“Hindi mo alam kung ano ang pinagdaanan ko…” Ang huling mga salita na iyon ni Georgina ay nasabi niya nang halos walang boses dahil hindi na niya kinaya ang antok at kusa nang nagsasara ang talukap ng kanyang mata. Nanaginip si Georgina at ang laman ng panaginip na iyon ay ang pangyayaring ayaw na ayaw niyang maalala. Ang araw na iniwan siya ng kanyang ina. Nasa isang ospital siya matapos magkaroon ng malubhang karamdaman at inaalagaan siya ng kanyang ina. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na namalagi sa ospital pero isang araw ay nagpaalam sa kanya ang ina na may bibilhin lang ito sa labas at babalik din kaagad ito. Pero hindi alam ni Georgina na iyon na pala ang araw nang huli nilang pagkikita. Pilit na inaninag ni Georgina ang hitsura ng kanyang ina sa panaginip pero kahit ano’ng gawin niya ay hindi niya iyon makita dahil malabo iyon sa kanyang paningin. Pagkatapos noon ay dumating ang kanyang kinilalang ama na si Kenneth Lucindo. Kinuha siya nito sa ospital at binigyan s
Nang makabalik sila resthouse na inuukupa ng grupo sa rancho ay nakatanggap ng international call si Jerome. Matapos nitong sagutin ang cellphone ay bumakas ang tuwa sa mukha nito bago ibinigay ang cellphone kay Rhett.“Georgie, mauna ka na sa kuwarto at may kakausapin lang ako.”Tumango si Georgina pero nang lingunin niya ang asawa ay nakita niya kung paano bumakas ang tuwa sa mukha nito. Hindi niya alam kung sino ang tumawag kay Rhett pero may hinala siya. Hindi nga siya nagkakamali dahil nang bumalik siya sa kuwarto na tinutuluyan niya kasunod si Nathalia ay sinabi nito kung sino ang kausap ni Rhett. “Kausap ni Tiyo ang kapatid ni Jerome. Balita ko ay uuwi na siya ng Pilipinas. Hmp! Alam naman na may asawa na ‘yung tao ay ipagsisiksikan pa ang sarili.”Mapaklang napatawa si Georgina. “Alright, then. Wala akong pakialam kung gaano pa sila katagal mag-usap. I am tired. Puwede ka nang bumalik sa kuwarto mo, Nat. Pagkatapos kong maligo ay matutulog na ako.”“Pero, Georgie–” Itinaas ni
Lumabas ng kuwarto si Rhett at tinanong ang nagdaang kasambahay kung saang kuwarto natulog si Georgina. Nang sinabi nitong sa fifth floor sa attic ay nagkasalubong ang kilay niya. “Ganoon kalayo?”Ang kuwarto niya sa fourth floor at ang kuwarto sa attic ay aabutin ng halos sampung minuto bago marating. Hindi niya alam na talagang dinamdam ng asawa ang sinabi niya. Agad siyang pumunta roon at nagpapasalamat siya dahil hindi iyon nakasara. Mahimbing na ang tulog ni Georgina nang makapasok siya kaya marahan ang hakbang niyang lumapit dito. Bumilis ang pintig ng kanyang puso nang makita ang maamo nitong mukha habang natutulog pero dahil bahagyang nakaawang ang labi nito ay tila naeengganyo siyang halikan iyon at ginawa nga niya. Bago pa man lumapit ang labi ni Rhett ay nagmulat na ito ng mata. Inunahan na niya ito bago pa siya magsalita pero hinayaan niyang magkalapit ang kanilang mukha. “Aalis ako ng ilang araw dahil may pupuntahan akong bussiness meeting sa Thailand. Kapag nakabalik
