Beranda / Romance / Bon Appetit / Bon Appetit CHAPTER 80

Share

Bon Appetit CHAPTER 80

Penulis: MIKS DELOSO
last update Terakhir Diperbarui: 2025-03-30 23:59:55

At sa sandaling iyon, hindi niya rin alam kung bakit parang may tumusok sa dibdib niya.

Ang paraan ng pagtitig ni Fortuna sa kanya—walang galit, walang hinanakit. Blangko. Para bang sa wakas… napagod na ito.

"John, andyan ka pa ba?" malambing na tanong ni Senyora mula sa kabilang linya.

Pero hindi na niya ito narinig.

Ang buong atensyon niya ay nasa babaeng nakatayo sa pintuan.

Hindi umiiyak si Fortuna, pero parang mas masakit iyon. Mas masakit kaysa sa lahat ng beses na nagmakaawa ito, humingi ng kaunting pagmamahal mula sa kanya.

Dahan-dahan nitong ibinaba ang bag sa sahig. "Nagpunta ako kina Mama at Papa," mahina nitong sabi. "Akala ko makakahanap ako ng sagot. Pero wala akong nahanap, John."

Napakuyom siya ng kamao. Bakit parang ayaw niyang marinig ang mga salitang ito?

"John?" tawag muli ni Senyora, bahagyang naiinip na.

Dahan-dahang kinuha ni Fortuna ang cellphone niya sa bulsa at may tinipa. Pagkatapos, itinaas niya iyon para ipakita sa kanya.

Isang mensahe.

Mula kay Senyora.

"
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terkait

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 81

    "Tumaba ka," sa wakas ay sabi nito.Halos mapalunok si Fortuna. "M-Marami po akong nakakain, Lola Irene."Ngumiti si Irene nang bahagya, pero ang titig nito ay nanatiling matalim. "Hindi ba't dapat ikaw ang nagpapapayat para sa apo ko?"Mabilis na bumagsak ang tingin ni Fortuna sa kanyang mga kamay."Ah, hindi na rin pala mahalaga iyon," dagdag ni Irene. "Dahil kahit ano’ng gawin mo, hindi ka naman magugustuhan ng apo ko.""Lola!" mabilis na saway ni John.Ngunit bahagya lang siyang tiningnan ni Irene, saka muling ibinalik ang tingin kay Fortuna."Sinasayang mo lang ang buhay mo, iha," diretsong sabi nito.Hindi sumagot si Fortuna."Bakit ka pa rin nandito? Hindi ba’t ilang beses ka nang tinutulak ng apo ko palayo?"Bumuka ang labi ni Fortuna, tila gustong sumagot.Pero nang makita niya ang titig nito—ang titig na puno ng hinanakit, pero matibay pa rin—hindi niya maiwasang maghintay sa sasabihin nito.At nang sa wakas ay magsalita ito, hindi niya inaasahan ang sagot nito."Alam ko po

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-31
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 82

    Mabilis ang bawat hakbang ni Fortuna palabas ng bahay. Gusto na niyang matapos ito. Gusto na niyang matapos ang paulit-ulit na sakit ng pagmamakaawa at pag-aasa sa isang lalaking hindi kailanman tumingin sa kanya ng may pagmamahal.Humigpit ang hawak niya sa strap ng kanyang bag. Tama na.Sa pagkakataong ito, sarili na niya ang pipiliin niya.Ngunit bago pa siya tuluyang makatawid sa tarangkahan—“Fortuna, sandali!”Nilingon niya ang tumawag. Si Irene Tan.Ang matikas at matapang na lola ni John, na sa kabila ng kanyang malamig na personalidad, ay tila nagpakita ng emosyon sa pagkakataong ito.Hingal si Irene nang abutan siya sa tapat ng gate. Agad nitong hinawakan ang braso niya, mahigpit, parang ayaw siyang pakawalan.“Huwag kang umalis,” sabi nito, ngunit hindi ito nagmamakaawa—bagkus, ito’y isang utos.Nagulat si Fortuna.“Lola Irene…”“Huwag kang susuko. Hindi ka pwedeng sumuko.”Napatigil siya. Bakit? Bakit parang ipinipilit nitong manatili siya, gayong hindi naman siya mahal ng

