Nang makaalis si Georgina ay agad itong sinundan ni Rhett at kahit gusto itong pigilan ni Celeste ay hindi nagpapigil ang lalaki. Ang tanging sabi nito ay nandito na si Fredrick para magbantay sa kanya. “Celest, ‘wag mo nang ipagsiksikan ang sarili mo kay Rhett, may asawa na ‘yung tao.” Hinawakan ni Fredrick si Celeste sa braso upang pigilan ito sa paghabol kay Rhett. Matigas na umiling si Celeste at naluluhang umangat ng tingin sa kanya. “Kuya, hindi naman sila totoong mag-asawa, eh. Alam ko na ang totoo. Hindi sila nagpakasal dahil nagmamahalan sila. Nagpakasal lang sila para tuparin ang kahilingan ng lolo ni Rhett.”Hindi niya binitiwan ang pagkakahawak sa braso ng kapatid at nagsalita sa malumanay pero istriktong boses. “Celest, kahit ano’ng rason pa ‘yan, hindi mo pa rin mababago ang katotohanan na kasal na si Rhett. Huwag nang matigas ang ulo. Sige na, bumalik ka na sa kuwarto mo at magpahinga.”Biglang pumalayaw ng iyak si Celeste na parang bata kaya naman walang nagawa si Fr
Umangat ang isang kilay ni Georgina sa sinabi ng pulis. Imbes na makaramdam ng takot ay nanatiling kalmado ang mukha habang nakahilig ang ulo sa sandalan at diretso ang tingin kay Celeste. May maliit na ngisi sa kanyang labi. “Ano’ng sangkot sa ilegal na aktibidades?” malalim ang boses na tanong ni Rhett. Mukhang hindi ito masaya sa hindi magandang akusasyon ng mga pulis. Nagtaka naman ang mga pulis dahil sa naging reaksyon ng lalaki. Mukhang hindi ang mga ito makapaniwala na kilala siya ni Rhett. Madilim pa rin ang mukha ni Rhett habang kaharap ang pulis at imbes na sagutin ito ay muli niya itong tinanong. “Inuulit ko. Ano ang ilegal na aktibidades ang ang pinaparatang n’yo kay Georgina?”“Oo nga, mamang pulis. Ano ang ginawang masama ni Georgina? Bakit n’yo siya pinaparatangan? Sa pagkakakilala ko sa kanya ay napakabait niyang babae,’ biglang sabad ni Celeste na kumapit pa sa braso ni Rhett.Umangat ang isang kilay ng nakamasid na si Georgina. Kagabi lang ay inamin ni Rhett kung
“Hindi ka sasaktan ni Georgia dahil hindi siya ganoong klaseng tao. Hangga’t hindi tapos ang kaso ay huwag mo siyang paratangan ng kung anu-ano.”Nakagat ni Celeste ang pang-ibabang labi dahil sa malamig na boses ni Rhett. “Ganoon ba talaga kalaki ang tiwala mo sa kanya, Rhett? Mahigit isang buwan pa lang kayong nagkakilala. Paano nga kung siya ang nag-utos sa lalaking iyon na pagsamantalahan ako?”“Ang mag-asawa ay dapat na pinagkakatiwalaan ang isa’t isa.” Iyon lang at tumalikod na si Rhett at iniwan siya.Naiwan si Celeste na hindi makapaniwalang kinampihan na naman ni Rhett ang asawa nito. Dahil nabalitaan ng lahat ang tungkol sa pagkakasangkot ni Georgina ay agad na bumalik ang mga ito sa ospital para kastiguhin ang babae. Magkasamang dumating sina Sheynon at Jerome habang si Fredrick ay papunta pa lamang. Dahil nasa tapat sila ng pinto ng ward ni Georgina, nang bumukas iyon ay sabay-sabay ang tatlo na lumingon sa lumabas na dalawang pulis. Si Jerome ang unang nagtanong.“Maman
