Share

Chapter 3

Author: Ced Emil
last update Huling Na-update: 2025-03-07 07:59:54

Linggo ng hapon ay dumating si Nikolai upang sunduin si Zia at uuwi sila sa sarili nilang bahay. Hindi niya naitago ang pagsimangot nang makitang kausap ito ng kanyang ina. Tinignan niya ito ang kanyang ina na nasa may malawak na sala mula rito sa punong hagdan. Kahit gusto niya ang bumalik muli sa kanyang kuwarto ay pinigilan niya ang sarili.

Ito ang pinaayaw niya kapag sumapit na ang linggo dahil kailangan niyang umuwi sa bahay nilang mag-asawa. Kung papipiliin siya ay dito na lang siya para hindi na makita si Nikolai. Nasisilayan pa lang niya ito ay kumukulo na ang kanyang dugo. Pigil na pigil lang niya ang sariling kalmutin ang mukha nito lalo na kapag iniignora nito ang mga pasaring niya rito.

Na para lang siyang hangin. Pero ‘pag pinatulan naman siya nito ay mas maiinis pa siya. Alam niyang unreasonable siya dahil sa ginagawa pero hindi lang talaga niya mapigilan ang sarili dahil sa pagkamuhing nararamdaman niya rito.

Malamig ang mukhang pumanaog na siya at nang makita siya ng asawa ay tumayo na ito at lumapit sa kanya. Kinuha nito sa kamay niya ang bitbit niyang bag bago humarap muli sa kanyang ina at nagpaalam na ito.

“Uuwin a po kami, mama,” magalang na saad nito.

“Mag-ingat kayo sa daan,” nakangiting sabi ng kanyang ina at niyakap siya sabay halik sa kanyang pisngi. “Don’t be so hardheaded, hija. Pakinggan mo kung ano ang sasabihin ni Nikolai at ‘wag idaan sa init ng ulo ang lahat.”

Matalim na tinignan niya si Nikolai. Hindi niya alam kung ano ang sinumbong nito sa mama niya. Hindi ito sasabihin ng kanyang ina kung wala itong sinabi.

Hindi ito apektado sa ginawa niya at blangko lang ang mukhang tinignan siya. Pero nang kumalas na siya sa ina ay nagbawi ito ng tingin at humalik sa pisngi ng kanyang ina. Nang lumabas na sila ay hinatid pa sila ni Shanna hanggang sa makalabas ng gate ang kotse at sumara iyon.

Agad na nilinga niya ito at halos patayin na ito sa talim ng kanyang tingin.

“Ano na naman ba ang sinumbong mo kay mama? Masaya ka na ba kapag pinapagalitan ako ng sarili kong ina?” asik niya.

Deretso lang ang tingin nito sa kalsada at hindi man lang sumulyap sa kanya. Lalong kumulo ang dugo niya sa pag-iignora nito sa tanong niya.

“Ano? Mananatili ka na naman na walang kibo dahil sinisiraan mo ako sa mama?”

“Shut up!” angil na rin nito at hinampas ang manibela bago sumulyap sa kanya. “Katulad ba kita na kahit sa kaliit-liitang bagay ay sinusumbong mo kay kuya? Pwede ba, Zianna, respetuhin mo naman si ate Lexie-”

“At bakit ko gagawin iyon kung inagaw niya sa’kin si kuya Nigel?” maanghang na putol niya sa sinasabi nito.

Nagtagis ang bagang ni Nikolai at nagmura. “Kung hindi mo kayang respetuhin si Ate ay ang sarili mo na lang ang respetuhin mo kahit kaunti. Hindi ka ba nahihiya na ikaw ang nagdadala ng away sa kanilang pagsasama? Hindi mo ba alam kung ano ang ibig sabihin ng salitang boundaries? Si kuya na ang umiiwas sa’yo pero ikaw itong nagsisiksik ng sarili mo sa buhay niya. Kahit anong gawin mo ay kapatid lang ang tingin niya sa’yo! Si ate Lexie ang mahal niya at hindi niya iiwan ang mag-ina niya para lang sa’yo!” mataas na rin ang boses na angil ni Nikolai sa kanya.

Namula ang mukha niya sa pagkayamot at galit na tumingin sa labas ng bintana. Kapag ganitong pinapamukha nito na walang gusto si Nigel sa kanya ay hindi niya magawang salungatin at sagutin ito. Dahil ‘pag iyon na ang binibitiwan nitong salita ay sumisikip ang dibdib niya at nasasaktan siya. ‘Di rin niya mapigilan ang umiyak.

