Kinabukasan, nagising si Janella na masakit ang buong katawan. Sino ba naman ang hindi sasakit ang katawan kung pinagod siya ni Diego. Hindi niya akalain na alam ni Diego ang mga ganoong bagay ngunit naisip niya rin na lalaki si Diego, natural sa mga lalaki na alam ang pangangailangan nila. Mahinang umunat si Janella at sabay na lumingon sa gilid niya nang maramdamang may yumakap sa tiyan niya. Napamulat ang kanyang mga mata nang makitang nakangiti si Diego habang nakapikit pa rin ang mata. Gising na ito ngunit dinaramdam niya pa ang presensya ni Janella sa kanyang tabi. “Good morning, wife.” In his husky voice at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Agad na tumalikod si Janella ngunit hinuli ni Diego ang kanyang mukha para halikan. Sa sobrang kahihiyan na naidulot ni Janella, iniwas niya ang kanyang mukha kay Diego. “What are you doing? Hindi pa ako nag-toothbrush.” Nakatakip ang bibig niya gamit ang kanyang kamay. “Pwede bang maghilamos muna?” Nahihiyang sabi ni Janella. Diego
Ginawa nga ni Janella ang pagluto para sa lunch ni Diego at pumunta sa opisina, ginawa rin ni Diego ang pinangako niyang i-cancel ang mga meeting para lang makasabay si Janella sa lunch break. Lahat ng empleyado ng araw na iyon ay nagtataka kung bakit ibang-iba si Diego sa harap ni Janella samantalang sa kanila ay suplado. Siguro nga, nag-iiba ang isang tao kapag kaharap ang taong nagustuhan nila o ano pa. Hinayaan na lang nila iyon dahil mas nakakabuti rin naman na laging nasa mood si Diego para hindi sila mapagalitan. "Ang sarap mo talaga magluto." Nakangiting sabi ni Diego kay Janella nang matapos silang kumain. Niligpit na ni Janella ang mga kalat at ibinalik ang mga tupperware sa dala niyang food bag. Bumaling siya kay Diego na nakangiti rin. "Bagay na ba ako maging asawa mo?" pilyang tanong ni Janella. Nagulat naman siyang lumapit sa kanya si Diego at niyakap sa likuran, gusto niya sanang umiwas dahil nakaramdadam siya ng awkward ngunit napagtanto niyang sila lang dalawa sa
Hindi makapagsalita sina Mina at Janella dahil sa sinabi ni Diego. Ang kahibangan ni Diego ang nagpagulat sa kanila. Hindi na rin nagreklamo si Janellla at hinayaan na lang ang araw na kasama si Diego sa mall. Nang makarating sila sa mall, hindi sana tatabi si Mina kay janella dahil nga kasama nila si Diego pero sinabi ni Diego na tabihan at samahan si Janella maglakad. “I am okay with this,” he said. Kahit na nagtataka pa rin si Mina sa inasta ng kanyang boss, lumapit siya kay Janella. “Ano ba talagang pinakain mo kay Sir Diego at kahit pati girl’s out ay nagiging buntor mo siya?” bulong ni Mina kay Janella. Bumuntonghininga si Janella at bumaling sa kanya, hindi nga niya alam kung anong nangyayari kay Diego. “Pareho tayong walang alam sa pinaggawa niya, Mina. Ewan ko ba sa lalaking iyan,” sagot ni Janella. Kahit anong isipin ni Janella kung bakit sumama sa kanila si Diego, mababaliw lang siya kaya hinayaan niya na lang kahit na nakakahiya. Sino ba naman ang hindi mahihiya kung
Dumating ang araw ng kasal at lahat ng naibentahan ay maagang dumating sa venue. Sa dressing room, kasama ni Janella si Mina at ang kanyang ina. “Kailangan mo pa ba ng makeup? Maganda ka na,” sabi ni Mina. Natawa naman si Janella dahil sa pambobola ng kaibigan. “Sabagay, dapat ikaw ang pinakamaganda ngayong araw.” Nakangiting sabi ni Mina habang patuloy na inaayusan si Janella. “Si Diego?” tanong ni Janella sa kanyang ina na kanina pa nakangiting tumitingin sa kanya. “Bakit, inay?” Umiling ang kanyang ina at nilapitan siya. Tumingin si Mina sa kanila at nagpaalam na aalis muna dahil kailangan nilang mag-usap mag-ina. “Thanks, Mina.” Nang makalabas si Mina, doon na tuloyang lumapit ang ina ni Janella sa kanya. Hinawakan ang kanyang balikat at sa salamin lang nakatingin. “Bakit paiyak ka na, inay? Hindi ka ba masaya na ikakasal na ako? Gusto mo bang i-cancel ko?” “Crazy.” Hinampas niya si Janella at bahagyang natawa. Paanong naisip ni Janella na hindi na gusto ng kanyang ina ang ka