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-31
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 83

    "Bumalik ka pala."Malalim ang boses nito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa na tila napansin nito ang pagkawala niya, o mas masaktan dahil walang kahit anong emosyon sa tinig nito."Oo." Mahinang tugon niya.Pumasok ito at dumiretso sa aparador. Nakatalikod ito sa kanya habang hinuhubad ang coat."Hindi ko akalaing babalik ka pa."Napayuko siya. "Wala akong balak umalis."Natawa si John—isang malamig, mapait na tawa. "Talaga? Hanggang kailan ka ba talaga kakapit, Fortuna?"Huminga siya nang malalim. "Hangga’t kaya ko pa."Napalingon ito sa kanya. "At kung dumating ang araw na hindi mo na kaya?"Pinilit niyang ngumiti. "Edi bibitaw na ako."Saglit itong hindi nakapagsalita. Para bang may kung anong kumurot sa puso nito sa sinabi niya.Naiwan si Fortuna sa loob ng silid, nakatulala sa malamig na tinig ni John na para bang isang patalim na muling humiwa sa puso niya. Alam niyang wala siyang inaasahang kahit anong lambing mula rito, ngunit sa kabila ng paulit-ulit na sakit, nan

    Terakhir Diperbarui : 2025-03-31
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 84

    Sa kabilang banda...Habang nakatayo si John sa loob ng isang mamahaling bar, hawak ang baso ng alak, walang ibang laman ang kanyang isip kundi ang sinabi ni Lola Irene kanina."Kung mahal niya ang sarili niya, edi sana matagal na siyang umalis."Biglang bumigat ang dibdib niya.Naiinis siya sa sarili dahil bakit parang hindi niya nagustuhan ang ideya na baka isang araw… talagang umalis na si Fortuna?“John?” Naputol ang pag-iisip niya nang biglang lumapit si Senyora sa kanya, nakangiti at puno ng pang-aakit. “Para kang natulala diyan.”Uminom siya ng alak bago marahang ngumiti. “Wala ‘to.”Senyo ang ulo ni Senyora. “Ikaw talaga, hindi marunong magsabi ng totoo.”Umupo ito sa tabi niya at inilapit ang mukha nito sa kanya. “Naisip mo na ba ang sinabi ko?”Napatingin siya rito. “Alin?”“Na layuan na si Fortuna. Na ako na lang ang piliin mo.”Nanigas ang kanyang katawan.Piliin si Senyora? Iniisip na niyang gawin iyon noon pa, ‘di ba? Pero bakit ngayong may pagkakataon na siyang gawin iy

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-01
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 85

    Napabuntong-hininga ang manager, tila nag-iisip. “You know, our hotel is one of the best in the country. We need skilled chefs.”Naramdaman niya ang bahagyang panghuhusga nito. Ngunit hindi siya natinag."I may not have the same experience as others, but I can guarantee that I am hardworking and willing to learn. If given the chance, I will prove my worth.”May bahagyang gulat sa mukha ng manager sa kanyang determinasyon."Hmm… We’ll give you a chance. Report tomorrow. We'll test your skills."Nagliwanag ang mukha ni Fortuna. Sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, may dahilan ulit siya upang maging masaya."Ito na ang simula. Ito na ang bagong kabanata ng buhay ko."Lumabas siya ng opisina ng manager na may bahagyang ngiti sa labi. Hindi niya maipaliwanag, pero parang nawala ang bigat sa kanyang dibdib.Habang siya ay abala sa paghahanap ng direksyon sa buhay, hindi niya alam na si John ay nasa ibang mundo—sa piling ng babaeng matagal nang sumisira sa kanilang pagsasama.

