CAMILLA POINT OF VIEWTahimik na nakikinig lang ako sa likuran ni Akihiro habang sila ng dad niya at ni Chrsitelle ay nag-uusap. Hindi ko lubusang maintindihan kung bakit gusto pa ng dad ni Akihiro na manatili ako dito sa loob ng office. Personal ang pinag-uusapan nila. Its mean private life! Ewan ko kung nananadya ba ang dad ni AKihiro at ni Christelle, alam ko naman kasi na ayaw sa akin ni Sir. Albert. Naalala ko pa noong isinama ako ni Akihiro sa family dinner nila, ipinakilala niya ko sa parents niya na soon to be his girlfriend niya ko. Kahit hindi sabihin sa akin ng dad niya na ayaw niya ko ay kitang kita ko na sa mukha nito na ayaw nito sa katuld kong mahirap, unlike Christelle. Christelle is a famour model over the world, kumbga parangipis lang ako, ganoon ako kaliit. “Are you happy Hija? Malapit ka ng ikasal sa anak ko, magiging isa ka ng Smith.” “Tito, naman. Ofcourse, I am very happy. Gusto ko ng tawaging pagmamay-ari si AKi,” maligayang sambit ni Christelle habang magkaha
Camilla Point of ViewKaagad kong sinunggaban ang inihaw na kakalapag pa lang sa desk ko. Hindi ko na nagawang magpasalamat pa kay Akihiro dahil naagaw talaga ng paningin ko ang binili niyang inihaw. Tulad nga ng sabi niya, ibibili niya raw ako. Kahit hindi pa okay ang puso ko dahil ikakasal na siya ay ipagpapaliban ko muna 'yon kahit ngayong araw man lang. “Take it easy,” aniya habang nakatayo sa harapan ko. Nilunok ko muna ang nasa bibig ko bago nagsalita. “Ang sarap. Gusto mong tikman?” alok ko. Siya naman kasi ang bumili dapat matikman niya ang inihaw na 'to. Mas nakakagana kasi kung may kasabay akong kakain. “Eating street food is not good for health,” Aniya. Napairap ako. “Hindi pala maganda sa kalusugan, bakit bumili ka pa?” I asked while eating. Bumuntong hininga siya. “Because you are begging my employee. You're like a kid asking for candy, you know?” napailing ito ng sabihin niya iyon. “Sa lagay na gusto ko ng inihaw e, bigla kasi akong nagutom.” “Didn't you eat ea
Camilla Point of ViewNapapikit ako ng tumama sa mukha ko ang malamig na simoy ng hangin. Nandito ako sa roof top sa rest house ni Akihiro sa Bacolod. Kaya pala sa private plane na niya piniling sumakay ay para hindi na hassle ang byahe. Kaya sa isang iglap nandito na kami, tanging kaming dalawa lamang ang narito. May caretaker naman dito sa resthouse niya kaso pinauwi muna ni Akihiro sa bahay ng mga ito. Nasa kusina siya habang nagpi-prepare ng tanghalian namin. Nagprisinta na nga akong magluluto kaso, ayaw niya. Siya raw ang mag-aasikaso sa akin habang nandito pa kami. Reyna niya raw ako dito sa resthouse niya. Kinilig naman ako dahil iyan na naman siya. Nagpapakilig na naman. Why naman 'di ba? Gusto ko nga habang buhay na niyang reyna e. “You're my king, you're my lover. I am yours, I am your queen.”“You're my king, you're my lover. I am yours, I am your queen.”Habang nakapikit ako, kumakanta ako.“You're good to sing huh?” napamulat ako ng aking mata nang may yumakap sa a