Sa totoo lang, kahit nasasaktan si Georgina sa nalaman ay wala rin siyang pakialam. Ang gusto niya lang ngayon ay malinis ang pangalan niya at maklaro ang pangalan niya. Nangangati na rin ang kamay niya na tanggalin ang posas kaso baka lalo siyang paghinalaan ng mga pulis kung paano niya natanggal nang walang susi. Kinabukasan ng hapon ay maari nang lumabas si Georgina pero imbes na sa bahay ang uwi niya ay dinala siya ng pulis sa presinto. Nakausap na niya ang lawyer niya kahapon at naghihintay na rin ito sa kanya nang makarating ang sinasakyan nilang police mobile sa presinto. Habang nasa loob ng interrogation room ay walang takot na mababakas sa mukha ni Georgina habang kinukuwestiyon siya. “Georgina Lucindo, inaamin mo ba ang pagiging kasabwat mo sa nangyari kay Miss Celeste?”Walang emosyong nagkibit ng balikat si Georgina at sinagot ang pulis na nagtanong na walang kagana-gana ang boses. “Wala akong dapat aminin dahil wala akong ginawa. Hindi rin ako magsasalita hangga't hindi
Habang iniinteroga ni Atty. Lazaro si Pauolo ay wala pa ring kabuhay-buhay si Georgina na nakasandal sa kanyang upuan. Hindi niya alam kung dahil ba hindi niya kasama ngayon si Rhett kaya kahit kung ano-ano ang pinagsasabi sa kanya nina Sheynon at Celeste ay tumatagos lang sa kanyang tainga. “Siya. Siya ang nag-utos sa akin para saktan si Miss Celeste.”Nang magsalita si Pauolo ay saka siya nag-angat ng tingin at tiningnan kung sino ang tinuturo nito. Georgina knew the real culprit, but she didn't know how far that girl would go to overcome this situation, knowing that she had failed to implicate her. Pauolo was pointing at Sheynon. Georgina’s lips twitched in disbelief. Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan. “Ako? Bakit ako ang pinagbibintangan mo? Wala akong kinalaman d’yan!” Sheynon pointed at herself with a horror-stricken face. Parang manok na tumutuka ang ulo ni Pauolo dahil sa mabilis na pagtango nito. Pagkatapos ay lumuhod ito sa harapan ni Georgina at humingi ng tawad. “
Ilang minuto na nilasap ni Georgina ang init ng katawan ni Rhett habang magkayakap sila nito. Kahit nasa harapan man sila ng police station at madaming tao ang dumaraan ay wala na itong pakialam. Kahit pa nga pinagtitinginan sila lalo na at halos mawalan na siya ng hininga sa mahigpit na yakap ni Rhett ay hindi pa rin siya nito binitiwan. “I’m sorry for arriving late. Kung natulungan ko kaagad ang mag-ina ng suspek ay hindi ka sana nila diniretso rito pagkagaling sa ospital.” Kinuha ng lalaki ang kanyang kamay at pinakakatitigan ang kanyang pulsuhan kung saan siya nilagyan ng posas. Naningkit sa galit ang mata nito at lumalim ang paghinga. “Look, your wrists are swollen.”Kumalas si Georgina sa pagkakayakap sa asawa at sumandal sa kotse katabi nito. Hindi niya alam kung may hinihintay pa ba sila at bakit hindi pa sila umaalis. Matamis siyang ngumiti saka ito sinagot. “It’s nothing. I am used to it,” balewalang sabi niya. Lalo namang nangunot ang noo ni Rhett dahil sa sinabi niya. Ni
“Rhett…” mahinang tawag ni Georgina sa asawa habang naglalakad sila sa hardin papasok sa bahay nito. “Hmm?” Nilingon siya nito mula sa balikat na nakaangat ang isang kilay bilang pagtatanong. Magkasalikop ang daliri nila at paminsan-minsan ay pinipisil iyon ni Rhett na ikinatuwa naman ni Georgina dahil nagkakalapit na ang loob nila. Gusto pa niyang patunayan na gusto nga siya nito. Na katulad niya, kahit mahigit isang buwan pa lang silang nagkakakilala ay nagkakamabutihan na sila ng loob. Pero hindi pa rin niya sinasabi rito ang totoong nararamdaman dahil hindi pa siya sigurado kung may kinalaman nga ito sa pagkamatay ng kanyang ina o wala. Hindi agad sila pumasok sa loob ng kabahayan at tumambay sila sa hardin kung saan may maliit na kubo na gawa sa kawayan. Ang bubong niyon ay pawid at ang pader ay gawa rin sa kawayan. Ito ay kubo na pinagawa ni Rhett upang pagpahingaan nito kapag gusto nitong magpahangin sa labas, iyon ang sabi sa kanya ng asawa. Malaki ang bintana niyon pero da