Naiinis na pinunasan niya ang luha at hindi na muling kumibo pa. Hanggang sa makauwi na sila ay hindi na niya tinignan ito at padabog na bumaba ng kotse nito. Hindi maitatago ng bawat hakbang niya kung gaano kabigat ang loob niya sa sandaling ito. Alam talaga ng lalaking ito ang gagawin para saktan siya at makalimutan niya pansamantala ang galit niya rito. At iyon ay ang ipamukha kung ano ang papel niya sa buhay ni Nigel.

Nang makapasok siya ng bahay ay akmang aakyat na siya sa kanyang kuwarto nang marinig niya ang yabag nito at ang malamig na boses nito.

“Sa condo ni Zero ako matutulog ngayong gabi,” ani’to.

“Mas mainam pa nga kung doon ka na lang tumira at nang hindi ko nakikita iyang pagmumukha mo,” yamot na sikmat niya at nagpatuloy na sa pag-akyat. Ni hindi na niya ito nilingon pa at dumeretso na siya sa kanyang kuwarto. Pabalibag na sinara niya ito at nagpupuyos ang kalooban na nagpalakad-lakad sa malawak niyang silid.

At nang hindi pa rin siya kumalma ay iritadong hinablot niya ang unan at ibinato iyon sa nakasarang pinto. Wala siyang pakialam kahit pa hindi na ito umuwi. Mas matutuwa pa nga siya kung gagawin nito iyon.

Nang marinig na niya ang ingay ng papalayong kotse ng lalaki ay lumabas siya ng balcony ng kuwarto at tinignan iyon. Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon nang mawala na sa paningin niya ang kotse ng asawa.

Subalit may maliit na tinig sa kanyang utak na bumubulong at nagsasabing sana ay sa ibang babae na lang ang pupuntahan nito. Gusto niyang gumawa ito ng mali para may dahilan na siya para iwan ito. Hindi na siya mapipigilan ng ama na makipaghiwalay siya.

Noon ay giniit niya sa ama na hindi siya masaya sa piling ni Nikolai. At tinanong siya nito kung may ibang babae ang kanyang asawa. At nang sabihin niyang wala ay tinanong naman siya kung pinagbubuhatan siya nito ng kamay at nang umiling siya ay hinaplos lang ng kanyang ama ang uloniya at sinabing ‘wag niyang sayangin ang lalaking nakalaan para sa kanya. Ang pag-ibig ay natututunan at nade-develop pagdating ng panahon. Walang dahilan para maghiwalay sila ni Nikolai dahil nakikita raw nito kung anong klase ng lalaki ang kanyang asawa. Hindi raw isang barumbado at mapaglaro katulad ng iba. Ngali-ngaling sabihin niya noon na may suot lang na maskara ang lalaki kaya hindi nila nakikita kung ano ang totoong ugali nito.

Sa sumunod na binanggit niya ito sa ama ay doon na ito nagalit at sinabing wala siyang matatanggap na mana kapag ipinilit niya ang gusto. Galit din na pinagalitan siya ng ama na tigilan na niya ang kahibangan niya at tantanan na ang pamilya ni Nigel. Kahit na giniit niyang hindi naman niya sinsira ang pamilya nito ay ganun pa rin ang ginagawa niya. Hindi niya makita kung paano niya sinisira ang pagsasama nina Lexie at Nigel dahil hindi naman siya kabit ng huli. Mahal lang niya ang lalaki at kontento na siya na nakakausap at nakikita niya ito. Minsan ay siya pa ang nag-aalaga kay Len at wala naman siyang naririnig na reklamo mula kay Lexie kaya para sa kanya ay wala siyang ginagawang masama.

Hindi niya alam kung bakit nagbago ang ama simula na lang nang magkamali siya minsan. Dati ay mabait at hindi ito istrikto pero pagkatapos niyang mabuntis at magpakasal kay Nikolai ay hindi na ito iyong ama niya na pinagbibigyan lahat ng mga kapristo niya. Hindi na siya ang prinsesa nito.

At kung ano man ang pinakain ni Nikolai sa magulang niya at kung bakit botong-boto sila sa asawa niya na hindi man lang sila nagdalawang-isip noong ipakasal sila ay hindi niya alm. Basta naiimbyerna siya dahil kuha nito ang pabor at aprobado ito ng pamilya niya.

Bumalik na siya sa loob at huminga ng malalim. Nilapitan niya ang bedside table at binuksan ang drawer. Kinuha niya roon ang maliit na album at binuklat iyon. Mga litrato niya noong edad fourteen siya hanggang noong eighteenth birthday niya ang laman nito. At kasama niya sa bawat picture si Nigel at nakaakbay sa kanya habang siya ay ang tamis ng kanyang ngiti.