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-01
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 86

    "Ano? Aalis ka?" Malamig ang boses nito, puno ng pag-aalinlangan. "Bakit?"Umupo si John sa gilid ng kama, hindi alam kung paano ipapaliwanag."Kailangan ko nang umuwi.""Diyos ko, John. May bahay ka na rito." Napahagikhik si Senyora, pero sa ilalim ng matinis na tawa nito, may bahid ng galit at pangamba. "Aminin mo, gusto mo na akong iwan, hindi ba?""Hindi naman sa gano'n—""Then bakit, ha? Bakit mo ako iniiwan? Sabihin mo sa akin nang harapan!"Huminga nang malalim si John, pinipigilan ang sarili. Hindi niya gustong magkaroon ng gulo, pero alam niyang hindi madaling kumbinsihin si Senyora."Alam mo namang hindi tayo puwedeng ganito habang buhay.""Bakit hindi?" Isang matalim na titig ang ibinigay nito. "Ano ba ang pinanghahawakan mo, John? Ang kasal mo kay Fortuna? Wala kang pagmamahal sa kanya, ‘di ba?"Napapikit siya. Hindi niya gustong sagutin ang tanong na iyon.Tama si Senyora. Wala naman siyang pagmamahal kay Fortuna, hindi ba?Pero bakit siya nag-aalangan?"Kailan ako makaka

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-01
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 87

    Mataas na ang araw nang dumating si Fortuna sa bahay. Halos hindi na niya namalayan ang oras sa dami ng ginawa niya sa trabaho.Pagod man, masaya siya.Sa unang pagkakataon, may dahilan na siyang ngumiti—hindi dahil kay John, kundi dahil sa sarili niyang mga pangarap.Pero sa pagbukas niya ng pinto, naroon si John… naghihintay.Tahimik itong nakaupo sa sofa, nakayuko, at tila matagal nang naroroon.Napahinto siya.Ang presensya nito ay parang isang alaala ng sakit na pilit niyang tinatakasan.Ngunit hindi siya ang tipong umiiwas.Kaya't nagpatuloy siya sa paglalakad papasok, hindi ito pinansin."Saan ka galing?" tanong ni John, malamig ang tinig.Hindi niya ito tinapunan ng tingin. Dire-diretso siyang naglakad patungo sa kanilang silid upang magpalit ng damit.Pero hindi nagpaawat si John. Sinundan siya nito."Saan ka galing, Fortuna?" ulit nito, ngunit sa pagkakataong ito, mas may diin ang boses.Napabuntong-hininga siya. Hindi niya kailangang ipaliwanag ang sarili niya rito."Trabah

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-02
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 88

    "John…" tinig ni Fortuna, malumanay, kalmado. "Sa loob ng maraming taon, minahal kita. Walang hinihintay na kapalit, walang inaasahan. Sapat na sa akin na nandito ako, na nandiyan ka."Napakuyom si John ng kamao."Pero pagod na ako. Kaya kung wala kang sasabihin… aalis na ako.""Aalis?""Hindi literal," sagot ni Fortuna, may bahid ng lungkot sa tinig niya. "Pero aalis ako sa pagiging babaeng martir. Hindi na ako maghihintay sa wala."Sa unang pagkakataon, naghanap ng sagot si John sa loob ng sarili niya.Pero wala siyang maibigay.Kaya pinili na lang niyang hindi magsalita.At pinili niyang panoorin ang babaeng unti-unting lumalayo mula sa kanya.Sa loob ng isang marangyang restaurant, umupo si John sa harapan ni Senyora.Tulad ng dati, elegante ito, matapang ang mga mata. Pero sa ilalim ng pulang lipstick at perpektong suot, may kung anong init sa tingin nito."Akala ko ba, pupuntahan na kita kagabi?" tanong ni Senyora, nilalaro ang baso ng alak sa kanyang kamay. "Bakit hindi mo itin

