“Hindi ka sasaktan ni Georgia dahil hindi siya ganoong klaseng tao. Hangga’t hindi tapos ang kaso ay huwag mo siyang paratangan ng kung anu-ano.”Nakagat ni Celeste ang pang-ibabang labi dahil sa malamig na boses ni Rhett. “Ganoon ba talaga kalaki ang tiwala mo sa kanya, Rhett? Mahigit isang buwan pa lang kayong nagkakilala. Paano nga kung siya ang nag-utos sa lalaking iyon na pagsamantalahan ako?”“Ang mag-asawa ay dapat na pinagkakatiwalaan ang isa’t isa.” Iyon lang at tumalikod na si Rhett at iniwan siya.Naiwan si Celeste na hindi makapaniwalang kinampihan na naman ni Rhett ang asawa nito. Dahil nabalitaan ng lahat ang tungkol sa pagkakasangkot ni Georgina ay agad na bumalik ang mga ito sa ospital para kastiguhin ang babae. Magkasamang dumating sina Sheynon at Jerome habang si Fredrick ay papunta pa lamang. Dahil nasa tapat sila ng pinto ng ward ni Georgina, nang bumukas iyon ay sabay-sabay ang tatlo na lumingon sa lumabas na dalawang pulis. Si Jerome ang unang nagtanong.“Maman
Sa totoo lang, kahit nasasaktan si Georgina sa nalaman ay wala rin siyang pakialam. Ang gusto niya lang ngayon ay malinis ang pangalan niya at maklaro ang pangalan niya. Nangangati na rin ang kamay niya na tanggalin ang posas kaso baka lalo siyang paghinalaan ng mga pulis kung paano niya natanggal nang walang susi. Kinabukasan ng hapon ay maari nang lumabas si Georgina pero imbes na sa bahay ang uwi niya ay dinala siya ng pulis sa presinto. Nakausap na niya ang lawyer niya kahapon at naghihintay na rin ito sa kanya nang makarating ang sinasakyan nilang police mobile sa presinto. Habang nasa loob ng interrogation room ay walang takot na mababakas sa mukha ni Georgina habang kinukuwestiyon siya. “Georgina Lucindo, inaamin mo ba ang pagiging kasabwat mo sa nangyari kay Miss Celeste?”Walang emosyong nagkibit ng balikat si Georgina at sinagot ang pulis na nagtanong na walang kagana-gana ang boses. “Wala akong dapat aminin dahil wala akong ginawa. Hindi rin ako magsasalita hangga't hindi
Habang iniinteroga ni Atty. Lazaro si Pauolo ay wala pa ring kabuhay-buhay si Georgina na nakasandal sa kanyang upuan. Hindi niya alam kung dahil ba hindi niya kasama ngayon si Rhett kaya kahit kung ano-ano ang pinagsasabi sa kanya nina Sheynon at Celeste ay tumatagos lang sa kanyang tainga. “Siya. Siya ang nag-utos sa akin para saktan si Miss Celeste.”Nang magsalita si Pauolo ay saka siya nag-angat ng tingin at tiningnan kung sino ang tinuturo nito. Georgina knew the real culprit, but she didn't know how far that girl would go to overcome this situation, knowing that she had failed to implicate her. Pauolo was pointing at Sheynon. Georgina’s lips twitched in disbelief. Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan. “Ako? Bakit ako ang pinagbibintangan mo? Wala akong kinalaman d’yan!” Sheynon pointed at herself with a horror-stricken face. Parang manok na tumutuka ang ulo ni Pauolo dahil sa mabilis na pagtango nito. Pagkatapos ay lumuhod ito sa harapan ni Georgina at humingi ng tawad. “