Ito lang tanging nang-aalo sa kanya sa tuwing masama ang loob niya. Mali man ang ginagawa niya subalit ito lang ang nagpapasaya sa kanya simula nang matali siya kay Nikolai. Dahil ang dapat sanang kakapitan niya ay hindi naman pala totoo na lalong nagpasakit sa kalooban niya.

Kaugnay na kabanata

  • Bound To Him   Prologue

    Napapikit si Zia nang makita ang resulta ng pregnancy test na hawak niya. Napaluha siya at nabitiwan ito pagkatapos ay napatutop siya sa bibig. Impit siyang napaiyak at padausdos na naupo siya sa malamig na sahig ng banyo. Ito na at nagbunga ang kapusukan nila ni Nikolai noong nakaraang buwan. Hindi niya inakalang ito ang magiging kunsekwensya ng ginawa nila.Gabi iyon kasal ni Nigel nang may mangyari sa kanila ng binata. Ang sakit ng kalooban niya dahil ang lalaking mahal niya ay pag-aari na ito ng iba. Dahil sa sama ng loob ay naglasing siya kasama ang kapatid na Zero at sina Nikolai. Hindi niya matandaan kung ano ang nangyari basta paggising niya kinaumagahan ay katabi na niya ang lalaki at parehong wala silang saplot.Kulang ang gulat na kanyang naramdaman nang masilayan ang nahihimbing na binata. Nilukob din siya ng pagkamuhi at galit dahil pakiramdam niya ay pinagsamantalahan siya nito. Mas matanda ito ng tatlong taon sa kanya kaya ito dapat ang naakapag-isip ng tama. Nang umaga

    Huling Na-update : 2025-03-07
  • Bound To Him   Chapter 1

    “Huwag mo na akong ihatid,” malamig na turan ni Zia nang lumabas siya ng kanilang bahay. Naabutan kasi niyang nakatayo ang kanyang asawa na si Nikolai sa tabi ng kotse nito. Hindi niya magawang ma-appreciate ang lalaki kahit pa napaka-guwapo nito sa outfit nito. Para sa kanya ay sakit sa mata pa ito at kung pwede lang na huwag niya itong makita ay ginawa na niya.Halos dalawang taon na ang nakalilipas nung nagpakasal silang dalawa. At simula nun ay hindi na siya nakaramdam ng saya at palagi na siyang nakasimangot kapag nandito siya sa tinitirhan nila ng asawa. Walang nakakaalam na mga kaibigan nila kung ano ang sitwasyon nilang dalawa. Sa mata nila ay para silang estranghero sa isa’t isa dahil hindi man lang sila nag-uusap kapag nasa labas sila ng kanilang tahanan. Kahit na nagsasalubong silang dalawa sa university o kahit saang lugar ay parang hindi sila magkakilala. Magkahiwalay din ang kanilang kuwarto at hindi nagsasabay kumain dahil lantarang iniiwasan niyang magkasarilinan silan

    Huling Na-update : 2025-03-07
  • Bound To Him   Chapter 2

    Nang maiparada ni Nikolai ang kotse sa garahe ay hindi agad siya bumaba at nanatiling nakaupo pa rin. Hindi maipinta ang kanyang mukha at mariing nakahawak siya sa manibela. He’s furious and mad at the same time. Hindi niya napigilan ang sariling sagutin ang kanyang asawa dahil sa nagsawa na siya sa palaging pagsabi nitong siya ang may kasalanan ng lahat. Rinding-rindi na ang taynga niya na marinig iyon sa bibig ni Zia.Simula na lang nang bumukod silang mag-asawa ay wala na itong ginawa kundi ang isampal sa mukha niya na wala itong gusto sa kanya. Katunayan ay against din siya sa kasal na ito kung hindi lang dahil nabuntis ang asawa at kailangan niyang panagutan ito. Aware siya noon pa na ang kuya Nigel niya ang laman ng puso nito. At tanggap naman niya iyon. Ni hindi nga siya nagrereklamo kahit lantaran na ang ginagawa nito. Ang pinagpasalamat lang niya ay may asawa na ang kuya niya at alam niyang nakababatang kapatid lang ang tingin ng huli sa kanyang asawa. At aminado siya na may