    Terakhir Diperbarui : 2025-04-02

Bab terbaru

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 97

    “Bakit?” tanong ni Fortuna, mas kalmado na, ngunit puno ng bigat. “Bakit hindi mo ako kayang mahalin, John? Ano bang meron si Senyora na wala ako?”Hindi agad nakasagot si John. Tumalikod siya, tumingin sa labas ng bintana. Tila doon niya hinahanap ang sagot na hindi niya maibigay.“Hindi ko alam,” aniya sa wakas. “Pero sa kanya... parang buo ako. Sa kanya, hindi ko kailangang magsinungaling sa sarili ko. Sa kanya, kahit masakit... totoo ako.”Tumulo ang luha ni Fortuna, pero pinunasan niya agad. “At sa’kin? Ano ako sa’yo?”“Isang mabuting asawa. Isang babaeng karapat-dapat mahalin. Pero hindi ko alam kung ako ba ang karapat-dapat para sa’yo dahil simula pa noon ang relasyon natin ay isa lamang kasunduan.”Napasinghap si Jinky. “Kasunduan? John, hindi kasunduan ang nagpalaki sa anak kong ‘yan. Puso ang ibinigay niya sa’yo.”“Ako rin, Ma’am Jinky,” sagot ni John, tinig na puno ng pagod, “sinubukan ko. Pilit kong pinaniwala ang sarili ko na darating din. Na baka matutunan kong mahalin s

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 96

    “Dumalaw lang kami,” sagot ni Luigi, pilit ang ngiti. “Gusto naming kumustahin kayo.”“Pero mukhang mali ang timing,” dagdag ni Irene, malamig ang boses. “Kasi mukhang maraming hindi pa malinaw sa inyong dalawa.”“Lola, anong ibig mong sabihin?” tanong ni John, naglakad palapit at tumayo sa likod ni Fortuna, ngunit hindi siya hinawakan.“Ang ibig naming sabihin,” sabat ni Jack, “ay mukhang ikaw lang ang walang alam sa kung anong nararamdaman ng anak namin.”Napatingin si John kay Fortuna. “Fortuna, may sinabi ka ba sa kanila?”“Hindi ko kailangan magsumbong, John,” sagot ni Fortuna, diretsong tingin. “Dahil kahit wala akong sabihin, sila mismo ang nakakakita.”“Baka gusto mong linawin yan,” mariing tugon ni John. “Ano bang gusto mong palabasin sa harap ng pamilya natin?”“Na hindi mo ako kayang mahalin,” tugon ni Fortuna. “Na kahit anong pilit ko, hindi ka natututo tumingin sa direksyon ko.”Nag-iwas ng tingin si John. “Hindi mo alam ang sinasabi mo.”“Ay, alam niya, hijo,” sabat ni J

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 95

    Makalipas ng ilang oras..“Anak...?”Maingat na kumatok si Jinky Han sa pintuan ng bahay nina Fortuna at John. Katabi niya si Jack, tahimik lang ngunit kitang-kita sa mukha ang sabik.Binuksan ni Fortuna ang pinto, nakasuot ng simpleng puting bestida, at bakas sa mukha niya ang pagod ngunit sinikap niyang ngumiti.“Ma? Pa?”“Anak!” sabay yakap ni Jinky, mahigpit, parang ilang taon silang ‘di nagkita. “Kumusta ka na rito? Ngayon ka lang namin nadalaw ulit. Buti nandito ka. Akala namin ay nasa trabaho ka.”“Off ko po ngayon,” sagot ni Fortuna, pinipilit itago ang kaba sa dibdib. “Pasok po kayo.”Pagkapasok nila, agad namang naupo si Jack sa sofa. Inilibot niya ang mata sa bahay.“Maayos dito, anak. Tahimik. Malinis. Pero...” tumingin siya sa paligid, “asan si John?”“Uhm... nasa opisina pa po. May meeting daw.”Pero alam ni Fortuna ang totoo — hindi sa opisina si John. Nasa piling ito ni Senyora.Tahimik si Jinky. Hindi agad nagsalita, pero halatang may gustong itanong.“Anak... totoo b

