“Goods then,” ang sabi ni kuya.“Sino ang papa ko?” tanong ko sa kaniya. Gusto ko malaman kahit ang pangalan niya.“Luis. Ang alam kong pangalan niya ay Luis Marino.”Luis Marino?“Tanda ko pa dati na mabait ang papa mo. Mahal na mahal niya si mama ngunit naghiwalay sila dahil sa papa ni Dehlia.”Hindi ko alam may ganoon palang nangyayari sa buhay ni mama.“No’ng maghiwalay sila, saka lang nalaman ni mama na pinagdadalang tao ka niya ngunit wala na ang papa mo. Nakauwi na ng Spain.”Tumango ako sa sinabi niya. Saka ko nalang uusisain ang lovestory ng mama at papa ko kung makaharap ko na si mama.“Sana mahanap natin siya,” ang sabi ko nalang.--------------------Humiram ako ng cellphone ni Henry para maki log in sa social media account ko.Chinat ko si Rico na sana at makita niya lalo’t hindi na yun naglalagi sa social media account niya mula no’ng umuwi siya galing Spain.Sinabi ko sa kaniya na ligtas kami ni Timber at hindi pa kami makakauwi ng Pinas. Nilagay ko rin ang address doon
“Wala ako mahanap na talaga about this Luis Maligno!”“Marino!”“Mari-no-,” ulit ni Henry. “So iyon nga. There’s no sign of Luis Maligno in the database!” inis na binaba ni Henry ang kamay niya sa keyboard.“Isa pang maligno mo diyan at masasapak na kita!” Sabi ni kuya sa nakabusangot na ngayon na mukha ni Henry.Busy si kuya sa pagkalkal din sa laptop niya.Pakiramdam ko nga ay ako lang bobo dito dahil para palang mga nerd to sila at nasa computer lang talaga sila nakaharap.Inilingan ko nalang sila. Tinignan ko ang anak ko na nakatingin sa akin. 3 months na siya at tatawa-tawa habang nakatingin sa akin.Nakakaya na niyang buhatin at kontrolin ang ulo niya at nagagalaw na niya ang kamay niya.Mabuti at nandito si kuya, hindi ako masiyadong nahihirapan sa bata.Kamusta na kaya si Rico sa Pinas? Inabot na kami ng halos apat na buwan dito pero wala pa ring Rico na nagpakita.Kung pwede ko lang sana siyang e chat ulit sa kahit anong social medi platforms ay ginawa ko na pero--“Kuya,” ta
Nasa harapan kami ng isang bahay ngayon. Mansion to be exact. Kasama ko si Henry at naiwan si kuya sa bahay kasama ni Timber.“Rachelle?” tawag ni kuya mula sa earpiece na suot ko.“Nandito na kami,” sabi ko kay kuya Lando.“Alright,” aniya. Natawa ako nang marinig sa kabilang linya ang tawa ng anak ko.“Are you ready Rachelle?” tanong ni Henry sa tabi ko. Tumango ako.Pagbukas ng gate, isang mala palasyo na disensyo ang namataan ko sa loob. Halos malaglag ang panga ko sa sobrang laki ng bahay.“Henry, dito ba talaga nakatira ang papa ko?” tanong ko sa kaniya.“Yeah..”“Baka namali ka lang?” takang tanong ko.“Actually, no. No wonder when I first saw you, I was like, ‘you’re kinda familiar..” Natatawang sabi niya. “And yes, you’re pretty rich, Rachelle.”“Baka mamaya palayasin tayo dito,”“No. Your father is a good man and he knew very well how to speak your language. I met him a lot of times and he knew that we’re coming,” sabi niya.Kinakabahan ako e. Pero dahil sabi naman niya na a
“Papa ni Eli,” ang nasabi ko bigla dahilan para harapin ako ni Henry.“Eli? Elizabeth? You met her?” nagtatakang tanong ni Henry.Tumango ako.“Really? Well yeah. That’s her dad and that’s what makes you half-sister. I guess?”Pababa pa lang sina Butler Noli habang sinasabi yun ni Henry.Kaya agad kong hinarap si Henry.“P-Paano mo nakilala ang papa ko? Teka- bakit hindi mo sinabi na Luis Marin pala ang pangalan ng totoo kong ama?“You didn’t ask. Only Lando,” kunot noong sagot niya.“Sinong kasama ni Rachelle?” boses ni Rico. Nagtataka na siguro siya sinong kausap ko.“My friend, Henry..” Sagot ni kuya.Biglang my bodyguards ang lumapit sa amin ni Henry at kinuha ang earpiece sa amin.“Teka-Hindi ko na natuloy ang sasabihin ng sirain nila ang earpiece sa harapan namin.“For safety purposes,” nakangiting sabi ni Butler Noli sa amin.Nasa harapan ko ang sinasabi nilang papa ko.Ngayon, alam ko na saan ako nagmana. Sa kaniya. Dahil mas hawig kami.“Pwede ba akong makahingi ng isang yak
