Ang buong biyahe pauwi ay tila isang bangungot para kay John. Sa bawat pagdaan ng ilaw ng mga poste sa lansangan, bumibigat ang dibdib niya. Natatakot siyang pag-uwi niya, wala na si Fortuna. Natatakot siyang isang araw, hindi na ito naghihintay sa kanya, hindi na ito aasa, hindi na ito umiiyak dahil sa kanya."Anong problema ko?" bulong niya sa sarili habang mahigpit na hawak ang manibela. Hindi niya maintindihan. Hindi niya dapat ito iniisip. Dapat masaya siya—malaya, walang responsibilidad, walang asawang nagmamahal sa kanya kahit hindi niya ito sinusuklian.Pero bakit may pumipiga sa dibdib niya?Pagdating niya sa bahay, malalim na ang gabi. Tahimik. Ni hindi niya marinig ang kahit anong tunog mula sa loob.Pumasok siya, inaasahang madadatnan si Fortuna sa sala—tulad ng dati, nag-aabang sa kanya kahit dis-oras na ng gabi. Ngunit wala ito roon.Naglakad siya papunta sa kwarto, unti-unting bumibigat ang bawat hakbang. Nang buksan niya ang pinto, nakita niyang mahimbing na natutulog
At sa sandaling iyon, hindi niya rin alam kung bakit parang may tumusok sa dibdib niya.Ang paraan ng pagtitig ni Fortuna sa kanya—walang galit, walang hinanakit. Blangko. Para bang sa wakas… napagod na ito."John, andyan ka pa ba?" malambing na tanong ni Senyora mula sa kabilang linya.Pero hindi na niya ito narinig.Ang buong atensyon niya ay nasa babaeng nakatayo sa pintuan.Hindi umiiyak si Fortuna, pero parang mas masakit iyon. Mas masakit kaysa sa lahat ng beses na nagmakaawa ito, humingi ng kaunting pagmamahal mula sa kanya.Dahan-dahan nitong ibinaba ang bag sa sahig. "Nagpunta ako kina Mama at Papa," mahina nitong sabi. "Akala ko makakahanap ako ng sagot. Pero wala akong nahanap, John."Napakuyom siya ng kamao. Bakit parang ayaw niyang marinig ang mga salitang ito?"John?" tawag muli ni Senyora, bahagyang naiinip na.Dahan-dahang kinuha ni Fortuna ang cellphone niya sa bulsa at may tinipa. Pagkatapos, itinaas niya iyon para ipakita sa kanya.Isang mensahe.Mula kay Senyora."
"Tumaba ka," sa wakas ay sabi nito.Halos mapalunok si Fortuna. "M-Marami po akong nakakain, Lola Irene."Ngumiti si Irene nang bahagya, pero ang titig nito ay nanatiling matalim. "Hindi ba't dapat ikaw ang nagpapapayat para sa apo ko?"Mabilis na bumagsak ang tingin ni Fortuna sa kanyang mga kamay."Ah, hindi na rin pala mahalaga iyon," dagdag ni Irene. "Dahil kahit ano’ng gawin mo, hindi ka naman magugustuhan ng apo ko.""Lola!" mabilis na saway ni John.Ngunit bahagya lang siyang tiningnan ni Irene, saka muling ibinalik ang tingin kay Fortuna."Sinasayang mo lang ang buhay mo, iha," diretsong sabi nito.Hindi sumagot si Fortuna."Bakit ka pa rin nandito? Hindi ba’t ilang beses ka nang tinutulak ng apo ko palayo?"Bumuka ang labi ni Fortuna, tila gustong sumagot.Pero nang makita niya ang titig nito—ang titig na puno ng hinanakit, pero matibay pa rin—hindi niya maiwasang maghintay sa sasabihin nito.At nang sa wakas ay magsalita ito, hindi niya inaasahan ang sagot nito."Alam ko po
Mabilis ang bawat hakbang ni Fortuna palabas ng bahay. Gusto na niyang matapos ito. Gusto na niyang matapos ang paulit-ulit na sakit ng pagmamakaawa at pag-aasa sa isang lalaking hindi kailanman tumingin sa kanya ng may pagmamahal.Humigpit ang hawak niya sa strap ng kanyang bag. Tama na.Sa pagkakataong ito, sarili na niya ang pipiliin niya.Ngunit bago pa siya tuluyang makatawid sa tarangkahan—“Fortuna, sandali!”Nilingon niya ang tumawag. Si Irene Tan.Ang matikas at matapang na lola ni John, na sa kabila ng kanyang malamig na personalidad, ay tila nagpakita ng emosyon sa pagkakataong ito.Hingal si Irene nang abutan siya sa tapat ng gate. Agad nitong hinawakan ang braso niya, mahigpit, parang ayaw siyang pakawalan.“Huwag kang umalis,” sabi nito, ngunit hindi ito nagmamakaawa—bagkus, ito’y isang utos.Nagulat si Fortuna.“Lola Irene…”“Huwag kang susuko. Hindi ka pwedeng sumuko.”Napatigil siya. Bakit? Bakit parang ipinipilit nitong manatili siya, gayong hindi naman siya mahal ng
