Dehlia Remadavia“Are you excited?” tanong ni Lady Lay ka Rachelle habang inaabangan namin ang pagdating ni Rico.Nakatitig ako sa kanilang dalawa at nakita si Rachelle na excited na tumango. Nang tumingin ito sa akin, nginitian niya ako.Hindi ko magawang ngumiti sa kaniya pabalik.Pasimple akong tumabi kay Lady Lay. Masaang masaya ito. Inangat ko ang kamay ko para hawakan siya sa kamay niya ngunit nabigla yata siya dahil bigla niyang binawi sa akin ang kamay niya.Natigilan ako nang makita ang seryoso na tingin niya sa akin. Agad akong napahiya at sinabing, “pasensya na po.”Hindi siya nagsalita. Umalis nalang ako at pumunta sa likuran. Bumalik ulit ang sigla niya ng kausapin siya ni Rachelle. Nakakainis.Nang sinabi ng katulong na dumating na si Mr. Shein at mga anak nito, agad na naghanda si Rachelle.Kitang kita ang ngiti sa mukha niya.Unang tumambad sa amin ang kunot na noo ng mga lalaking Shein. Nakatingin ito kay Lady Lay na puno ng pagtataka.“SURPRISE!” Sabay na sabi ng dal
Dahil natuloy si Sico sa pag-alis kaya tuloy din kami ni Rico sa paglipat. Nakapag decide na ako na hindi na muna ako tutuloy sa pag-aaral at saka na matapos kong manganak.Natawa nga si ma’am Lay kasi kagaya niya noon ay ganoon rin ang ginawa ko.Handa na ang gamit namin, pababa na ako sa sala dala ang gamit ko nang magulat ako dahil nakita ko rin si ate Dehlia na nasa sala na dala ang gamit niya at para bang hinihintay kami.“Tara na Rachelle,” nakangiting sabi niya habang ako ay nagulantang at hindi alam ang sasabihin. Sasama siya sa amin ni Rico?“Sasama ka?”“Oo naman. Alangan namang iwan mo ‘ko dito e ikaw ang kapatid ko,” ang sabi niya.“Sweetheart,” rinig kong sabi ni Rico na pababa na sa hagdan.Gaya ko ay kumunot din ang noo niya kay ate Dehlia.“Bakit? May problema ba?” tanong ni ate.“A-Ano.. w-wala naman,” ang sabi ko nalang at hinarap si Rico.“Pwede namang sumama si ate hindi ba Rico? Para may makasama na rin ako kung nasa trabaho ka,” sabi ko. Napaisip naman si Rico at
Pagdating namin sa bahay, agad kaming naglinis tatlo dahil may konting alikabok na at mga dahon na nahulog sa lupa mula sa kahoy doon sa harapan at sa bakuran.Nasurpresa pa nga ako na marunong pala si Rico sa mga gawaing bahay. Siya ang nagwawalis habang ako naman ang nagpupunas sa mga alikabok.“Hindi ba naglilinis si Zeym at Sico dito?” reklamo niya.“Huwag ka na mag reklamo diyan at bilisan nalang natin maglinis,”“Isusumbong ko siya kay mama,” ani pa niya.Napailing nalang ako at binalikan ang ginagawa.Nang matapos ay nagluto ako ng kakainin namin.Tatlo kami ni ate Dehlia sa lamesa at kasama namin siya na tahimik na kumakain.Pero dahil katabi ko si Rico, sobrang underrated ng salitang tahimik.“Sweetheart, kasing sarap mo ito,” aniya sabay kain sa adobo na nasa tinidor niya. Para kaming sira na nagbubulong-bulungan dito.“Kumain ka na at puro kahalayan ang sinasabi mo,” sabi ko.“Kahalayan? Hindi naman ah,”Tumingin ako kay ate Dehlia. Nasa pagkain ang tingin niya pero alam k
Hindi ako pinansin ni ate matapos kong sabihin iyon. Nakakakonsensya pero dapat malaman niya.Hindi pwedeng aagawan niya ako ng pwesto kay Rico.Hindi ko rin alam bakit pero pag dating kay Rico ay lumalabas talaga ang pagkamadamot ko.Ayaw kong ibahagi si Rico sa iba. Akin siya. Amin siya ng anak niya.Nagkulong lang si ate sa kwarto at ako naman ay naglinis sa pwedeng malinisan kahit ang totoo ay malinis na ang buong bahay.Nang makauwi si Rico, agad kong nakita na ubos na ang laman ng lunchbox niya. Nilagay niya iyon sa lamesa.Tahimik lang ako. Pero deep inside, lumalipad na ang utak ko bakit naubos niya ang pabaon ni ate.Nakita ko naman si ate na lihim na ngumiti habang nakatingin sa lunchbox. Kumuyom ang kamao ko."Hey," malambing na sabi ni Rico.Yumakap siya sa akin at yumakap ako sa kaniya pabalik.Lahat nalang ng kakainin ni Rico ngayon araw ay galing kay ate dahil nakatulog ako bandang hapon at dumidilim na no'ng nagising.Hindi ako nakapagluto. Kaya ang mga nakahain sa me
