Share

Bound To Him
Bound To Him
Author: Ced Emil

Prologue

Author: Ced Emil
last update Last Updated: 2025-03-07 07:55:33

Napapikit si Zia nang makita ang resulta ng pregnancy test na hawak niya. Napaluha siya at nabitiwan ito pagkatapos ay napatutop siya sa bibig. Impit siyang napaiyak at padausdos na naupo siya sa malamig na sahig ng banyo. Ito na at nagbunga ang kapusukan nila ni Nikolai noong nakaraang buwan. Hindi niya inakalang ito ang magiging kunsekwensya ng ginawa nila.

Gabi iyon kasal ni Nigel nang may mangyari sa kanila ng binata. Ang sakit ng kalooban niya dahil ang lalaking mahal niya ay pag-aari na ito ng iba. Dahil sa sama ng loob ay naglasing siya kasama ang kapatid na Zero at sina Nikolai. Hindi niya matandaan kung ano ang nangyari basta paggising niya kinaumagahan ay katabi na niya ang lalaki at parehong wala silang saplot.

Kulang ang gulat na kanyang naramdaman nang masilayan ang nahihimbing na binata. Nilukob din siya ng pagkamuhi at galit dahil pakiramdam niya ay pinagsamantalahan siya nito. Mas matanda ito ng tatlong taon sa kanya kaya ito dapat ang naakapag-isip ng tama. Nang umagang iyon ay inaway at binigay niya lahat sa lalaki ang sisi. Pinamukha rin niya rito na kung ano man ang nangyari sa kanila ay kalimutan na nila. Ituturing na lang nilang one night stand ang lahat.

Walang naging sagot noon si Nikolai at malamig din ang naging trato nito sa kanya na halatang balewala rin ang ginawa nilang dalawa. Humingi naman ito ng sorry pero hindi pa rin niya ito mapapatawad. Kung tutuusin ay kasalanan dapat nilang dalawa ito pero ayaw niyang tangapin sa sarili iyon.

Pagkatapos ng gabing iyon ay hindi na muli silang nagkita ni Nikolai na pinagpasalamat niya. Akala niya ay walang problemang darating pa pero ito at maliwanag pa sa sikat ng araw na nagbunga ang gabing iyon. Hindi niya alam kung ano gagawin niya sa sandaling ito. Gulong-gulo ang isipan niya. Hindi pa siya handang maging ina. Ang bata pa niya at marami pa siyang kailangan na gawin sa buhay niya. Pero kapag iniisip naman niya ang nabuong buhay sa sinapupunan niya ay may tuwang umuusbong sa puso niya.

Lumakas ang paghikbi niya na unti-unti ay nagiging hagulgol. Napasubsob siya sa mga palad at hinayaang lamunin siya ng takot, tuwa, nerbiyos at galit. Halo-halong emosyon ang nararamdaman niya at hindi pa siya makapag-isip ng tama.

Suminghot siya at pilit na kinakalma ang sarili. Kailangan niyang maging malakas at lakasan ang loob para aminin ito sa magulang niya. Kahit na ayaw niya sa ama ng anak niya ay hindi niya kailanman iisipin ang ipalaglag ito. Hindi siya pinalaki ng kanyang magulang na kriminal. Mabilis na pinulot niya ang pregnancy test at mahigpit na hinawakan ito nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang kanyang ina. Puno ng pag-aalala ang mukha nito.

Namutla siya at naitago ang kamay sa kanyang likod. Bumaha ang takot sa kanyang mata at hindi agad nakahuma. Bumilis ang pagkabog ng dibdib niya at nanginig ang kanyang labi. Kahit na balak niyang aminin dito ang sitwasyon niya ay nakaramdam pa rin siya ng takot.

“Anak, anong problema?” masuyong tanong nito at lumapit sa kanya.

Mabilis na napaatras siya at umiwas nang hahawakan sana siya nito sa kamay. Mas lalong nag-alala ito at hinwakan ang braso niya.