Next:Hindi alam ni Georgina kung saan siya napadpad basta ang alam niya ay wala siyang tigil sa paglakad-takbo at kahit nananakit na ang paa niya hindi siya tumigil. Walang gaanong tao sa kinaroroonan niya at ang agwat ng mga bahay ay malalayo. Sa kabilang dako ng kalsada ay masukal na kagubatan. “Heh! Surpresa pala, huh?” mapait na bulong niya. Pasalampak siyang umupo sa tabi ng kalsada, tinanggal ang sapatos na suot at inilagay sa tagiliran saka tahimik na lumuha. Nasasaktan siya sa nakita. Nagseselos siya, aaminin niya pero hindi niya iyon pwedeng ipakita kay Nathalia o Rhett. Hindi niya puwedeng ipakita ang totoo niyang nararamdaman dahil kahinaan iyon. Sa walang taong kalsada ay dito siya magmumukmok at tahimik na iiyak. Kahit ang poste ng ilaw sa kalsada ay nakikisabay sa pagdamdam niya. Sabayan pa na unti-unting pumatak ang ulan. Muli siyang napatawa. May nagawa ba siyang kasalanan sa dati niyang buhay para parusahan siya ng ganito? Kahit lumalakas ang buhos ng ulan ay hind
“Heh, ako na lang ang naaawa para sa biktima mo, G,” biro ni Kraven na nakatayo sa gilid ni Georgina habang nakamasid sa mga bangkay na halos putol-putol ang katawan dahil sa gawa ni Georgina. Duguan ang damit niya pati na ang mukha. Ang espadang ginamit sa pagpaslang ng kalaban ay nakatutok pa rin sa pinakahuling lalaki na pinugutan niya ng ulo. Habol niya ang hininga habang nakatingin kay Kraven pero hindi niya ito sinagot. “Nailigtas na natin ang biktima, puwede na akong umalis, hindi ba?” Lumapit sa kanya si Rick at tumayo sa kabila niyang tabi. “There will be someone who will clean this place. Puwede ka ng umuwi, G,” Rick agreed. Bago makaalis si Georgina ay may idinagdag ito. “If the burden gets heavy, don’t hesitate to come to Isla Thalassina. Alam mong bahagi ka ng islang iyon, G.”Ngumiti si Georgina at nagpaalam na sa lahat. Nasa labas na at naghihintay sa kanya sina Vaia at Tony. mukhang nabalitaan na ng mga ito ang nangyari sa kanya at kay Rhett. “Where to, boss?”“My
Kasunod ng guwapong lalaki ay ang mga unipormadong kalalakihan na mukhang bodyguards nito. Nang makita ni Georgina ang mga ito ay lalo niyang napatunayan na hindi basta-basta ang matandang kaharap niya. Kahit ang babaeng nakasagutan nila ay hindi makaimik sa mga bagong dating. Dali-dali itong sumakay ng sasakyan pero bago makaalis ay pinigilan ito ng guwapong lalaki at inabutan ng tseke. Marahil nang makita kung gaano kalaking halaga ang nakasulat sa tseke ay napalitan ng tuwa at pagsisisi sa mukha ng babae. Bumaba ito ng kotse, humingi ng tawad sa matanda at kay Georgina saka nagpasalamat sa binata na bagong dating saka lang umalis. “Lolo,” tawag ng lalaki sa matanda. Umangat ang kilay ni Georgina nang marinig ang tawag ng lalaki. So, apo pala ng matanda ang guwapong lalaki.hindi na niya pinansin ang mga ito at palihim na umalis pero hindi pa siya nakakalayo ay tinawag siya ng lalaki.“Miss, sandali.” Tumakbo ito papalapit sa kanya. “Salamat sa pagligtas kay lolo.” Nang ngumiti ito
Napakaganda ng babaeng kaharap ni Georgina. Maputi rin ito marahil ay namalagi sa America ng matagal na panahon. Pero mas matangkad siya rito at hindi rin pakakabog ang kanyang ganda. Ang pagkakaibahan lang nila, ang kanyang ganda ay tibong agresibo, matapang at hindi kailangan ng proteksyon samantalang ang babaeng kaharap niya ay parang porselana na kailangan ingatan dahil babasagin. “Excuse me, sino po ang hanap ninyo?” muling tanong ng babae nang hindi siya nakasagot sa una nitong tanong. Hindi siya sumagot dahil wala siyang plano na sagutin ito pero dahil sa klase ng tanong nito, na tila wala siyang koneksyon sa nagmamay-ari ng bahay ay bahagya siyang nainsulto. Pero ayaw niyang makipagkompetensya sa babaeng nagugustuhan ng kanyang asawa. “Wala akong hinahanap. Dito ako nakatira,” simpleng sagot niya. Her nonchalant expression gave Celeste the expression that she is bullying her. Napakurap si Celeste na tila hindi makapaniwala. Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa at s