"Bumalik ka pala."Malalim ang boses nito. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa na tila napansin nito ang pagkawala niya, o mas masaktan dahil walang kahit anong emosyon sa tinig nito."Oo." Mahinang tugon niya.Pumasok ito at dumiretso sa aparador. Nakatalikod ito sa kanya habang hinuhubad ang coat."Hindi ko akalaing babalik ka pa."Napayuko siya. "Wala akong balak umalis."Natawa si John—isang malamig, mapait na tawa. "Talaga? Hanggang kailan ka ba talaga kakapit, Fortuna?"Huminga siya nang malalim. "Hangga’t kaya ko pa."Napalingon ito sa kanya. "At kung dumating ang araw na hindi mo na kaya?"Pinilit niyang ngumiti. "Edi bibitaw na ako."Saglit itong hindi nakapagsalita. Para bang may kung anong kumurot sa puso nito sa sinabi niya.Naiwan si Fortuna sa loob ng silid, nakatulala sa malamig na tinig ni John na para bang isang patalim na muling humiwa sa puso niya. Alam niyang wala siyang inaasahang kahit anong lambing mula rito, ngunit sa kabila ng paulit-ulit na sakit, nan
Sa kabilang banda...Habang nakatayo si John sa loob ng isang mamahaling bar, hawak ang baso ng alak, walang ibang laman ang kanyang isip kundi ang sinabi ni Lola Irene kanina."Kung mahal niya ang sarili niya, edi sana matagal na siyang umalis."Biglang bumigat ang dibdib niya.Naiinis siya sa sarili dahil bakit parang hindi niya nagustuhan ang ideya na baka isang araw… talagang umalis na si Fortuna?“John?” Naputol ang pag-iisip niya nang biglang lumapit si Senyora sa kanya, nakangiti at puno ng pang-aakit. “Para kang natulala diyan.”Uminom siya ng alak bago marahang ngumiti. “Wala ‘to.”Senyo ang ulo ni Senyora. “Ikaw talaga, hindi marunong magsabi ng totoo.”Umupo ito sa tabi niya at inilapit ang mukha nito sa kanya. “Naisip mo na ba ang sinabi ko?”Napatingin siya rito. “Alin?”“Na layuan na si Fortuna. Na ako na lang ang piliin mo.”Nanigas ang kanyang katawan.Piliin si Senyora? Iniisip na niyang gawin iyon noon pa, ‘di ba? Pero bakit ngayong may pagkakataon na siyang gawin iy
Napabuntong-hininga ang manager, tila nag-iisip. “You know, our hotel is one of the best in the country. We need skilled chefs.”Naramdaman niya ang bahagyang panghuhusga nito. Ngunit hindi siya natinag."I may not have the same experience as others, but I can guarantee that I am hardworking and willing to learn. If given the chance, I will prove my worth.”May bahagyang gulat sa mukha ng manager sa kanyang determinasyon."Hmm… We’ll give you a chance. Report tomorrow. We'll test your skills."Nagliwanag ang mukha ni Fortuna. Sa unang pagkakataon matapos ang matagal na panahon, may dahilan ulit siya upang maging masaya."Ito na ang simula. Ito na ang bagong kabanata ng buhay ko."Lumabas siya ng opisina ng manager na may bahagyang ngiti sa labi. Hindi niya maipaliwanag, pero parang nawala ang bigat sa kanyang dibdib.Habang siya ay abala sa paghahanap ng direksyon sa buhay, hindi niya alam na si John ay nasa ibang mundo—sa piling ng babaeng matagal nang sumisira sa kanilang pagsasama.