Isang mansyon na may mahabang hagdan ang aking nakikita. Dahil sa sobrang taas ng hagdan ay kulang na lamang matumba ako sa lula. Tirik na tirik ba naman ang araw at ito ay tumatama sa kulay ng mansyon. Nakatayo kaming dalawa ni Akihiro sa ibaba ng hagdan habang hinahayaan niya akong libutin nang paningin ang nasa paligid. “Sobrang yaman niyo talaga!” Akmang maglalakad na ako sa hagdan ng pigilan ako ni Akihiro. Kaya nagtataka ko itong nilingon. “Hindi pa ba tayo maglalakad?” ani ko. “Hindi tayo pupunta diyan,” tukoy niya sa mansyon. “Bakit? Dinala mo lang ba ako dito para pagmasdan sa malayo ang mansyon mo? Edi sana tumambay na lang ako sa resthouse mo,” masama ang loob na sabi ko. “Easy. Makakapasok ka rin d'yan mamaya, may pupuntahan pa tayo.” “Saan?” excited kong sabi. Siguro kakain kami sa isang resort? Tapos may isang buong lechon sa table namin. Bigla akong natakam sa pagkaing iniisip ko. Ano ka ba Camilla? Kakakain mo pa lang pero gutom ka na kaagad! Dinaig mo
Ibinaba ako ni Akihiro mula sa pagkakapasan sa balikat niya nang tumigil kami sa harapan ng isang bahay kubo. May matandang nag-aabang sa pinto at mukhang inaasahan na kami ay darating. Nakakamangha lang dahil kahit na kawayan lamang ang ginamit para makabuo ng isang barung-barong ay napakaganda pa rin. Marami rin ang nakatanim na halaman sa gilid ng kawayang bahay.“Nandito na kayo. Kayo'y pumasok,” anyaya ng matandang lalaki sa amin. Nagkatinginan kami ni Akihiro at sumenyas ito na pumasok na kami sa loob ng kawayang bahay. Tumango lang naman ako kahit puno ako ng pagtataka.“Pasensya na at hindi kami nakapaghanda ng Nanay Elly mo, Hijo.” Pinaupo ako ni Akihiro sa kawayang upuan ng makapasok kami sa loob. “It's okay, tay. Hindi ko naman nasabi sa inyo kaagad na darating ako dito sa Bacolod,” nanatili akong tahimik at hinahayaan lamang si Akihiro na magsalita. “Kumusta na pala? Matagal-tagal din noong huli mong punta dito ah?” nilingon ako ng matandang lalaki at ngumiti ito ng pag
THIRD PERSON POINT OF VIEWTahimik na hinalikan ni Akihiro ang noo ng dalaga bago pinagkatitigan ang maamong mukha nito. Babalik na siya ng Maynila upang dumalo sa mismo niyang kasal. Hindi pa dapat siya babalik sa Maynila kung hindi lang tumawag ang kaniyang ama na maagang gaganapin ang kasal nilang dalawa ni Christelle. Gustuhin man niyang magwala dahil under siya ng kaniyang ama ay hindi niya magawa.At ngayon babalik siya nang hindi kasama ang dalaga. “I'm sorry if I am leaving now, Love. Promise, I will back here after the wedding. ” Mahinang sambit ni Akihiro habang hindi inaalis ang paningin sa dalaga. Gumalaw ang dalaga at bumaluktot mula sa pagkakahiga.Huling sulyap ang ginawad ni Akihiro sa dalaga bago lumabas ng kuwarto at iniwan ang dalaga na mahimbing na natutulog. Sumakay siya sa luxury car na naghihintay sa tapat ng rest house niya. Maraming bodyguards ang pinadala ng ama niya upang sunduin siya sa Bacolod. Talagang sinisigurado ng ama na hindi siya makakatakas. Ma
Camilla Point of ViewHawak ko ang aking noo nang magising ako. Ang huling natatandaan ko ay tinakasan ko ang tauhan ni Akihiro sa resthouse niya kahapon, at ngayon nakabalik na ako sa Maynila. Hindi ako umuwi sa condo niya kahit na nandoon naman ang mga gamit ko. Para saan pa? Panigurado naman wala ro'n si Akihiro dahil honeymoon nila ng asawa niya. “Mabuti't gising ka na,” bungad sa akin ni Odessa. Nandito ako sa apartment niya, dito ako tumuloy. Broken ako, wala akong ganang pumasok sa opisina. Sa totoo lang nawawalan na ako ng gana magtrabaho sa kumpanya niya. Dapat siguro magresign na ako? “Bakit nandito ako sa kuwarto mo, Dessa? Hindi ba't nasa sala tayo?” tanong ko. Isinandal ko ang aking likod sa headboard ng kama nang makabangon ako mula sa pagkakahiga. Lumapit siya sa akin, at naupo sa gilid ng kama. “Hindi mo ba natatandaan?” Umiling ako. Wala akong ibang natatandaan, basta ang huling naalala ko kagabi, umiyak lang ako nang umiyak kasi ang sakit na ng dibdib ko. Sa s
