Home / Romance / Bon Appetit / Bon Appetit CHAPTER 79

Share

Bon Appetit CHAPTER 79

Author: MIKS DELOSO
last update Last Updated: 2025-03-29 23:59:57

Ang buong biyahe pauwi ay tila isang bangungot para kay John. Sa bawat pagdaan ng ilaw ng mga poste sa lansangan, bumibigat ang dibdib niya. Natatakot siyang pag-uwi niya, wala na si Fortuna. Natatakot siyang isang araw, hindi na ito naghihintay sa kanya, hindi na ito aasa, hindi na ito umiiyak dahil sa kanya.

"Anong problema ko?" bulong niya sa sarili habang mahigpit na hawak ang manibela. Hindi niya maintindihan. Hindi niya dapat ito iniisip. Dapat masaya siya—malaya, walang responsibilidad, walang asawang nagmamahal sa kanya kahit hindi niya ito sinusuklian.

Pero bakit may pumipiga sa dibdib niya?

Pagdating niya sa bahay, malalim na ang gabi. Tahimik. Ni hindi niya marinig ang kahit anong tunog mula sa loob.

Pumasok siya, inaasahang madadatnan si Fortuna sa sala—tulad ng dati, nag-aabang sa kanya kahit dis-oras na ng gabi. Ngunit wala ito roon.

Naglakad siya papunta sa kwarto, unti-unting bumibigat ang bawat hakbang. Nang buksan niya ang pinto, nakita niyang mahimbing na natutulog
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Related chapters

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 80

    At sa sandaling iyon, hindi niya rin alam kung bakit parang may tumusok sa dibdib niya.Ang paraan ng pagtitig ni Fortuna sa kanya—walang galit, walang hinanakit. Blangko. Para bang sa wakas… napagod na ito."John, andyan ka pa ba?" malambing na tanong ni Senyora mula sa kabilang linya.Pero hindi na niya ito narinig.Ang buong atensyon niya ay nasa babaeng nakatayo sa pintuan.Hindi umiiyak si Fortuna, pero parang mas masakit iyon. Mas masakit kaysa sa lahat ng beses na nagmakaawa ito, humingi ng kaunting pagmamahal mula sa kanya.Dahan-dahan nitong ibinaba ang bag sa sahig. "Nagpunta ako kina Mama at Papa," mahina nitong sabi. "Akala ko makakahanap ako ng sagot. Pero wala akong nahanap, John."Napakuyom siya ng kamao. Bakit parang ayaw niyang marinig ang mga salitang ito?"John?" tawag muli ni Senyora, bahagyang naiinip na.Dahan-dahang kinuha ni Fortuna ang cellphone niya sa bulsa at may tinipa. Pagkatapos, itinaas niya iyon para ipakita sa kanya.Isang mensahe.Mula kay Senyora."

    Last Updated : 2025-03-30
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 81

    "Tumaba ka," sa wakas ay sabi nito.Halos mapalunok si Fortuna. "M-Marami po akong nakakain, Lola Irene."Ngumiti si Irene nang bahagya, pero ang titig nito ay nanatiling matalim. "Hindi ba't dapat ikaw ang nagpapapayat para sa apo ko?"Mabilis na bumagsak ang tingin ni Fortuna sa kanyang mga kamay."Ah, hindi na rin pala mahalaga iyon," dagdag ni Irene. "Dahil kahit ano’ng gawin mo, hindi ka naman magugustuhan ng apo ko.""Lola!" mabilis na saway ni John.Ngunit bahagya lang siyang tiningnan ni Irene, saka muling ibinalik ang tingin kay Fortuna."Sinasayang mo lang ang buhay mo, iha," diretsong sabi nito.Hindi sumagot si Fortuna."Bakit ka pa rin nandito? Hindi ba’t ilang beses ka nang tinutulak ng apo ko palayo?"Bumuka ang labi ni Fortuna, tila gustong sumagot.Pero nang makita niya ang titig nito—ang titig na puno ng hinanakit, pero matibay pa rin—hindi niya maiwasang maghintay sa sasabihin nito.At nang sa wakas ay magsalita ito, hindi niya inaasahan ang sagot nito."Alam ko po

