Finally, Lily cleared all of her schedule and she is now able to take a day-off with Isaac.Nasa loob sila ng kotse at nasa byahe sila papunta sa isang wildlife park. Naisip niya kasi na masyadong common na ang mga arcade amusement, ilang beses na rin niyang nadala ro’n si Isaac. Kaya naisipan niyang dalhin ito sa isang zoo or wildlife park. Ito ang first time ni Isaac, kaya naman excited siya para sa anak.“Isaac, are you excited?”“Yes po, Mommy! I can’t wait to see those animals that I’ve only seen on cartoons and TV!” masiglang sabi ni Isaac na nasa passenger seat.Saglit niya itong tiningnan at nginitian ang anak. “I’m glad. I hope you’ll enjoy it there.”“Mommy, kasama po natin iyong friend mo po, right?”Sinabihan na rin ni Lily, si Cleon na sa entrance na lang sila ng wildlife park magkita. In-inform niya ang kaibigan two days from now na doon na lang sana sila pumunta at hindi na sa mga arcade amusement.Gusto man niyang mag-enjoy sa mga ganoong klaseng laro, pero inisip ni Li
Huminga nang malalim si Ivor at sumandal sa swivel chair niya. Ilang araw na siyang wala sa mood dahil sa nalaman niyang hindi na sila magkikita ni Isaac. Napalapit na siya sa bata at parang pamangkin na rin talaga ang turing niya rito. Sa kabila ng stress at pagod niya sa opisina, nilu-look forward niya tuwing weekends na makikita at makakalaro niya si Isaac dahil gumagaan ang pakiramdam niya. Parang nawawala lahat ng stress at pagod.Hindi nga niya maisip kung gaano katahimik at kaboring ang buhay niya bago niya makilala si Isaac.Tumingin siya sa orasan, ala una pa lang ng hapon pero parang gusto na niyang umuwi. Kinuha niya ang cellphone at tinawagan niya si Lian.“Hello, Sir Ivor?”Umikot-ikot si Ivor gamit ang swivel chair niya. “Dadaan ka ba sa ISAAC's mamaya?”“Bakit, Sir?”Inihinto ni Ivor ang kaniyang pag-ikot ikot. “Makikisabay sana ako at kakausapin ko rin sana ate mo.”“About business ba, Sir? Mag-schedule na lang ako ng—”Hindi na pinatapos ni Ivor na magsalita si Lian
Lily got caught off-guard by what Ivor had said. She needed a minute to calm herself down. Inalis niya lahat nang emosyon na nakita panandalian ni Ivor sa mga mata niya. Hindi maalis sa isip niya ang mga itinanong ni Ivor sa kaniya. Dahil doon nagsimula nang mabuo ang galit sa loob niya.Malamig niya itong tiningnan kasabay nang isang masamang tingin. “So, what about it?” panimulang tanong niya kay Ivor. “What is it to you if I have another reason?” tanong muli ni Lily kay Ivor.“At least, I deserve to know them. Para hindi na ako nangungulit,” sagot nito sa kaniya at sinalubong nito ang malamig niyang mga tingin. Umiling-iling si Lily. “No, you don’t. Bakit sino ka ba sa buhay namin? You are nothing, but my son’s friend. His uncle’s boss and his mom’s client. Hindi ka parte ng pamilya namin kaya wala kang karapatan para malaman ang dahilan.“Simple lang naman, Ivor. Hindi mo na makikita si Isaac dahil may nakuha na akong babysitter niya. Kaya hindi ko na siya kailangan dalhin sa co
Nagpadala si Lily ng message kay Ivor noong Lunes gamit ang business email niya tungkol sa pakikipagkita nito kay Isaac ngayong Biyernes. Hinayaan niyang si Ivor ang pumunta sa café & restaurant niya para makita si Isaac bago niya muling ihatid ang anak kay Lian tuwing weekends.As much as possible, ayaw pa rin naman ni Lily na mapalapit kay Ivor kaya nagpadala na lang siya ng email kaysa naman sa kausapin niya pa ito sa personal phone niya.At ngayong Biyernes ng gabi, nakatayo si Lily sa second-floor habang nakapatong ang mga kamay niya sa railings. Naghihintay siya nang maaring gawin para makatulong sa baba. Madami silang customers ngayon. Bukod sa dinala niya muna rito si Isaac pagkagaling sa school dahil gagabihin siya sa trabaho, ito na rin ang napag-usapan na araw nila ni Ivor.Nakapako ang atensyon niya kina Isaac at Ivor na nakaupo sa pangdalawahang mesa sa bandang dulo ng ISAAC’s. Kahit malayo siya, nakikita niya ang mga tawanan at ngiti ng mga ito sa isa’t isa habang naglal