Ilang minuto na nilasap ni Georgina ang init ng katawan ni Rhett habang magkayakap sila nito. Kahit nasa harapan man sila ng police station at madaming tao ang dumaraan ay wala na itong pakialam. Kahit pa nga pinagtitinginan sila lalo na at halos mawalan na siya ng hininga sa mahigpit na yakap ni Rhett ay hindi pa rin siya nito binitiwan. “I’m sorry for arriving late. Kung natulungan ko kaagad ang mag-ina ng suspek ay hindi ka sana nila diniretso rito pagkagaling sa ospital.” Kinuha ng lalaki ang kanyang kamay at pinakakatitigan ang kanyang pulsuhan kung saan siya nilagyan ng posas. Naningkit sa galit ang mata nito at lumalim ang paghinga. “Look, your wrists are swollen.”Kumalas si Georgina sa pagkakayakap sa asawa at sumandal sa kotse katabi nito. Hindi niya alam kung may hinihintay pa ba sila at bakit hindi pa sila umaalis. Matamis siyang ngumiti saka ito sinagot. “It’s nothing. I am used to it,” balewalang sabi niya. Lalo namang nangunot ang noo ni Rhett dahil sa sinabi niya. Ni
“Rhett…” mahinang tawag ni Georgina sa asawa habang naglalakad sila sa hardin papasok sa bahay nito. “Hmm?” Nilingon siya nito mula sa balikat na nakaangat ang isang kilay bilang pagtatanong. Magkasalikop ang daliri nila at paminsan-minsan ay pinipisil iyon ni Rhett na ikinatuwa naman ni Georgina dahil nagkakalapit na ang loob nila. Gusto pa niyang patunayan na gusto nga siya nito. Na katulad niya, kahit mahigit isang buwan pa lang silang nagkakakilala ay nagkakamabutihan na sila ng loob. Pero hindi pa rin niya sinasabi rito ang totoong nararamdaman dahil hindi pa siya sigurado kung may kinalaman nga ito sa pagkamatay ng kanyang ina o wala. Hindi agad sila pumasok sa loob ng kabahayan at tumambay sila sa hardin kung saan may maliit na kubo na gawa sa kawayan. Ang bubong niyon ay pawid at ang pader ay gawa rin sa kawayan. Ito ay kubo na pinagawa ni Rhett upang pagpahingaan nito kapag gusto nitong magpahangin sa labas, iyon ang sabi sa kanya ng asawa. Malaki ang bintana niyon pero da
Matapos ang mainit na pagsasalo nina Georgina at Rhett ay magkayakap silang humiga sa higaan. Nakatalikod si Georgina kay Rhett habang yakap siya nito mula sa likura. “Georgie?” Rhett nuzzled his face on her neck and softly breathed into her skin. “Hmm?” she asked. Her eyes were closed because of tiredness, but she was still alert to answer her husband.“I like you.” Rhett kissed her neck and tightened his hug. “I am still waiting for your answer…”Naimulat ni Georgina ang mata kahit pa nanakit iyon sa antok. “What about Celeste? Wala ba talagang kung anong meron sa inyo? Ang tingin ko kasi sa kanya ay gusto ka niya. Sheynon also said that you two grew up together and that you always chose to be with Celeste.” Kung gustuhin ni Georgina na maging seryoso sa relasyon nila ni Rhett ay kailangan muna niyang siguraduhin na walang ibang babaeng nakakapit sa pangalan ni Rhett. Kahit pa sinabi nito noong nakaraan na magkababata lang sila nito at close lang silang dalawa dahil niligtas ito
Habang abala sa pagtipa ang daliri ni Georgina at hinahanap ang IP address ng nag-upload ng video tungkol sa kanya ay ilang beses na siyang pinadalhan ni Rhett ng mensahe. Kinukumusta siya nito kung ayos lang ba ang pakiramdam niya at kung may masakit ba sa kanya. Sinabihan rin siya nito na kapag gising na siya ay magpadala siya rito ng mensahe pero lahat ng iyon ay hindi binasa ni Georgina dahil abala siya sa pagha-hack sa account ng taong nag-upload ng video. Alam niyang hindi iyon galing sa vlogger mismo dahil binalaan na iyon ni Fredrick na ‘wag magsalita, iyon ang sinabi sa kanya ni Jerome noong tinanong niya kanina. Kung sino man ang gustong manira sa kanya ay sisiguraduhin niyang hindi magtatagumpay. Ang problema, nasa kalagitnaan na siya ng pagha-hack sa account ng original poster nang bigla siyang tinawagan ng asawa. Sinulyapan lang iyon ni Georgina pero hindi niya sinagot at nagpatuloy sa mabibilis na pagtipa na para bang may hinahabol na script at kailangan nang isumite. N