Matapos ang mainit na pagsasalo nina Georgina at Rhett ay magkayakap silang humiga sa higaan. Nakatalikod si Georgina kay Rhett habang yakap siya nito mula sa likura. “Georgie?” Rhett nuzzled his face on her neck and softly breathed into her skin. “Hmm?” she asked. Her eyes were closed because of tiredness, but she was still alert to answer her husband.“I like you.” Rhett kissed her neck and tightened his hug. “I am still waiting for your answer…”Naimulat ni Georgina ang mata kahit pa nanakit iyon sa antok. “What about Celeste? Wala ba talagang kung anong meron sa inyo? Ang tingin ko kasi sa kanya ay gusto ka niya. Sheynon also said that you two grew up together and that you always chose to be with Celeste.” Kung gustuhin ni Georgina na maging seryoso sa relasyon nila ni Rhett ay kailangan muna niyang siguraduhin na walang ibang babaeng nakakapit sa pangalan ni Rhett. Kahit pa sinabi nito noong nakaraan na magkababata lang sila nito at close lang silang dalawa dahil niligtas ito
Hindi agad makasagot si Celeste sa tanong na iyon ng kanyang Kuya dahil ang totoo, kasalanan niya ang nangyari kay Santino. Sinadya niyang kurutin ang bata hanggang sa magkapasa itoat ibaling lahat ng iyon kay Georgina kaya naman pinilit niya itong bantayan si Santino. Pero hindi niya akalaing matalino ang gaga at kinuhaan ng video ang sarili. Alam niyang hindi gumagana ang CCTV sa opisina ng kuya niya dahil bago pa man niya simulan ang plano ay sinira na niya iyon. Kaya isinama niya rin si Sheynon upang maging witness pero lahat ng iyon ay sinira ni Georgina. Lihim na nagngitngit ang kalooban niya pero sa harap ng kanyang kuya ay hindi niya iyon pinakita. “K-kuya…” mariin siyang umiling. “Hindi ko alam. Wala akong alam. Hindi kaya ang yaya ang may kagagawan nito sa kanya? Paano pala kung sinasaktan niya ang anak ko?”Hindi pa rin nawawala ang galit sa mukha ni Fredrick pero sa pagkakataong ito ay hindi na iyon patungkol kay Georgina kundi sa mga kasambahay at yaya nila sa bahay. “P
“Wala akong ginawa.” Simpleng sagot at simpleng pagdepensa sa sarili ni Georgina. Matalim na tinitigan ni Sheynon si Georgina pero hindi siya nagpatinag. Kahit siya ay hindi makapaniwala na ang anak ni Rhett at Celeste ay nagkaroon ng ganito karaming pasa. Kung hindi nagkakamali si Georgina ay hindi iyon simpleng pasa lamang kundi galing iyon sa kurot. May taong nanakit dito. “Ikaw lang ang kasama ni Santino dito. Sa tingin mo may maniniwala pa sa ‘yo gayong kitang-kita na ang mga pasa sa katawan ng bata?” madilim ang mukha ni Sheynon habang nag-aakusa kay Georgina. “Kahit kami lang ang magkasama dito ay hindi mo pa rin ako puwedeng akusahan na may ginawa ako kay Santino hangga’t wala kang ebidensya.”“Ebidensya? Kailangan pa ba ng ebidensya kung kitang-kita na ang ginawa mo sa bata?”Niyakap ni Celeste ang bata at pilit itong pinapatahan sa pag-iyak. “Georgina… paano mo nagawa ito kay Santino? Ipinahabilin ko lang siya sa iyo ng sandaling oras lang. Kahit hindi mo siya gusto, kahi
