Hindi pinansin ni Georgina ang asawa at mabilis na hinugot ang roba na nakasabit sa likod ng pinto at isinuot saka ito tinalikuran. Dahil walang nakuhang sagot mula sa kanya ay pumasok ito sa banyo at niyakap siya mula sa likuran. Feeling the warmth from the man’s embrace made Georgina’s heart beat erratically. Gustong manlambot ng katawan niya at hayaan itong yakapin siya lalo na at nananabik na siya rito pero hindi hinayaan ng isip na manalo ang kanyang puso. “What are you doing? I need to wash up,” saway niya saka kinuha ang tootbrush, nilagyan ng toothpaste at nagsimulang mag-toothbrush. “I missed you, my wife.” Hinalikan siya nito sa leeg at bahagya pa iyong sinipsip at tumigil lamang nang mag-iwan iyon ng marka. “Ilang araw tayong hindi nagkita pero bakit ganito kalamig ang salubong mo sa akin, huh?”Nagkasalubong ang tingin nila sa salamin at si Georgina ang unang nag-iwas ng tingin. Hindi siya makasagot dahil puno ng bula ang bunganga niya. Nang yumuko siya para magmumog ay
Hindi makapaniwala si Georgina sa narinig. Mabuti na lang dumating si Julios at kinuha si Santino saka nauna ang mga itong bumaba para kumain. Pati si Charlotte ay binitbit na rin nito. “At hanggang ngayon ay sinisisi mo pa rin ako sa bagay na ‘yan? Wala akong ginawang masama, Rhett. Dahil ako ang biktima ng nakaraan.”Habang nakikinig ay lalong nangunot ang noo ni Georgina. Ano’ng nakaraan? May malalim palang dahilan ang hiwdwaan ng dalawang ito at hindi lang iyon dahil sa kanya? Kaya ba malamig lagi ang trato ni Rhett kay Duncan?Hindi sumagot si Rhett at blanko ang ekspresyon na nakatingin kay Duncan. While the latter spoke mischief again. “Pero hindi ka nagkakamali dahil gusto ko nga ang asawa mo. At kung hindi mo siya kayang alagaan nang maayos baka sa akin na rin ang bagsak niya.” Ngumisi si Duncan nang nakakaloko na biglang nagpalakas ng kabog ng dibdib ni Georgina at baka biglang magpang-abot ang dalawa. Tumalim ang m
Nairolyo ni Georgina ang mata nang marinig ang pagdududa sa boses ni Rhett. Kaswal na inilagay niya ang cellphone sa bulsa ng suot na bestida saka hinarap ang asawa nang walang kakaba-kaba. “Si Tony. Lumabas lang ako dahil ayaw kong magising kayong dalawa ni Santino. Bakit, may problema ba?”Bahagyang naningkit ang mata ni Rhett at nilapitan siya hanggang sa halos wala nang pagitan sa kanilang dalawa. “So, you two are still contacting each other?” Hinawi nito ang buhok niyang nakaharang sa mukha at inilagay sa likod ng kanyang tainga. His voice was gentle but the meaning behind it was cold and strong. “Tony is my assistant and my childhood friend. Pamilya na ang turing ko sa kanya kaya walang masama kung may kontak kami sa isa’t isa,” rason niya. Nilabanan niya ang matalim nitong tingin at hindi ipinakita na natatakot siya sa klase ng tingin nito. “You are not even blood related, how could you call him your family? Were they will be there kapag kailangan mo sila?”Tumaas ang isang
