Hinayaan ni Janella na hilahin siya ni Diego palayo kay Apollo at ipinasok sa loob ng kotse. Mabilis namang pinaandar ni Albert ang kotse dahil utos ni Diego. Habang si Apollo ay naiwan pa rin sa loob ng cafe, napahawak siya sa kanyang baba at umigting ang panga. Kinuyom ang mga kamao nang maalalang biglang hinila ni Diego si Janella palabas ng cafe. “I will kill you whoever you are,” he said to himself. Nagulat pa ang mga tao sa cafe nang bigla niyang sipain ang lamesa na malapit sa kanya. “What? Ngayon lang ba kayo nakakita na taong galit?”“Sir, we don’t tolerate such action like that. I’m sorry pero natatakot ang mga customer sa’yo, you better get out here.”“I will!” he shouted before he went out. Hindi maitanggi ang galit niya simula nang nalaman na kasal na si Janella. Sumagi sa kanyang isipan na alamin kung sino si Diego at gagawin ang lahat para makuha ulit si Janella. Habang nasa kotse, hindi nagsasalita si Diego kay Janella kahit na pasimple siyang tumitingin kay Diego n
“I said shut up!” Agad na binaba ni Liah ang tawag pagkatapos sigawan si Felicia habang si Felicia naman ay tawa nang tawa nang maramdaman ang galit ni Liah. Bumuntonghininga si Liah, nanggigil habang nakatingin sa cellphone ni Janella. Hindi niya alam kung bakit iyon ang sinabi ni Felicia sa kanya, matagal na ang panahon ng nangyari iyon. Totoo na siya ang dahilan sa tulong ni Sandy kung bakit nabuking sina Apollo at Janella noon kaya nagalit ang magulang ni Apollo sa kanya at inilayo kay Janella. Pagkatapos kumalma ni Liah, naglakad siya patungo sa kwarto nina Janella at Diego. Nakita niyang seryosong nag-uusap sina Janella at Sandy nang buksan niya ang pintuan kaya nasa kanya na ngayon ang attention nina Janella at Sandy.“What happened? Anong sabi niya?” tanong ni Janella. Saglit na umiwas ng tingin si Liah at bumaling kay Sandy na nagtataka rin at gustong malaman ang sinabi ni Felicia. “Inaway ko lang siya para hindi ka na guluhin. Huwag ka nang makipagkita sa kanya, sa katula
Everyone clapped as they watched Diego Mariano walking on the stage with his wife, Janella. Isang linggo na ang nakalipas na nagkaroon ng pangyayari at rebelasyon at sa isang linggo rin na iyon, nagkaroon ng malaking problema ang kumpanya ng pamilya ng Mariano. Nagkaroon ng malaking fraud, hindi pa nila alam kung bakit napunta sa malaking problema ang kumpanya. Ito ang unang pagkakataon na nasira ang pangalan nila at hindi pa nalalaman kung sino ang salarin. “Mr. Mariano, ano ang magiging plano mo para mailigtas ang inyong kumpanya? Totoo bang nasa kumpanya ninyo lang ang nagnakaw ng malaking halaga?”“Mr. Mariano, is this your trusted people?”“Give us details about what happened.”Iilan lang iyan sa mga tanong ng reporter sa kanya. Hindi siya nakasagot dahil sobrang ingay ng crowd. Habang si Janella naman ay hindi mapakali nang makitang nasa harap siya ng maraming tao. Nasa auditorium sila ng kumpanya ni Diego at hindi niya alam kung bakit pa siya sinama ni Diego. Nahihiya siya na
“I know her,” the lady said. Bumaling sa kanya lahat ang mga kasamahan niya. “I am sure you do. She is the wife of Diego Mariano, a man who killed your parents. Am I right, Samantha?” Natahimik si Samantha at bumaling kay Amara. Dahan-dahan siyang tumango at bumaling ulit sa litrato ni Janella. Naalala niya si Janella nang makita ang litrato, siya ang nilapita niya sa mall at binantaan. “I called you here para gawin ang trabaho mo—”“Trabaho ko? Ang patayin si Diego?” she asked. Bumuntonghininga si Amara at tumayo, lumapit sa kanya. “Of course, we all knew you can’t kill him, Sam. Ilang beses mo na bang sinubukan na patayin si Diego? Hindi ka nagtagumpay ngunit, para magawa mo iyon, I want you to be friend with his wife. Kunin mo ang loob niya, kung maaari lahat ng secrets niya ay malalaman mo. And, sa oras na makuha mo ang loob niya, betray her. Kapag nasaktan siya, manghihina si Diego. At ano ba ang magiging kasunod? Makukuha natin si Diego, understood?” Hindi nagsalita si Saman
