“Mommy, talaga po bang lalaki ang anak ko?” tanong ko. Kasama ko ngayon si Doc Mia dahil kinidnap niya ako sa bahay.Hindi din naman uuwi si Rico dahil maraming ginagawa doon sa site. Isang linggo yata siyang out of town dahil sa mga meetings niya with the clients.“Oo naman. Look at the picture. May pochochoy..” Natawa ako sa turan ni Doc.Hindi alam ni Rico na inalam ko na ang gender ng bata. Sabi niya ay surprise daw pero hindi kami makapaghintay ng mama niya malaman ang gender kaya heto.Sorry Rico. Haha.“E sana po Mommy Mia, makuha ng anak namin ang mata ng papa at lolo niya,” nakangiting sabi ko. Gusto ko talaga ang asul nilang mata.“Possible din naman,” ang sagot niya.“Talaga?”Napahawak ako sa tiyan ko. Ay sana nga tapos gusto ko makuha niya ang mukha ko. Para naman sa akin magmana kasi ako nagpakahirap.“E kamusta na pala sa bahay niyo?” tanong ni Doc Mia.Naisip ko kaagad si ate at ang mga kilos at titig nito kay Rico. Ngumiti ako at umiling. Hindi ko sasabihin kita Doc a
“Ma, si Rico po?” tanong ko.Nasa isang bahay ako ng mga Shein. Dito ako dinala ni ma’am Lorelay.Nadatnan niya kasi na magkadikit ang labi ni ate at Rico. Hindi ko pa nakakausap silang dalawa matapos no’n.Naniniwala naman ako kay Rico na hindi niya sadya ang haIikang iyon pero ang ikinakagalit ng mama niya ay ang hindi nito pagtawag sa akin sa tatlong magkakasunod na araw.Nakita niya siguro na labis akong nag-aalala para kay Rico.“Hayaan mo siya Rachelle. Hindi ko tinotolerate ang ugali nilang ganiyan. It won’t hurt their pride kung mag text sila na busy sila. But what Rico did? Hindi siya nag text.”Napabuntong hininga ako. Nag-alala nga ako ng husto kay Rico nang hindi man lang ito ang text sa akin kahit isang beses. Hindi ko alam anong nangyari at bakit hindi niya nagawa.Mas lalo lang nagalit ang mama niya nang maabutan na magkadikit ang labi ng dalawa.“Kawawa po si Rico ma. 2 days na po siya sa labas,” sabi ko habang sumisilip sa bintana at naabutan ang ulo ni Rico na sumisi
Malalaki ang hakbang ko papasok sa bahay. Nakita ko si ate na nakaupo sa sala at tumatawa habang nanonood ng TV.“Mag-usap tayo ate,”Lumingon siya sa akin at nawala ang ngiti sa labi niya. Agad na nanlisik ang mata niya na ikisama ng timpla ng mukha ko.Siya pa ang may gana magalit? Talaga ba?“Ano? Sasaktan mo ‘ko? Kasalanan ko ba kung hinaIikan ako ni Rico?”Ngumisi ako ngunot kumuyom ang kamao ko sa ibaba. “Kapal mo! Asa ka namang hahaIikan ka ni Rico!”“Anong sabi mo?”“Huwag kang mag-assume na may interes si Rico sayu kasi kahit katiting ay wala. At akala mo ba hindi ko napapansin ang pasimpleng ginagawa mo sa kaniya?”Biglang nanlaki ang mata niya na agad niya ring ibinalik sa pagalit niyang mukha.“Ganiyan ka na ba katakot Rachelle at baka maagawa ko si Rico sayu?”Ano? Naririnig ba niya ang sarili niya?“Teka lang ate. Nananaginip ka yata ng gising. Huy, tingin mo naman papatulan ka ni Rico?”“Bakit? E ikaw nga pinatulan niya. Anong pinagkaiba natin?”Hindi ko alam na daratin
“Rico, paabot ng raisins,” sabi ko dahil gumagawaa ako ng sandwich at kasama ko siya sa kusina.Wala siyang trabaho ngayon at mabuti naman wala dahil medyo nami-miss ko na rin siya.“Sweetheart, ayos lang ba sayu si Zeym?” tanong niya. Tumingin ako sa sala kasi naroon si Zeym nanonood ng TV.“Oo naman. Mald!ta lang ng konti,” natatawang sabi ko.Natawa rin siya at inabot sa akin ang raisins. “Kung saan pwede na tayong magsolo saka naman ako aalis,” aniya.Tumingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.“Maiiwan naman dito si mama. Hindi siya sasama ng Paradiso,” sabi niya sa akin agad.(Paradiso: Training ground of the Sheins; a sanctuary.)“Pwede ba akong makapasok doon?”“Pwede pero hindi pwede ngayon,” ang sabi niya. Tumango ako. Ano kayang istura ng paradiso?“Master Rico, Maddy is here!” Sigaw ni Zeym kaya sumimangot si Rico.Napailing ako.“Hi, Rachelle, at kuya kong pangit,” ang sabi niya at lumapit sa akin para haIikan ako sa pisngi.“You’re undergrad. Bakit ikaw ang pinapun
