Nang makabalik sila resthouse na inuukupa ng grupo sa rancho ay nakatanggap ng international call si Jerome. Matapos nitong sagutin ang cellphone ay bumakas ang tuwa sa mukha nito bago ibinigay ang cellphone kay Rhett.“Georgie, mauna ka na sa kuwarto at may kakausapin lang ako.”Tumango si Georgina pero nang lingunin niya ang asawa ay nakita niya kung paano bumakas ang tuwa sa mukha nito. Hindi niya alam kung sino ang tumawag kay Rhett pero may hinala siya. Hindi nga siya nagkakamali dahil nang bumalik siya sa kuwarto na tinutuluyan niya kasunod si Nathalia ay sinabi nito kung sino ang kausap ni Rhett. “Kausap ni Tiyo ang kapatid ni Jerome. Balita ko ay uuwi na siya ng Pilipinas. Hmp! Alam naman na may asawa na ‘yung tao ay ipagsisiksikan pa ang sarili.”Mapaklang napatawa si Georgina. “Alright, then. Wala akong pakialam kung gaano pa sila katagal mag-usap. I am tired. Puwede ka nang bumalik sa kuwarto mo, Nat. Pagkatapos kong maligo ay matutulog na ako.”“Pero, Georgie–” Itinaas ni
Lumabas ng kuwarto si Rhett at tinanong ang nagdaang kasambahay kung saang kuwarto natulog si Georgina. Nang sinabi nitong sa fifth floor sa attic ay nagkasalubong ang kilay niya. “Ganoon kalayo?”Ang kuwarto niya sa fourth floor at ang kuwarto sa attic ay aabutin ng halos sampung minuto bago marating. Hindi niya alam na talagang dinamdam ng asawa ang sinabi niya. Agad siyang pumunta roon at nagpapasalamat siya dahil hindi iyon nakasara. Mahimbing na ang tulog ni Georgina nang makapasok siya kaya marahan ang hakbang niyang lumapit dito. Bumilis ang pintig ng kanyang puso nang makita ang maamo nitong mukha habang natutulog pero dahil bahagyang nakaawang ang labi nito ay tila naeengganyo siyang halikan iyon at ginawa nga niya. Bago pa man lumapit ang labi ni Rhett ay nagmulat na ito ng mata. Inunahan na niya ito bago pa siya magsalita pero hinayaan niyang magkalapit ang kanilang mukha. “Aalis ako ng ilang araw dahil may pupuntahan akong bussiness meeting sa Thailand. Kapag nakabalik
Next:Hindi alam ni Georgina kung saan siya napadpad basta ang alam niya ay wala siyang tigil sa paglakad-takbo at kahit nananakit na ang paa niya hindi siya tumigil. Walang gaanong tao sa kinaroroonan niya at ang agwat ng mga bahay ay malalayo. Sa kabilang dako ng kalsada ay masukal na kagubatan. “Heh! Surpresa pala, huh?” mapait na bulong niya. Pasalampak siyang umupo sa tabi ng kalsada, tinanggal ang sapatos na suot at inilagay sa tagiliran saka tahimik na lumuha. Nasasaktan siya sa nakita. Nagseselos siya, aaminin niya pero hindi niya iyon pwedeng ipakita kay Nathalia o Rhett. Hindi niya puwedeng ipakita ang totoo niyang nararamdaman dahil kahinaan iyon. Sa walang taong kalsada ay dito siya magmumukmok at tahimik na iiyak. Kahit ang poste ng ilaw sa kalsada ay nakikisabay sa pagdamdam niya. Sabayan pa na unti-unting pumatak ang ulan. Muli siyang napatawa. May nagawa ba siyang kasalanan sa dati niyang buhay para parusahan siya ng ganito? Kahit lumalakas ang buhos ng ulan ay hind