Nang magising si Georgina ay nasa loob na siya ng isang pribadong kuwarto sa ospital at may nakakabit na IV drip sa likod ng palad. Medyo madilim ang paligid at ang tanging liwanag sa loob ng kuwarto ay mula sa ilaw na nasa sulok na medyo malamlam. Nakasara rin ang makapal na kurtina kaya hindi niya batid kung gabi o umaga na. Hindi na siya nahihirapang huminga at maayos na ang pakiramdam bukod sa pangangati ng palad na hanggang ngayon ay namumula at namamaga pa rin. Hindi alam ni Georgina kung saan nagsimula ang allergy niya dahil wala naman siyang nahawakan. Nagkakaroon siya ng severe allergy reaction kapag nakakahawak siya sa mga silver na bagay. Ramdam niya ang pagkatuyo ng lalamunan kaya naman nagbalak siyang tumayo pero nanlalambot ang katawan niya at bigla siyang nahilo dahil sa biglang pagbangon. Ito ang unang beses na dinala siya sa ospital dahil sa allergy at hindi niya nagugustuhan dahil pakiramdam niya ay wala siyang silbi. Wala siyang ibang kasama sa kuwarto. She smiled
Hindi makapaniwala si Georgina kay Rhett nang dinala siya nito sa isang lumang villa malayo sa kabihasnan at walang ibang tao roon kundi sila lamang dalawa. May caretaker na namamahala sa villa pero pinauwi ito ni Rhett nang gabi ring iyon dahil gusto nitong masolo siya.“Bakit mo ako dinala rito? Balak mong maglaro ng tagu-taguan?” Nang-aasar na nilingon niya si Rhett na nasa kanyang likuran pero nagulat siya nang bigla siya nitong isinandal sa pader at ikinulong sa magkabilang braso nito.Rhett smirked with his dark eyes roaming over her lips. Hindi ito nakatiis at sinakop ang kanyang labi saka marahas siyang hinalikan na tila uhaw na uhaw sa kanya. “Taguan? It is more than that!” hinihingal na sagot nito nang maghiwalay ang labi nila. Umangat lang ang isang ilay ni Georgina at pilit na binabasa ang mukha ni Rhett. May nakakalokong ngiti ito sa labi at hindi siya nagkakamali na may iba itong binabalak. Kahit luma na ang disenyo ng villa ay maganda at malinis pa rin iyon. Dahil dis-
Malakas na tumawa si Georgina dahil sa sinabi ni Pia. Ang kapal nga rin naman ng mukha nitong mang-angkin. Pero hindi na siya nakapagsalita pa dahil may baritonong boses ang nagsalita mula sa pintuan at kahit hindi na niya ito lingunin pa ay kilalang-kilala na niya kung sino. “Georgie, hindi mo sinabing may bisita pala tayo?” Natigil ang tawa ni Georgina pero nanatili ang ngiti sa labi na nilapitan ang asawa. “Rhett, you already know them, right? They are my ‘family’. But my sister here claims na siya raw ang dapat na maging asawa mo at hindi ako. Paano ‘yan, aalis na ako rito?” Kinindatan niya ang asawa nang makita ang pagdilim ng mukha nito dahil sa sinabi niya. Rhett was wearing his office suit, and he looked promising, but with a cold aura surrounding him, the three on the sofa seemed a little scared. “Sino’ng maysabing aalis ka? Ikaw ang asawa ko at wala nang iba. Kung may aalis man dito ay walang iba kundi sila.” Tukoy nito sa tatlo na nanatili pa rin