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 94

    Umuulan nang gabing iyon. Mabagal ang pagpatak ng ulan sa mga bintana ng isang tahimik na coffee shop malapit sa ospital. Si John, hawak ang payong, ay pumasok na basa ang laylayan ng pantalon. Mabilis siyang naupo sa isang sulok, malapit sa bintana, at tila naghahanap ng kanlungan hindi lamang sa ulan, kundi sa bigat ng mga iniisip.“Café Americano, large. Hot,” mahinang sabi niya sa barista. Tumango ito at lumayo.Tahimik siyang tumitig sa basang salamin, pinagmamasdan ang mga ilaw sa kalsada na animo’y sumasayaw sa malamig na ulan. Wala siyang inaasahang makikita. Gusto lang niyang mapag-isa.Ngunit nang bumukas ang pinto ng coffee shop, para bang huminto ang oras.Si Fortuna.Naka-itim itong coat, basa ang buhok, at hawak ang ilang papeles at laptop sa isang braso. Napalunok si John. Hindi siya gumalaw. Parang kinuryente ang buong katawan niya sa presensya ng babaeng ilang buwang iniwasan niya, at ilang gabi na rin niyang pinangarap, kahit ayaw niyang aminin.Nag-angat ng tingin s

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 93

    Samantala, si Senyora at si John ay nagkaayos na. Pinaramdam ni John na siya lang talaga.“Sen… tapos na ang lahat ng sakit. Tayo na ulit, mahal ko.”“John… salamat. Salamat kasi pinili mo ako. Ramdam ko. Ramdam ko ngayon na ako talaga.”“Wala na akong ibang gugustuhin pa. Ikaw ang gusto kong makasama hanggang sa huli.”“Gusto kong paniwalaan ‘yan araw-araw. At gagawin ko, kasi mahal kita.”Lumipas ang gabi. Umuwi si John mag-isa. Tahimik ang bahay. Nasa sala siya, may hawak na baso ng tubig, nagsasalita mag-isa.“Fortuna… late na naman. Di ka na talaga umuuwi, ‘no?”“Siguro nga busy ka lang. O siguro, ayaw mo na. Siguro, pagod ka na rin sa ‘kin.”Tumunog ang cellphone niya. Chat ni Senyora.)SENYORA (chat):“Love, uwi ka na? Naluto ko paborito mong sinigang. Miss na kita.”JOHN (nag-type):“Pauwi na, love. Ingat ka riyan.”(ipinindot ang send)JOHN:“Ang bait mo, Sen. Minamahal mo ako nang buo, walang alinlangan. Pero bakit kapag mag-isa ako, parang iba ang hinahanap ng puso ko?”(Tu

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 92

    Tahimik ang gabi, pero ang katahimikang ito’y parang bulong ng bagyo sa kaluluwa ko. Lahat ng bagay sa silid ay parang kasabwat—ang malamlam na ilaw sa kisame, ang amoy ng pabango ko sa unan, ang tunog ng lumulutong na ulan sa bubong—lahat sila, parang nagbubunyag ng isang bagay na pilit kong itinatanggi sa sarili ko.Si John. Ang lalaking sinabi niyang mahal na mahal niya ako. Ang lalaking dati, walang ibang makita kundi ako.Pero ngayon…Wala nang lambing ang mga mata niya.Wala nang sigla ang mga yakap niya.At ang mga halik niya—parang baon ang pagkakasala.Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Hindi ako kumilos. Hindi ako lumingon. Alam kong siya ‘yon.“Sen…” tawag niya, paanas.“Mahal mo pa ba ako?” agad kong tanong, hindi pa man siya nakakalapit.Natigilan siya. Nakita ko ang repleksyon niya sa salamin—nakatingin siya sa akin, pero may bigat sa dibdib niyang parang hindi niya alam kung saan ilalagay.“Anong klaseng tanong ‘yan, Senyora?”“Diretso akong nagtatanong, John.” Humarap a