    Last Updated : 2025-03-31
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 82

    Mabilis ang bawat hakbang ni Fortuna palabas ng bahay. Gusto na niyang matapos ito. Gusto na niyang matapos ang paulit-ulit na sakit ng pagmamakaawa at pag-aasa sa isang lalaking hindi kailanman tumingin sa kanya ng may pagmamahal.Humigpit ang hawak niya sa strap ng kanyang bag. Tama na.Sa pagkakataong ito, sarili na niya ang pipiliin niya.Ngunit bago pa siya tuluyang makatawid sa tarangkahan—“Fortuna, sandali!”Nilingon niya ang tumawag. Si Irene Tan.Ang matikas at matapang na lola ni John, na sa kabila ng kanyang malamig na personalidad, ay tila nagpakita ng emosyon sa pagkakataong ito.Hingal si Irene nang abutan siya sa tapat ng gate. Agad nitong hinawakan ang braso niya, mahigpit, parang ayaw siyang pakawalan.“Huwag kang umalis,” sabi nito, ngunit hindi ito nagmamakaawa—bagkus, ito’y isang utos.Nagulat si Fortuna.“Lola Irene…”“Huwag kang susuko. Hindi ka pwedeng sumuko.”Napatigil siya. Bakit? Bakit parang ipinipilit nitong manatili siya, gayong hindi naman siya mahal ng

    Last Updated : 2025-03-31
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 83

    "Bumalik ka pala."Malalim ang boses nito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa na tila napansin nito ang pagkawala niya, o mas masaktan dahil walang kahit anong emosyon sa tinig nito."Oo." Mahinang tugon niya.Pumasok ito at dumiretso sa aparador. Nakatalikod ito sa kanya habang hinuhubad ang coat."Hindi ko akalaing babalik ka pa."Napayuko siya. "Wala akong balak umalis."Natawa si John—isang malamig, mapait na tawa. "Talaga? Hanggang kailan ka ba talaga kakapit, Fortuna?"Huminga siya nang malalim. "Hangga’t kaya ko pa."Napalingon ito sa kanya. "At kung dumating ang araw na hindi mo na kaya?"Pinilit niyang ngumiti. "Edi bibitaw na ako."Saglit itong hindi nakapagsalita. Para bang may kung anong kumurot sa puso nito sa sinabi niya.Naiwan si Fortuna sa loob ng silid, nakatulala sa malamig na tinig ni John na para bang isang patalim na muling humiwa sa puso niya. Alam niyang wala siyang inaasahang kahit anong lambing mula rito, ngunit sa kabila ng paulit-ulit na sakit, nan

    Last Updated : 2025-03-31
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 84

    Sa kabilang banda...Habang nakatayo si John sa loob ng isang mamahaling bar, hawak ang baso ng alak, walang ibang laman ang kanyang isip kundi ang sinabi ni Lola Irene kanina."Kung mahal niya ang sarili niya, edi sana matagal na siyang umalis."Biglang bumigat ang dibdib niya.Naiinis siya sa sarili dahil bakit parang hindi niya nagustuhan ang ideya na baka isang araw… talagang umalis na si Fortuna?“John?” Naputol ang pag-iisip niya nang biglang lumapit si Senyora sa kanya, nakangiti at puno ng pang-aakit. “Para kang natulala diyan.”Uminom siya ng alak bago marahang ngumiti. “Wala ‘to.”Senyo ang ulo ni Senyora. “Ikaw talaga, hindi marunong magsabi ng totoo.”Umupo ito sa tabi niya at inilapit ang mukha nito sa kanya. “Naisip mo na ba ang sinabi ko?”Napatingin siya rito. “Alin?”“Na layuan na si Fortuna. Na ako na lang ang piliin mo.”Nanigas ang kanyang katawan.Piliin si Senyora? Iniisip na niyang gawin iyon noon pa, ‘di ba? Pero bakit ngayong may pagkakataon na siyang gawin iy

