, sorry.”“No, it’s okay. Ayos naman siya. Katatapos lang namin gawin ang assignment niya.”Weekdays ngayon pero magkasama sina Ivor at Isaac. Simula nang si Ivor ang magsundo kay Isaac galing sa eskwelahan at nang malaman nito ang bahay nila, ito na minsan ang nagtitingin kay Isaac kapag ginagabi siya sa trabaho. Dinidiretso na ni Ivor ang anak niya sa bahay
Hininto ni Ivor ang kotse sa tapat nang isang bahay. Bungalow house ito na may garden sa harap bago makarating sa front door. Pinaghalong itim at puti ang kulay ng bahay sa labas.“Nandito na po tayo, Uncle Ivor.”Narinig niyang sabi ni Isaac. Tinulungan niya itong magtanggal ng seatbelt. Binuksan ni Ivor ang pinto sa passenger seat para makalabas si Isaac. Inalis na rin niya ang kaniyang seatbelt at lumabas mula sa driver seat. Sinamahan ni Ivor umuwi si Isaac para kunin ang assignment nito. Hindi kasi iyon nadala ng bata nang ihatid ito ni Lily sa condo ni Lian kaninang umaga. Pagkatapos nilang kunin ang assignment ni Isaac, babalik na rin sila sa condo at dadaanan nila si Lian sa grocery store na pinag-iwanan nila rito.Sinundan ni Ivor si Isaac na maglakad patungo sa gate. Nakasunod lang siya rito hanggang sa makarating sila sa front door. Dahil naka-passcode system ang lock ng pinto nina Lily, nakita ni Ivor na nag-type doon si Isaac. Bumukas ang pinto at pumasok sila sa loob.N
Nakadukdok si Lily sa office table niya dahil pakiramdam niya naging problemado siya sa kinakaharap niya ngayon. Nag-angat siya nang tingin kay Gwyneth na nakaupo sa couch at naghihintay sa ikukuwento niya dahil naabutan siyang ganito nang kaibigan niya.“Wala ka na namang trabaho?” pagpuna ni Lily kay Gwyneth.Tinawanan siya nito. “Grabe! Imbes na batiin mo ‘ko, ‘yan talaga bungad mo sa’kin?”“Argh!” iyon ang lumabas sa bibig ni Lily at dumukdok ulit sa mesa niya.“Bakit ba ang problemado mo? May nangyari ba?”Nag-angat ulit nang tingin si Lily kay Gwyneth at nagpalumbaba siya. Bumalik sa isip niya ang mga nangyari nitong mga nakaraang linggo na lumipas.Simula nang gabing iyon sa event, parang mas naging malapit sa kaniya si Ivor lalo na sa anak nila. Ito na ang sumusundo kay Isaac tuwing hapon sa school. Dinadala na lang ni Ivor sa kaniya si Isaac dito sa café & restaurant niya pagkatapos sabay silang uuwi kahit na kaniya kaniyang kotse ang gamit nila.Nagpapaalam naman si Ivor sa
“Tawagin niyo na lang ako kung may kailangan pa kayo, pupunta lang ako sa kitchen,” pagpapaalam ni Lily sa mga staff niya na naka-assign sa pagse-set up ng event.Pagpasok ni Lily sa loob ng kitchen ng function hall, nakita niya ang mga bagong dating niyang staff na dala ang mga pagkain. Dahan dahan ibinababa ng mga ito ang food pan sa isang mahabang mesa.“Ayos ba ang mga pagkain?” tanong ni Lily sa mga staff niya. “Ayos naman po lahat, Ma’am,” sagot sa kaniya nang isa sa mga waiter niya. Binuksan ni Lily isa isa ang mga food pan para makasigurado. Nakahinga siya nang maluwag dahil maayos ang mga ito, walang tapon o kung ano man.Malakas ang ulan sa labas kaya naman kailangan niya i-check kung okay ang mga pagkain na ise-serve nila.Lumabas siya ng kitchen at nag-double check siya sa paligid. Naka-set up naman halos lahat. Finishing touch na lang ang kulang, ilang minuto na lang din ay darating na ang mga bisita.Swerte rin niya dahil sa first floor ng hotel sila nakapag-book ng fu
“Good afternoon, Sir.”Pagbati ni Russel kay Ivor nang pumasok siya sa ISAAC’s. Ilang araw din siyang hindi nakakapunta rito dahil busy siya sa sariling kompanya.“Good afternoon, Russel. Nand’yan ba si Lily?” pagbati ni Ivor pabalik kasabay nang paghahanap niya kay Lily.“Sorry, Sir Ivor. Wala po rito si Ma’am Lily, may outside meeting po siya sa isang client.”Tumango-tango si Ivor bilang sagot saka nagpaalam sa kaniya si Russel na may gagawin din ito. Um-order na lang din siya nang isang cinnamon roll at hot caramel macchiato for take-out dahil may filming shoot.Matyagang naghihintay si Ivor sa orders niya nang may isang lalaki ang lumapit sa counter para um-order din.“Hi. One iced americano, please.”Nang tingnan ni Ivor kung sino iyon, sumalubong sa kaniya si Cleon. Nalingon din ito sa gawi niya kaya nagtama ang mga tingin nila. Dahil lang do’n, tila may nabuong tensyon ng alitan sa kanilang dalawa. Hindi sila nagsasalita pero alam ni Ivor na para silang nagtatalo sa isip nang