"Ano? Aalis ka?" Malamig ang boses nito, puno ng pag-aalinlangan. "Bakit?"Umupo si John sa gilid ng kama, hindi alam kung paano ipapaliwanag."Kailangan ko nang umuwi.""Diyos ko, John. May bahay ka na rito." Napahagikhik si Senyora, pero sa ilalim ng matinis na tawa nito, may bahid ng galit at pangamba. "Aminin mo, gusto mo na akong iwan, hindi ba?""Hindi naman sa gano'n—""Then bakit, ha? Bakit mo ako iniiwan? Sabihin mo sa akin nang harapan!"Huminga nang malalim si John, pinipigilan ang sarili. Hindi niya gustong magkaroon ng gulo, pero alam niyang hindi madaling kumbinsihin si Senyora."Alam mo namang hindi tayo puwedeng ganito habang buhay.""Bakit hindi?" Isang matalim na titig ang ibinigay nito. "Ano ba ang pinanghahawakan mo, John? Ang kasal mo kay Fortuna? Wala kang pagmamahal sa kanya, ‘di ba?"Napapikit siya. Hindi niya gustong sagutin ang tanong na iyon.Tama si Senyora. Wala naman siyang pagmamahal kay Fortuna, hindi ba?Pero bakit siya nag-aalangan?"Kailan ako makaka
Tahimik ang gabi, ngunit hindi matahimik ang loob ni John.Sa terrace ng condo ni Senyora, nakatayo siya, hawak ang baso ng wine. Tumititig sa malalayong ilaw ng siyudad na parang kumikindat sa kaniya—pero walang ningning na dumampi sa puso niya. Sa loob ng unit, maririnig ang malumanay na pagtawa ni Senyora habang nanonood ng TV. Ngunit ang bawat halakhak niya ay tila pumapaimbabaw sa katahimikang sinisikap ni John buuin sa kanyang sarili.“John, dito ka nga,” tawag ni Senyora mula sa loob. “May pinapanood akong comedy, gusto mo ‘to.”Ngunit hindi siya kumilos.Pinikit niya ang mga mata, malalim na huminga. Sa bawat bugso ng hangin na dumadampi sa mukha niya, may mga alaalang pumapait—hindi niya mapigilan. Larawan ni Fortuna habang naka-apron, nakatalikod sa kusina. Ang boses nito habang tinatawag siyang kumain. Ang paalala tuwing nalalasing siya. Ang mga mata nitong punô ng hinanakit—na noon ay binalewala lang niya.“Ang tahimik mo yata, John.” Niyakap siya ni Senyora mula sa likod.
Bumungad ang malamig na hangin ng gabi habang dahan-dahang bumababa si Fortuna sa sasakyan. Sa harap ng ancestral house ng pamilyang Han, isang tila tahimik at matatag na estruktura ang sumasalubong sa kanya—pero sa kabila ng katahimikang iyon, naroon ang mga alaala. Masasakit. Mabibigat. At ngayon, isang lihim na kailangan niyang itago.Si Jack Han ang unang lumapit sa kanya, binuksan ang pinto at marahang hinaplos ang kanyang likod. “Anak, dito ka na muna. Walang makakaabala sa’yo rito. Ligtas ka sa lahat… pati na kay Lola Irene.”Sumunod si Jinky, buhat ang ilang gamit ni Fortuna. Kita sa mga mata nito ang pagkabahala, pero mas nangingibabaw ang determinasyon.Pagpasok sa loob ng bahay, agad na naupo si Fortuna sa sofa. Bumuntong-hininga siya nang malalim. Napahawak sa tiyan—hindi pa halata, pero naroon na ang bigat. Hindi lang sa katawan, kundi sa puso.“Anak,” mahinang bungad ni Jinky, habang nauupo sa tapat niya. “Napag-usapan na namin ng papa mo. Hindi natin puwedeng ipaabot ka