“Heh, ako na lang ang naaawa para sa biktima mo, G,” biro ni Kraven na nakatayo sa gilid ni Georgina habang nakamasid sa mga bangkay na halos putol-putol ang katawan dahil sa gawa ni Georgina. Duguan ang damit niya pati na ang mukha. Ang espadang ginamit sa pagpaslang ng kalaban ay nakatutok pa rin sa pinakahuling lalaki na pinugutan niya ng ulo. Habol niya ang hininga habang nakatingin kay Kraven pero hindi niya ito sinagot. “Nailigtas na natin ang biktima, puwede na akong umalis, hindi ba?” Lumapit sa kanya si Rick at tumayo sa kabila niyang tabi. “There will be someone who will clean this place. Puwede ka ng umuwi, G,” Rick agreed. Bago makaalis si Georgina ay may idinagdag ito. “If the burden gets heavy, don’t hesitate to come to Isla Thalassina. Alam mong bahagi ka ng islang iyon, G.”Ngumiti si Georgina at nagpaalam na sa lahat. Nasa labas na at naghihintay sa kanya sina Vaia at Tony. mukhang nabalitaan na ng mga ito ang nangyari sa kanya at kay Rhett. “Where to, boss?”“My
Kasunod ng guwapong lalaki ay ang mga unipormadong kalalakihan na mukhang bodyguards nito. Nang makita ni Georgina ang mga ito ay lalo niyang napatunayan na hindi basta-basta ang matandang kaharap niya. Kahit ang babaeng nakasagutan nila ay hindi makaimik sa mga bagong dating. Dali-dali itong sumakay ng sasakyan pero bago makaalis ay pinigilan ito ng guwapong lalaki at inabutan ng tseke. Marahil nang makita kung gaano kalaking halaga ang nakasulat sa tseke ay napalitan ng tuwa at pagsisisi sa mukha ng babae. Bumaba ito ng kotse, humingi ng tawad sa matanda at kay Georgina saka nagpasalamat sa binata na bagong dating saka lang umalis. “Lolo,” tawag ng lalaki sa matanda. Umangat ang kilay ni Georgina nang marinig ang tawag ng lalaki. So, apo pala ng matanda ang guwapong lalaki.hindi na niya pinansin ang mga ito at palihim na umalis pero hindi pa siya nakakalayo ay tinawag siya ng lalaki.“Miss, sandali.” Tumakbo ito papalapit sa kanya. “Salamat sa pagligtas kay lolo.” Nang ngumiti ito
Napakaganda ng babaeng kaharap ni Georgina. Maputi rin ito marahil ay namalagi sa America ng matagal na panahon. Pero mas matangkad siya rito at hindi rin pakakabog ang kanyang ganda. Ang pagkakaibahan lang nila, ang kanyang ganda ay tibong agresibo, matapang at hindi kailangan ng proteksyon samantalang ang babaeng kaharap niya ay parang porselana na kailangan ingatan dahil babasagin. “Excuse me, sino po ang hanap ninyo?” muling tanong ng babae nang hindi siya nakasagot sa una nitong tanong. Hindi siya sumagot dahil wala siyang plano na sagutin ito pero dahil sa klase ng tanong nito, na tila wala siyang koneksyon sa nagmamay-ari ng bahay ay bahagya siyang nainsulto. Pero ayaw niyang makipagkompetensya sa babaeng nagugustuhan ng kanyang asawa. “Wala akong hinahanap. Dito ako nakatira,” simpleng sagot niya. Her nonchalant expression gave Celeste the expression that she is bullying her. Napakurap si Celeste na tila hindi makapaniwala. Tiningnan pa siya nito mula ulo hanggang paa at s
Nang magising si Georgina ay nasa loob na siya ng isang pribadong kuwarto sa ospital at may nakakabit na IV drip sa likod ng palad. Medyo madilim ang paligid at ang tanging liwanag sa loob ng kuwarto ay mula sa ilaw na nasa sulok na medyo malamlam. Nakasara rin ang makapal na kurtina kaya hindi niya batid kung gabi o umaga na. Hindi na siya nahihirapang huminga at maayos na ang pakiramdam bukod sa pangangati ng palad na hanggang ngayon ay namumula at namamaga pa rin. Hindi alam ni Georgina kung saan nagsimula ang allergy niya dahil wala naman siyang nahawakan. Nagkakaroon siya ng severe allergy reaction kapag nakakahawak siya sa mga silver na bagay. Ramdam niya ang pagkatuyo ng lalamunan kaya naman nagbalak siyang tumayo pero nanlalambot ang katawan niya at bigla siyang nahilo dahil sa biglang pagbangon. Ito ang unang beses na dinala siya sa ospital dahil sa allergy at hindi niya nagugustuhan dahil pakiramdam niya ay wala siyang silbi. Wala siyang ibang kasama sa kuwarto. She smiled