Tanging hangin lang ang maririnig sa paligid nina Janella at Diego pagkatapos marinig ni Diego ang sinabi ni Janella. Para siyang nabingi ng ilang segundo bago makapasalita ulit. “Aalis kayo sa bahay? Tama ba ang narinig ko?” he asked. Pumikit ng mariin si Janella, hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit niya iyon nasabi. Totoong nasaktan siya na isiping pinakasalan siya ni Diego kahit may girlfriend siya. Bigla niya na lang nasabi ang salitang iyon dulot ng sakit. “Yeah, you heard it right. Aalis muna ako at isasama ko ang pamilya ko—”“No. You can’t leave just like that. We can talk about this and God knows that Amara is not my girlfriend,” he saidLumingon si Janella sa kanya at sa puntong ito, hindi na niya mapigilan ang sariling umiyak. Akmang lalapitan siya ni Diego ngunit umatras siya ng bahagya. “Naiintindihan ko naman na kasal lang tayo sa papel pero ang hindi ko maintindihan kung bakit mo tinago sa akin na may girlfriend ka pala. Kahit manlang binalaan mo ako na meron
Isang linggo ang lumipas pagkatapos ng nangyari sa pagitan nina Diego, Janella at Amara noong nakaraang linggo. At ngayon pinoproblema ni Diego na hindi siya pinapansin ni Janella. Hindi nga siya umalis sa bahay, hindi niya naman kinakausap o tignan si Diego. Kahit na pinipilit ni Diego na kausapin si Janella ay umiiwas ito. “Wala ka pa bang planong kausapin si Diego hanggang ngayon?” Lumingon siya sa nanay niya nang magtanong. Bumuntonghininga si Janella at saka umiwas ng tingin.“Wala naman akong sasabihin sa kanya, Mom.” Ipinagpatuloy niya ang pagluluto. Wala siyang ibang ginawa sa loob ng bahay kundi magluto at maglinis kahit may mga helpers naman na gagawa ng mga gawaing bahay. Gusto niya lang maging busy lalo na kung nasa bahay si Diego. Kahit na si Apollo at Felicia ay panay text at tawag sa kanya hindi niya pinapansin, na tila ba wala siya sa mood kumausap ng kahit sino. Naalala niya lang si Amara at ang naabutan niyang halikan nina Diego sa loob ng office. Sa tuwing sumasag
Kinakabahan si Sandy habang nakatingin kay Liah na umiiyak sa labas ng emergency room. Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Nang marinig nila ang usapan nina Diego at Andrei sa kumpanya na pupuntahan nila si Apollo ay hinila ni Liah si Sandy para sundan ang dalawa kaya dumating sa punto na halos ibuwis ni Liah ang buhay para iligtas si Apollo. Nag-aalala si Sandy na mahuli sila. “Kung gusto mong bumalik sa kumpanya, bumalik ka na—”“Baliw ka ba? Paano ka?” Galit na tanong ni Sandy. Hindi niya kaya at pwedeng iwanan si Liah. “Ano bang pumapasok sa isip mo at nagawa mo ito?”“Sandy, kung hindi tayo sumunod sa kanila at hindi natin nailabas si Apollo sa loob ng bahay na iyon, mamamatay siya.” Hinawakan ni Liah ang dalawang kamay ni Sandy, nagmamakaawa na hayaan siyang gawin ang mga bagay para kay Apollo. Nahihirapan si Sandy sa sitwasyon, dalawang kaibigan niya ang mahalaga para sa kanya pero dahil si Liah ang palagi niyang nakakasama at kakampi sa lahat kahit na pareho silang nakagaw
Nagulat ang lahat habang nakatingin kay Diego, kahit na si Felicia ay hindi makapagsalita. Nakabukas lang ang kanyang bibig sa narinig mula kay Diego. Alam niyang nagsisinungaling si Diego na hindi nila nakasama sina Sandy at Liah dahil nakausap niya mismo si Liah sa cellphone. “My wife has nothing to do with this. Perhaps, I want to offer na hanapin ang dalawang culprit. But I need to get away my wife from here dahil mayroon kaming mahalagang pupuntahan. Maaari ba?” Ilang segundo ang lumipas ay hindi nakasagot ang dalawang police officer na nagtatanong sa kanila. “Sir…of course, you can get her now. Actually, tapos na kaming magtanong sa wife mo.” Galit na lumingon si Felicia sa police na nagsabi no’n. Gusto niyang magsalita ngunit hindi natuloy dahil hinila kaagad ni Diego si Janella palabas ng police station. On the other hand, Janella can’t say a words either hanggang sa nakarating sila sa kotse, tumikhim si Janella at saka lumingon kay Diego. “Why did you do that? Bakit iyon an