Hindi ako pinansin ni ate matapos kong sabihin iyon. Nakakakonsensya pero dapat malaman niya.Hindi pwedeng aagawan niya ako ng pwesto kay Rico.Hindi ko rin alam bakit pero pag dating kay Rico ay lumalabas talaga ang pagkamadamot ko.Ayaw kong ibahagi si Rico sa iba. Akin siya. Amin siya ng anak niya.Nagkulong lang si ate sa kwarto at ako naman ay naglinis sa pwedeng malinisan kahit ang totoo ay malinis na ang buong bahay.Nang makauwi si Rico, agad kong nakita na ubos na ang laman ng lunchbox niya. Nilagay niya iyon sa lamesa.Tahimik lang ako. Pero deep inside, lumalipad na ang utak ko bakit naubos niya ang pabaon ni ate.Nakita ko naman si ate na lihim na ngumiti habang nakatingin sa lunchbox. Kumuyom ang kamao ko."Hey," malambing na sabi ni Rico.Yumakap siya sa akin at yumakap ako sa kaniya pabalik.Lahat nalang ng kakainin ni Rico ngayon araw ay galing kay ate dahil nakatulog ako bandang hapon at dumidilim na no'ng nagising.Hindi ako nakapagluto. Kaya ang mga nakahain sa me
“Oh, I’m sorry,” ang sabi ng kasama ni Rico.“Ayos lang,” sabi ko at tinignan si Rico.Nakatingin ito sa akin at kinuha ang kamay ko para ilapit sa kaniya. “She’s my girlfriend,” aniya.Kahit na walang ligawan na nangyari sa amin ay girlfriend pa rin ang pakilala niya.Napailing nalang ako at hinayaan siya. Mas mabuti iyon para malaman ng lahat na may ugnayan kaming dalawa.“Ang ganda naman pala ng girlfriend mo Rico. Kailan mo papakasalan?” natatawang sabi nang kaibigan niya.Ngumisi lang si Rico at ipinulupot ang kamay sa bewang ko.“Well… Engr. Gamolo, Rachelle Remadavia is already my wife..” Natatawang sabi ni Rico.Natawa rin ako at hinayaan siyang sabihin niyang ‘my wife’.“Akala ko ba girlfriend? Sabagay, sa ganiyan kaganda, dapat na talagang pinapakasalan,” natatawang sabi ni Engr. Gamolo.Tumingin ako kay ate Dehlia na nakatingin sa amin ng mariin. Kung hindi ba ako nagsalita kanina, hahayaan niyang mapagkamalan siyang asawa ni Rico?Hindi kami ganito ni ate pero hindi rin ka
“Mommy, talaga po bang lalaki ang anak ko?” tanong ko. Kasama ko ngayon si Doc Mia dahil kinidnap niya ako sa bahay.Hindi din naman uuwi si Rico dahil maraming ginagawa doon sa site. Isang linggo yata siyang out of town dahil sa mga meetings niya with the clients.“Oo naman. Look at the picture. May pochochoy..” Natawa ako sa turan ni Doc.Hindi alam ni Rico na inalam ko na ang gender ng bata. Sabi niya ay surprise daw pero hindi kami makapaghintay ng mama niya malaman ang gender kaya heto.Sorry Rico. Haha.“E sana po Mommy Mia, makuha ng anak namin ang mata ng papa at lolo niya,” nakangiting sabi ko. Gusto ko talaga ang asul nilang mata.“Possible din naman,” ang sagot niya.“Talaga?”Napahawak ako sa tiyan ko. Ay sana nga tapos gusto ko makuha niya ang mukha ko. Para naman sa akin magmana kasi ako nagpakahirap.“E kamusta na pala sa bahay niyo?” tanong ni Doc Mia.Naisip ko kaagad si ate at ang mga kilos at titig nito kay Rico. Ngumiti ako at umiling. Hindi ko sasabihin kita Doc a
“Ma, si Rico po?” tanong ko.Nasa isang bahay ako ng mga Shein. Dito ako dinala ni ma’am Lorelay.Nadatnan niya kasi na magkadikit ang labi ni ate at Rico. Hindi ko pa nakakausap silang dalawa matapos no’n.Naniniwala naman ako kay Rico na hindi niya sadya ang haIikang iyon pero ang ikinakagalit ng mama niya ay ang hindi nito pagtawag sa akin sa tatlong magkakasunod na araw.Nakita niya siguro na labis akong nag-aalala para kay Rico.“Hayaan mo siya Rachelle. Hindi ko tinotolerate ang ugali nilang ganiyan. It won’t hurt their pride kung mag text sila na busy sila. But what Rico did? Hindi siya nag text.”Napabuntong hininga ako. Nag-alala nga ako ng husto kay Rico nang hindi man lang ito ang text sa akin kahit isang beses. Hindi ko alam anong nangyari at bakit hindi niya nagawa.Mas lalo lang nagalit ang mama niya nang maabutan na magkadikit ang labi ng dalawa.“Kawawa po si Rico ma. 2 days na po siya sa labas,” sabi ko habang sumisilip sa bintana at naabutan ang ulo ni Rico na sumisi