Imbes na sa opisina ay napagkasunduan nina Georgina at Tony na sa G’s bar magkita dahil gusto siyang samahan ni Rhett. Hindi siya nito papayagang umalis kung hindi ito kasama. “Ahh, Mr. Castaneda, nagkita tayong muli,” bati ni Tony nang makapasok sila sa VIP room na kinuha ni Tony para sa kanila. Kasama nito si Vaia na isang malamig na tango lamang ang ibinigay kay Rhett pero mahigpit na niyakap si Georgina na para bang kino-comfort. “Hmm… I wonder why you, my wife’s FRIEND, want to meet her at this kind of place?” Hindi nagtataka ang klase ng pagtatanong ni Rhett kundi maawtoridad. Napakamot sa batok si Tony saka sinulyapan si Georgina. “Gusto ko lang ipakita kay Boss kung gaano ka-successful ang bagong plano na pinaimpliment niya sa G’s. Hindi naman siguro masamang ipakita iyon sa kanya dahil pagmamay-ari niya ito, hindi ba, boss?” Sa huling salita ni Tony ay nilingon siya nito at kinindatan kaya tumango si Georgina.Alam niya na ku
Hindi gaanong maliwanag sa VIP room at kahit nakaupo sa magkabilang gilid niya ang dalawa ay hindi makita ng mga ito kung ano reaksyon ni Georgina. Tumalim ang kanyang mata nang marinig ang sinabi ni Vaia at biglang naalala ang sinabi ni Duncan. Tama nga ito na hindi seryoso sa kanya si Rhett. Nanikip ang dibdib niya sa galit na namuo dahil sa pagsisinungaling ng asawa pero matibay na ang loob niya at hindi niya pinakita sa dalawa na nasasaktan siya. Inilahad niya niya ang palad kay Vaia. “Mayroon ka bang litrato ng babae? I want to take a look at the woman my husband—no, hindi pala kami magasawa—Rhett married.”Inilabas ni Tony ang cellphone at ito ang naglatag sa kanyang palad kung saan nakabalandra ang mukha ni Olivia at ni Rhett na magkasamang lumabas sa isang hotel. Hindi lang iyon. Base sa hitsura ng babae ay isa itong latina. Or maybe half-filipino, half-mexican. Masiyado ring bulgar ang suot nitong damit na ikinataas ng sulok ng labi niya. Sa iba’t ibang larawan na nakuha ni
“Pasensya na po, Miss Georgie. Kabilin-bilinan ni Sir Rhett na huwag muna kayong palabasin hangga’t hindi siya nakakabalik. Malapit na pong matapos ang inaasikaso niya sa ibang bansa at makakabalik rin po siya kaagad.”Hindi makapaniwalang tiningnan ni Georgina si Julios saka matabang na ngumiti. “This is ridiculous!”Kailangan niyang lumabas ngayon dahil may problema siyang dapat na ayusin sa kumpanya kaya imposible itong pagkakakulong sa kanya sa bahay. “Miss Georgie, kung gusto niyo pong makipagkita sa kaibigan niyo ay pwedeng sila ang papupuntahin niyo rito. Ang bilin ni Sir Rhett, hangga’t hindi kayo nanganganak ay hindi kayo maaring lumabas.”Alam ni Georgina na inutusan lang ni Rhett si Julios pati na rin ang ibang tauhan nito kaya ayaw niya ang mga itong pagalitan. Naikuyom niya ang kamao sa magkabilang-gilid upang pigilan ang inis na unti-unting namumuo. “Gigi…” Nilingon niya si Lola Rhea na galing kusina kasunod si Rizza at Santino. Mukhang kakatapos lang ng mga itong mag
Habang abala si Georgina sa pag-iisip kung paano makatakas, sa kabilang banda ay nagtataka naman si Tony kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin dumarating si Georgina. Hinayaan niya ito at baka natanghali lang ng gising dahil natural lang sa buntis na laging tulog. Pero sa kabilang banda ay hindi mapakali ang isip niya. Bitbit ang kape ay lumabas siya ng kanyang opisina upang puntahan si Vaia pero pagkabukas niya ng pinto ay nakita niya sa koridor si Nathalia na may kausap. Masaya ang dalaga dahil sa jokes ng kausap pero hindi si Tony. Mula nang mahigpit siyang sinabihan ni Georgina na ‘wag patulan si Nathalia ay iniwasan na niya ang dalaga kahit pa nahihirapan siya. Mula nang araw na ni-reject niya ang pagpapakita nito na gusto siya nito ay halos hindi na siya nakikipag-usap dito unless may importanteng kailangan sa trabaho. Hindi niya personal na kilala ang kausap ni Nathalia pero alam niyang bagong tanggap ito sa kumpanya at mataas ang credentials at mula sa mayamang pamil