Masiglang tinig ni Senyora sa kabilang linya, punong-puno ng tuwa—tila bang siya ang nagwagi sa isang laban na matagal na niyang kinikimkim.Pero si John, habang pinapakinggan iyon, ay tila nahulog sa isang balon ng katahimikan. Wala siyang masabi, kundi isang mahinang:“Hmm…”Pagkababa niya ng tawag, muling bumalik ang bigat. Ang katahimikan sa silid ay parang sumisigaw. Sumasalungat sa tinig ni Senyora na puno ng selebrasyon. Isang kalayaang hindi niya lubusang masayahan.Tumayo siya. Lumapit sa salamin. Tinitigan ang sarili—maputla, puyat, at walang ningning ang mga mata.“Kalayaan?” mahina niyang bulong sa sarili. “Kung ito ang kalayaan... bakit parang mas lalo akong nakakulong?”Tahimik ang loob ng sasakyan. Tanging tunog ng makina at mahinang hinga ni Fortuna ang maririnig. Nakatingin siya sa bintana habang lumilipas ang mga tanawin sa labas—mga punong tila naglalakad pabalik, mga alaalang pilit na iniiwan.Katabi niya si Jinky, habang si Jack ang nagmamaneho sa harapan. Sa gitn
Tahimik ang buong silid. Wala ni isang kaluskos. Tanging tunog ng malamig na aircon at ang unti-unting paglalim ng kanyang paghinga ang naririnig sa loob ng kwartong minsang naging saksi ng lahat ng kasinungalingan at pag-aalinlangan.Si John, nakahigang nakatingin sa kisame, suot pa rin ang parehong damit na sinuot niya kagabi. Nanatili siyang walang kilos. Walang tinig. Parang estatwang kinain ng liwanag ng madaling-araw. Hawak niya ang puting scrunchie ni Fortuna — nahulog ito kagabi, noong huli nilang pagkikita sa loob ng bakuran ng Tan.Ang scrunchie. Gamit na simpleng gamit, ngunit para sa kanya ngayon, mas mabigat pa sa alinmang kayamanan ng mga Tan o Han. Para itong huling alaala ng isang taong hindi na babalik. Huling hibla ng buhay na unti-unting lumayo sa kanya.Napapikit si John. Mahigpit ang pagkakapit niya sa scrunchie. Para bang sa bawat segundo ng katahimikan, unti-unting kinakain ng katotohanan ang kanyang pagkatao.Umalis na si Fortuna. At ang mas masakit, hindi na s
Tumingin si Irene sa anak. Sandaling nagtagpo ang kanilang mga mata—mata ng isang anak na nag-aalala hindi lang para sa yaman, kundi sa gulong maaaring sumunod.Mabigat ang buntong-hininga ni Irene bago siya sumagot.Mabigat ang buntong-hininga ni Irene bago siya sumagot. Dahan-dahan siyang umupo sa upuang minana pa niya sa kaniyang ama—isang lumang silyang kahoy, simbolo ng kapangyarihan at bigat ng pangalan ng Tan.“Ang kasunduan…” bulong ni Irene, halos hindi marinig. “May bisa pa rin ‘yon, Luigi. Ang mga papeles ay perpektong pinirmahan. Legal. Matibay. At nakatali pa rin sa pangalan ng anak ni Jack Han.”Napakunot ang noo ni Luigi. “Pero, Ma… hiwalay na sila. Hindi ba’t kapag napawalang-bisa ang kasal, nawawala rin ang bisa ng kasunduang iyon?”Napapikit si Irene, pinisil ang sariling sintido. “Hindi gano’n kasimple, anak. Hindi lang kasal ang tinutukoy sa kasunduang ‘yon. May clause doon na nagsasabing—anumang mangyari sa relasyon nina John at Fortuna, mananatili ang paghahati n
Pumirma agad si Fortuna. Walang alinlangan, walang pagdadalawang-isip. Isang linya lang ng tinta, ngunit parang itinali niya roon ang bawat sakit, bawat pasakit, bawat pangarap na kailanma’y hindi natupad.Nang inabot kay John ang papel, tumigil siya. Nanlalamig ang mga daliri niya. Tila ayaw kumilos ng kamay niya."John," bulong ni Irene, "kung hindi mo pipirmahan, lalong masasaktan ang lahat. Kung mahal mo talaga si Fortuna… hayaan mo na siyang maging malaya."Dahan-dahang gumalaw ang kamay ni John. At sa isang kisapmata, pumirma siya. Pero kasabay ng tinta sa papel ay ang pagdaloy ng luha mula sa kanyang mga mata. Hindi siya umiiyak ng malakas. Tahimik lang, pero mabigat. Para bang ang sarili niya ay unti-unting gumuho.Pagkalagda ni John, hindi na nagsalita si Fortuna. Tumayo siya, ni hindi tumingin sa paligid, at diretsong lumakad palabas ng bahay. Parang kaluluwa na binigyan ng bagong buhay—may kirot, may lungkot, pero malaya.“Fortuna!” sigaw ni John, pilit siyang sinundan.Ngu