    Last Updated : 2025-04-01
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 85

    Napabuntong-hininga ang manager, tila nag-iisip. “You know, our hotel is one of the best in the country. We need skilled chefs.”Naramdaman niya ang bahagyang panghuhusga nito. Ngunit hindi siya natinag."I may not have the same experience as others, but I can guarantee that I am hardworking and willing to learn. If given the chance, I will prove my worth.”May bahagyang gulat sa mukha ng manager sa kanyang determinasyon."Hmm… We’ll give you a chance. Report tomorrow. We'll test your skills."Nagliwanag ang mukha ni Fortuna. Sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, may dahilan ulit siya upang maging masaya."Ito na ang simula. Ito na ang bagong kabanata ng buhay ko."Lumabas siya ng opisina ng manager na may bahagyang ngiti sa labi. Hindi niya maipaliwanag, pero parang nawala ang bigat sa kanyang dibdib.Habang siya ay abala sa paghahanap ng direksyon sa buhay, hindi niya alam na si John ay nasa ibang mundo—sa piling ng babaeng matagal nang sumisira sa kanilang pagsasama.

    Last Updated : 2025-04-01
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 86

    "Ano? Aalis ka?" Malamig ang boses nito, puno ng pag-aalinlangan. "Bakit?"Umupo si John sa gilid ng kama, hindi alam kung paano ipapaliwanag."Kailangan ko nang umuwi.""Diyos ko, John. May bahay ka na rito." Napahagikhik si Senyora, pero sa ilalim ng matinis na tawa nito, may bahid ng galit at pangamba. "Aminin mo, gusto mo na akong iwan, hindi ba?""Hindi naman sa gano'n—""Then bakit, ha? Bakit mo ako iniiwan? Sabihin mo sa akin nang harapan!"Huminga nang malalim si John, pinipigilan ang sarili. Hindi niya gustong magkaroon ng gulo, pero alam niyang hindi madaling kumbinsihin si Senyora."Alam mo namang hindi tayo puwedeng ganito habang buhay.""Bakit hindi?" Isang matalim na titig ang ibinigay nito. "Ano ba ang pinanghahawakan mo, John? Ang kasal mo kay Fortuna? Wala kang pagmamahal sa kanya, ‘di ba?"Napapikit siya. Hindi niya gustong sagutin ang tanong na iyon.Tama si Senyora. Wala naman siyang pagmamahal kay Fortuna, hindi ba?Pero bakit siya nag-aalangan?"Kailan ako makaka

    Last Updated : 2025-04-01
  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 87

    Mataas na ang araw nang dumating si Fortuna sa bahay. Halos hindi na niya namalayan ang oras sa dami ng ginawa niya sa trabaho.Pagod man, masaya siya.Sa unang pagkakataon, may dahilan na siyang ngumiti—hindi dahil kay John, kundi dahil sa sarili niyang mga pangarap.Pero sa pagbukas niya ng pinto, naroon si John… naghihintay.Tahimik itong nakaupo sa sofa, nakayuko, at tila matagal nang naroroon.Napahinto siya.Ang presensya nito ay parang isang alaala ng sakit na pilit niyang tinatakasan.Ngunit hindi siya ang tipong umiiwas.Kaya't nagpatuloy siya sa paglalakad papasok, hindi ito pinansin."Saan ka galing?" tanong ni John, malamig ang tinig.Hindi niya ito tinapunan ng tingin. Dire-diretso siyang naglakad patungo sa kanilang silid upang magpalit ng damit.Pero hindi nagpaawat si John. Sinundan siya nito."Saan ka galing, Fortuna?" ulit nito, ngunit sa pagkakataong ito, mas may diin ang boses.Napabuntong-hininga siya. Hindi niya kailangang ipaliwanag ang sarili niya rito."Trabah

