Habang palakad-lakad si Janella sa living room, naiilang siyang tumingin kay Diego dahil palagi siyang pinagmasdan. Ngayon ang araw na bibigyan ni Diego ng trabaho sina Sandy at Liah kaya si Janella inaantay niya ang dalawa matapos magbihis ng susuotin dahil sasama rin siya sa kumpanya ni Diego. “May problema ba?” Nauutal ngunit mahinang tanong ni Janella kay Diego. Hindi nagsalita si Diego tanging pag-iling lang. Hindi tuloy alam ni Janella kung ano ang iniisip ni Diego, tungkol pa rin kaya ito sa nangyari noong isang araw. Sa package na pinadala ni Apollo. Gusto niya namang magpaliwanag ngunit pinigilan niya rin ang sarili dahil ang sa tingin niya ay hindi na iyon mahalaga para malaman pa ni Diego, kagaya nga ng sinabi niya kina Sandy at Liah, labas si Diego sa problemang kinakaharap niya personally kahit na sinabihan siya ni Diego na magsabi kung mayroon mang nangyayaring hindi maganda sa kanya. “May gusto ka bang sabihin sa akin?” Huminto si Diego nang akma na sa sana siyang ta
Dahan-dahang lumingon si Janella nang marinig niya si Diego sa kanyang likod, kahit sina Sandy at Liah at hindi na nakapagsalita. Mabilis silang lumabas ng bahay para mauna na sa kotse. Bumalik lang naman si Diego sa loob dahil naiwan niya ang kanyang suit case, hindi niya sinadya na marinig niya ang huling sinabi ni Janella.“How long you’ve been there?” tanong ni Janella ngunit kumunot lang ang noo ni Diego.“Ano ang hindi ko dapat malaman, Janella? Tungkol ba ito kay Apollo na nagbigay sa’yo ng mga regalo at sulat?” Hindi agad nakapagsagot si Janella sa tanong ni Diego. Kakasabi lang kanina na hindi na siya makikipagkita kay Apollo ngunit ngayon ay narinig pa ni Diego. Umayos ng tayo si Janella at tumingin ng deritso kay Diego. “Siguro may mga bagay na sa ating dalawa na labas tayo sa isa’t isa. I have an errands na hindi mo dapat malaman at mayroon ka ring sa’yo na hindi ko alam, let’s stay with that.” She was about to follow her friends when Diego pulled her back. “Kung ang gag
Patuloy na nagkatinginan sina Apollo at Diego, nag-iba ang aura ni Apollo na kanina ay nakangiti kay Janella, ngayon ay masama ang tingin kay Diego na may halong pagtataka. “Are you insane? Asawa mo ang kasama ko? I am with her today and I am sure, she has no husband nor married to anyone, right babe?” Bumaling ulit si Apollo kay Janella na nakaiwas ng tingin. Nang napansing hindi sasagot si Janella at hindi nakatingin sa kanilang dalawa, bumaling ulit si Apollo kay Diego na ngayon ay tumabi na lang bigla kay Janella. “Kung may gusto kang sabihin sa asawa ko, tell her now. Mag-aantay ako pero hindi ako aalis dito.”"Hey, don't do this to me. Bumalik ka muna, kakausapin ko lang siya." Bahagyang lumapit si Janella kay Diego at bumulong, pinagmasdan lang sila ni Apollo na nakaramdam na ng galit. How come that Janella got married, he promised to her na babalik siya pero sinabi niya lang iyon noon sa kanyang sarili. Hindi naman talaga alam ni Janella na babalik siya. "No, I will stay han
Hinayaan ni Janella na hilahin siya ni Diego palayo kay Apollo at ipinasok sa loob ng kotse. Mabilis namang pinaandar ni Albert ang kotse dahil utos ni Diego. Habang si Apollo ay naiwan pa rin sa loob ng cafe, napahawak siya sa kanyang baba at umigting ang panga. Kinuyom ang mga kamao nang maalalang biglang hinila ni Diego si Janella palabas ng cafe. “I will kill you whoever you are,” he said to himself. Nagulat pa ang mga tao sa cafe nang bigla niyang sipain ang lamesa na malapit sa kanya. “What? Ngayon lang ba kayo nakakita na taong galit?”“Sir, we don’t tolerate such action like that. I’m sorry pero natatakot ang mga customer sa’yo, you better get out here.”“I will!” he shouted before he went out. Hindi maitanggi ang galit niya simula nang nalaman na kasal na si Janella. Sumagi sa kanyang isipan na alamin kung sino si Diego at gagawin ang lahat para makuha ulit si Janella. Habang nasa kotse, hindi nagsasalita si Diego kay Janella kahit na pasimple siyang tumitingin kay Diego n