Hindi agad bumaba si Georgina dahil lang naghihintay sa kanya ang pamilya niya. Scratch that, hindi na pala niya pamilya dahil hindi naman niya tunay na ama si Mr. Lucindo na siyang tanging nag-uugnay sa kanya sa pamilyang nakalakihan. “Miss Georgie, inutusan ko na ho ang mga kasambahay na maghintay sa inyo sa baba. Kapag handa na po kayo ay—”Itinaas ni Georgina ang palad para patigilan sa pagsasalita ang mayordoma. “Huwag na, Manang. Hayaan mo silang maghintay hanggang sa gusto nila.” Tumango ang ginang at saka umalis. Bumaba ito gamit ang elevator dahil kapag naghagdan ito ay aabutin na ito ng rayuma nito. Samantalang si Georgina ay tinungo ang hagdanan at dahan-dahan ang lakad na bumaba habang pinapakinggan ang usapan sa salas. Rinig na rinig niya ang malakas na usapan ng mag-ina kahit pa nasa railings siya sa fourth floor. Hindi siya nagbihis at ang tanging suot ay ang malaking damit ni Rhett at ang maikling shorts. Nakalugay rin ang buhok niya na sinuklay niya lang ng kamay. K
“Tell me, Rhett. Sinadya mo ba talagang pumunta sa mall kung nasaan ako? Did you locate me with a tracker again?”Ngumisi si Rhett dahil sa sinabi ni Georgina pero hindi tinanggi ang akusasyon nito. “I’ll try not to do that in the future.”Umikot ang mata ni Georgina at inirapan ang asawa. “I was just strolling out. At wala namang mangyayari sa akin, eh. I can defend myself just fine.”“Really? Kung ganun bakit hindi mo sinabi sa lalaking iyon na hindi mo kasalanan at hindi ikaw ang gumamit ng pangalan ng kapatid niya?”Sa narinig ay muling napairap si Georgina. Fredrick Farrington is really getting on her nerves. Lagi na lang silang nagtatalo kapag nagkaharap sila nito. Ginagap ni Rhett ang kanyang palad at marahan iyong pinisil. “Gusto ko lang masiguro ang kaligtasan mo. Hindi sa binabawalan kitang lumabas pero sana ay alam ko rin kung saan ka pupunta.” “Ang sabihin mo, masiyado mo lang akong kinokontrol. Hmp!”Paano pala kung pumunta si Georgina sa kanyang opisina? Eh di, malalama
Taas ang noo na naglakad palapit sa kanya si Rhett. Wala itong ibang kasama kundi ang bagong assistant nito at mukhang kagagaling lang sa meeting ang mga ito. Rhett’s aura is so powerful and intimidating that Jerome’s classmates were stunned and speechless. Seryoso ang madilim nitong mukha habang nakatuon ang tingin kay Fredrick. Georgina could smell the gunpowder wafting in the air, but Rhett didn’t have a plan to ceasefire. Kaya naman sinalubong ng tingin ni Georgina ang asawa at nang nilingon siya nito ay nagkasalubong ang tingin nila. Nababasa niya sa mga mata nito ang pagod pero nang nagkatitigan sila ay ngumiti ito at kaagad na nawala ang pagkasimangot ng mukha. “Bakit ka nandito?” hindi mapigilang tanong ni Georgina dito. Bagama’t nakangiti ay may halong pagtataka sa boses niya. Lumapit sa kanya si Rhett at tumayo sa tabi niya saka siya kinindatan na parang silang dalawa lang ang naroon at ang ibang nakapalibot ay mga display lamang. “Nandito ako para sunduin ka,” kaswal na
May awa na tiningnan ni Georgina si Jerome. Hindi niya akalaing pati ito ay ginawang scapegoat ni Celeste. Hindi niya alam kung paano pero sinabi sa kanya ni Rhett na ang IP address ng taong nag-upload ng video niya ay mula sa mansyon ng mga Farrington. Pero alam niyang hindi iyon magagawa ni Jerome dahil hindi ito hihingi ng tulong sa kanya para burahin ang video kung ito ang maygawa. Pagkatapos niyang mag-almusal ay umakyat siya sa taas at nagbihis. Pagkababa niya ay naabutan niya si Jerome na naglalaro sa cellphone nito. “Oh, bakit hindi ka pa nakaalis?” tanong niya upang kunin ang atensyon nito na halos hindi maagaw dahil masiyadong itong tutok na tutok at hindi alam ang pagbaba niya. Kinuha ni Georgina at itim na ankle boots sa shoe cabinet at isinuot iyon saka muling nilingon si Jerome. Nakatingin na sa kanya ang binatilyo. “Ang sabi mo ay kaswal lang ang pagiging mag-asawa niyo ni Kuya Rhett. Sabihin mo nga sa akin, Georgina. Nagkakagusto ka na ba sa kanya?”Inihilig ni Geor
