“Huwag mo na akong ihatid,” malamig na turan ni Zia nang lumabas siya ng kanilang bahay. Naabutan kasi niyang nakatayo ang kanyang asawa na si Nikolai sa tabi ng kotse nito. Hindi niya magawang ma-appreciate ang lalaki kahit pa napaka-guwapo nito sa outfit nito. Para sa kanya ay sakit sa mata pa ito at kung pwede lang na huwag niya itong makita ay ginawa na niya.
Halos dalawang taon na ang nakalilipas nung nagpakasal silang dalawa. At simula nun ay hindi na siya nakaramdam ng saya at palagi na siyang nakasimangot kapag nandito siya sa tinitirhan nila ng asawa. Walang nakakaalam na mga kaibigan nila kung ano ang sitwasyon nilang dalawa. Sa mata nila ay para silang estranghero sa isa’t isa dahil hindi man lang sila nag-uusap kapag nasa labas sila ng kanilang tahanan. Kahit na nagsasalubong silang dalawa sa university o kahit saang lugar ay parang hindi sila magkakilala. Magkahiwalay din ang kanilang kuwarto at hindi nagsasabay kumain dahil lantarang iniiwasan niyang magkasarilinan silang dalawa. Kaya naman para hindi lang sila ang nakatira sa impyernong bahay na ito ay kumuha sila ng dalawang kasambahay. Sa paraan na ito ay hindi lang ang lalaki ang nakikita niya at palaging nasisira ang araw niya. At kung kaharap naman nila ang kanilang pamilya ay hindi niya tinago sa kanila na hindi maayos ang kanilang pagsasama. Gusto niyang ipakita sa kanila na mali ang naging disisyon nilang ipakasal silang dalawa. At kailanma’y hindi siya magiging masaya sa piling ni Nikolai. Ni hindi rin niya tinago sa lahat na ang kuya Nigel nito ang gusto niya. Wala siyang balak na sirain ang pagsasama ng mag-asawa pero hindi naman mali ang mahalin pa rin niya ito. Mas pipiliin pa nga niya ang maging single hanggang sa pagtanda kaysa ang mag-asawa ng ibang lalaki. Kaya nang biglang maging asawa niya si Nikolai ay labis sumama talaga ang loob niya. Hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawang matanggap na kasal na sila ng lalaking ni minsan ay hindi niya nakitaan ng atraksyon at interest. Wala rin siyang nararamdaman dito romantically kundi pagkamuhi lang at inis. Matagal na rin niyang gustong makipaghiwalay dito pero natatakot siya sa kanyang ama na minsan nang sinabing kapag gumawa siya ng kalokohan ay wala siyang matatanggap na mana rito. Hindi rin sumang-ayon ang kanyang ina sa gusto niya at mas hinihikayat pa siya na mas kilalanin niya si Nikolai at magugulat na lang siya kung may matutuklasan siya na magandang katangian ng asawa. Pero hindi niya ginawa ang advice ng ina at nanatiling malayo ng loob niya sa lalaki. Nagtiis siyang makasama ang lalaki sa iisang bubong. Nagpasalamat din naman siya dahil hindi rin siya pianapansin nito. Malamig at malayo ang pakikitungo nito sa kanya. Kung mahkakaroon man sila ng pag-uusap ay bilang din ang pagpapalitan nila ng salita. Katulad ngayon na blangko lang ang ekspresyon na binuksan nito ang pinto ng kotse sa halip na sundin ang sinabi niya. “Get in,” malamig na utos nito. Matalim na tinignan niya ito at hindi kumilos para sumakay sa kotse nito. Humalukipkip pa siya at pinakitang wala siyang balak na sumakay sa kotse nito. Kahit pa isang oras silang tatayo rito ay hindi niya ito pagbibigyan. At mukhang wala rin itong balak na umalis nang hindi siya kasama. Uuwi kasi siya sa bahay ng kanyang magulang dahil weekend naman bukas. Ito ang naging rules nilang dalawa ni Nikolai. Kapag weekdays ay sa bahay na pinatayo ng kanilang magulang para sa kanila sila nakatira na mag-asawa. Pero kapag sumapit na ang weekends ay pareho silang uuwi sa bahay ng kanilang magulang. Sa dalawang na ito ay pakiramdam niya’y Malaya siya at normal ang buhay niya. Iyong wala siyang asawa na gusto na gusto niya niyang sipain pabalik