Share

Chapter 77

Hindi ko lang sinasabi kay Richard, pero sa totoo lang ay kinakabahan ako. Kabado ako habang papalapit na kami kung saan nakatira ang lola niya, na makakaharap ko na ang nag iisang kapamilya ng boyfriend ko. Kabado ako sa kung ano ang magiging impresyon niya sa akin. Natatakot ako na hindi niya ako magustuhan para sa apo niya dahil unang una na ang agwat ng edad naming dalawa. Masyado pa akong bata kung ikukumpara kay Richard, wala pa akong nararating, wala pa akong napapatunayan kahit sa sarili ko samantalang ang apo niya ay isa ng successful na direktor.

Kung sakali man na ayawan niya ako, paano na ako, paano na kami ng magiging anak ko? Hindi ko naman yata kakayanin na patuloy pa rin na makisama kay Richard kung alam ko na hindi naman ako tanggap ng lola niya, pero mukhang hindi ko rin naman kakayanin ang mapahiwalay pa sa kanya.

Ilang sandali pa ay napansin ko na ipinapasok na niya ang sasakyan namin sa isang malawak na solar. Mas lalo yatang lumakas

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status