Dahan-dahang ibanaba mula sa himpapawid ang helicopter na sinakyan nina Diego at Janella sa baba. Mayroon na rin nag-aantay sa kanila ng iilang personnel para alalayan ang kanilang pagdating. Saglit lang ang kanilang binyahe dahil silang dalawa lang naman ang sakay kasama ang pilot at co-pilot na kinuha ni Diego. Kasamahan niya ang mga ito sa Dark Blood Organization. Habang inaalayan ni Diego si Janella na bumaba ng helicopter, namangha si Janella sa sobrang hangin at lawak ng lugar. Bumaling din siya sa mga lalaking nakatayo at may dalang mga malalaking baril na tila ba pinoprotektahan talaga sila ng sobra. Nais pa sana itanong iyon ni Janella ngunit naalala niyang kasamahan ito ni Diego sa mafia organization. Hinayaan niya na lang ang kanyang sarili na humawak kay Diego. Nakarating sila ng Paris na walang aberya, at habang nasa himpapawid, masayang pinagmasdan ni Janella ang natatanaw mula sa taas. Masaya siya nang maranasan niya ang kanyang pangarap na lumipad at makapunta sa gus
Nakatayo ang isang lalaki habang nakatingin sa labas ng building, pinagmasdan niya ang paligid at iniisip kung ano ang susunod niyang hakbang. Hindi pa naman siya nagsisimula ngunit nakangiti siya dahil sa mga iniisip niyang gagawin. “Mukhang masaya ka.” Bumaling siya sa kanyang kasamang babae, kinuha niya ang wine na hawak ng babae at ininom ito na hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi niya. “May naisip ka bang gagawin ulit bukod sa lumabas at magparamdam na hindi nila namamalayan?” makabuluhang tanong ng kanyang kasamang babae. Bumaling siya sa babae, hinawakan ang pisngi at itinaas ang baba para ipahrapa sa kanya ng buo. “Wala pa akong alam kung ano ang gagawin ko, gusto ko kung gagawa man ako ng hakbang o plano ay sisiguraduhin kong hindi magiging palpak.” The lady smiled at him, kinuha ang wine glass na hawak ng lalaki at inilagay sa maliit na lamesa na malapit sa kanila. Lumapit siya sa lalaki at hinalikan sa labi. The guy responded to her kisses when they stopped dahil t
Habang kumakain ng breakfast sina Diego at Janella, tiningnan din nila ang mapa na dala nila. Mapa ng Paris kung saan pwedeng puntahan, mayroon ding hinandang listahan si Diego kung ano-ano ang maaari nilang gawin at puntaha. Secretary ang pinagawa niya sa mga listahan at inutos niya na kung maaari ay lahat ng lugar sa Paris ay ilista. “Pupuntahan natin ito?” tanong ni Janella naituro ang Eifel Tower, ito ang pinakauna sa listahan. Tuwang-tuwa siya nang makita ang pangalan ng tower dahil ito rin talaga ang pinaka-unang gusto niyang puntahan. Tumango si Diego sabay ngiti sa kanya, “Yes, we will.” Malawak ang ngiti ni Janella nang marinig iyon kaya pagkatapos nilang kumain ng breakfast, para siyang bata na excited magbihis ng masusuot. Pagkatapos niyang magbihis, tinawagan niya muna ang pamilya niya, nagulat pa siya ay naroon ang dalawang kaibigan na sina Sandy at Liah. “Oh my gosh!” sigaw nila Sandy at Liah nang makita si Janella na maganda ang suot, lahat sila ay pangarap makapun
Lumunok ng dalawang beses ang babae at takot na tumingin kay Diego. Tumingin siya sa paligid kung may nakarinig ba sa kanila, ayaw niya rin mawalan ng trabaho. Kahit labag sa kanyang loob na sabihin kay Diego ang lugar na hindi dapat malaman ng ibang tao, tinuro niya ang kaliwang bahagi. Madilim na hallway. Bumaling si Diego roon. “Pagkalakad mo sa hallway, may madadaanan kang nag-iisang pintuan. Pumasok ka roon at makikita mong may isang daanan pa palabsa dito. Kung kinuha man ang wife mo at nakita nating hindi dumaan sa gitna, dahil alam natin na makikita iyon ng kahit sino, lalo na ikaw. Itong daan lang ang palabas sa cruise na ito at hindi ko na alam kung ano ang kasunod ng pintuan.” Mahabang paliwanag ng babae. Hindi na nagdalawang isip si Diego, agad siyang umalis at pinuntahan ang sinabi ng babae. Kagat labing bumalik sa trabaho ang babae, kinakabahan sa nangyayari. Hindi niya magawang sabihin sa kanyang mga kasamahan na mayroong nawawalang tao sa cruise nila, dahil kapag na