sa sinapupunan ng nanay nito. “Hindi mo ba ko naiintindihan? Darating si kuya Zero para sunduin ako kaya hindi mo na ako kailangan na ihatid,” naiiritang asik niya. “Hindi siya darating dahil may iba siyang lakad ngayon,” ani’to. Dumilim ang kanyang mukha at nagdadabog na sasakay sana sa backseat pero nagbabantang tinignan siya nito. Kaya naman kahit na kumukulo ang dugo niya sa inis ay sa passenger seat siya sumakay. Nang isara nito ang pinto ay inirapan niya ang likod ng lalaki at sumimangot. Humanda talaga ang kuya niyang iyon ‘pag umuwi ito mamayang gabi. Hindi lang iisang beses na ginawa nito ito. Kahit pa pinagdiinan niya rito na sunduin siya nito ay kapag uuwi na siya ay hindi ito sisipot. Wala na siyang magagawa at ihahatid na naman siya ng kanyang asawa. Ayaw niya kasi na ito ang naghahatid sa kanya dahil kapag nakita ito ng kanyang magulang ay hindi na nila ito papayagang umuwi. Ang masaya sanang weekends niya ay masisira na naman dahil kasama niya ito sa kanilang bahay. “Kapag inimbita ka ni mama mamaya ay tumanggi ka,” wika niya sa malamig na tinig. Ni hindi rin siya lumingon dito dahil ayaw niyang makita ang pagmumukha nito. “Heh!” sarkastikong usal nito atnagmaneho na palabas sa gate ng kanilang bahay. “Akala mo ba ay gusto ko rin na manatili sa bahay niyo nang kasama kita?” “Ayaw mo naman pala na kasama ako sa iisang bubong, eh! Bakit hindi na lang ikaw ang kumausap sa aking ama para maghiwalay na tayo,” naiinis na angil niya rito. “Para ano? Ako ang gagawin mong masama sa mata ng mga magulang natin?” panunumpla din nito sa kanya. “Sana ay ginawa mo nang tumanggi pa noon sa harap ng huwes noong tinanong ka niya. Hindi naman kita inoobliga na sumagot noon. Do you think I want this marriage?” nanunuyang dugtong nito. Marahas na nilinga niya ito. Kung maglalabas lang ng apoy ang mata niya ay nasunog na ang lalaki sa talim ng tingin niya rito. “Do you think I also have a choice that time? Kung hindi mo ako—” Nalukot ang mukha niya at hindi magawang mabanggit ang tungkol sa dinadala sana niya dahil bumalik na naman ang sakit sa kanya. “Wala sana tayo sa sitwasyon na ito! Ikaw ang may kasalanan kung bakit naging impyerno ang masayang buhay ko,” matalim ang boses na sigaw niya. Nanginginig ang buong katawan niya dahil sa galit. Kung hindi lang ito nagmamaneho sa sandaling ito ay kinalmot na niya ang mukha nito. Sarkastikong tumawa ito at sumulyap sa kanya. Hindi rin naitago ng mata nito ang galit at pagkamuhi sa kanya. Puno rin ng panunuya ang mata nito na nakadagdag pa sa inis niya rito. “And do you think I was the one who initiated that s*x?” he mocked. “Bakit hind imo alalahanin kung ano ang ginawa mo ng gabing iyon? Hindi iyong sa’kin mo lang isinisisi ang lahat.” “Stop the car!” nanggagalaiting sigaw niya at binayo ang pinto ng kotse. At nang hindi nito ihinto ang kotse ay nagsimula na siyang magwala. Pinagsusuntok niya ang braso at likod nito kaya napilitan itong ihinto ang kotse sa gilid ng kalsada. Madilim ang mukhang hinawakan nito ang dalawang kamay niya para tumigil siya sa paghampas niya rito. Nag-iigtingan din ang mga ugat sa leeg at noo nito habang nakatingin sa kanya. Subalit hindi siya nagpatalo at nakamamatay na tingin din ang iginawad niya sa lalaki. Akala yata nito ay matatakot siya sa galit nito pero hindi mangyayari iyon. “D*mn it!” malutong na mura nito at patulak na binitawan ang kamay niya. “Get out!” “Sure! Akala mo ba ay makikiusap ako sa’yo na ‘wag mo akong pababain? Mas masaya pa nga ako dahil hindi ko na makikita ang pagmumukha mong iyan!” Pabalibag na binuksan niya ang pinto at padabog na bumaba. Pagkatapos malakas na isinara rin niya ito nagmartsa palayo. Manigas ito dahil kahit pa umulan ng