Camilla Point of ViewBumaba ako sa tricycle na sinakyan ko patungo sa gusali kung saan ang condo ni Akihiro. Kukunin ko na ang mga gamit ko sa Condo niya, simula sa araw na ito. Kakalimutan ko na ang lahat, kakalimutan ko na ang mga nangyari sa pagitan naming dalawa. Akihiro is happy now, he already married. Kaagad akong pumasok sa gusali at nagtungo sa elevator. Pinindot ko ang palapag patungo sa condo ni Akihiro. Tamang desisyon naman siguro ito, kukunin ko lang naman ang mga gamit ko. Hindi ako magtatagal dahil sa totoo lang nakikitira lang naman ako. Kumbaga, sampid lang naman ako. Habang nasa elevator ako biglang nag- vibrate ang cellphone ko. Kaagad ko namang sinagot iyon ng makitang natawag si Odessa. “Hello, Dessa?” Napalayo ako ng bahagya nang bulyawan ako nito sa cellphone. “Bakit ka ba basta, basta umaalis ng apartment? Di ba sabi ko sa'yo sasama ako sa'yo riyan sa condo ng boss natin? Bakit hindi mo ako hinintay?” “Hindi mo naman kailangan sumama sa akin, Best. Kukuni
I woke up with all white around me. I wonder why two children are calling me "daddy". “Daddy!”“Daddy, please wake-up now.” “Mommy, is waiting for you.” I want to asked them… kung bakit pilit nila akong ginigising, kung gising naman talaga ako. I fucking hate this feeling… It's super weird. I'm still single. I don't have any children.Pero ngayon bakit may isang batang babae at batang lalaki ang nasa harapan ko?The boy looks like me. It's like me when I was young. And the little girl… ay hawig ng secretary. She looks like Camilla, my secretary. But why do they keep calling me dad? “Hey, kids. Come here, I have questions.” Sabi ko sa dalawang batang tumalikod sa 'kin at biglang tumakbo palayo sa 'kin. Tinawag ko sila, ngunit hindi nila ako naririnig. Nagpatuloy sila sa pagtakbo… Sa daan na puro puti lamang ang tanging nasa paligid. Hanggang sa hindi ko na sila makita. NAPAMULAT ako ng may humalik sa pisngi ko. And I saw my two kids in front of me. My daughter is smiling. Wh
—CAMILLA—Hawak-hawak ko ng mahigpit ang kamay ng lalaking mahal ko habang hindi matigil ang luha ko sa pagda usdos. Nakaupo ako sa wheelchair, dahil sobrang sariwa pa ng tahi ko. Na Cesarian ako ng hindi ko alam. Kung alam ko lang na, kambal pala ang nasa sinapupunan ko. Hindi ako matutulog noong gabing 'yon. Pero unexpected talaga ang nangyari. Nang malaman ko kay Odessa ang tungkol do'n, tila ba naglaho ang kaba't takot ko noong tumakas ako kila Brandon. Hanggang sa umabot kami sa gitna ng kakahuyan dahil kay Christelle. Ang saya ko. Pero makukumpleto yung saya na nararamdaman ko ngayon, kapag nagising na si Akihiro. Ang ama ng dalawa naming supling. Two days na siyang nakahiga sa kama. Two days na rin siyang walang malay.Ilang bag na rin ng dugo ang sinalin sa kaniya. Sobrang dami daw kasing dugo ang nawala sa katawan niya. Pero awa ng diyos, lumalaban si Akihiro. At alam kong lalaban siya para mabuhay dahil hindi pa niya nasisilayan ang anak namin. Noong oras na man