“Kuya Archer, ano’ng ibig sabihin nito? Bakit kailangan naming dumaan sa security check?” Agad na tanong ni Nathalia kay Archer nang makita itong lumabas ng gate kasunod ang iba pang security team. May halong pagtataka ang boses ni Nathalia at lalo siyang naghihinala na may nangyayari sa mansyon. Pasimple niyang nilingon sina Tony at Vaia. Kaya pala gustong dumalaw ng mga ito at kung hindi nga siya kasama ay siguradong hindi makakapasok ang dalawa. “It is for everybody’s good. Just follow the protocol then you three can get in.”May ilang babae sa security team at ito ang kumapkap at nag-check kina Vaia at Nathalia at nang masigurong wala silang dalang anuman ay saka lang sila pinapasok. Naghintay sila sa sala habang tinatawag ni Archer si Georgina. “Tama nga ang hinala ko na hindi makakalabas si Georgie,” mahinang sabi ni Tony na silang tatlo lang ang nakakarinig. “But why did your Uncle do this, Nathalia?” Tanong ni Vaia kay Nathalia pero ang mata ay ipinalibot sa kabuuan ng sala
Kahit nagtataka ay hindi pinakita ni Georgina na interesado siya sa lovelife ng kaharap. Kaswal niya itong nginitian at sa ikalawang pagkakataon ay nagpaalam. “Pasensya na, Mr. Castaneda pero wala na akong panahon para makinig sa love story niyo ng asawa mo. I have an important appointment na pupuntahan kaya mauna na ako,” paalam niya. Hindi siya hinayaan ni Rhett na umalis dahil agad itong lumapit sa kanya. “Hindi mo man lang ba pagbigyan ang alok ko na makita ang hitsura ng isang prehistiyosong Architect G?”Napangisi si Georgina. Alam niyang hindi dahil sa nagugustuhan siya ni Rhett kaya nito gustong makita ang hitsura niya kundi gusto nitong makita ang mukha niya at pinaghihinalaan siya nito na siya si Georgina. Pwes, hindi niya ito hahayaang magtagumpay. “It is not convenient, Mr. Castaneda.” Her arms crossed in front of her chest and stared at Rhett with deep eyes. “I didn’t realized that the famous Mr. Castaneda is a fraud. You like to force someone into doing something even
Sa buong sandali hanggang matapos ang event ay pansin ni Georgina na laging nakasulyap sa kanya si Rhett. Hindi niya alam kung namumukhaan siya nito dahil may suot siyang manipis na face veil at natatakpan ang ilalim na bahagi ng mukha. Nakasuot din siya ng kulay itim na fascinator hat at halos matakpan ang noo niya dahil sa laki. Puting bestida ang kanyang suot at dahil malaki ang tiyan niya ay kumukurba iyon sa damit niya. Gustong ikutin ni Georgina ang gusali na siya mismo ang nagdesinyo pero nananakit na ang paa niya kasa ibaba na lamang siya nanatili. Siya ang nagdesinyo pero si Rhett pa rin ang masusunod sa mga final touches lalo na sa loob at namangha si Georgina sa nakita. The interior design was exquisite and suited Rhett’s identity. Hindi na siya nagtaka dahil masiyado itong maselan sa mga bagay na gusto nito. Ang sabi ni Georgina sa sarili ay sa first floor lang siya mag-ikot-ikot pero hindi niya namalayang nakasakay na siya ng elevator at nakarating sa pinakamataas na pa