“Zianna, sabihin mo sa’kin kung ano ang problema,” wika nito at hinaplos ang kanyang pisngi. “Pangako hindi magagalit ang mama.”

Umiling siya at umiwas muli sa hawak nito. Lumabas siya ng banyo at sumunod naman ito sa kanya. Natatakot at kinakabahan siya sa napupuntong pag-amin niya. Kahit pa mabait ang magulang niya ay may limitasyon at hangganan ang kanilang pang-uunawa. Aminado siya na natatakot siya sa magiging reaksyon nito. Ang disappointment na makikita niya sa magulang na isa sa ayaw niyang makita sa kanila.

“Hindi ka iiyak kung wala kang problema— ano ba iyang tinatago mo sa kamay mo?” tanong nito nang halos ayaw niyang ilabas ang kamay mula sa likod niya.

“M-Mama—”

Bago pa niya matapos ang sasabihin ay lumapit na ito at hinila ang kamay niya. Tuluyan na siyang napaiyak at halos naghehesteryang pilit na tinatago ang nasa kamay. Ang takot na naramdaman niya kanina ay parang bombang sumabog. Sa naging reaksyon niya ay agad siyang niyakap ng ina at hinagod sa kanyang likod.

“It’s okay, anak!” pang-aalo nito sa kanya sa masuyong tinig.

Lumakas ang paghikbi niya at napasubsob sa balikat ng kanyang ina. Mahigpit na napakapit siya sa damit nito at animo sanggol na humagulgol. Hindi pala niya kayang maging malakas para harapin ang problema niyang ito. At ngayon na yakap siya ng kanyang ina ay na-realize niyang bata pa siya at kailangan niya ito. Tama ang disisyon niyang sabihin dito na buntis siya dahil sila lang ang dadamay sa kanya sa problema niya.

Hinagod naman ng kanyang ina ang kanyang ulo at likod hanggang sa humina na ang kanyang pag-iyak. Nang bahagyang kumalma na siya ay inalalayan siya nitong maupo sa gilid ng kama at nagharap silang dalawa. Hindi siya makatingin ng deretso sa kanyang ina kaya nagyuko siya ng ulo. Ayaw niyang makita kung ano ang magiging reaksyon nito ‘pag nakita nito ang hawak niya.

Nag-aatubling binuka niya ang kamay at ipinakita ito sa ina. Nanlamig ang buong katawan niya ang kunin nito ito. Hindi pa rin niya magawang magtaas ng ulo at patuloy lang na tumulo ang kanyang luha. Mariin din siyang pumikit at hinitay na makatanggap siya ng sampal dito pero hindi iyon nangyari. Ang tanging narinig lang niya ay ang malakas na pagsinghap nito.

“Oh god,” nanulas sa labi ng kanyang ina. “Sino ang ama ng dinadala mo?” tanong nito pagkalipas ng ilang minuto. Kalmado man ito ay nahimigan pa rin niya ang disappointment at galit sa tono nito.

“Si N-Ni-” Hindi niya magawang ituloy ang pangalan ng binata dahil feeling niya ay hindi niya magugustuhan ang susunod na sasabihin ng kanyang ina.

“Sagutin mo ako, Zianna habang hindi pa umiinit ang ulo ko,” medyo tumaas na ang boses na wika nito. Hinawakan din nito ang kanyang mukha at itaas ito para magpantay ang mukha nila.

“Si N-Nikolai po, mama,” humihikbing pag-amin niya.

“Kailan nangyari ito?”

“N-Noong gabi po ng kasal ni kuya Nigel,” pag-amin niya. “I-I'm sorry po, Ma!” garalgal at umiiyak na sabi niya.

Huminga ng malalim ang kanyang ina at tumayo. Nagyuko muli siya ng ulo at pinagsalikop ang kanyang kamay. Masakit sa kanya ang makitang nadismaya ang kanyang ina sa kanya. Mas gusto pa niya ang magalit ito, sigawan siya o kaya ay sampalin siya kaysa ang makitang kalmado ito.