Naituro ni Georgina ang sarili at hindi makapaniwalang nagtanong. Kaagad na binalot ang isip niya ng paghihinala. Knowing Celeste’s attitude to her, hindi niya dapat ito pagkatiwalaan, lalo na sa anak nito. “Ako? I’m sorry, Miss Celeste, pero hindi parte ng trabaho ko ang mag-alaga ng bata,” tanggi niya na may halong profesionalismo. Hindi kasama sa trabaho niya ang mag-alaga ng bata kaya hindi niya ito susunidin. Isa pa, kapag may nangyaring masama rito ay siya ang masisisi na siyang ayaw niyang mangyari. “Huwag kang mag-alala, Georgie. Sandali lang naman kami ni Sheynon. D’yan lang kami pupunta sa mall sa ibaba. May kailangan lang akong bilhin para sa anak ko. Sige na naman, oh.”Ngunit hindi nagpatinag sa pakiusap ni Celeste si Georgina. Matigas pa rin niya itong tinanggihan. “Miss Farrington, kung hindi mo puwedeng dalhin sa mall ang bata, bakit hindi mo na lang siya iwan sa kapatid mo? Hindi ba at mas mabuti na siya ang mag-alaga keysa sa akin na hindi mo naman kaano-ano?”Kung
Matapos titigan nang matagal ang mukha ng bata ay malapad ang ngiti na tiningnan ni Georgina si Celeste. Ginantihan siya nito nang katulad na ngiti pero may halong pagtaas ng kilay na tila proud na proud sa anak nito. Binuhat nito ang bata at naglakad palapit kay Georgina at iniwan ang stroller sa harap ng elevator na ikinataas ng kilay ni Georgina. “Georgie, I want you to meet my son, Santino. Isn’t he handsome? Makikita mong manang-mana talaga siya sa ama.”Hindi nawala ang ngiti ni Georgina at pinalipat-lipat ang tingin sa mag-ina. Hindi siya nagpaapekto sa sinabi nito. Marunong siyang mangilatis ng tao at kahit saang anggulo tingnan ay walang nakuha ang bata mula sa ama nito. Medyo may hawig ito kay Celeste sa mata nito pero kay Rhett ay wala. Iyon ang lihim na obserbasyon niya pero hindi niya iyon sinabi. “C’mon, Santi. Say hello to Aunt Georgie…” Celeste urged her son and the child waved his hand, murmuring something softly. Mukhang nahihiya ito. Dahil nakaupo pa rin si Geor
“Rhett, ang tanging kaligayahan ni Celeste ay ang makapiling ka. Handa akong makipagbati sa pamilya ninyo alang-alang sa kaligayahan ng kapatid ko pero sana ay ganoon ka rin. Sana naman ay bigyan mo ng pagkakataon ang kapatid ko.”Sa dami ng sinabi ni Fredrick ang huling salita nito ang nakapagbalik sa isip ni Rhett sa kasalukuyan. “Fredrick, nakalimutan mo na ba? Kasal na ako.”Fredrick laughs mockingly. “Kasal? Pareho nating alam na peke lang ang kasal niyo ni Georgina. Pakitang-tao para mapapayag ang lolo mo na magpaopera.”Kahit kung ano-ano pa ang sinabi ni Fredrick ay nanatiling kalmado si Rhett at hindi pinakita ang pagkainis, lalo dahil sa usapin tungkol kay Georgina. Hindi na naman niya maiwasang maalala ito. “Hindi peke ang kasal namin. Kahit madalian lang iyon ay mayroon kaming pinirmahang kasunduan. Fredrick, alam ko kung gaano ka nag-alala para sa kapatid mo pero hindi ko kayang i-give up ang kasal ko para lang sa tinatawag mong kaligayahan ng kapatid mo.”Tumayo si Rhett
Nang sumunod si Fredrick sa restaurant na pinuntahan nina Rhett at Celeste ay naka-order na ang mga ito ng pagkain. Dahil alam naman ni Celeste kung ano ang paborito niyang kainin kaya hinayaan niya itong um-order para sa kanya. Mainit ang ulo niya dahil bago siya umalis, ay muli na namang napatunayan ni Georgina na hindi ito basta-bastang babae. Dahil maayos ang pagkakasalita nito ng Arabic ay nakausap nito nang maayos ang bagong investors nila at nai-close ang deal sa mga ito. Hindi lang iyon, simula bukas ay magiging sekretarya na niya ito. He lost the bet, and he would see her every day from now on. Naabutan niya ang kapatid na pinagsisilbihan si Rhett at akmang susubuan pa ito pero lahat ng iyon ay rejected kay Rhett. Naikuyom ni Fredrick ang kamao dahil sa nakikitang malamig na pagtrato nito sa kapatid niya. Alam niya kung gaano kamahal ni Celeste si Rhett pero ni minsan ay hindi man lang niya nakita ang lalaki na tinrato nito nang maayos ang kapatid niya magmula nang maging a
