LANDO REMADAVIA (3RD POV)“Ayoko mama,” umiiyak na sabi ng batang si Lando habang kasama niya ang mama niyang si Delilah.“Lando, hindi pwede. Kailangan mong umalis. Hindi kita kayang buhayin anak.”Umiling siya. “Ayaw ko po ma,. Sa inyo lang ako kasama niyo ni Rachelle at Dehlia.” Pagmamakaawa ng batang si Lando.“Lando!” Nawawalan ng pasensya na sabi ni Delilah sa anak niyang panganay.“Lando, hindi kita kayang paaralin anak. Isang kaladkarin ang mama mo. Isa akong pokpok. Hindi mo ba naiintindihan yun ha? Iyong kinikita ko sa bar, hindi sapat para matustusan ang pangangalangan niyo. Hindi ba nabu-bully ka na dahil kay mama?”Ang kinse anyos na si Lando ay naiintindihan na ang sitwasyon. Isang pokpok si Delilah kaya iba-iba ang ama ng mga anak niya.Si Lando ang panganay niyang anak ngunit hindi na niya kaya itong buhayin kaya gusto niya itong ibigay sa totoong ama nito na dati niyang customer.Si Dehlia ay anim na taong gulang na habang apat si Rachelle.“Mama, hindi ko po kilala s
“Ano ka ba naman. Hindi ganiyan paliguan ang bata. Hindi mo siya dapat basahin. Punasan mo lang,” sabi ko na kunot ang noo.“Sabi mo paliguan,” kinakabahang sabi niya.“Yeah but that’s not the—argh! Hindi ka ba tinuruan? Tabi. Ako na!”Gumilid naman siya. She’s really my sister. Rachelle is intelligent but sometimes dumb. Kahit no’ng bata pa kami. Pero napakalambing niya at medyo selosa.Tanda ko pa noon na ipinagdadamot niya ako kay Dehlia.Dehlia on the other hand ay maigsi ang pasensya. Laging mainit ang ulo niya sa bunso namin kaya napapagalitan ko. Syempre, bunso kaya si Rachelle ang madalas na kakampihan ko. Hindi ko tuloy alam kung may tampo pa ba sa akin si Dehlia.Nag-asawa na rin ba kaya yun?“There.. gently wipe his skin. Hindi yung bubuhusan mo siya ng tubig.”Agad naman siyang tumango. Tumabi ako, “oh ikaw na magpatuloy. Bilisan mo lang,” sabi ko.Tumango siya. Matapos niyang paliguan ang anak niya, binalot niya ito sa lampin na binili ko.Suot na niya ngayon ang kwintas
Lyrico Shein (3rd POV)“You need to rest. Tinatrack na natin ang van na dumukot sa kaniya.”“Pa, 3 days na ang lumipas but there’s no news.”Halos hindi na mapakali si Rico. Hindi niya alam kung anong gagawin. Pabalik na siya ng hospital nung tumawag si Zeym para ibalita sa kaniya na nawawala si Rachelle at ang anak nila.Nang madakip si PJ, napag-alaman na ang batang nakuha ni Zeym ay ang anak pala ni Dehlia.Hindi niya pinadala si PJ sa mga pulis. Kinuha niya ito at dinala sa teritoryo nila ng mga Shein.Tumayo si Rico.“Rico, saan ka pupunta?” hindi nakinig si Rico sa papa niya. Nagtuloy-tuloy siya sa pagpunta ng basement kung saan nila ikinulong si PJ.Binuksan niya ang selda at malakas na tindayakan si PJ na halos hindi na humihinga. Halos napuno ng sugat ang katawan.Naliligo na rin ng sariling dugo.“KASALANAN MO TONG HAYOP KA! PAPATAYIN KITA!” Sigaw ni Rico.“RICO!” Hinawakan ni Mr. Shein ang anak dahil halos hindi na humihinga si PJ buhat sa walang sawa na pambubogbog ni Ric
LYRICO SHEIN“What happened?” I asked Zeym when Sico notified me about the news.“Master Rico, someone sent me these..” pinakita niya sa akin ang monitor at nakita ko ang mga litrato ni Rachelle kasama ng anak ko.Napasinghap si mama sa tabi. “They are fine,” ang sabi ni uncle Lee sa tabi ko.“It looks like wala sila sa kapahamakan,” dagdag ni uncle Rich.“No, uncle. They are in danger. Isa itong sindikato na gumagawa ng human trafficking.” Sabi ni Zeym.“But based on the picture, Rachelle and master Rico’s child are in safe place,” dagdag niya. “Unlike sa mga taong kinidnap gaya nito,” dagdag ni Zeym sabay pakita sa isang selda na puno ng mga tao na kinidnap no’ng sindikato.“Sinong nagsend niyan?” tanong ni papa.“Can’t locate the informant tito.. Pero sinend niya ang impormasyon ni Garzon. Ang General Surgeon at kasalukyang director sa Hambaleches Hospital. Para bang ayaw niyang malocate natin siya.”“A surgeon? Isang doctor ang lider ng sindikatong yan?” tanong ni papa. Tumango si