Sa huli, pinili ni Rhett na manatili sa kuwarto ni Georgina at hindi siya nito iniwan. Inutusan nito si Nathalia na ihatid si Celeste sa ward nito kaya’t silang dalawa na lamang ang natira sa kuwarto. Umupo sa tabi niya si Rhett at agad siyang tinanong na puno ng pag-aalala sa mga mata at baka may hindi siya nararamdamang maganda. “Georgie?”Umiling si Georgina. Gusto lang niyang subukin ang magiging reaksyon ni Celeste kung pipigilan niya si Rhett at hindi nga siya nagkamali dahil naapektuhan ito nang malaman na mas gugustuhin ni Rhett na manatili sa kanyang tabi. May hinala siyang nagpapanggap lang ang babae kung ano ang tunay nitong nararamdaman para kunin ang atensyon ni Rhett. Pero wala na siyang pakialam kung nagpapanggap lang si Celeste kapag pareho nilang kaharap si Rhett. Ang mas nanaig sa isipin niya ngayon ay kung may kinalaman nga si Celeste sa pag-trigger niya ng allergy. Kahit ang pagka-aksidente nito ay co-incidental din. Mukhang gusto siyang manipulahin ng babae upan
Samantala, bago lumapit sa kanya ang lalaki ay nakausap ito nina Sheynon at Celeste. Pinsan ni Celeste ang lalaki. Anak ito ng kapatid ng kanyang ina. Kung tutuusin ay hindi ito related sa mga Malvar dahil ang ina ni Celeste ay pangalawang asawa ng ama nila ni Fredrick at ang tanging may koneksyon lamang sa mga Malvar ay ang ina ni Fredrick at Georgina. “Brusko, ito. Ibigay mo sa babaeng iyon.” Itinuro ni Sheynon si Georgina sabay abot sa lalaki ng kopita ng alak na may inilagay na droga. Ilang beses nang pabalik-balik sa presinto si Brusko dahil sa pagdodroga nito kaya naman ayaw na ayaw ito ng pamilya Malvar. Kaya lang naman ito nakakapasok sa Chantrea ay dahil kay Celeste. Nang makita ni Brusko kung sino ang itinuturo ni Sheynon ay kaagad siyang ngumisi. Napukaw ng babae ang atensyon niya. “Sino siya? She looks hot. Mukhang hindi ko palalampasin ang gabing ito na hindi siya maikakama.” Dinilaan pa nito ang pang-ibabang labi na tila ba hindi makahintay na matikman si Georgina. “
Kinabukasan, kahit hindi nakatulog nang maayos noong nagdaang gabi ay maaga pa ring nagising si Georgina para pumasok sa opisina ni Fredrick. Dala rin niya ang damit na binili niya kagabi para sa party mamaya na pupuntahan nila. Buong gabi ay hindi siya nakatulog dahil sa nakitang kalagayan ni Rhett. Hindi niya alam kung bakit mukha itong apektado sa pagkawala niya samantalang ito naman ang nagloko sa kanya. Buong araw na abala si Georgina sa trabaho pero nagpapasalamat siya at paperworks lang iyon at hindi rin siya inutusan ni Fredrick na umakyat-baba dahil kung hindi ay baka hindi kakayanin ng katawan niya. At dahil nga maselan ang pagbubuntis niya, bilang pag-iingat ay flat shoes ang suot niya ngayon at hanggang mamaya sa party. Wala siyang ideya kung anong klaseng party ang pupuntahan nila ng boss niya pero inihanda niya ang sarili dahil sigurado s’yang magkakaroon na naman sila ng engkwentro ni Celeste. Bago nga oras ng uwian ay pinaalalahan ni Fredrick si Georgina tungkol sa p