Tahimik lang na kumakain si Lily dahil sa awkwardness na nararamdaman niya. Hindi naman bago na kasama niya sa hapagkainan si Lian at Isaac, pero bago sa kaniya ang kasama si Ivor— na masaya at puno nang buhay makipag-usap sa anak niya habang kumakain.This reminds her how their breakfast went when they were still in the U.S. Walang nagsasalita sa kanilang mag-asawa noon, tanging pag-iyak lang ng sanggol na si Isaac ang maririnig habang kalong-kalong ito ni Lily kahit na kumakain siya. Pinagsasabay niya ang pagkain at pagpapatahan sa anak niyang inaantok. Palagi pang nagmamadali si Ivor noon kumain ng agahan para lang hindi mahuli sa trabaho.And their situation now, can make Lily feel a bit weird. Hindi niya alam na ganito kabuhay ang hapagkainan kapag magkakasama sina Lian, Isaac at Ivor. Masayang nagbibiruan at nagkukuwentuhan ang mga ito habang kumakain. Nawala si Lily sa kaniyang malalim na iniisip nang mapansin niyang tumahimik. Nag-angat siya nang tingin at nakita niyang nakati
Magkaharap na nakaupo sina Lily at Cleon sa isang table sa ISAAC’s.“Para saan ito?”Iyon ang bungad ni Lily nang abutan siya ni Cleon nang dalawang paperbags.“Pasalubong ni Mom galing Japan. Almost everyday niya kasi akong tinatawagan. Kaya noong nagkita tayo ulit, nakwento kita sa kaniya.”Sobrang na-touch si Lily sa nalaman niya kaya naman nagpasalamat siya kay Cleon. “Pakisabi na lang kay tita na maraming salamat dito, ha? Nag-abala pa siya,” nakangiting sabi ni Lily.Tinabi niya muna ang paperbag saka tumingin muli kay Cleon. “Nandito pa ba siya? You can take her here. Sagot ko na,” pag-aalok pa ni Lily sa kaibigan.Bakas sa mukha ni Cleon ang isang ngiti na nanghihinayang. “I would love to, but she already left last weekend. Last week, umuwi siya rito for some business trip kaya hindi ako nakapasok for our filming shoot. Mabuti na lang nand’yan iyong assistant director ko.”“Kaya pala wala ka rito last week, pero sayang naman! Next time dalhin mo siya rito, ha?”Inabot ni Lily a
Nakatanaw si Ivor sa labas ng bintana sa cafeteria ng company building. Nakaupo silang dalawa ni Lian sa pangdalawahan na mesa at katatapos lang nilang mag-lunch.Iniisip niya kung paano ba sila magiging close ulit ni Lily bilang magkaibigan. Nakita kasi ni Ivor noong isang araw sina Cleon at Lily sa ISAAC’s. Masayang nagkukuwentuhan ang mga ito sa isang table ‘tapos parang sabay pa ang dalawa na nagme-merienda. Ang alam niya, childhood friend iyon ni Lily. Pero, bakit ganoon pa rin ka-close ang mga ito? Iyon ang tumatakbo sa isip ni Ivor. Para sa kaniya, may mga childhood friends na mas nagkakalayo na once na maging teenager o adult na sila.He kinda felt it was unfair. College friend o sabihin ng casual friend naman sila ni Lily, e ‘di dapat mas malapit silang dalawa kaysa si Lily at Cleon. Saka bakit gano’n? Nakikita niyang tumatawa, ngumingiti at parang komportable pa si Lily kay Cleon. Bakit sa kaniya hindi? “Tsk!” Parang nainis siya dahil sa isipin na ‘yon. Hindi tuloy niya mai
Ilang segundong nakatitig si Lily kay Ivor na nasa harap niya. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. Sasagot pa lang sana siya nang magsalita itong muli.“Did I do something wrong to you in the past? Maybe, college days? After graduation? I did feel that it was kind of unfair how you treat me and the way you treat Cleon. Even if we lose our communication, I’m still your friend, right? Ikaw nagsabi sa’kin n’yan no’ng magkita tayo ulit.”Hindi siya hinayaan ni Ivor na magsalita kasi nagsalita na naman ulit ito. Nakikita ni Lily sa mga mata ni Ivor ang paghingi nito nang pasensya.“I’m sorry. I know I shouldn’t have said these things, but I just want it to let it out in my chest.” Yumuko ito at sinuklay nito ang buhok gamit ang kamay. “Hindi ko alam bakit ganito ‘yong nararamdaman ko. I’m sorry, Lily.”Gusto niyang sabihin kay Ivor na higit pa nga sa isang kaibigan ang mayro’n sila. Kaya hindi siya komportable rito kagaya sa kung gaano siya kakomportable kay Cleon. They are not on