—Third Person—HALOS takbuhin na ng rescue team ang hallway ng ospital para lamang maisugod sa OR ang nag-aagaw buhay na lalaki. At walang iba kundi si Akihiro Smith. Kanina, sa gitna ng kakahuyan. Naabutan ng mga pulis ang baliw na si Christelle, na nakatulala. Habang nakatingin sa nakahandusay na lalaki. Umiiyak pa ito habang natatawa. Para bang wala ito sa tamang katinuan, at hindi nito makilala ang lalaking binaril niya sa tiyan. Dalawang bala ang tumagos sa tiyan ni Akihiro dahilan upang humandusay ito sa lupa habang umaagos ang sarili nitong dugo sa lupa at sa na tuyong dahon. “Ikaw kasi eh. Bakit ba kasi kamping kampi kayo sa babaeng 'yun? Eh hindi naman ako masama. Actually I'm perfect pa nga eh.” Saad ni Christelle habang blangko pa rin ang mukha nito. “Ginawa ko naman ang lahat. I'm successful woman, nasa akin na ang katangian na hanap mo, tapos sa isang sekretarya ka lang magkakagusto?” At habang wala ito sa katinuan, dinakip siya ng mga pulis. Doon nagising si Chr
—CAMILLA— Habang naglalakad kami palabas ng kakahuyan. Nararamdaman ko na ang sobrang pananakot ng tiyan ko. Sinabayan pa ng matinding pagkahingal. Nang tuluyan na kaming makaalis sa kakahuyan, bumungad sa amin ang mga tao na nakikiusisa sa nangyayari. May ambulansya din, pero ang una kong hinahanap ng paningin ko ay si Manang Fe. Kaso di ko makita si Manang Fe, sa mga taong nasa tabi ng kalsada. Na rescue na kaya si Manang Fe? Katanungan na namutawi sa isip ko. Grabe ang kabutihan na ginawa ni Manang Fe, para lang tulungan ako. Sa pagpapatuloy namin sa paglalakad, papunta sa mga taong nakikiusisa, do'n ko nakita si Odessa. Nakita rin niya kami, kaya naman sinalubong niya kami nang bakas ang pag-aalala sa mukha. Niyakap niya ko ng mahigpit at ilang saglit lang ay kumalas na rin ako ng yakap. Hinawakan niya ang dalawa kong kama at marahang pinisil. “Ikaw babae ka! Pinag-alala mo kaming lahat. Kamusta ka? Sinaktan ka ba ng babaeng 'yun?!” tanong ni Odessa.Umiling ako, “Okay
—THIRD PERSON—Sa gitna ng kakahuyan, hinihingal na napasandal si Camilla. Habang impit ang paghinga nito. Samantalang nasa likod lamang ng malaking puno ng Mahogany ang nagsisilbing harang para hindi magtagpo ang landas nilang dalawa ni Christelle. Dalawang magkakasunod na putok ng baril ang pinakawalan ni Christelle sa direksyon niya. Akala niya ay katapusan na niya, ngunit mabuti na lamang at hindi siya nadaplisan.“Lumabas ka na riyan, Camilla. Huwag mo na akong pahirapan pa!” natatawang sigaw ni Christelle. “O' sige na nga, hindi ako lalapit riyan sa punong pinagtataguan mo. Hihintayin kitang lumabas dyan… but there's have a time.” Dugtong pa nito. “Ten seconds ang ibibigay ko sa 'yo, at kapag nag-end na, kailangan mo ng lumabas diyan. Huwag mong pahintayin ang tulad ko, Camilla. Ubos na ang pasensya ko sa 'yo!” Litanya pa sa kaniya ni Christelle. “I'm counting now, Camilla…” “One.” “Two.” “Three.” Nakakatatlong bilang pa lamang si Christelle, ay tuluyan ng lumandas ang
—Third Person — “Oh my gosh! Naka live sila Camilla!” ani Odessa ng mag-open siya ng Facebook account.Kapapasok lang nila sa kotse ni Akihiro, balak nilang bumalik ulit sa bahay ng mga Smith. Wala kasing tao dito sa bahay ni Brandon… Ang sabi ng caretaker sa kanila ay lumipat na sa bagong bahay nito.…“What?”“Huh?” Itinapat ni Odessa sa dalawang lalaking kasama niya ang screen ng cellphone niya, para makita nila kung ang nasa live. Nasa driver seat si Akihiro at katabi naman niya si Lance, samantalang siya ay nasa back seat. “Nasa panganib ang kaibigan ko!” ani Odessa.“What the h*ll …” Bulalas ni Akihiro ng makita ang buntis niyang asawa sa live.Ang ekspresyon ng mukha nilang dalawa ni Lance ay parang hindi makapaniwala. Binawi ni Odessa ang cellphone niya, at tiningnan ang oras kung anong oras nagsimula ang live.“15 minutes ago na nang magsimula ang live.” Sambit niyang muli. Ngayon niya lang nabasa ang caption ng user na nag-live sa FB. “May isang babaeng may hawak
