Naguluhan ako pagmulat ng mga mata ko. Nanibago ako na wala akong nabungaran na katabi ko dito sa kama. Nasanay na ang katawan ko na unang nakikita ko pagmulat ng mga mata ay ang magandang mukha ni Stacy. Nang ma-realize kung nasaan ako ngayon ay mabilis akong bumangon. Dumaan muna ako sa banyo para maghilamos at magsepilyo pagkatapos ay dire diretso na sa kuwartong tinulugan kagabi ni Stacy.
Habang naglalakad ay hindi ko naiwasang maalala ang kulitan pa namin kagabi bago kami natulog. No, ako lang pala ang nangulit.
“Babe naman.” Ungot ko sa kanya habang nandito kami sa terrace ng bahay. Katatapos lang naming kumain ng dinner. Siya ay nakaupo sa upuang rattan na narito habang ako naman ay ay nakahiga at nakaunan sa hita niya.
“Ano na naman ba iyon?”
“Umapela ka naman kay Lola. Huwag kang oo lang ng oo sa kanya ha. Nakakainis ka naman eh.”
Naramdaman ko ang mahinang pagtapik niya sa
Habang nasa sasakyan kami ni Lola Cedes ay panay ang kwento niya tungkol kay Richard. Aliw na aliw naman ako habang nakikinig sa kanya, ang dami kong nalaman na mga bagay bagay tungkol sa boyfriend ko. Ang dami kong natuklasan na hindi kasama sa mga kinuwento sa akin ni Richard.“Alam mo ba iyang apo ko, hindi naman sa bini-build up ko pa siya sa iyo dahil alam ko naman na hindi ko na kailangang gawin pa iyon. Ubod ng bait at lambing ng lalaki na iyan. Ikaw na lang ang mauumay sa kalambingan niya. Makakaranas ka rin ng pagka inis paminsan minsan dahil sadyang makulit talaga. Matigas ang ulo niyang lalaki na iyan.”“Paanong matigas ang ulo, La?” Akala ko ba ay ibi-build niya si Richard sa akin, bakit parang kabaligtaran yata ang nangyayari? Gusto ko tuloy matawa.“Naku, kahit anong pilit ko noong nag aaral pa siya na ako na ang magbabayad ng tuition fee niya ay ayaw namang tanggapin ng damuhong iyon. Hindi
“Lola naman, sige na naman po…” Natatawa ako habang pinagmamasdan ang ginagawang pangungulit ni Richard kay Lola Cedes. Nandito kaming tatlo sa may terrace sa itaas ng bahay. Katatapos lang naming maghapunan kaya heto at nagkwekwentuhan na muna bago matulog.“Magtigil ka nga riyan, Ricardo!” Aliw na aliw talaga ako kapag tinatawag ni Lola si Richard na Ricardo. “Para kang bata diyan na umaatungal. Pagbalik ninyo sa Maynila ay iyong iyo naman na itong si Stacy, walang aagaw sa kanya.”“Pero La…” At talagang lumipat pa ang lalaking ito sa pang isahang sofa kung saan nakapwesto si Lola. Patuloy pa rin siyang nakikiusap rito na kung pwepwede raw ba na sa kwarto na niya ako matulog ngayong gabi. Ayaw talagang lubayan ang Lola pero mukhang hindi naman umuubra ang convincing powers niya rito.“Huwag matigas ang ulo mo. Aba, gusto mo yatang mahataw pa kita ng abaniko ko. Teka at nasaan nga
“Lola Cedes, nagkahiwalay po pala ang parents ni Richard noon?” Tanong ko kay Lola, pareho na kaming nakahiga ngayon at sinasamahan siyang manood ng paborito niyang teleserye.“Nakwento na niya sa iyo?”“Opo.”“Isa iyan sa mga bagay na ayaw na sanang balikan ng apo ko. Kahit nagpapakita na malakas iyong lalaki na iyon, alam ko na pinagsisisihan niya pa rin ang naging desisyon niya na hindi sumama sa mga magulang niya dati. Alam ko na nasasaktan pa rin ang apo ko tuwing maaalala iyon.”“Nararamdaman ko nga po ang bigat na dinadala niya kanian noong nagkwekwento siya sa akin Lola.”“Ayun na nga, mararamdaman mo lang pero hindi niya direktang sasabihin sa iyo na nasasaktan na pala siya. Pilit niyang pinapakita sa mga tao na masayahin siyang tao na akala mo ay walang pinoproblema sa buhay, gusto niyang ipakita na malakas siya at walang problemang hindi niya kayang solusyuna
Bumabyahe na kami pabalik ng Manila. Maaga kaming umalis ng Batangas dahil may meeting pa si Richard with the TV executives nang after lunch. Kaya naman kahit alas sais pa lang ng umaga ay nasa kalsada na kami.Naalala ko pa naging paalaman naming kanina ni Lola Cedes. Halos ayaw niya kaming paalisin, kung pwede lang daw ay doon na lang kami sa kanya. Nagbiro pa nga siya kay Richard na ito na lang daw ang umalis at iwanan na lang muna ako roon. Syempre tigas sa pag iling ang boyfriend ko.Hindi ko na napigilan ang pagngiti nang mapabaling ako sa katabi ko at makita ko ang hindi mapuknat na ngiti sa mga labi niya.“Saya natin ngayon ah. Baka mapunit na iyang bibig mo.” Pansin ko sa kanya.Lumingon naman siya sa akin. “Ano nga iyon, Babe?”“Ang sabi ko ay baka mapunit na iyang bibig mo sa tindi ng pagkakangiti mo riyan.”“Masama ba na maging masaya?” Inabot niya pa ang is akong kama