Hindi alam ni Georgina ung ano-ano ang uri ng inumin ang ibinuhos sa kanya pero napapasalamat siya at ni isa ay walang mainit na inumin ang bumuhos sa kanya. Hindi niya alam kung gaano kahaba ang pagtitimpi na ginawa niya para lang hindi balagbakin ang mga kabataang nakaharap sa kanya. “What the hell are you all doing?” Ang mataginting at galit na boses ang biglang gumulat sa mga kabataan na tila sinindihan ang puwet sa takot. Isa-isang nagsipulasan ang mga ito upang bigyan ng daan si Rhett na madilim ang mukhang nakatayo sa entrance ng shop at diretso ang matang nakatingin sa kanya. Naniningkit ang mata nito habang inilibot ang tingin sa mga college at high school students na karamihan sa mga naroon ay nakauniporme pa ng sikat na paaralan. Ang buong akala niya ay ayaw pumasok ng asawa niya kaya naman hinayaan niya itog magmukmok sa labas pero dahil sa narinig na kumosyon ay hindi niya mapigilang bumalik at hindi nga siya nagkamali ng hinala na nasa kaguluhan ito pero kung ano ang
“Hindi ba at ang sabi ko ay dalhin mo siya sa taas?” may inis sa boses na bulyaw ni Rhett kay Celeste. Namasa ang mata ni Celeste dahil sa pinakitang pagsusuplado ni Rhett pero imbes na maawa sa nakakatawa nitong hitsura ay lalo lamang nagusot ang mukha ni Rhett. Lalo na nang makita niya na tahimik lang si Georgina. “Sandali, Rhett. Hindi mo na ba gustong yakapin yakapin si Santino? Kanina pa siya naghahanap sa ‘yo. Hindi ba payag si Georgina?” Tumingin ito kay Georgina na luhaan pa rin ang mukha. “Georgie, baka puwedeng hayaan mo muna si Rhett na hawakan si Santino, please… Huwag ka munang makipag-agawan sa anak ko.” Mahinang napatawa si Georgina na may kasamang panunuya. “Makipag-agawan? First of all, hindi ko kailangang makipag-agawan dahil pagmamay-ari ko ang asawa ko. Pero kung ano ang desisyon niya ay nirerespeto ko.” Georgina leaned lazily on Rhett’s shoulder. Nakatagilid na sinulyapan ni Rhett ang asawa at hinaplos ang likuran nito. “Stay here. Dadalhin ko lang ang bata s
Kumislap ang mata ni Duncan nang marinig ang sinabi ni Georgina kaya agad itong nagtanong. “Ibig mong sabihin ay may pag-asa pa ako?” Napamata si Georgina at saglit lang itong sinulyapan bago ibinalik ang tingin sa nagliliwanag na paputok. “No. Bakit naman mayroon? I am already married and happy. Ang ibig ko lang sabihin na hindi ka pa huli ay kahit abala ka pa ay may oras ka pa rin para umattend sa celebration ng kaibigan mo.”Malamig na ngumiti si Duncan. “Why are you rejecting me so hard? Am I that bad?”“Bad or not, it is not in you. I already have someone I like and can’t reciprocate other people’s feelings anymore. Dahil kahit gaano ka pa kabuti kung may nakatira na sa puso ko ay wala na itong espasyo para tumingin pa sa iba.” Georgina slowly sipped her juice and glanced at Duncan with eyes full of devotion to her husband. “Sa tingin mo ay ikaw rin ang nasa puso ni Rhett? Sigurado kang ikaw lang at walang kahati?” Nagkibit ng balikat si Georgina. “I am sure of it. Without do