—CAMILLA—“Ahh!” Tili ko at nagkunwari akong namimilipit sa sakit. “Dalhin niyo ako sa ospital, maawa kayo.” Saad ko nang tawagin ni Manang Fe ang isa sa lalaking bantay na inutusan ni Brandon na bantayan ako. Hindi mawari ang ekspresyon ng mukha nito na makita akong nakaupo sa sahig. “Anong nangyari dito?” tanong nito kay Manang Fe.“Ah… nadulas si Ma'am— dalhin natin siya sa ospital, Isko.” kunwaring takot na saad ni Manang Fe. “Teka lang, Manang Fe. Hindi natin si Ma'am puwede dalhin sa ospital, mahigpit na inutos 'yun ni Sir Brandon.” Saad nito kay Manang. “P-pero 'yung anak ko— di ko na kaya,” ani ko. “Andoy, dalhin na natin siya sa ospital, ako na ang bahalang tumawag kay sir Brandon.” “Sigurado ka, Manang Fe? Tawagan mo muna si Sir, para makasigurado ako.” Suhestiyon nito habang ang tingin ay nasa akin. Nagkatinginan kami ni Manang Fe, saka lang niya naunawaan ang gusto kong iparating ng tumango ako. “Gustuhin ko man pero, huwag daw natin siyang tatawagan dahil may
—CAMILLA—“Nagpapanggap lang po kayo?” gulat na tanong ng katulong sa akin. Nahihiya naman akong tumango. Inalalayan ako nitong tumayo para makaupo sa gilid ng kama. Wala akong choice kundi magsabi ng totoo, tutal para namang mabait itong katulong. Susubukan ko na lang na…“Oo. Sorry kung ginawa ko iyon, akala ko kasi hindi ako papalpak.” Saad ko at napabuntong hininga. “Gusto ko lang naman na makaalis dito, tiyak na hinahanap na ako ng pamilya ko.” Naguguluhan naman ang naging ekspresyon ng katulong ni Brandon. “Kinidnap ka po ni Sir?” Tumango ako, “Ayaw ko sanang sabihin na obsessed siya sa 'kin, pero dahil sa ginawa niyang 'to…” “Kaso lang, kung tutulungan kita, hindi rin tayo makakalusot sa mga bodyguards ni sir Brandon. Lahat ng mga nandito sa bahay, binilinan ni sir na kahit anong mangyari, hindi ka puwedeng lumabas dito.” Paliwanag ng katulong sa 'kin. “Handa mo talaga akong tulungan?” “Ano pa nga ba po ang magagawa ko? Pati kung ipagpapatuloy ni Sir Brandon ito, mas la
—CAMILLA LOPEZ—NAGISING ako na ibang kuwarto ang bumungad sa 'kin. Ang interior design ng kuwartong ito ay kakaiba sa silid namin ni Akihiro. Biglang pumasok sa isipan ko ang nangyari kagabi. Nang mapagtanto ko na gumamit si Brandon ng pampatulog, napabangon ako sa kama. “Hindi ko alam kung ano ang nasa isip mo Brandon para gawin ito,” sambit ko. Lumapit ako sa pintuan at ng mahawakan ko ang doorknob, napagtanto ko na hindi ako makakalabas dahil naka-lock ito. Nag-umpisa akong kabahan at napalingon sa bintana. Mabilis akong nagtungo ro'n upang silipin ang labas. Pero nanlumo ako ng makita kong nasa ikatlong palapag ang kinalalagyan ko. Hindi ako makakatakas dito. Kung dadaan ako dito sa bintana, baka mapahamak pa ang nasa tiyan ko. Napalingon ako sa pinto, nang marinig ko ang pag-pihit ng doorknob. Hindi ako gumawa ng anumang hakbang nang makita ko kung sino ang taong nagbukas ng pinto. “Gising ka na pala. Eat now, Cam Pinagluto kita ng almusal,” unang bungad niya sa 'kin