Binuhat ni Diego si Janella at habang ginagawa niya ito, iniiwasan niya rin ang mga suntok ng mga sumusugod sa kanya. Kailangan niyang maialis agad si Janella sa gulo at madala sa hospital. Hinarangan ng mga tauhan ni Diego ang kalaban, napansin din nila ito na hindi si Janella ang totoong taget nila dahil si Diego ang pinagmasdan nila at tinitira, hindi rin naman nila ginagalaw si Janella sa mga bisig ni Diego. Nang marating ni Diego ang sasakyan, agad niyang pinasok si Janella sa loob at mabilis na nagmamaneho kahit na pinuputokan pa rin sila ng baril. “Damn it! Nakatakas sila, ang bobo ninyo!” sigaw ng lider ng mga lalaking kalaban. “Anong sasabihin natin kay boss na naisahan na naman tayo?” dagdag niya pa. Nagkatinginan ang naiwang dalawang tauhan ni Diego nang marinig ang sinabi ng lalaki, nang mapagtantong may mali sa sinabi sabay nilang tinutok ang baril nila sa tatlong lalaking nakatalikod. Dahan-dahan silang bumaling, nagulat nang maalalang may naiwan pang mga tauhan si
Sa malaking mansyon, naglalakad si Diego at may ibang kalalakihan na nakasunod sa kanya, mayroon din sa bawat sulok ng paligid. Hindi nawawala ang galit na makikita sa kanyang mukha na para bang handa na siyang pumatay ng tao. Ilang minuto na nasa hospital siya nagpaalam siya kay Janella na aalis siya kahit hindi pa gising si Janella. Pumunta siya sa hide-out place ng Dark Blood sa Paris, makikita mo rito na kung titignan ay hindi ito mukhang walang nangyayaring kakaiba dahil iisipin ng iba na isa lang itong magara at malaking bahay, ngunit hindi alam ng karamihan na ang palasyo na ito ay maraming mga taong nanirahan, at maraming namatay dahil pinatay. Huminto sila sa gold na pintuan at binuksan iyon ng katabi na kasama ni Janella, walang emosyong pumasok si Diego at naglakad papunta sa stage kung saan makikita ang tatlong lalaki na nakatakip ang mata ng itim na tela. Bakas sa kanilang mga katawan na pinagpapawisan sila dahil sa naramdamang takot. “Sila lang ang naiwang buhay, per
Hindi makagalaw si Diego sa kinatayuan niya, hindi rin lumingon. Iniisip niya kung tama ba ang narinig niya na pangalang binaggit ng lalaki. At kung tama man, hindi niya rin alam kung ano ang gagawin niya. Nakarinig ng tunog ng pagkasa ng mga abril ang lalaki, bumaling siya sa mga tauhan ni Diego na tinutukan na siya. “Tama ang sinabi ko, si Daniel Mariano—” “Shit!” Gulat silang tumingin sa lalaking biglang natumba sa sahig at sumabog ang ulo. Nagtataka silang tumingin sa isa’t isa. Dahan-dahan ding lumingon si Diego sa lalaki at sa mga tauhan niya, nagtataka kung sino ang pumatay. “Walang pumatay sa kanya sa atin,” sabi ni Sandro. Ang kanang kamay ni Jundur. Kinunotan sila ng noo ni Diego dahil ayaw niyang maniwala, ngunit wala rin namang siyang nakitang umuusok na baril mula sa mga tauhan niya. “Anong nangyayari?” tanong niya kay Jundur nang bumaling siya sa kaibigan. Naglakad si Jundur palapit sa lalaking nakahiga na rin sa sahig kasama ang dalawang lalaking pinatay ni Diego
Bumalik silang dalawa sa loob ng kwarto ni Janella sa hospital na magkahawak kamay. Malaki naman ang ngiti ni Janella kahit na alam niyang nangangamba ang buhay nila sa Paris. Umupo siya sa couch at si Diego naman ay hindi alam ang gagawin niya kay Janella dahil mukhang hindi nahimatay kanina. Tumabi siya kay Janella, pinagmasdan niya ang asawa sabay napapangiti. “Sigurado ka bang walang masakit sa’yo?” tanong ni Diego sa kanya. Agad na bumaling sa kanya si Janella at inilagay ang pagkain sa maliit na lamesa. “Mukha ba akong may sakit? Ang sabi ko naman sa’yo, okay na ako at malakas na. Pwede na ba nating ituloy ang pamamasyal dito?” Nakangiting sabi ni Janella kay Diego. Bumuntonghininga si Diego a sinuri ulit si Janella dahil nag-aalala pa rin siya. “I’m fine.” Napahinto si Diego nang hawakan ni Janella ang kamay niya. “Nag-aalala lang ako sa’yo—” “Dapat mo yatang mag-alala kapag hindi mo ako maipasyal dito. Alam ko naman na ililigtas mo pa rin ako, may tiwala ako sa’yo.” Hind