Friday night at Chantrea Aureole Manor.Nang makarating sina Georgina at Rhett halos naroon na ang lahat ng kaibigan nito pati na rin si Nathalia na nag-iisang babae sa grupo. Sabay-sabay na tumingin ang mga ito sa kanila nang makapasok sila sa private room na kinuha ni Fredrick para sa grupo. “The husband and wife are here!” unang bati ni Sean at itinaas pa ang hawak na wine glass. Sinundan ito ni Archer na tumayo at inabutan kaagad si Rhett ng alak. “Congrats for finally getting her back, my man!”Samantalang si Fredrick ay kay Georgina nakapokus ang tingin at malamlam ang matang nakatingin sa kanya. Lumapit si Duncan kay Georgina at inabutan siya ng orange juice na nakalagay sa wine glass. “For you, congratulations on getting back with Rhett,” ngumiti ito nang mapait sa kanya pero bakas sa mukha nito ang lungkot. “Thanks,” tinanggap niya ang inabot ni Duncan saka sinulyapan si Rhett. Walang reaksyon sa mukha nito at hinayaan lang siya kaya nakahinga siya nang maluwag.Magkasama
Mahinang sinuntok ni Georgina sa dibdib si rhett dahil sa sinabi nito. “Don’t be such a pervert. Nasa labas tayo,” nginitian niya ang photographer na papalapit sa kanila dahil ngiting-ngiti ito habang nakatingin. “So, kung hindi tayo sa labas, pwede akong magpakabastos sa ‘yo?” tudyo nito na siya lang ang nakakarinig. Siniko ito ni Georgina bago iniwanan upang lapitan ang photographer na naghihintay na sa kanila. “Miss Georgie, we can start the shooting if you are ready.”Sumunod sina Rhett at Georgina kay Daisy, ang pangalan ng photographer, at pumasok na sa loob kung saan nila gagawin ang photoshoot. Madaming theme ang studio at puwede silang mamili kung saan nila gusto. Georgina chose the landscape with a wide meadow and a Friesian horse in the background. Nananabik na siya sa alaga niyang kabayo na matagal na niyang hindi nabibisita dahil busy pa siya sa ngayon. Hindi lang ‘yon. Mahilig siya sa nature, at kung magkakaroon man sila ng prenuptial photoshoot ay gusto niyang gawin i
Dahil pinangakuan ni Georgina si Rhett na iti-treat niya ito ng dinner ay kumain sila sa labas kasama na rin si Nathalia dahil nagpumilit ito kaya naman buong sandaling nakasimangot ang ang asawa. Sa isang pribadong restaurant dinala ni Georgina sina Rhett at Nathalia. Kaibigan niya ang may-ari nito na nakaranas ng matinding pang-aabuso sa asawa. Bilang suporta ay lagi siyang naririto upang kumustahin ito at mukhang unti-unti na itong nakakarekober dahil na rin sa isa pa niyang kaibigan na si Creed. Ang restaurant na pinuntahan nila ay nasa pinakatuktok ng building at nagse-serve lamang ng french cuisine. Kada palapag ay may iba’t ibang cuisine na inihahanda kaya naman kung ano ang feel mong kainin ay doon ka pupunta sa palapag na iyon. “I didn’t know that you knew about this place,” sabi ni Rhett matapos siyang pinaghugot ng upuan bago ito tumabi sa kanya nang makaupo siya. “I am friends with the owner,” simpleng sagot ni Georgina at nagsimulang tumingin sa menu. Kahit halos ukup
Kinahapunan, matapos niyang matulog nang halos dalawang oras ay umalis si Georgina ng mansyon upang tumungo sa sariling opisina. Bago umalis ay naabutan pa niya si Rizza na naglilinis ng kusina habang binabantayan ni Manang Delia. Nagsumbong na rin ito kay Rhett pero imbes a panigan ay ikinatuwa lang ng asawa niya ang ginawa niyang pagpaparusa kay Rizza. Gusto niyang sabay silang mag-dinner ni Rhett mamaya kaya pagkatapos niya sa opisina ay didiretso naman siya sa opisina ni Rhett. “So, boss. Nagkabalikan na pala kayo ng asawa mo?” Ito ang tanong na sumalubong kay Georgina pagkapasok na pagkapasok niya sa opisina. Inirapan niya si Tony at umupo sa upuan na nakalaan para sa kanya at binasa ang papeles na inabot ni Vaia. “Hmm… not bad. Lalo pang tumaas ang sales natin ngayong second quarter ng taon. Maraming salamat sa inyong dalawa dahil sa magaling niyong trabaho. Kahit ang real estate development natin ay mabilis din ang paglago. Kahit maliit pa itong negosyo natin, kung patuloy n