    Last Updated : 2025-04-02

Latest chapter

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 114

    Salas ng Tan MansionHatinggabi. Tahimik ang paligid ngunit sa loob ng bahay, may tensyong tila kayang gutayin ang mismong katahimikan. Sa gitna ng sala, nakaupo si Madam Irene sa isang antigong upuang gawa sa narra. Mahigpit niyang hawak ang tasa ng tsaang matagal nang lumamig. Nakatitig siya sa pintuan, tila iniintay ang isang bagay na alam niyang mahirap tanggapin.Hanggang sa bumukas ang pintuan.Pumasok si John. Wala siyang bitbit na emosyon sa mukha, pero hindi nakaligtas sa matanda ang mga matang pagod, tuliro, at tila may dalang pasan na hindi mabitawan.“Lola… pinatawag n’yo po ako?”“Umupo ka, John. Kailangan nating mag-usap. Tungkol kay Fortuna.”Dahan-dahang lumapit si John, halatang alanganin. Naupo siya sa tapat ng matanda pero hindi makatingin ng diretso.“Wala na po kaming dapat pag-usapan ni Fortuna. Gusto na po niyang tapusin ang lahat.”“At ikaw, John? Gusto mo na rin ba? Gano’n na lang? Basta matatapos na lang nang walang paliwanag, walang pakikipaglaban?”“Lola… s

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 113

    “Naintindihan ko, Iha Jinky…” aniya, mababa ang boses. “Nasasaktan ako para kay Fortuna. Nakita ko naman ang pagsusumikap ng apo kong si John, pero higit kong nakita ang pagtalikod niya sa damdamin ng asawa niya.”Tumingin si Jinky kay Fortuna, mahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay nito. Si Fortuna naman, tila nawalan ng boses. Hindi niya akalaing darating ang araw na kikilalanin ni Madam Irene ang sakit na hindi maipaliwanag sa kahit anong paliwanag.“Siguro… it’s time na rin,” pagpapatuloy ni Madam Irene, may tinig ng kapayapaang may kasamang lungkot. “Tatanggapin na lang natin ang katotohanan… na ang pilit na pagmamahal ay hindi magtatagumpay. Kahit ilang pirma pa sa kasunduan. Kahit ilang pangakong walang laman.”Hindi na napigilan ni Jinky ang luha. Tuluyan na itong bumagsak sa kanyang pisngi. Ramdam niya ang bigat na nabawasan, pero ang kirot ay nananatili.“Salamat po, Madam Irene… naiintindihan n’yo po kami,” aniya habang pilit na pinapatahan ang sariling tinig.“Pag-usapan

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 112

    Tahimik ang sala. Parang may bagyong dumaan sa katahimikan ng bahay nina Fortuna. Sa isang sulok, hawak ni Jinky ang telepono, nanginginig ang mga kamay, habang nakatitig sa walang laman na dingding sa harapan niya. Sa tabi niya, si Jack, tahimik lang, nakaupo, pinagmamasdan ang kanyang asawa habang sinisipsip ang malamig nang kape.Mula sa kabilang kwarto, maririnig ang mahinang hikbi ni Fortuna. Isang kirot ang gumuhit sa dibdib ni Jinky, ngunit ngayon ay kailangan na niyang harapin ang mas mabigat pang usapin. Hindi na puwedeng ipagpaliban.Huminga siya nang malalim. Tumipa siya ng numero. Isa. Isa pa. Hanggang tuluyang umandar ang linya."Hello? Madam Irene Tan? Si Jinky po ito... Nanay ni Fortuna."Sa kabilang linya, agad sumagot ang pamilyar na boses ni Madam Irene. Matigas, parang laging may galit."Ah, Jinky. Anong meron at napaaga ang tawag mo? May nangyari ba sa anak mo? Kay John?"Hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa."Madam Irene... pasensya na po kung biglaan. Pero kailangan