Rachelle RemadaviaMatapos doon sa maliit na barko, inilipat kami sa isang malaking barko na siyang magdadala sa amin sa Spain.Kasali kami sa mga pulubi na malilipat sa malaking barko. Isinama ako ni Mang Fe sa deck na tutuluyan niya. Ang totoo ay kasama sana siya sa pagpunta ng Spain ngunit ang sinabi niya ay ako na raw ang bahalang pumalit sa kaniya.Naging delivery woman pa ako sa human trafficking na ito.Nagpaiwan si Mang Fe at babalik na siya kay Garzon.Kaharap ko ngayon itong mga manyak na puti na nagsimula ng manghila ng mga kinidnap nina Lando para gawin nilang parausan. Naaawa ako pero pinili kong ipikit ang mata ko para sa kaligtasan ng anak ko.Hindi ako pwedeng makialam.Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila pero alam kong ako ang pinag-uusapan nila.May lumapit sa akin na isang lalaki. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.“My workmates are wondering if Garzon mistakenly put you here for this transaction. Are you his man?” tinutukoy niya siguro kung nagta-trabaho
Hindi ko maintindihan itong si Henry at Lando, ang gaganda ng bahay pero bakit sangkot sa mga illegal na Gawain gaya ng sindikato?Nalula ako sa bahay ni Henry nang makapasok kami. Ang laki na tingin ko ay para ng 5 star hotel.“Is this really your house?” takang tanong ko.“Yeah. Why?” sabi niya habang may tinatawagan sa phone niya.Tumingin ako sa anak ko. Kung saan saan na kami nakarating ni Timber.“Look anak.. ang ganda ng bahay,”Hindi ako makapaniwala na nasa isa kaming magandang bahay kagaya nito.“Wow!” Hindi ko na yata mabilang ilang wow na ang nasabi ko.Nilapitan ako ng mga katulong kaya agad akong nataranta. “Henry!” Tawag ko kay Henry.“They won’t harm you,” aniya kaya kumalma ako.Iginiya nila ako paakyat sa taas ng hagdan para makapagpahinga kami ng anak ko.Natatawa ako kay Timber dahil nagkagulo na’t lahat, tulog na tulog pa rin siya.Dahil hindi naman kami nagkakaintindihan ng mga katulong dito, hindi nila ako kinakausap. Matapos nila akog ihatid, dinalhan nila ako
“Goods then,” ang sabi ni kuya.“Sino ang papa ko?” tanong ko sa kaniya. Gusto ko malaman kahit ang pangalan niya.“Luis. Ang alam kong pangalan niya ay Luis Marino.”Luis Marino?“Tanda ko pa dati na mabait ang papa mo. Mahal na mahal niya si mama ngunit naghiwalay sila dahil sa papa ni Dehlia.”Hindi ko alam may ganoon palang nangyayari sa buhay ni mama.“No’ng maghiwalay sila, saka lang nalaman ni mama na pinagdadalang tao ka niya ngunit wala na ang papa mo. Nakauwi na ng Spain.”Tumango ako sa sinabi niya. Saka ko nalang uusisain ang lovestory ng mama at papa ko kung makaharap ko na si mama.“Sana mahanap natin siya,” ang sabi ko nalang.--------------------Humiram ako ng cellphone ni Henry para maki log in sa social media account ko.Chinat ko si Rico na sana at makita niya lalo’t hindi na yun naglalagi sa social media account niya mula no’ng umuwi siya galing Spain.Sinabi ko sa kaniya na ligtas kami ni Timber at hindi pa kami makakauwi ng Pinas. Nilagay ko rin ang address doon
“Wala ako mahanap na talaga about this Luis Maligno!”“Marino!”“Mari-no-,” ulit ni Henry. “So iyon nga. There’s no sign of Luis Maligno in the database!” inis na binaba ni Henry ang kamay niya sa keyboard.“Isa pang maligno mo diyan at masasapak na kita!” Sabi ni kuya sa nakabusangot na ngayon na mukha ni Henry.Busy si kuya sa pagkalkal din sa laptop niya.Pakiramdam ko nga ay ako lang bobo dito dahil para palang mga nerd to sila at nasa computer lang talaga sila nakaharap.Inilingan ko nalang sila. Tinignan ko ang anak ko na nakatingin sa akin. 3 months na siya at tatawa-tawa habang nakatingin sa akin.Nakakaya na niyang buhatin at kontrolin ang ulo niya at nagagalaw na niya ang kamay niya.Mabuti at nandito si kuya, hindi ako masiyadong nahihirapan sa bata.Kamusta na kaya si Rico sa Pinas? Inabot na kami ng halos apat na buwan dito pero wala pa ring Rico na nagpakita.Kung pwede ko lang sana siyang e chat ulit sa kahit anong social medi platforms ay ginawa ko na pero--“Kuya,” ta