“You’re awake?”Biglang nagmulat ng mata si Georgina nang marinig ang baritonong boses ng asawa na nagsalita sa ibabaw niya. Nagsalubong ang mata nila at naningkit iyon dahil sa sobrang lapit ng mukha nilang dalawa. “What are you doing?” namamalat ang boses niya dahil bagong gising. Hindi lang siya pagod kundi puyat pa dahil matapos niyang ma-finalize ang bagong desinyo ng building na ginawa niya kagabi ay pinadalhan siya ni Rick ng mensahe tungkol sa kanyang ina. May nakuha itong lead kung bakit may taong interesadong patumbahin ang kanyang ina. Iyon ay dahil sa isang nakalaban nitong pulitiko at ang painting na ginagawa nito noon ay tungkol sa kasakiman at pangungurakot ng pulitiko na iyon. Hanggang sa ngayon ay hinahanap pa rin nila ang painting na iyon para malaman kung sino ang taong nakabangga ng kanyang ina. Ang isa pang sinabi ni Rick ay walang kinalaman si Rhett sa pagkamatay ng kanyang ina. Nagkataon lang na nandoon ito sa hotel lobby noong araw na namatay ito. Isa pa, ha
Hindi alam ni Georgina ung ano-ano ang uri ng inumin ang ibinuhos sa kanya pero napapasalamat siya at ni isa ay walang mainit na inumin ang bumuhos sa kanya. Hindi niya alam kung gaano kahaba ang pagtitimpi na ginawa niya para lang hindi balagbakin ang mga kabataang nakaharap sa kanya. “What the hell are you all doing?” Ang mataginting at galit na boses ang biglang gumulat sa mga kabataan na tila sinindihan ang puwet sa takot. Isa-isang nagsipulasan ang mga ito upang bigyan ng daan si Rhett na madilim ang mukhang nakatayo sa entrance ng shop at diretso ang matang nakatingin sa kanya. Naniningkit ang mata nito habang inilibot ang tingin sa mga college at high school students na karamihan sa mga naroon ay nakauniporme pa ng sikat na paaralan. Ang buong akala niya ay ayaw pumasok ng asawa niya kaya naman hinayaan niya itog magmukmok sa labas pero dahil sa narinig na kumosyon ay hindi niya mapigilang bumalik at hindi nga siya nagkamali ng hinala na nasa kaguluhan ito pero kung ano ang
Habang abala sa pagtipa ang daliri ni Georgina at hinahanap ang IP address ng nag-upload ng video tungkol sa kanya ay ilang beses na siyang pinadalhan ni Rhett ng mensahe. Kinukumusta siya nito kung ayos lang ba ang pakiramdam niya at kung may masakit ba sa kanya. Sinabihan rin siya nito na kapag gising na siya ay magpadala siya rito ng mensahe pero lahat ng iyon ay hindi binasa ni Georgina dahil abala siya sa pagha-hack sa account ng taong nag-upload ng video. Alam niyang hindi iyon galing sa vlogger mismo dahil binalaan na iyon ni Fredrick na ‘wag magsalita, iyon ang sinabi sa kanya ni Jerome noong tinanong niya kanina. Kung sino man ang gustong manira sa kanya ay sisiguraduhin niyang hindi magtatagumpay. Ang problema, nasa kalagitnaan na siya ng pagha-hack sa account ng original poster nang bigla siyang tinawagan ng asawa. Sinulyapan lang iyon ni Georgina pero hindi niya sinagot at nagpatuloy sa mabibilis na pagtipa na para bang may hinahabol na script at kailangan nang isumite. N