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 111

    Huminga nang malalim si Fortuna, saka tumingin sa kanyang ina na punô ng luha ang mga mata."Ma... Wala po akong balak ipaalam kay John ang tungkol sa dinadala ko..."Napapitlag si Jinky. Hindi siya agad nakasagot."Bakit, anak?" tanong niyang halos pabulong. "Wala ka bang balak sabihin sa kanya na magiging ama siya?"Umiling si Fortuna, saka muling napahawak sa tiyan niyang bahagya nang umumbok."Ayaw ko na, Ma. Tutal... nabuo si baby sa kasakiman ko. Dahil sa sobrang pagmamahal ko kay John. Ginawa ko ang lahat para mapasakanya, kahit hindi ko na inisip kung tama ba o mali. Bunga ito ng mga pagkakamali ko—ng mga desisyong ginawa ko sa ngalan ng pag-ibig na hindi kailanman naging patas."Napahigpit ang yakap ni Jinky sa anak. Ramdam niya ang bigat ng bawat salitang binitiwan nito. Ngunit tahimik lang siyang nakinig."Ma, sana... sana mailihim natin ‘to sa pamilya nila. Ayaw kong may makaalam, lalo na sina Tita Leona at Lola Irene. Baka maundlot pa ang paghihiwalay namin. Baka mas lalo

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 110

    KinabukasanSa bahay nina Jinky at Jack, tahimik ang umagang iyon. Ang sikat ng araw ay bahagyang sumilip sa puting kurtina. Amoy kape. Ngunit sa gitna ng tila ordinaryong araw, mabigat ang hangin sa paligid."Anak, kumain ka muna. Kahit konti lang," malumanay na sabi ni Jinky habang inilalapag ang mainit na lugaw sa mesa. "Hindi puwedeng wala kang laman ang tiyan.""Ma, kape lang muna." Tinapunan siya ng ngiti ni Fortuna, pilit pero magalang."Hindi sapat ang kape," giit ni Jinky. "Buntis ka na ngayon. Kailangan mo ng sustansya.""Mamaya na lang po. Wala pa rin akong gana."Napalingon si Jack mula sa upuang kahoy sa may bintana. "Gising na pala ang prinsesa. Kumusta ang tulog mo, anak?""Hindi po ako masyadong nakatulog. Ang dami ko pong iniisip.""Si John na naman ba?" Tanong ni Jack, diretsong tinignan ang anak.Tumango si Fortuna. "Nag-text ulit kagabi. Hinahanap ako. Tinanong niya kung babalik pa ako.""Ano’ng sagot mo?" tanong ni Jinky, dahan-dahan ang tinig."Wala po. Hindi ko

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 109

    “Pero hindi na niya ako mahal, Ma. Baka isipin niya ginagamit ko lang ‘to para bumalik siya.”“Kung gano’n ang isipin niya, siya na ang may problema. Ang mahalaga, ginawa mo ang tama. Bata ‘yan, anak mo ‘yan. At kahit anong mangyari, kami ng Papa mo, kakampi mo.”Sa bahayPagkauwi nila, nagulat si Jack na naroon na sa sala.“O? Anong sabi?”Tumingin si Fortuna sa kanyang ama, lumapit at niyakap ito.“Pa… magiging lolo ka na.”Hindi agad nakapagsalita si Jack. Nanginginig ang kanyang kamay habang hinahaplos ang likod ng anak.“Anak… ipaglalaban natin ‘to. Wala kang dapat ikatakot.”Mahigpit ang yakap ni Jack kay Fortuna, parang nais nitong kunin lahat ng bigat na dinadala ng anak. Naroon ang tapang sa kanyang tinig, pero naroon din ang bahagyang pangungusap na puno ng pag-aalala. Hindi man siya palasalita, pero sa oras na ito, dama ni Fortuna ang buong pusong suporta ng ama.“Pa…” humikbing si Fortuna habang nakayakap pa rin sa kanya, “hindi ko po alam kung anong gagawin ko. Natatakot