asido ngayon ay hindi na siya babalik sa kotse nito. Nagliliyab sa galit na sinipa niya ang maliit na bato at sa paanan niya. Nagpapadyak pa siya sa inis at nilingon ang kotse ng asawa. At nang makitang pinatakbo talaga nito iyon nang hindi humihinto ay impit na tumili siya. At dahil sa pagkab*west ay minura niya si Nikolai ng paulit-ulit bago pumara ng taxi na maghahatid sa kanya pauwi sa bahay ng magulang niya.Nang maiparada ni Nikolai ang kotse sa garahe ay hindi agad siya bumaba at nanatiling nakaupo pa rin. Hindi maipinta ang kanyang mukha at mariing nakahawak siya sa manibela. He’s furious and mad at the same time. Hindi niya napigilan ang sariling sagutin ang kanyang asawa dahil sa nagsawa na siya sa palaging pagsabi nitong siya ang may kasalanan ng lahat. Rinding-rindi na ang taynga niya na marinig iyon sa bibig ni Zia.Simula na lang nang bumukod silang mag-asawa ay wala na itong ginawa kundi ang isampal sa mukha niya na wala itong gusto sa kanya. Katunayan ay against din siya sa kasal na ito kung hindi lang dahil nabuntis ang asawa at kailangan niyang panagutan ito. Aware siya noon pa na ang kuya Nigel niya ang laman ng puso nito. At tanggap naman niya iyon. Ni hindi nga siya nagrereklamo kahit lantaran na ang ginagawa nito. Ang pinagpasalamat lang niya ay may asawa na ang kuya niya at alam niyang nakababatang kapatid lang ang tingin ng huli sa kanyang asawa. At aminado siya na may
Linggo ng hapon ay dumating si Nikolai upang sunduin si Zia at uuwi sila sa sarili nilang bahay. Hindi niya naitago ang pagsimangot nang makitang kausap ito ng kanyang ina. Tinignan niya ito ang kanyang ina na nasa may malawak na sala mula rito sa punong hagdan. Kahit gusto niya ang bumalik muli sa kanyang kuwarto ay pinigilan niya ang sarili.Ito ang pinaayaw niya kapag sumapit na ang linggo dahil kailangan niyang umuwi sa bahay nilang mag-asawa. Kung papipiliin siya ay dito na lang siya para hindi na makita si Nikolai. Nasisilayan pa lang niya ito ay kumukulo na ang kanyang dugo. Pigil na pigil lang niya ang sariling kalmutin ang mukha nito lalo na kapag iniignora nito ang mga pasaring niya rito.Na para lang siyang hangin. Pero ‘pag pinatulan naman siya nito ay mas maiinis pa siya. Alam niyang unreasonable siya dahil sa ginagawa pero hindi lang talaga niya mapigilan ang sarili dahil sa pagkamuhing nararamdaman niya rito.Malamig ang mukhang pumanaog na siya at nang makita siya ng a
Napapikit si Zia nang makita ang resulta ng pregnancy test na hawak niya. Napaluha siya at nabitiwan ito pagkatapos ay napatutop siya sa bibig. Impit siyang napaiyak at padausdos na naupo siya sa malamig na sahig ng banyo. Ito na at nagbunga ang kapusukan nila ni Nikolai noong nakaraang buwan. Hindi niya inakalang ito ang magiging kunsekwensya ng ginawa nila.Gabi iyon kasal ni Nigel nang may mangyari sa kanila ng binata. Ang sakit ng kalooban niya dahil ang lalaking mahal niya ay pag-aari na ito ng iba. Dahil sa sama ng loob ay naglasing siya kasama ang kapatid na Zero at sina Nikolai. Hindi niya matandaan kung ano ang nangyari basta paggising niya kinaumagahan ay katabi na niya ang lalaki at parehong wala silang saplot.Kulang ang gulat na kanyang naramdaman nang masilayan ang nahihimbing na binata. Nilukob din siya ng pagkamuhi at galit dahil pakiramdam niya ay pinagsamantalahan siya nito. Mas matanda ito ng tatlong taon sa kanya kaya ito dapat ang naakapag-isip ng tama. Nang umaga