“Babe.” Tawag ni Richard sa atensyon ko. Katatapos lang naming kumain ng lunch at ngayon ay nagpe-prepare na kaming umalis. Siya ay papunta sa meeting with the TV executives, ako naman ay ihahatid niya sa bahay namin. Nakatanggap ako ng text kanina galing kay Dad, uuwi daw siya mamaya kaya kinakailangan ko na ring umuwi. Hindi nga lang ako sigurado kung hanggang kailan si Dad sa bahay namin, baka mamaya lang ay umalis din siya agad.“Sunduin kita after the meeting?”“I will text you. Hindi ako sigurado kung anong oras uli aalis si Dad mamaya. Alam mo naman na hindi niya pa alam ang tungkol sa atin.” Pagkatapos kong magsalita ay napansin ko na nagbago ang ekspresyon sa mukha ng boyfriend ko. At mukhang alam ko na ang dahilan kung bakit siya nagkaganoon.Lumapit ako sa kanya na kasalukuyang nagsusuot ng kanyang polo shirt at niyakap siya mula sa likuran. “If ever may chance mamaya, I will talk to him. I&rsquo
Pagdating sa bahay ay wala pa si Daddy na ipinagtaka ko. Ang sabi niya kanina sa akin noong tumawag siya ay on the way na raw siya sa bahay namin kaya nga pinagmadali ko na si Richard sa pag alis sa bahay niya. Habang nagmamaneho ay todo paalala pa siya sa akin kung talaga bang seryoso ako na gusto kong kausapin si Daddy. Na talaga bang buo na ang loob ko na magsabi ng tungkol sa relasyon namin. Pero mahigpit niya ring ipinaalala sa akin na ang relasyon lang naming dalawa ang ipagtapat ko sa tatay ko, ang tungkol daw sa kalagayan ko sa ngayon ay ilihim ko muna. Dapat daw ay sabay kaming haharap sa Daddy ko para magsabi na buntis na ako ngayon. Iyon daw ang tamang gawin bilang respeto, at buong puso niya raw na tatanggapin ang lahat ng gagawin o sasabihin sa kanya ni Dad. Deserve niya raw ano pa man iyon, at inaasahan na rin naman raw niya ang galit ni Dad kung saka sakali. Nakahanda raw siyang harapin ang kahit na ano huwag lang ang mahiwalay sa akin.Hindi ko a
Nandito ako ngayon sa TV station dahil nga may meeting ako with my boss, mga top executive ng company. Kasalukuyan naming pinag uusapan ang posibleng extension ng program namin dahil maganda ang feedback ng mga televiewers. Noong unang lingo pa lang ay napakataas na ng ratings nito at hanggang ngayon ay pumapalo pa rin ito sa ratings. Mainit ang naging pagtanggap ng mga manonood, kinagat nila ang istorya maging ang mga artista. Bakit ba hindi, ang mga bida lang naman ng teleserye namin ay ang isa sa pinakasikat na loveteam sa bansa.Alam ko na matinding pressure ang nakaatang sa balikat ko noong tinanggap ko ang proyektong ito dahil sa libo libong fans na nakabantay sa gawa ko. Kahit mahirap ay wala naman akong pinagsisisihan lalo pa at ito ang naging dahilan para muli kong makita ang babaeng makakapagpabago sa takbo ng buhay ko. Kaya naman malaki ang utang na loob ko sa programang ito, dahil dito natupad ang pangarap ko. Ang pangarap na magkaroon ng kumpletong
“Babe, stop crying please.” Pagpapatahan ko kay Stacy. Ngayon ay nasa kotse ko na siya at papunta na kami sa ospital kung saan naroon raw ang Daddy niya. Pagdating ko sa bahay nila para sunduin siya ay hindi niya na ako binigyan ng pagkakataon na makababa pa ng sasakyan ko. Nasa gate na siya at mukha talagang naghihintay na sa akin dahil the moment na maiparada ko ang kotse sa gilid ng bahay nila ay agad siyang sumakay roon. Ni hindi nga man lang niya nasagot ang pagbati ko sa kanya bagkus ay mas lalo pa siyang napaiyak pagkapasok na pagkapasok niya sa kotse.“Si Daddy kasi, nag aalala ako sa kanya. Baka kung napaano na siya.”“Tahan na please. Ang sabi mo naman ay hindi naman boses nagpa panic ang tumawag sa iyo kanina.”“Richard, iyon ang girlfriend ni Daddy!”“Exactly Babe, kung malala ang condition ng Daddy mo ay sigurado ako na nagpapanic kanina iyong girlfriend niya. At sigurado ako