Habang inaayusan ako ng katulong, biglang pumasok ng kwarto si Eli. Malalaki ang hakbang niya at sa itsura ay para na siyang sasabog.Bigla niyang hinablot ang braso ko at malakas akong sinampal.“Ayos akong umalis sa mga Shein, Rachelle, nagpaubaya na ako sayo pero hindi ako papayag na pati sa papa at yaman ko ay makikipag kompetensya ka!”Nakagat ko ng mariin ang labi ko. Bakit ba ang malas ko sa mga ate?“Hindi ako makikipagkompetensya sayo sa yaman, Eli. Hindi ko naman alam na papa ko pala ang papa mo.”Agad niya akong sinampal.“Don’t call my dad, papa dahil hindi ko matatanggap na anak ka niya!”“Tama na yan, senyorita!” Biglang pumasok Butler Noli.“No, Noli. This girl plans to steal everything from me!”Umiling ako kasi hindi yun totoo.“Eli, makinig ka naman. Wala akong balak na agawin sayo si papa. Wala naman akong balak sa yaman niyo. Ang mahalaga lang naman sa akin ay si Rico at ang anak namin.” Naluluhang sabi ko.“Sinungaling ka!”Akmang lalapitan na naman ako ni Eli nan
May beard siya at straight lang ang paningin sa harapan. Para bang hindi niya ako kilala.“You stay in your room,” ang bulong ni manang. At sa bulong nay un, pakiramdam ko ay may gusto siyang ipahiwatig kaya tumayo ako.Tumango ako at tumingin pa ulit sa gawi ni Rico.“Please bring the heiress to her room,” sabi ni manang sa bodyguard at ang itinuro niya ay si Rico. Alam ba ni manang na may ugnayan kami ni Rico?Walang sali-salita na lumapit si Rico sa’kin. Nasa unahan niya ako at nasa likuran siya. Pinapakiramdaman ko siya. Nakatingin sa amin ang lahat ng bodyguards.Nang makapasok ako sa kwarto, sumunod siya agad.“Rico—Malalaki ang hakbang niyang lumapit sa akin matapos niyang e lock ang pintuan. Agad niya akong niyakap.Umiyak na ako sa pagkakataong ito.“Rico. Natakot ako. Akala ko hindi na makakalabas dito.”“Shh.. We need to get out of here, sweetheart.”“Si Timber? Yung anak natin?”“Na kay mama. Nasa Pinas na.”“Ano? Bakit?”“I’ll explain everything when we get out of here a
Rachelle Remadavia“Underground tunnel?” takang tanong ko kay Rico.“Kahit ako nagulat..” Ang sabi ni Rico habang hawak ang kamay ko at umaabante na palabas ng tunnel na ito. Madilim at halos nangangapa kami ni Rico sa tinatakbuhan namin.Nang biglang may liwanag na tumutok sa amin.“Dito tayo,” medyo nagulat pa ako nang namataan ko si manang na nasa unahan.“Manang, ano pong ginagawa niyo dito?” takang tanong ko.“Tinutulungan ko po kayong makaalis dito Miss Raachelle,” aniya.“Ikaw ba si Teresita na sinasabi ni Butler Noli?” tanong ni Rico.“Opo. Ako nga. Bilisan niyo na bago pa makatunog ang mga bantay na wala na si Ms. Rachelle sa kwarto niya.”Sinundan namin si manang na papalabas ng underground tunnel na ito. Sa mga kilos at galaw niya ay parang alam niya talaga ang buong lugar na ito.Medyo malayo layo ang dinaanan namin at sobrang baho pa.Sa isang drainage entrance kami nakalabas. Si Rico pa nagbukas non at nasa tabi ko si manang na Teresita pala ang pangalan.Inakyat kami ni
Pagkadating namin sa airport, naroon na si Butler Noli. Nagulat pa nga ako nang makita ko siya doon na nakatayo at parang naghihintay sa amin.Bahagya pa siyang yumuko.“Mabuti at ang napili ng tagapagmana ay isang Shein,” nakangiting sabi niya. Ngumiti rin si Teresita.“Rachelle,” napatingin ako kay Henry.“Kindly tell my best friend na mamimiss ko siya,” nagulat ako at nagtaka.“Bakit? Please come with us,”Ngumiti siya at umiling. “My life is in Spain.. I cannot leave here.”“What? Why? You can start your life in the Philippines..”Ngumiti siya at lumapit sa akin pero humarang si Rico.Tumawa si Henry. “I am aware that she’s yours. Don’t worry,”Saka pa gumilid si Rico pero ramdam kong nakatitig siya kay Henry. Oo nga pala, hindi niya kilala si Henry.“See you when I see you princess,” bulong niya at niyakap ako.Nalulungkot ako. Malaki ang utang na loob ko kay Henry. Kung hindi dahil sa kaniya baka napahamak na kami ng anak ko. Baka nga patay na kami.“Salamat sa lahat Henry,” sab