“Zeym, anong ginagawa mo diyan?” ang tanong ko kay Zeym. Napansin ko kasi ang pagbukas ng gripo sa banyo kaya pinuntahan ko siya.“Oh basa ang mukha mo,” sabi ko.“Naghilamos ako, malamang,” aniya at nilagpasan ako.“Kumain ka na?” sabi niya sa akin. Umiling ako.“What? Kumain ka na.. Ito naman. Ang tigas ng ulo mo,” aniya. Hindi ko alam kung naiirita ba siya sa akin o hindi. Pero sanay na ako sa ugali niya kaya ayos lang.Isang buwan na ang lumipas at wala na dito si Rico kasama ni kuya Carlitos. Umalis na sila papuntang Paradiso. May sakit kasi ang lolo nila kaya kailangan nila itong dalawin.Kami lang ni Zeym ang naiwan dahil si ma’am Lay ay may ginagawa pa at hindi pa siya makakapunta dito.Pero sabi ni Doc Mia ay kailangan ko ng pumunta ng hospital at doon nalang hintayin ang pagputok ng panubigan ko.“Uuwi si Rico,” sabi ni Zeym.“Kakaalis pa nga lang nila,” natatawang sabi ko.“Isang linggo na siya sa Paradiso. Pwede naman siyang umuwi kapag tapos na ang ginagawa niya doon.”Hi
Nagkagulo na sa hospital. Nagtuloy tuloy ako sa paglabas kahit nanghihina ako.Iyong anak ko kasi, kailangan kong makita.Habol ko ang hininga nang maanigan ko si PJ na pumasok sa isang pintuan.May hawak siyang sanggol. Malakas ang kutob ko na anak ko iyon.Pinilit kong ihakbang ang paa ko. Nagmamadali akong sundan siya, hindi alintana ang sakit sa sugat buhat sa panganganak."PJ..." Mahinang sabi ko habang sinusundan siya.Paglabas ko ng pintuan, nakita ko siya naglakad palayo ng hospital. Kinain ng takot ang puso ko.Kukunin ko ang anak ko sa kaniya.Nagmadali ako. Tinawag ko siya ngunit hindi niya narinig ang boses ko.Halos hindi ko na maihakbang ang mga paa ko. Nawala na si PJ sa paningin ko.Nawawalan na ako ng pag-asa. Naiiyak ako sa kawalang pag-asa ngunit bigla siyang bumalik.Hindi pa rin niya ako nakikita. Hindi niya ako napapansin.Sobrang layo na niya sa akin pero kitang kita ko siya. Nakita kong binigay niya ang anak ko sa isang pulubi at agad na tumakbo. Nakita ko ang
"Bakit kilala mo si mama?" gulat na tanong ko sa kaniya.Tinignan niya ako. "Huwag mo ng alamin," iyon ang sabi niya. Pero hindi ako mapakali. Bakit niya kilala si mama?Anong ugnayan niya kay mama? Hindi. Gusto kong malaman. Pero nagsimulang umiyak si Timber kaya tumayo siya at binigay sa akin ang bata."Babalikan kita dito mamayang gabi. Isang malaking pagkakamali na nandoon ka at nasama sa pagdukot pero masaya ako at nakilala kita," ang sabi niya sa akin.Hindi ko alam bakit pero iyong mata niya ay puno ng emotion. Para bang kilala niya ako. Naguhuluhan tuloy ako. Sino ba itong Lando na ito? Lumabas siya ng kwarto niya at naiwan kami ng anak ko sa loob. Sa tingin ko ay soundproof ang kwarto niya.Kaya kahit umiyak si Timber ay hindi naririnig ng mga tao sa ibaba ang iyak niya.Umupo ako sa kama. Sino si Lando sa buhay ni mama? Bakit niya kami tinutulungan? Paano niya nakilala si mama?Mga bagay na naglalaro sa utak ko.At bakit niya niligpit ang mga tauhan niyang dumakip sa akin
LANDO REMADAVIA (3RD POV)“Ayoko mama,” umiiyak na sabi ng batang si Lando habang kasama niya ang mama niyang si Delilah.“Lando, hindi pwede. Kailangan mong umalis. Hindi kita kayang buhayin anak.”Umiling siya. “Ayaw ko po ma,. Sa inyo lang ako kasama niyo ni Rachelle at Dehlia.” Pagmamakaawa ng batang si Lando.“Lando!” Nawawalan ng pasensya na sabi ni Delilah sa anak niyang panganay.“Lando, hindi kita kayang paaralin anak. Isang kaladkarin ang mama mo. Isa akong pokpok. Hindi mo ba naiintindihan yun ha? Iyong kinikita ko sa bar, hindi sapat para matustusan ang pangangalangan niyo. Hindi ba nabu-bully ka na dahil kay mama?”Ang kinse anyos na si Lando ay naiintindihan na ang sitwasyon. Isang pokpok si Delilah kaya iba-iba ang ama ng mga anak niya.Si Lando ang panganay niyang anak ngunit hindi na niya kaya itong buhayin kaya gusto niya itong ibigay sa totoong ama nito na dati niyang customer.Si Dehlia ay anim na taong gulang na habang apat si Rachelle.“Mama, hindi ko po kilala s