Malalaki ang hakbang ko papasok sa bahay. Nakita ko si ate na nakaupo sa sala at tumatawa habang nanonood ng TV.“Mag-usap tayo ate,”Lumingon siya sa akin at nawala ang ngiti sa labi niya. Agad na nanlisik ang mata niya na ikisama ng timpla ng mukha ko.Siya pa ang may gana magalit? Talaga ba?“Ano? Sasaktan mo ‘ko? Kasalanan ko ba kung hinaIikan ako ni Rico?”Ngumisi ako ngunot kumuyom ang kamao ko sa ibaba. “Kapal mo! Asa ka namang hahaIikan ka ni Rico!”“Anong sabi mo?”“Huwag kang mag-assume na may interes si Rico sayu kasi kahit katiting ay wala. At akala mo ba hindi ko napapansin ang pasimpleng ginagawa mo sa kaniya?”Biglang nanlaki ang mata niya na agad niya ring ibinalik sa pagalit niyang mukha.“Ganiyan ka na ba katakot Rachelle at baka maagawa ko si Rico sayu?”Ano? Naririnig ba niya ang sarili niya?“Teka lang ate. Nananaginip ka yata ng gising. Huy, tingin mo naman papatulan ka ni Rico?”“Bakit? E ikaw nga pinatulan niya. Anong pinagkaiba natin?”Hindi ko alam na daratin
“Rico, paabot ng raisins,” sabi ko dahil gumagawaa ako ng sandwich at kasama ko siya sa kusina.Wala siyang trabaho ngayon at mabuti naman wala dahil medyo nami-miss ko na rin siya.“Sweetheart, ayos lang ba sayu si Zeym?” tanong niya. Tumingin ako sa sala kasi naroon si Zeym nanonood ng TV.“Oo naman. Mald!ta lang ng konti,” natatawang sabi ko.Natawa rin siya at inabot sa akin ang raisins. “Kung saan pwede na tayong magsolo saka naman ako aalis,” aniya.Tumingin ako sa kaniya at tinaasan siya ng kilay.“Maiiwan naman dito si mama. Hindi siya sasama ng Paradiso,” sabi niya sa akin agad.(Paradiso: Training ground of the Sheins; a sanctuary.)“Pwede ba akong makapasok doon?”“Pwede pero hindi pwede ngayon,” ang sabi niya. Tumango ako. Ano kayang istura ng paradiso?“Master Rico, Maddy is here!” Sigaw ni Zeym kaya sumimangot si Rico.Napailing ako.“Hi, Rachelle, at kuya kong pangit,” ang sabi niya at lumapit sa akin para haIikan ako sa pisngi.“You’re undergrad. Bakit ikaw ang pinapun
“Zeym, anong ginagawa mo diyan?” ang tanong ko kay Zeym. Napansin ko kasi ang pagbukas ng gripo sa banyo kaya pinuntahan ko siya.“Oh basa ang mukha mo,” sabi ko.“Naghilamos ako, malamang,” aniya at nilagpasan ako.“Kumain ka na?” sabi niya sa akin. Umiling ako.“What? Kumain ka na.. Ito naman. Ang tigas ng ulo mo,” aniya. Hindi ko alam kung naiirita ba siya sa akin o hindi. Pero sanay na ako sa ugali niya kaya ayos lang.Isang buwan na ang lumipas at wala na dito si Rico kasama ni kuya Carlitos. Umalis na sila papuntang Paradiso. May sakit kasi ang lolo nila kaya kailangan nila itong dalawin.Kami lang ni Zeym ang naiwan dahil si ma’am Lay ay may ginagawa pa at hindi pa siya makakapunta dito.Pero sabi ni Doc Mia ay kailangan ko ng pumunta ng hospital at doon nalang hintayin ang pagputok ng panubigan ko.“Uuwi si Rico,” sabi ni Zeym.“Kakaalis pa nga lang nila,” natatawang sabi ko.“Isang linggo na siya sa Paradiso. Pwede naman siyang umuwi kapag tapos na ang ginagawa niya doon.”Hi
Nagkagulo na sa hospital. Nagtuloy tuloy ako sa paglabas kahit nanghihina ako.Iyong anak ko kasi, kailangan kong makita.Habol ko ang hininga nang maanigan ko si PJ na pumasok sa isang pintuan.May hawak siyang sanggol. Malakas ang kutob ko na anak ko iyon.Pinilit kong ihakbang ang paa ko. Nagmamadali akong sundan siya, hindi alintana ang sakit sa sugat buhat sa panganganak."PJ..." Mahinang sabi ko habang sinusundan siya.Paglabas ko ng pintuan, nakita ko siya naglakad palayo ng hospital. Kinain ng takot ang puso ko.Kukunin ko ang anak ko sa kaniya.Nagmadali ako. Tinawag ko siya ngunit hindi niya narinig ang boses ko.Halos hindi ko na maihakbang ang mga paa ko. Nawala na si PJ sa paningin ko.Nawawalan na ako ng pag-asa. Naiiyak ako sa kawalang pag-asa ngunit bigla siyang bumalik.Hindi pa rin niya ako nakikita. Hindi niya ako napapansin.Sobrang layo na niya sa akin pero kitang kita ko siya. Nakita kong binigay niya ang anak ko sa isang pulubi at agad na tumakbo. Nakita ko ang