“Oh, I’m sorry,” ang sabi ng kasama ni Rico.“Ayos lang,” sabi ko at tinignan si Rico.Nakatingin ito sa akin at kinuha ang kamay ko para ilapit sa kaniya. “She’s my girlfriend,” aniya.Kahit na walang ligawan na nangyari sa amin ay girlfriend pa rin ang pakilala niya.Napailing nalang ako at hinayaan siya. Mas mabuti iyon para malaman ng lahat na may ugnayan kaming dalawa.“Ang ganda naman pala ng girlfriend mo Rico. Kailan mo papakasalan?” natatawang sabi nang kaibigan niya.Ngumisi lang si Rico at ipinulupot ang kamay sa bewang ko.“Well… Engr. Gamolo, Rachelle Remadavia is already my wife..” Natatawang sabi ni Rico.Natawa rin ako at hinayaan siyang sabihin niyang ‘my wife’.“Akala ko ba girlfriend? Sabagay, sa ganiyan kaganda, dapat na talagang pinapakasalan,” natatawang sabi ni Engr. Gamolo.Tumingin ako kay ate Dehlia na nakatingin sa amin ng mariin. Kung hindi ba ako nagsalita kanina, hahayaan niyang mapagkamalan siyang asawa ni Rico?Hindi kami ganito ni ate pero hindi rin ka
“Mommy, talaga po bang lalaki ang anak ko?” tanong ko. Kasama ko ngayon si Doc Mia dahil kinidnap niya ako sa bahay.Hindi din naman uuwi si Rico dahil maraming ginagawa doon sa site. Isang linggo yata siyang out of town dahil sa mga meetings niya with the clients.“Oo naman. Look at the picture. May pochochoy..” Natawa ako sa turan ni Doc.Hindi alam ni Rico na inalam ko na ang gender ng bata. Sabi niya ay surprise daw pero hindi kami makapaghintay ng mama niya malaman ang gender kaya heto.Sorry Rico. Haha.“E sana po Mommy Mia, makuha ng anak namin ang mata ng papa at lolo niya,” nakangiting sabi ko. Gusto ko talaga ang asul nilang mata.“Possible din naman,” ang sagot niya.“Talaga?”Napahawak ako sa tiyan ko. Ay sana nga tapos gusto ko makuha niya ang mukha ko. Para naman sa akin magmana kasi ako nagpakahirap.“E kamusta na pala sa bahay niyo?” tanong ni Doc Mia.Naisip ko kaagad si ate at ang mga kilos at titig nito kay Rico. Ngumiti ako at umiling. Hindi ko sasabihin kita Doc a
“Ma, si Rico po?” tanong ko.Nasa isang bahay ako ng mga Shein. Dito ako dinala ni ma’am Lorelay.Nadatnan niya kasi na magkadikit ang labi ni ate at Rico. Hindi ko pa nakakausap silang dalawa matapos no’n.Naniniwala naman ako kay Rico na hindi niya sadya ang haIikang iyon pero ang ikinakagalit ng mama niya ay ang hindi nito pagtawag sa akin sa tatlong magkakasunod na araw.Nakita niya siguro na labis akong nag-aalala para kay Rico.“Hayaan mo siya Rachelle. Hindi ko tinotolerate ang ugali nilang ganiyan. It won’t hurt their pride kung mag text sila na busy sila. But what Rico did? Hindi siya nag text.”Napabuntong hininga ako. Nag-alala nga ako ng husto kay Rico nang hindi man lang ito ang text sa akin kahit isang beses. Hindi ko alam anong nangyari at bakit hindi niya nagawa.Mas lalo lang nagalit ang mama niya nang maabutan na magkadikit ang labi ng dalawa.“Kawawa po si Rico ma. 2 days na po siya sa labas,” sabi ko habang sumisilip sa bintana at naabutan ang ulo ni Rico na sumisi
Malalaki ang hakbang ko papasok sa bahay. Nakita ko si ate na nakaupo sa sala at tumatawa habang nanonood ng TV.“Mag-usap tayo ate,”Lumingon siya sa akin at nawala ang ngiti sa labi niya. Agad na nanlisik ang mata niya na ikisama ng timpla ng mukha ko.Siya pa ang may gana magalit? Talaga ba?“Ano? Sasaktan mo ‘ko? Kasalanan ko ba kung hinaIikan ako ni Rico?”Ngumisi ako ngunot kumuyom ang kamao ko sa ibaba. “Kapal mo! Asa ka namang hahaIikan ka ni Rico!”“Anong sabi mo?”“Huwag kang mag-assume na may interes si Rico sayu kasi kahit katiting ay wala. At akala mo ba hindi ko napapansin ang pasimpleng ginagawa mo sa kaniya?”Biglang nanlaki ang mata niya na agad niya ring ibinalik sa pagalit niyang mukha.“Ganiyan ka na ba katakot Rachelle at baka maagawa ko si Rico sayu?”Ano? Naririnig ba niya ang sarili niya?“Teka lang ate. Nananaginip ka yata ng gising. Huy, tingin mo naman papatulan ka ni Rico?”“Bakit? E ikaw nga pinatulan niya. Anong pinagkaiba natin?”Hindi ko alam na daratin