Linggo ng hapon ay dumating si Nikolai upang sunduin si Zia at uuwi sila sa sarili nilang bahay. Hindi niya naitago ang pagsimangot nang makitang kausap ito ng kanyang ina. Tinignan niya ito ang kanyang ina na nasa may malawak na sala mula rito sa punong hagdan. Kahit gusto niya ang bumalik muli sa kanyang kuwarto ay pinigilan niya ang sarili.Ito ang pinaayaw niya kapag sumapit na ang linggo dahil kailangan niyang umuwi sa bahay nilang mag-asawa. Kung papipiliin siya ay dito na lang siya para hindi na makita si Nikolai. Nasisilayan pa lang niya ito ay kumukulo na ang kanyang dugo. Pigil na pigil lang niya ang sariling kalmutin ang mukha nito lalo na kapag iniignora nito ang mga pasaring niya rito.Na para lang siyang hangin. Pero ‘pag pinatulan naman siya nito ay mas maiinis pa siya. Alam niyang unreasonable siya dahil sa ginagawa pero hindi lang talaga niya mapigilan ang sarili dahil sa pagkamuhing nararamdaman niya rito.Malamig ang mukhang pumanaog na siya at nang makita siya ng a
Nang maiparada ni Nikolai ang kotse sa garahe ay hindi agad siya bumaba at nanatiling nakaupo pa rin. Hindi maipinta ang kanyang mukha at mariing nakahawak siya sa manibela. He’s furious and mad at the same time. Hindi niya napigilan ang sariling sagutin ang kanyang asawa dahil sa nagsawa na siya sa palaging pagsabi nitong siya ang may kasalanan ng lahat. Rinding-rindi na ang taynga niya na marinig iyon sa bibig ni Zia.Simula na lang nang bumukod silang mag-asawa ay wala na itong ginawa kundi ang isampal sa mukha niya na wala itong gusto sa kanya. Katunayan ay against din siya sa kasal na ito kung hindi lang dahil nabuntis ang asawa at kailangan niyang panagutan ito. Aware siya noon pa na ang kuya Nigel niya ang laman ng puso nito. At tanggap naman niya iyon. Ni hindi nga siya nagrereklamo kahit lantaran na ang ginagawa nito. Ang pinagpasalamat lang niya ay may asawa na ang kuya niya at alam niyang nakababatang kapatid lang ang tingin ng huli sa kanyang asawa. At aminado siya na may
“Huwag mo na akong ihatid,” malamig na turan ni Zia nang lumabas siya ng kanilang bahay. Naabutan kasi niyang nakatayo ang kanyang asawa na si Nikolai sa tabi ng kotse nito. Hindi niya magawang ma-appreciate ang lalaki kahit pa napaka-guwapo nito sa outfit nito. Para sa kanya ay sakit sa mata pa ito at kung pwede lang na huwag niya itong makita ay ginawa na niya.Halos dalawang taon na ang nakalilipas nung nagpakasal silang dalawa. At simula nun ay hindi na siya nakaramdam ng saya at palagi na siyang nakasimangot kapag nandito siya sa tinitirhan nila ng asawa. Walang nakakaalam na mga kaibigan nila kung ano ang sitwasyon nilang dalawa. Sa mata nila ay para silang estranghero sa isa’t isa dahil hindi man lang sila nag-uusap kapag nasa labas sila ng kanilang tahanan. Kahit na nagsasalubong silang dalawa sa university o kahit saang lugar ay parang hindi sila magkakilala. Magkahiwalay din ang kanilang kuwarto at hindi nagsasabay kumain dahil lantarang iniiwasan niyang magkasarilinan silan
Napapikit si Zia nang makita ang resulta ng pregnancy test na hawak niya. Napaluha siya at nabitiwan ito pagkatapos ay napatutop siya sa bibig. Impit siyang napaiyak at padausdos na naupo siya sa malamig na sahig ng banyo. Ito na at nagbunga ang kapusukan nila ni Nikolai noong nakaraang buwan. Hindi niya inakalang ito ang magiging kunsekwensya ng ginawa nila.Gabi iyon kasal ni Nigel nang may mangyari sa kanila ng binata. Ang sakit ng kalooban niya dahil ang lalaking mahal niya ay pag-aari na ito ng iba. Dahil sa sama ng loob ay naglasing siya kasama ang kapatid na Zero at sina Nikolai. Hindi niya matandaan kung ano ang nangyari basta paggising niya kinaumagahan ay katabi na niya ang lalaki at parehong wala silang saplot.Kulang ang gulat na kanyang naramdaman nang masilayan ang nahihimbing na binata. Nilukob din siya ng pagkamuhi at galit dahil pakiramdam niya ay pinagsamantalahan siya nito. Mas matanda ito ng tatlong taon sa kanya kaya ito dapat ang naakapag-isip ng tama. Nang umaga