Alam ni Celeste na sa loob ng ilang linggong pagkawala ni Georgina sa buhay ni Rhett ay hindi ito tumigil sa paghahanap sa asawa nito. Kaya sigurado siya kapag malaman nitong nasa klinika si Georgina ay hindi nito palalampasin ang pagkakataon na kausapin si Georgina at kapag nangyari iyon ay iiwanan na naman siya ni Rhett. “Georgina, Rhett is coming over soon. Kung ayaw mong umalis, pumasok ka sa banyo at magtago,” utos niya kay Georgina. Nang hindi ito agad kumilos ay pinandilatan niya ito ng mata. Kasabay niyon ay ang pagbukas ng private room kung saan naka-admit si Santino. Dahil pribadong clinic ang pinuntahan nila ay maliit lang ang private room ng paseyente pero nagpapasalamat si Celeste dahil mayroon doong banyo kaya naman bago pa bumukas ang pinto para pumasok si Rhett ay nakatago na sa banyo si Georgina. “How is Santino?”Biglang nanubig ang mata ni Celeste sa tanong ni Rhett. Kaagad niyang ipinakita dito kung paano siya nag-alala para sa anak niya. “Rhett… pasensya na kun
Hindi agad makasagot si Celeste sa tanong na iyon ng kanyang Kuya dahil ang totoo, kasalanan niya ang nangyari kay Santino. Sinadya niyang kurutin ang bata hanggang sa magkapasa itoat ibaling lahat ng iyon kay Georgina kaya naman pinilit niya itong bantayan si Santino. Pero hindi niya akalaing matalino ang gaga at kinuhaan ng video ang sarili. Alam niyang hindi gumagana ang CCTV sa opisina ng kuya niya dahil bago pa man niya simulan ang plano ay sinira na niya iyon. Kaya isinama niya rin si Sheynon upang maging witness pero lahat ng iyon ay sinira ni Georgina. Lihim na nagngitngit ang kalooban niya pero sa harap ng kanyang kuya ay hindi niya iyon pinakita. “K-kuya…” mariin siyang umiling. “Hindi ko alam. Wala akong alam. Hindi kaya ang yaya ang may kagagawan nito sa kanya? Paano pala kung sinasaktan niya ang anak ko?”Hindi pa rin nawawala ang galit sa mukha ni Fredrick pero sa pagkakataong ito ay hindi na iyon patungkol kay Georgina kundi sa mga kasambahay at yaya nila sa bahay. “P
“Wala akong ginawa.” Simpleng sagot at simpleng pagdepensa sa sarili ni Georgina. Matalim na tinitigan ni Sheynon si Georgina pero hindi siya nagpatinag. Kahit siya ay hindi makapaniwala na ang anak ni Rhett at Celeste ay nagkaroon ng ganito karaming pasa. Kung hindi nagkakamali si Georgina ay hindi iyon simpleng pasa lamang kundi galing iyon sa kurot. May taong nanakit dito. “Ikaw lang ang kasama ni Santino dito. Sa tingin mo may maniniwala pa sa ‘yo gayong kitang-kita na ang mga pasa sa katawan ng bata?” madilim ang mukha ni Sheynon habang nag-aakusa kay Georgina. “Kahit kami lang ang magkasama dito ay hindi mo pa rin ako puwedeng akusahan na may ginawa ako kay Santino hangga’t wala kang ebidensya.”“Ebidensya? Kailangan pa ba ng ebidensya kung kitang-kita na ang ginawa mo sa bata?”Niyakap ni Celeste ang bata at pilit itong pinapatahan sa pag-iyak. “Georgina… paano mo nagawa ito kay Santino? Ipinahabilin ko lang siya sa iyo ng sandaling oras lang. Kahit hindi mo siya gusto, kahi
Naituro ni Georgina ang sarili at hindi makapaniwalang nagtanong. Kaagad na binalot ang isip niya ng paghihinala. Knowing Celeste’s attitude to her, hindi niya dapat ito pagkatiwalaan, lalo na sa anak nito. “Ako? I’m sorry, Miss Celeste, pero hindi parte ng trabaho ko ang mag-alaga ng bata,” tanggi niya na may halong profesionalismo. Hindi kasama sa trabaho niya ang mag-alaga ng bata kaya hindi niya ito susunidin. Isa pa, kapag may nangyaring masama rito ay siya ang masisisi na siyang ayaw niyang mangyari. “Huwag kang mag-alala, Georgie. Sandali lang naman kami ni Sheynon. D’yan lang kami pupunta sa mall sa ibaba. May kailangan lang akong bilhin para sa anak ko. Sige na naman, oh.”Ngunit hindi nagpatinag sa pakiusap ni Celeste si Georgina. Matigas pa rin niya itong tinanggihan. “Miss Farrington, kung hindi mo puwedeng dalhin sa mall ang bata, bakit hindi mo na lang siya iwan sa kapatid mo? Hindi ba at mas mabuti na siya ang mag-alaga keysa sa akin na hindi mo naman kaano-ano?”Kung