“Kakausapin ko si Mallou at Ashton. Kailangan ninyong panindigan ang ginawa ninyo,” malamig na turan nito.

Agarang napatingin siya rito at umiling. Iisa lang ang patutunguhan ng sinasabi nito. Gusto nilang magpakasal sila ni Nikolai. Pero ayaw niyang pakasalan ang binata dahil hindi niya ito mahal. Bumakas ang pagtutol sa kanyang mukha at nakikiusap na tinignan ang kanyang ina. Pero hindi na siya nito tinignan sa kanyang mga mata.

“Hindi mapapayagan ito ng iyong ama, Zia. Kahit pa ayaw mo ay kailangan mong pumayag sa kung anong disiyon namin ng magulang ni Nikolai. Alam na ba niya ito?” tukoy nito sa ama ng kanyang dinadala.

Nang umiling siya ay huminga ito ng malalim. Hinaplos lang nito ang braso niya bago lumabas ng kanyang kuwarto. Hapong-hapo na niyakap niya ang sarili habang umiiyak. Kung panaginip lang ang lahat ng ito ay sana gumising na siya. Dahil pakiramdam niya ng oras na ito ay mababaliw na siya. Gusto niyang iuntog ang ulo at isipin na imahinasyon lang ang lahat ng ito. Subalit niloloko lang niya ang sarili kung gagawin niya ito.

At katulad ng kanyang inaasahan ay kasal ang tanging solusyon sa problema nila. Sa una ay tutol siya at madiin na tumanggi siya. Ngunit ano ba ang magagawa ng isang buntis at batang katulad niya kundi ang pumayag na magpakasal sila ni Nikolai.

Sa huwes lang sila nagpakasal dahil ito ang hiling niya. Ayaw niya ng magarbo at malaman ng lahat na nag-asawa na siya. Gusto niyang itago ito sa mga kaibigan niya. Hindi nagreklamo si Nikolai at ang mga magulang nila. Sinunod nila ang nais niyang simple lang kanilang kasal. At siya lang yata ang babaeng kinasal na tulala at parang wala sa kanyang sarili. Hindi dahil masaya siya kundi dahil labag sa kalooban niya ang kanyang kasal.

Dito na nagsimula ang kanilang pagsasama na walang pag-ibig ang nagbubuklod sa kanila. Ang tanging nagbibigay ng lakas at saya sa kanya sa pagsasama nila ay ang kanyang dinadala. At hindi na siya makapaghintay na mabuhat ang magiging baby niya.

Related chapters

  • Bound To Him   Chapter 1

    “Huwag mo na akong ihatid,” malamig na turan ni Zia nang lumabas siya ng kanilang bahay. Naabutan kasi niyang nakatayo ang kanyang asawa na si Nikolai sa tabi ng kotse nito. Hindi niya magawang ma-appreciate ang lalaki kahit pa napaka-guwapo nito sa outfit nito. Para sa kanya ay sakit sa mata pa ito at kung pwede lang na huwag niya itong makita ay ginawa na niya.Halos dalawang taon na ang nakalilipas nung nagpakasal silang dalawa. At simula nun ay hindi na siya nakaramdam ng saya at palagi na siyang nakasimangot kapag nandito siya sa tinitirhan nila ng asawa. Walang nakakaalam na mga kaibigan nila kung ano ang sitwasyon nilang dalawa. Sa mata nila ay para silang estranghero sa isa’t isa dahil hindi man lang sila nag-uusap kapag nasa labas sila ng kanilang tahanan. Kahit na nagsasalubong silang dalawa sa university o kahit saang lugar ay parang hindi sila magkakilala. Magkahiwalay din ang kanilang kuwarto at hindi nagsasabay kumain dahil lantarang iniiwasan niyang magkasarilinan silan