Ang dahilan kung bakit sila nagpakasal ni Olivia ay dahil sa lolo niya. Tinakot siya nitong hindi ito magpapagamot at magpapaopera kung hindi niya makitang kasal siya. Nang mga sandaling iyon ay kasa-kasama niya si Olivia sa mansyon nila sa America at wala siyang nagawa kundi ang pakasalan ito. Matagal na silang magkakilala ni Olivia kaya may tiwala siya rito na kapag dumating na ang araw na pwede na silang mag-divorce ay papayag ito kaya si Olivia ang ipinirisinta niya sa kanyang lolo bilang asawa. They obtained a marriage certificate and it was valid dahil alam niyang hindi basta-basta mapepeke ang kanyang lolo. Ang problema, ang sabi ng kanyang lolo ay kailangang magsagawa ng engrandeng selebrasyon sa Pilipinas para ipagkalat sa mga kaibigan at kakilala nila na kasal na siya at iyon nga ang ginawa ni Rhett. Nauna siyang bumalik sa Pilipinas para asikasuhin ang kasal kuno para lang mapasaya ang lolo niya pero ang problema ay hindi nakasunod sa kanya si Olivia dahil sa importanteng n
Mainit pa rin ang ulo ni Rhett nang makabalik siya sa mansyon. Ilang lugar na ang nilibot niya pero wala siyang makuhang palantadaan kung nasaan si Georgina. “Fuck! Where are you hiding, Georgie?” Naasar na bulong niya habang paakyat ng elevator. Tulog na ang mga tao dahil madaling-araw na kaya naman wala nang-istorbo sa kanya kung hindi ay baka mapagbuntunan niya ito ng galit. Rhett was exhausted. Hindi siya nakatulog sa buong biyahe pabalik ng Pilipinas mula Morocco dahil nag-aalala siya para kay Georgina. Nang makapasok siya sa kuwarto nila ni Georgina ay pamilyar na amoy nito ang sumalubong sa kanya.“Damn!” Hindi niya mapigilang magmura dahil lalo siyang nanabik sa asawa. Patay na ang ilaw sa loob ng kuwarto pero dahil sa sinag ng buwan na natatakpan lamag ng manipis na kurtina ay may liwanag na gumagabay sa kanya. Inalis niya ang suot na kurbata habang naglalakad patungo sa banyo pero natigilan siya nang biglang nakarinig ng kaluskos mula sa kama. Agad na bumaling ang tingin
NExT:“May guest room sa baba. Hindi mo kailangang ipagsiksikan ang sarili mo rito dahil kuwarto ito ng kapatid ko at asawa niya.” Naglakad si Rizza para harangan si Olivia na makalapit sa kama. “Asawa, huh?” Mahina itong napatawa. “Rizza, wala naman akong gagawing masama kundi matulog sa kama.” “May delikadesa ka bang klaseng babae? Ang kama na tinutukoy mo ay kama na hinihigaan ng kapatid ko at asawa niya. Kung gusto mong matulog dito sa bahay ay sa guest room ka pumunta kung hindi ay makakaalis ka na at maghanap ng hotel na matutuluyan.” Hindi nagpatinag si Rizza sa katigasan ng ulo ng babae. Sa pagkakataong ito ay pumasok ang kanyang lola sa kuwarto. “Rizza, ano ba ang iniingay mo? Baka magising si Santino sa taas ng boses mo.” “Lola, paano naman kasi. Itong babaeng ito ay gustong matulog sa kuwarto ni ate Georgina kahit sinabihan kong may guest room naman,” sumbong niya. Nang makita ni Lola Rhea si Olivia ay kakaibang ngiti ang sumilay sa labi nito. “Lola Rhea, pasensya na
“Boss Fredrick, something happened!”Napahinto sa akmang pagsimsim ng kape si Fredrick nang humahangos na pumasok sa opisina niya si Nolan. Namumutla ang mukha nito at tila pawisan dahil tumakbo papasok sa kanyang opisina. “Ano ‘yon at habol mo ang hininga mo para lang makapunta rito?” Ibinaba ni Fredrick ang tasa ng kape at seryosong tiningnan si Nolan. “Nawawala si Miss Georgina.” Hindi na hinintay ni Nolan na magtanong pang muli ang kanyang Boss. “Nitong nakaraang araw ay maraming bantay na itinalaga si Sir Rhett kay Georgina upang hindi ito makalabas ng mansyon. Hindi ko alam ang dahilan pero kahapon nga, habang namamasyal sila kasama ang matandang babae ng Castaneda ay bigla na lamang nawala si Georgina. sa palagay ko ay tinakasan na naman niya ang pamilya ni sir Rhett.”Nang marinig ito ni Fredrick ay mahigpit niyang naikuyom ang kamao. Hindi na naman ba tinatrato nang maayos ang kapatid niya sa pamilya Castaneda? What is Rhett thinking about treating Georgina like this? “Mob