“Celeste?” Hindi namalayan ni Celeste na nasa tapat na rin pala ng pinto si Rhett kaya naman bago pa ito makasunod sa kanya ay mabilis siyang lumabas at kaagad na isinara ang pinto. “There was nothing, Rhett. Tayo na sa restaurant. Hayaan na natin si kuya na asikasuhin ang bisita niya. Mukhang may sakit, eh.”“Hmm…” Rhett only hummed before glancing towards the door for the last time. Nagpatiuna siyang lumakad patungo sa pinto pero bago iyon ay sinulyapan niya muna si Fredrick. Nang makitang walang reaksyon sa mukha nito ay saka lang siya tuluyang lumabas ng pinto. Samantala, saka lamang nakahinga nang maluwag si Georgina nang marinig na lumabas na ang dating asawa at Celeste. Pinalipas niya muna ang ilang minuto bago siya lumabas ng pinto. Nakita niya si Fredrick na nakaupo pa rin sa upuan nito at hindi pa umaalis kaya naman agad niya itong nilapitan. Gusto sana niyang pasalamatan ito dahil sa pagtulong nitong itago siya kay rhett pero naunahan siya nitong
Nagulo ang isip ni Georgina nang marnig ang pangalan ni Rhett. Kung lalabas siya ng opisina ni Fredrick ay siguradong magkikita sila ni Rhett. “Hindi ko alam na ang isang walang kinatatakutang tao na katulad mo ay matataranta rin pala ‘pag narinig ang pangalan ni Rhett.”“...” hindi makaimik si Georgina. Ayaw niya itong patulan dahil abala ang isip niya sa pag-iisip sa maaring gawin para maiwasan si Rhett. Ang dami niyang pinlano sa araw ng pagkikita nila ni Rhett. Inihanda niya ang kanyang sarili pero ngayong dumating ang araw na iyon, lahat ng plano niya ay hindi niya kayang i-execute.Pero bakit nga ba nandito si Rhett? Ang alam niya ay hindi magkasundo ang pamilyang Farrington at Castaneda. Totoo nga ba ang balitang nagkakamabutihan na ang dalawa at nagbabalak nang magpakasal? Sa loob lang ng isang buwan at ito na ang nangyari?“Nolan, let them in.”Nanlaki ang mata ni Georgina nang marinig ang sagot ni Fredrick kay Nolan. Damn this guy! Too viscous! Tama talaga siya na walang ta
Kinabukasan, tulad nga ng sinabi ni Georgina ay pumunta siya sa kumpanya ni Fredrick upang mag-apply bilang isang sekretarya. Dahil kilalang tao ang pamilya Farrington, siguradong hindi nakalabas ang balita na may ibang affair ang kanyang ina upang hindi mapahiya ang mga ito. At ang tanging nakakaalam lang niyon ay ang pamilya Farrington mismo at kailangan niyang pasukin ang mga ito para makakuha ng impormasyon. The best way to do it is to be with Fredrick’s side. Kailangan niyang patunayan sa isip na hindi siya anak ng isang kabit. Dahil malaki at mataas ang respeto niya sa kanyang ina. Iniwan man siya nito noon sa ospital sa ibang tao ay hindi siya nagtanim ng sama ng loob dito. Bago siya makababa ng sasakyan ay muli siyang pinaalalahanan ni Tony. “Boss, sigurado ka na ba sa gagawin mong ito? Paano kung malaman ‘to ng as– ni Rhett? Bakit hindi mo na lang gawin ang usual na ginagawa mo? Do it discreetly, like you always do.”Determinadong umiling si Georgina. “Nakalimutan mo na ban