“I said shut up!” Agad na binaba ni Liah ang tawag pagkatapos sigawan si Felicia habang si Felicia naman ay tawa nang tawa nang maramdaman ang galit ni Liah. Bumuntonghininga si Liah, nanggigil habang nakatingin sa cellphone ni Janella. Hindi niya alam kung bakit iyon ang sinabi ni Felicia sa kanya, matagal na ang panahon ng nangyari iyon. Totoo na siya ang dahilan sa tulong ni Sandy kung bakit nabuking sina Apollo at Janella noon kaya nagalit ang magulang ni Apollo sa kanya at inilayo kay Janella. Pagkatapos kumalma ni Liah, naglakad siya patungo sa kwarto nina Janella at Diego. Nakita niyang seryosong nag-uusap sina Janella at Sandy nang buksan niya ang pintuan kaya nasa kanya na ngayon ang attention nina Janella at Sandy.“What happened? Anong sabi niya?” tanong ni Janella. Saglit na umiwas ng tingin si Liah at bumaling kay Sandy na nagtataka rin at gustong malaman ang sinabi ni Felicia. “Inaway ko lang siya para hindi ka na guluhin. Huwag ka nang makipagkita sa kanya, sa katula
Everyone clapped as they watched Diego Mariano walking on the stage with his wife, Janella. Isang linggo na ang nakalipas na nagkaroon ng pangyayari at rebelasyon at sa isang linggo rin na iyon, nagkaroon ng malaking problema ang kumpanya ng pamilya ng Mariano. Nagkaroon ng malaking fraud, hindi pa nila alam kung bakit napunta sa malaking problema ang kumpanya. Ito ang unang pagkakataon na nasira ang pangalan nila at hindi pa nalalaman kung sino ang salarin. “Mr. Mariano, ano ang magiging plano mo para mailigtas ang inyong kumpanya? Totoo bang nasa kumpanya ninyo lang ang nagnakaw ng malaking halaga?”“Mr. Mariano, is this your trusted people?”“Give us details about what happened.”Iilan lang iyan sa mga tanong ng reporter sa kanya. Hindi siya nakasagot dahil sobrang ingay ng crowd. Habang si Janella naman ay hindi mapakali nang makitang nasa harap siya ng maraming tao. Nasa auditorium sila ng kumpanya ni Diego at hindi niya alam kung bakit pa siya sinama ni Diego. Nahihiya siya na
“I know her,” the lady said. Bumaling sa kanya lahat ang mga kasamahan niya. “I am sure you do. She is the wife of Diego Mariano, a man who killed your parents. Am I right, Samantha?” Natahimik si Samantha at bumaling kay Amara. Dahan-dahan siyang tumango at bumaling ulit sa litrato ni Janella. Naalala niya si Janella nang makita ang litrato, siya ang nilapita niya sa mall at binantaan. “I called you here para gawin ang trabaho mo—”“Trabaho ko? Ang patayin si Diego?” she asked. Bumuntonghininga si Amara at tumayo, lumapit sa kanya. “Of course, we all knew you can’t kill him, Sam. Ilang beses mo na bang sinubukan na patayin si Diego? Hindi ka nagtagumpay ngunit, para magawa mo iyon, I want you to be friend with his wife. Kunin mo ang loob niya, kung maaari lahat ng secrets niya ay malalaman mo. And, sa oras na makuha mo ang loob niya, betray her. Kapag nasaktan siya, manghihina si Diego. At ano ba ang magiging kasunod? Makukuha natin si Diego, understood?” Hindi nagsalita si Saman
Tanging hangin lang ang maririnig sa paligid nina Janella at Diego pagkatapos marinig ni Diego ang sinabi ni Janella. Para siyang nabingi ng ilang segundo bago makapasalita ulit. “Aalis kayo sa bahay? Tama ba ang narinig ko?” he asked. Pumikit ng mariin si Janella, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit niya iyon nasabi. Totoong nasaktan siya na isiping pinakasalan siya ni Diego kahit may girlfriend siya. Bigla niya na lang nasabi ang salitang iyon dulot ng sakit. “Yeah, you heard it right. Aalis muna ako at isasama ko ang pamilya ko—”“No. You can’t leave just like that. We can talk about this and God knows that Amara is not my girlfriend,” he saidLumingon si Janella sa kanya at sa puntong ito, hindi na niya mapigilan ang sariling umiyak. Akmang lalapitan siya ni Diego ngunit umatras siya ng bahagya. “Naiintindihan ko naman na kasal lang tayo sa papel pero ang hindi ko maintindihan kung bakit mo tinago sa akin na may girlfriend ka pala. Kahit manlang binalaan mo ako na meron