Sa sobrang kaguluhan ng mga tao ay hindi na rin magkandaugaga ang mga bodyguards kung saan hanapin si Georgina. Nang mapansin ng dalawa na ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin nakakalabas ang madam nila sa banyo kahit ang dalawang bodyguards. Kaya naman pumasok ang isa sa kanila upang tumingin sa loob at doon na nila natuklasan na wala na sa loob si Georgina at ang dalawang bodyguards ay walang malay na nakahiga sa sahig. “Situation red, everybody alert. The madam is missing!” agad na report ng isang bodyguard sa kasamahan nila nang matuklasan ang sitwasyon. “Spread out and find her! Alam niyo na ang mangyayari kung hindi niyo siya mahanap!” galit na utos ni Julios nang matuklasan ang nangyari. Binalingan niya sina Rizza at Isaac. “Go home! Masiyado nang nagkakagulo rito at nawawala si Georgina!” Inutusan nito ang driver at isang bodyguard na ihatid pauwi ang tatlo kasama si Santino na nag-uumpisa nang umiyak dahil sa kaguluhan. Hindi nila alam kung ano ang nangyari at b
Kasama si Lola Rhea at Santino ay namasyal sa amusement park sina Georgina. Upang may tagabitbit kay Santino ay isinama rin nila si Rizza pati na rin si Isaac, ang tuition teacher ni Rizza na kaeskwela nito a kolehiyo. Gusto ni Rizza ang binatilyo noon pa pero noong nag-aaral pa si Georgina sa kaparehong unibersidad ay nagpahayag sa kanya si Isaac na gusto siya nito. Ayaw niya lang patulan ang binatilyo dahil hindi lang sa hindi niya ito gusto pero ayaw niyang masira ang relasyon niya kay Rizza na unti-unti nang maging maayos. “G, you in position?” Hawak ni Georgina si Santino sa kamay habang nakatayo sila sa harap ng isang ice cream shop dahil gustong kumain ng bata. Pinagbawalan ito ni Lola Rhea pero nagpumilit si Georgina na pagbigyan ito dahil baka ito na ang huling pagkakataon na makasama niya si Santino. Hindi nga siya nagkamali dahil enjoy na enjoy ang bata sa tindero ng ice cream na pinaglaruan pa ito dahil imbes na ibigay dito ang buong ice cream ay apa lang ang binigay
“Kuya Archer, ano’ng ibig sabihin nito? Bakit kailangan naming dumaan sa security check?” Agad na tanong ni Nathalia kay Archer nang makita itong lumabas ng gate kasunod ang iba pang security team. May halong pagtataka ang boses ni Nathalia at lalo siyang naghihinala na may nangyayari sa mansyon. Pasimple niyang nilingon sina Tony at Vaia. Kaya pala gustong dumalaw ng mga ito at kung hindi nga siya kasama ay siguradong hindi makakapasok ang dalawa. “It is for everybody’s good. Just follow the protocol then you three can get in.”May ilang babae sa security team at ito ang kumapkap at nag-check kina Vaia at Nathalia at nang masigurong wala silang dalang anuman ay saka lang sila pinapasok. Naghintay sila sa sala habang tinatawag ni Archer si Georgina. “Tama nga ang hinala ko na hindi makakalabas si Georgie,” mahinang sabi ni Tony na silang tatlo lang ang nakakarinig. “But why did your Uncle do this, Nathalia?” Tanong ni Vaia kay Nathalia pero ang mata ay ipinalibot sa kabuuan ng sala