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 91

    Napahawak si Fortuna sa mesa—parang kailangan niya ng suporta para hindi gumuho sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam kung ito ba'y isa na namang ilusyon ng puso niyang ayaw pa ring bumitaw, o isang pagbalik na matagal na niyang hinintay, kahit hindi niya inamin sa sarili."Anong ginagawa mo rito?" mahinang tanong ni Fortuna, bakas ang kaba sa kanyang tinig.Tahimik si John. Ilang segundo ang lumipas bago siya sumagot. Lumapit siya, maingat ang bawat hakbang, parang bawat pulgada ng lapit ay isang tanong na kailangang sagutin."Naglakad lang ako… hanggang sa napadpad ako rito," bulong ni John. "Tapos narealize ko… ito pa rin ang tahanan ko.""Pero ilang beses mo na rin ‘tong tinalikuran," mariin ang tinig ni Fortuna. Hindi siya sumisigaw. Ngunit ramdam sa bawat salita ang tagal ng pananahimik. Ang bigat ng mga gabi ng paghihintay. Ang pagod.Tumango si John, tila tinatanggap ang bigat ng katotohanan."Alam ko," sagot niya. "Alam kong hindi sapat ang kahit anong paliwanag."Umupo si Fo

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 90

    Tahimik ang gabi sa penthouse ni Senyora. Wala ni isang tunog kundi ang mahinang himig ng jazz music na marahang umaagos mula sa kanyang sound system. Mula sa kanyang kinatatayuan, tanaw ni John ang city lights na kumikislap sa labas ng floor-to-ceiling window.May hawak siyang baso ng alak, ngunit hindi iyon ang nakakalasing—kundi ang presensya ng babaeng nasa kanyang likuran."Kanina pa kita hinihintay, John," malambing na sabi ni Senyora habang dahan-dahang lumalapit sa kanya. Ang boses nito ay parang alon—banayad ngunit may dalang lalim.Nagkatinginan sila nang humarap si John. Napansin niya agad ang suot ni Senyora—isang pulang silk robe, bahagyang nakabukas sa bandang dibdib. Hindi ito bastos tignan. Sa halip, may klaseng nakakabighani."Late meeting sa opisina," sagot ni John, inilayo ang tingin.Ngumiti si Senyora at kinuha ang baso sa kamay niya, uminom doon mismo. "Bakit parang may bumabagabag sa’yo?"Hindi siya agad sumagot. Itinuon niya ang paningin sa city lights, tila ma

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 89

    Isang gabi ng kasalanan.Isang gabi ng hindi matinag na tukso.Pagkapasok pa lang ni John sa loob ng pribadong penthouse ni Senyora, ramdam na niya ang init ng kapaligiran. Hindi dahil sa temperatura ng kwarto kundi dahil sa tingin ng babaeng kaharap niya—mapanukso, puno ng pagnanasa.Nakasuot lang ito ng pulang silk robe, bahagyang nakabukas, nagbibigay ng sulyap sa kutis nitong walang bahid. Ang mapulang labi ni Senyora ay nakakurba sa isang ngiti, habang ang mahahabang daliri nito ay naglalaro sa baso ng alak na hawak niya."Akalain mong bumalik ka, John," pabulong nitong sabi habang lumalapit sa kanya. "Akala ko'y sa wakas ay may puwang na siya sa puso mo."Napabuntong-hininga si John."Huwag na nating pag-usapan si Fortuna."Napangisi si Senyora. "Tama. Wala naman talaga siyang halaga sa atin, hindi ba?"Lumapit ito nang husto, at bago pa siya makapagsalita, naramdaman na niya ang mainit nitong palad sa kanyang dibdib."Dumaan lang ako para makipag-usap.""Makipag-usap?" Hinawaka

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status