Matapos titigan nang matagal ang mukha ng bata ay malapad ang ngiti na tiningnan ni Georgina si Celeste. Ginantihan siya nito nang katulad na ngiti pero may halong pagtaas ng kilay na tila proud na proud sa anak nito. Binuhat nito ang bata at naglakad palapit kay Georgina at iniwan ang stroller sa harap ng elevator na ikinataas ng kilay ni Georgina. “Georgie, I want you to meet my son, Santino. Isn’t he handsome? Makikita mong manang-mana talaga siya sa ama.”Hindi nawala ang ngiti ni Georgina at pinalipat-lipat ang tingin sa mag-ina. Hindi siya nagpaapekto sa sinabi nito. Marunong siyang mangilatis ng tao at kahit saang anggulo tingnan ay walang nakuha ang bata mula sa ama nito. Medyo may hawig ito kay Celeste sa mata nito pero kay Rhett ay wala. Iyon ang lihim na obserbasyon niya pero hindi niya iyon sinabi. “C’mon, Santi. Say hello to Aunt Georgie…” Celeste urged her son and the child waved his hand, murmuring something softly. Mukhang nahihiya ito. Dahil nakaupo pa rin si Geor
“Rhett, ang tanging kaligayahan ni Celeste ay ang makapiling ka. Handa akong makipagbati sa pamilya ninyo alang-alang sa kaligayahan ng kapatid ko pero sana ay ganoon ka rin. Sana naman ay bigyan mo ng pagkakataon ang kapatid ko.”Sa dami ng sinabi ni Fredrick ang huling salita nito ang nakapagbalik sa isip ni Rhett sa kasalukuyan. “Fredrick, nakalimutan mo na ba? Kasal na ako.”Fredrick laughs mockingly. “Kasal? Pareho nating alam na peke lang ang kasal niyo ni Georgina. Pakitang-tao para mapapayag ang lolo mo na magpaopera.”Kahit kung ano-ano pa ang sinabi ni Fredrick ay nanatiling kalmado si Rhett at hindi pinakita ang pagkainis, lalo dahil sa usapin tungkol kay Georgina. Hindi na naman niya maiwasang maalala ito. “Hindi peke ang kasal namin. Kahit madalian lang iyon ay mayroon kaming pinirmahang kasunduan. Fredrick, alam ko kung gaano ka nag-alala para sa kapatid mo pero hindi ko kayang i-give up ang kasal ko para lang sa tinatawag mong kaligayahan ng kapatid mo.”Tumayo si Rhett
Nang sumunod si Fredrick sa restaurant na pinuntahan nina Rhett at Celeste ay naka-order na ang mga ito ng pagkain. Dahil alam naman ni Celeste kung ano ang paborito niyang kainin kaya hinayaan niya itong um-order para sa kanya. Mainit ang ulo niya dahil bago siya umalis, ay muli na namang napatunayan ni Georgina na hindi ito basta-bastang babae. Dahil maayos ang pagkakasalita nito ng Arabic ay nakausap nito nang maayos ang bagong investors nila at nai-close ang deal sa mga ito. Hindi lang iyon, simula bukas ay magiging sekretarya na niya ito. He lost the bet, and he would see her every day from now on. Naabutan niya ang kapatid na pinagsisilbihan si Rhett at akmang susubuan pa ito pero lahat ng iyon ay rejected kay Rhett. Naikuyom ni Fredrick ang kamao dahil sa nakikitang malamig na pagtrato nito sa kapatid niya. Alam niya kung gaano kamahal ni Celeste si Rhett pero ni minsan ay hindi man lang niya nakita ang lalaki na tinrato nito nang maayos ang kapatid niya magmula nang maging a