    Last Updated : 2025-03-07
  • Bound To Him   Chapter 2

    Nang maiparada ni Nikolai ang kotse sa garahe ay hindi agad siya bumaba at nanatiling nakaupo pa rin. Hindi maipinta ang kanyang mukha at mariing nakahawak siya sa manibela. He’s furious and mad at the same time. Hindi niya napigilan ang sariling sagutin ang kanyang asawa dahil sa nagsawa na siya sa palaging pagsabi nitong siya ang may kasalanan ng lahat. Rinding-rindi na ang taynga niya na marinig iyon sa bibig ni Zia.Simula na lang nang bumukod silang mag-asawa ay wala na itong ginawa kundi ang isampal sa mukha niya na wala itong gusto sa kanya. Katunayan ay against din siya sa kasal na ito kung hindi lang dahil nabuntis ang asawa at kailangan niyang panagutan ito. Aware siya noon pa na ang kuya Nigel niya ang laman ng puso nito. At tanggap naman niya iyon. Ni hindi nga siya nagrereklamo kahit lantaran na ang ginagawa nito. Ang pinagpasalamat lang niya ay may asawa na ang kuya niya at alam niyang nakababatang kapatid lang ang tingin ng huli sa kanyang asawa. At aminado siya na may

    Last Updated : 2025-03-07
  • Bound To Him   Chapter 3

    Linggo ng hapon ay dumating si Nikolai upang sunduin si Zia at uuwi sila sa sarili nilang bahay. Hindi niya naitago ang pagsimangot nang makitang kausap ito ng kanyang ina. Tinignan niya ito ang kanyang ina na nasa may malawak na sala mula rito sa punong hagdan. Kahit gusto niya ang bumalik muli sa kanyang kuwarto ay pinigilan niya ang sarili.Ito ang pinaayaw niya kapag sumapit na ang linggo dahil kailangan niyang umuwi sa bahay nilang mag-asawa. Kung papipiliin siya ay dito na lang siya para hindi na makita si Nikolai. Nasisilayan pa lang niya ito ay kumukulo na ang kanyang dugo. Pigil na pigil lang niya ang sariling kalmutin ang mukha nito lalo na kapag iniignora nito ang mga pasaring niya rito.Na para lang siyang hangin. Pero ‘pag pinatulan naman siya nito ay mas maiinis pa siya. Alam niyang unreasonable siya dahil sa ginagawa pero hindi lang talaga niya mapigilan ang sarili dahil sa pagkamuhing nararamdaman niya rito.Malamig ang mukhang pumanaog na siya at nang makita siya ng a

    Last Updated : 2025-03-07

Latest chapter

  • Bound To Him   Prologue

    Napapikit si Zia nang makita ang resulta ng pregnancy test na hawak niya. Napaluha siya at nabitiwan ito pagkatapos ay napatutop siya sa bibig. Impit siyang napaiyak at padausdos na naupo siya sa malamig na sahig ng banyo. Ito na at nagbunga ang kapusukan nila ni Nikolai noong nakaraang buwan. Hindi niya inakalang ito ang magiging kunsekwensya ng ginawa nila.Gabi iyon kasal ni Nigel nang may mangyari sa kanila ng binata. Ang sakit ng kalooban niya dahil ang lalaking mahal niya ay pag-aari na ito ng iba. Dahil sa sama ng loob ay naglasing siya kasama ang kapatid na Zero at sina Nikolai. Hindi niya matandaan kung ano ang nangyari basta paggising niya kinaumagahan ay katabi na niya ang lalaki at parehong wala silang saplot.Kulang ang gulat na kanyang naramdaman nang masilayan ang nahihimbing na binata. Nilukob din siya ng pagkamuhi at galit dahil pakiramdam niya ay pinagsamantalahan siya nito. Mas matanda ito ng tatlong taon sa kanya kaya ito dapat ang naakapag-isip ng tama. Nang umaga

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status