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 108

    Sa ibabaw ng dining table, may naiwan na sobre. Kulay pula. Simple, walang pangalan. Ngunit hindi niya kailangang hulaan kung para kanino iyon.Pulá—paboritong kulay ni Fortuna. Ang kulay ng matapang na puso. Ng puso niyang sinira ni John nang hindi man lang niya namalayan.Kinabahan si John. Dahan-dahang nilapitan ang mesa, parang may bomba sa ibabaw nito. Huminga nang malalim, kinuha ang liham, at binuksan.Tumambad sa kaniya ang sulat-kamay ni Fortuna.“John,Dalawang araw akong nanatiling tahimik. Hindi dahil wala akong gustong sabihin. Kung tutuusin, napakarami. Sigaw ang puso ko. Sigaw ang katawan ko. Pero mas pinili kong lumayo, kasi alam kong hindi mo na ako naririnig.Pumipikit ka na sa totoo. At kahit anong pilit kong ngumiti, alam kong hindi mo na ako nakikita.Hindi ako umalis para pasaktan ka. Umalis ako para iligtas ang natitira sa sarili ko. Kasi habang pinipili mong saktan ako sa katahimikan mo, pinipili ko pa ring ipaglaban ka—kahit alam kong may iba nang laman ang mg

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 107

    Mula sa condo ni Senyora, dahan-dahang binaybay ni John ang daan pauwi. Madilim na ang paligid, ngunit mas madilim ang loob niya. Bagama’t katawang-lupa lang ang bumaba ng elevator, pakiramdam niya’y naiwan ang kaluluwa niya sa pagitan ng mga halik at pag-ungol nila ni Senyora. Isang gabing mainit pero walang saysay. Isang gabing pinuno ng apoy ang laman, ngunit hungkag ang damdamin.Pagpasok niya sa bahay, katahimikan agad ang sumalubong sa kanya. Wala si Fortuna."Siguro nasa hotel pa," mahinang bulong niya sa sarili habang isinasara ang pinto. Si Fortuna ay executive chef sa isang kilalang hotel and restaurant sa Maynila—isang posisyong pinaghirapan nito ng ilang taon. Kung may isang bagay na hindi matatawaran sa kanya, iyon ang dedikasyon sa trabaho.Diretso si John sa kwarto. Hubad ang emosyon, pati na ang damit. Pumasok siya sa banyo, binuksan ang shower, at hinayaang bumuhos ang malamig na tubig. Para bang inaasahan niyang mahuhugasan ang kasalanang paulit-ulit na bumabalot sa

  • Bon Appetit   Bon Appetit CHAPTER 106

    Samantala si Fortuna umuwi sa kanyang magulang nalulungkot siya pag-uuwi ng bahay mag-isa na naman siya.Pagkatapos ng kanyang trabaho dumiretso na ito sa bahay ng kanyang magulang.Pumihit ang doorknob. Tahimik ang paligid.Si Fortuna, pagod mula sa trabaho, ay pumasok na parang pasan ang buong mundo. Nakasalubong niya ang liwanag mula sa maliit na lampshade sa sala—walang tao. Walang tunog. Wala si John.Tinanggal niya ang heels, umupo sa gilid ng sofa, at saglit na tinitigan ang wedding photo nilang dalawa. Maaliwalas noon ang ngiti nila. Kunwaring masaya. Kunwaring buo.Ngunit ngayon, alam na niya ang totoo. Ang taong gusto niyang mahalin, ay may ibang laman ang puso.Sumulpot si Jinky mula sa kusina, may dalang tasa ng tsaa. “Anak,” mahinang wika nito, “kumain ka na ba? Alam kong pagod ka.”Ngumiti si Fortuna. Pilit. “Okay lang ako, Ma. Wala si John?”“Wala pa raw... sabi sa text, may lalakarin lang.” Tahimik na lumapit si Jinky. “Pero anak… sa totoo lang, hanggang kailan mo titi

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status