Bumabalot pa rin ang malamig na hangin sa loob ng ancestral house ng mga Tan. Hindi ito dahil sa panahon, kundi dahil sa bigat ng damdamin ng bawat isa sa loob ng sala. Ang chandeliers ay tila ba ayaw magningning, ang marmol ay malamig sa talampakan, at ang bawat paghinga ay parang mabigat na buntong-hininga.Si Madam Irene Tan, nakaupo sa gitna ng antigong sofa na pinaglihan ng marami nang lahi, ay nakatingin sa kawalan. Sa harap niya ay ang kanyang anak na si Luigi Tan, at ang manugang niyang si Leona, ina ni John Tan.Sa tabi ni Luigi, nakatayo si John, namumutla at tila wala sa sarili. Nakayuko, nanginginig ang mga kamay. Katabi niya ang ina, si Leona, na paulit-ulit ang himas sa braso ng anak na tila pinipilit nitong mapanatag.At doon sa pintuan, tahimik ngunit matatag—si Fortuna, hawak-hawak ang kanyang bag na tila ba kasingbigat ng lahat ng sugat na iniwan ng relasyon nila ni John."Luigi," mahinang tawag niya.Agad na lumapit ang apo niyang si Luigi. “Yes, Ma?”"Pakitawagan a
Tahimik na nagmumuni-muni si John habang ang bawat salita na lumabas mula sa kanyang bibig ay patuloy na bumibigat sa kanya. Ang kanyang katawan, na minsang matibay at puno ng tapang, ngayon ay parang isang piraso ng kahoy na natutunaw sa ilalim ng init ng katotohanan.Sa kabila ng mabigat na katahimikan sa sala, ramdam ang bawat galos sa puso ni Jinky. Pinipilit niyang huwag ipakita ang sakit, ngunit ang mga luha na patak-patak ay masakit na patunay ng mga sugat na hindi kayang paghilumin ng mga salita."John..." ang mahinang tinig ni Jinky. "Bakit mo hinayaan mangyari 'to? Bakit hindi mo kami pinakinggan?" Ibinagsak ni Leona ang ulo, at tila ang mga tanong na iyon ay siyang nagtulak sa kanya para magdusa nang mag-isa. "Alam mo, kahit gaano mo kami kamahal, hindi ko na kayang tanggapin kung bakit ka naging ganito..."Si Jack, na kanina pa galit na galit, ay hindi na nakatiis. Tumayo siya at mabilis na lumapit kay John. "Wala ka nang ibang pwedeng sabihin pa! Huwag mong gawing dahilan
Madaling-araw. Kasunod ng matinding pag-uusap nila John at Madam Irene, agad siyang kumilos. Kinuha ni Madam Irene ang kanyang telepono at nagpadala ng mensahe kina Jinky at Jack Han. Isang pagpupulong ang itinakda para sa araw ding iyon—oras na upang pag-usapan ng bawat pamilya ang kinahinatnan ng kasal nina John at Fortuna.Sa loob ng isang pribadong function room sa isang lumang resthouse ng mga Tan, alas-diyes ng umaga.Naglalakad paikot sa mesa, halatang balisa si Jinky “Ano bang ibig sabihin nito, Madam Irene? Bakit mo kami pinatawag nang ganito kaaga? Hindi pa nga natutuyo ang luha ng anak ko, heto’t gusto mong mag-usap tayo?”Tahimik. Malumanay pero may bagsik sa tinig ni Madam Irene“Dahil oras na. Hindi na puwedeng patagalin. Kailangang pag-usapan natin ito, habang may natitira pang respeto sa pagitan ng dalawang pamilya.”“May respeto pa ba, Irene? Pagkatapos ng lahat ng ginawa ng apo mo sa anak namin?”Nanigas ang tinig ni Jack Han habang nakatitig sa matandang babae. Hin