    Huling Na-update : 2025-03-07

Pinakabagong kabanata

  • Bound To Him   Chapter 3

    Linggo ng hapon ay dumating si Nikolai upang sunduin si Zia at uuwi sila sa sarili nilang bahay. Hindi niya naitago ang pagsimangot nang makitang kausap ito ng kanyang ina. Tinignan niya ito ang kanyang ina na nasa may malawak na sala mula rito sa punong hagdan. Kahit gusto niya ang bumalik muli sa kanyang kuwarto ay pinigilan niya ang sarili.Ito ang pinaayaw niya kapag sumapit na ang linggo dahil kailangan niyang umuwi sa bahay nilang mag-asawa. Kung papipiliin siya ay dito na lang siya para hindi na makita si Nikolai. Nasisilayan pa lang niya ito ay kumukulo na ang kanyang dugo. Pigil na pigil lang niya ang sariling kalmutin ang mukha nito lalo na kapag iniignora nito ang mga pasaring niya rito.Na para lang siyang hangin. Pero ‘pag pinatulan naman siya nito ay mas maiinis pa siya. Alam niyang unreasonable siya dahil sa ginagawa pero hindi lang talaga niya mapigilan ang sarili dahil sa pagkamuhing nararamdaman niya rito.Malamig ang mukhang pumanaog na siya at nang makita siya ng a

  • Bound To Him   Chapter 2

    Nang maiparada ni Nikolai ang kotse sa garahe ay hindi agad siya bumaba at nanatiling nakaupo pa rin. Hindi maipinta ang kanyang mukha at mariing nakahawak siya sa manibela. He’s furious and mad at the same time. Hindi niya napigilan ang sariling sagutin ang kanyang asawa dahil sa nagsawa na siya sa palaging pagsabi nitong siya ang may kasalanan ng lahat. Rinding-rindi na ang taynga niya na marinig iyon sa bibig ni Zia.Simula na lang nang bumukod silang mag-asawa ay wala na itong ginawa kundi ang isampal sa mukha niya na wala itong gusto sa kanya. Katunayan ay against din siya sa kasal na ito kung hindi lang dahil nabuntis ang asawa at kailangan niyang panagutan ito. Aware siya noon pa na ang kuya Nigel niya ang laman ng puso nito. At tanggap naman niya iyon. Ni hindi nga siya nagrereklamo kahit lantaran na ang ginagawa nito. Ang pinagpasalamat lang niya ay may asawa na ang kuya niya at alam niyang nakababatang kapatid lang ang tingin ng huli sa kanyang asawa. At aminado siya na may

  • Bound To Him   Chapter 1

    “Huwag mo na akong ihatid,” malamig na turan ni Zia nang lumabas siya ng kanilang bahay. Naabutan kasi niyang nakatayo ang kanyang asawa na si Nikolai sa tabi ng kotse nito. Hindi niya magawang ma-appreciate ang lalaki kahit pa napaka-guwapo nito sa outfit nito. Para sa kanya ay sakit sa mata pa ito at kung pwede lang na huwag niya itong makita ay ginawa na niya.Halos dalawang taon na ang nakalilipas nung nagpakasal silang dalawa. At simula nun ay hindi na siya nakaramdam ng saya at palagi na siyang nakasimangot kapag nandito siya sa tinitirhan nila ng asawa. Walang nakakaalam na mga kaibigan nila kung ano ang sitwasyon nilang dalawa. Sa mata nila ay para silang estranghero sa isa’t isa dahil hindi man lang sila nag-uusap kapag nasa labas sila ng kanilang tahanan. Kahit na nagsasalubong silang dalawa sa university o kahit saang lugar ay parang hindi sila magkakilala. Magkahiwalay din ang kanilang kuwarto at hindi nagsasabay kumain dahil lantarang iniiwasan niyang magkasarilinan silan

  • Bound To Him   Prologue

    Napapikit si Zia nang makita ang resulta ng pregnancy test na hawak niya. Napaluha siya at nabitiwan ito pagkatapos ay napatutop siya sa bibig. Impit siyang napaiyak at padausdos na naupo siya sa malamig na sahig ng banyo. Ito na at nagbunga ang kapusukan nila ni Nikolai noong nakaraang buwan. Hindi niya inakalang ito ang magiging kunsekwensya ng ginawa nila.Gabi iyon kasal ni Nigel nang may mangyari sa kanila ng binata. Ang sakit ng kalooban niya dahil ang lalaking mahal niya ay pag-aari na ito ng iba. Dahil sa sama ng loob ay naglasing siya kasama ang kapatid na Zero at sina Nikolai. Hindi niya matandaan kung ano ang nangyari basta paggising niya kinaumagahan ay katabi na niya ang lalaki at parehong wala silang saplot.Kulang ang gulat na kanyang naramdaman nang masilayan ang nahihimbing na binata. Nilukob din siya ng pagkamuhi at galit dahil pakiramdam niya ay pinagsamantalahan siya nito. Mas matanda ito ng tatlong taon sa kanya kaya ito dapat ang naakapag-isip ng tama. Nang umaga

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status