Share

54

Hindi makagalaw si Diego sa kinatayuan niya, hindi rin lumingon. Iniisip niya kung tama ba ang narinig niya na pangalang binaggit ng lalaki. At kung tama man, hindi niya rin alam kung ano ang gagawin niya.

Nakarinig ng tunog ng pagkasa ng mga abril ang lalaki, bumaling siya sa mga tauhan ni Diego na tinutukan na siya. “Tama ang sinabi ko, si Daniel Mariano—”

“Shit!”

Gulat silang tumingin sa lalaking biglang natumba sa sahig at sumabog ang ulo. Nagtataka silang tumingin sa isa’t isa. Dahan-dahan ding lumingon si Diego sa lalaki at sa mga tauhan niya, nagtataka kung sino ang pumatay.

“Walang pumatay sa kanya sa atin,” sabi ni Sandro. Ang kanang kamay ni Jundur. Kinunotan sila ng noo ni Diego dahil ayaw niyang maniwala, ngunit wala rin namang siyang nakitang umuusok na baril mula sa mga tauhan niya.

“Anong nangyayari?” tanong niya kay Jundur nang bumaling siya sa kaibigan. Naglakad si Jundur palapit sa lalaking nakahiga na rin sa sahig kasama ang dalawang lalaking pinatay ni Diego
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status