“Kuya, bakit tinatrato mo ako nang ganito? Dati naman kapag may kailangan ako sa ‘yo, kapag may problema ako ay nandiyan ka para tulungan ako? Pero bakit ngayon ay ramdam kong kinakampihan mo na ang Georgina na iyon keysa sa sarili mong kapatid?”When Fredrick heard his sister’s complaining voice, Frederick’s expressions softened. Masiyado siyang nadala kay Georgina. Pero dahil alam niyang may mali pa ring nagawa si Celeste ay hindi niya ito pwedeng pagbigyan na lang lagi. “I just want to remind you that there is life outside rather than chasing a man who you can’t own.”“Pero, kuya. Mahal na mahal ko si Rhett at siya lang ang dahilan kung bakit ako nabubuhay sa mundo,” may halong pagmamakaawa ang boses ni Celeste. “Ang pagmamahal ay kailangan sa dalawang tao, Celeste. One-sided love won’t survive in a long-term relationship. Mabubuhay ka nang hindi masaya, gusto mo ba ‘yon?” “Kuya, ang mahalaga sa akin ay magkasama kami ni Rhett. Magiging masaya na ako, kami ng anak ko. Kuya, ano b
“Alam mo?” Imbes na si Georgina ang magulat sa isinaliwalat ni Fredrick ay mas nagulat pa ito dahil sa pag-amin niya na alam na niya ang totoo. “Yes, alam ko,” kaswal na sagot niya. Uminom siya ng gatas na inihanda ng mayordoma para sa kanya. It was milk for a mom like her that Rhett bought. “Kailan mo pa nalaman?” naguguluhang tanong ni Fredrick. Hindi ito mapakali sa inuupuan habang hindi makapaniwalang nakatitig sa kanya.Patamad na sumandal si Georgina sa sandalan ng upuan at walang emosyon na sinagot si Fredrick. “Matagal na. Right after I met you.”Mas lalong naguluhan si Fredrick dahil sa sinabi niya. “Kung ganu’n, bakit hindi mo agad sinabi sa akin? Bakit hindi ka nagpakilala? Bakit hindi ka nagpakilala sa kuya mo, Chantrea?”Napaismid si Georgina. Her lips curved and gave Fredrick a mocking smile. “Don’t call me that. May sarili akong pangalan. Kung sasabihin ko ba sa ‘yo na ako ang nawawala mong kapatid ay maniniwala ka sa akin, Mr. Farrington? Sa mata ng isang katulad m
“You are here,” kaswal na sabi ni Georgina na tila ba walang ginawa sa kapatid nito. Tumiim ang bagang ni Fredrick sa ginawang pagbuhos ni Georgina ng noodles sa ulo ni Celeste pero hindi niya alam ang tunay na dahilan kung bakit nito iyon ginawa. He doesn’t want to jump to conclusions anymore. Lalo na ngayong napatunayan niya na laging nagsisinungaling sa kanya si Celeste at si Georgina ay ang nawawala niyang kapatid. “Nasa malapit lang ako kaya agad akong nakarating.” Sinulyapan nito ang kapatid na tila basang-sisiw at nakatungo na tila nagmamakaawa para bigyan ng atensyon pero binalewala ito ni Frderick. Napag-alaman na niya sa kasambahay kanina na umalis si Celeste kaya natuwa siya dahil baka binantayan nito ang anak pero hindi niya akalain na dito pala sa mansyon ni Rhett ang punta nito para manggulo na naman.tumaas ang kilay ni Georgina sa narinig. Bakit sa palagay niya ay naghihintay lang si Fredrick sa magiging sagot niya at talagang nakahanda na itong puntahan siya?dahil