Nakangising nakatingin si Felicia kay Janella at nang makita ni Janella ang kanang kamay ni Felicia na may hawak na kutsilyo, bigla siyang kinabahan. Palapit nang palapit si Felicia sa kanya, paatras naman siya nang paatras hanggang sa wala na siyang maatrasan kundi pader na lang. “What the hell are you doing, Felicia? Ibaba mo ang patalim!” sigaw ni Janella ngunit mas lalo lang natuwa si Felicia sa reaction ni Janella, takot na takot si Janella. “Please…ibaba mo ang kutsilyo, mag-usap tayo.” Kumapa si Janella ng bagay na malapit sa kanya at ang hinawakan niya ang upuan. “Ang damot mo naman, hindi mo talaga ako sinabihan na ngayon ka na pala magpapakasal.” Hindi pa rin nawala ang ngisi na nakakatakot sa mukha ni Felicia. Noong isang araw niya lang nalaman kay Miss Pim na ngayon ang araw na ikakasal si Janella, nagalit siya dahil hindi siya sinabihan ni Janella. Matagal na silang hindi magkaibigan kaya dapat lang na hindi siya sabihan ni Janella. “Alam ko namang hindi ka pupunta—”
“Did you see them?” Diego asked his companion. Nang matapos ang kasal, hinatid niya muna si Janella sa reception para sa huling party. Pumunta siya sa likod ng hotel, malayo sa mga tao. Kasama niya sina Andrei, Freed at Jayson. Nalaman nilang may nagmamasid sa kanila kanina sa simbahan ngunit hindi nila ito nalaman kung sino dahil bago pa mahuli ng tauhan ni Diego, mabilis silang nakaalis. “Hindi na sila nahabol pa. Diego, tinanong mo ba kay Janella kung anong nangyari sa kanya kanina bago siya pumunta sa simbahan?” Kumunot ang noo ni Diego at bumaling kay Jayson nang sabihin niya iyon. Nagtataka ang mukha ni Diego, hindi malaman kung ano ang ibig sabihin ni Jayson. “Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ni Diego. Bumaling narin si Andrei at Fred sa kanya, nag-aantay ng ano pang idagdag na sasabihin tungkol kay Janella. “My wife told me after the church wedding, sinabi lang din ito ni Lucy sa kanya. That, before Janella came to the church, she was terrified in the dressing room. Na
Hindi makapagsalita si Janella, nakatingin lang siya kay Diego. Lumunok ng isang beses, hindi makapaniwala sa narinig mula kay Diego. Diego stood up, pinakita niya ang nasa harap. Nakalagay roon ang ibang armas pa, biglang nanlumo si Janella nang makita ang isang jigsaw. “You…you killed people?” Nahihirapang banggit ni Janella. Habang nakatingin sa kanya si Diego, pinagsisihan niya na pinakita niya pa kay Janella ang mga armas at dinala si Janella sa hide-out. Akma siyang lalapitkay Janella nang agad na umatras si Janella. “Don’t go near me, natatakot ako sa’yo.” Hindi na mapigilan ni Janella ang maiyak. Dahil sa nangyari, Diego became weak. Hindi niya inasahan na hindi niya magustuhan ang reaction ni Janella, nagbigay ito ng takot sa kanyang loob na baka mawala sa kanya si Janella. “Listen, I won’t hurt you. Hinding-hindi kita sasaktan, I just show you this kung anong klaseng tao ako.” Nahihirapang sabi ni Diego, dahan-dahan siyang naglakad palapit kay Janella na hindi pa rin tu
Marami pang nakikita si Janella sa loob ng hide-outs nila Diego, mayroong latigo at malalaking katana na nakagikit sa malaking pader. Naisip niya kung sa paanong paraan pinapatay nila Diego ang mga tao. Hindi pa rin nawawala ang takot sa loob niya at pag-alala na masaktan siya ngunit sa oras na ito ay nilakasan niya ang kanyang sarili na kausapin pa rin si Diego. Huminto si Janella sa paglalakad sa harap ng isang pintuan na mayroong nakalagay na warning. Dahil sa kuyusidad niya, bumaling siya kay Diego na nakasunod lang din sa kanya. “Anong meron sa loob? Bakit mayroong nakalagay na warning sign?” tanong niya. Bumuntonghininga si Diego at bumaling sa harap ng pintuan na tinuro ni Janella. “Sa iba na lang tayo, o mas mabuting umuwi na tayo para makapagpahinga ka na.” Hindi siya nakatingin kay Janella nang sabihin iyon, sino ba naman ang hindi kakabahan at hindi pagbabawalan na pumasok sa loob ng sinasabing kwarto kung ang laman ng kwarto ay mga patay na tao. Hindi na muli pang nagt
“Daddy!” dahil sa narinig na sigaw, agad na nagmadaling pumasok sa loob ng bahay si Diego. “Why are you shouting?” tanong niya sa anak niya. Tumingin siya kay Janella na halatang nahihirapan, nanlaki ang mga mata ni Diego. “Damn it! Tumawag ka ng ambulance, manganganak na yata ang Mommy mo!” sigaw niya rin sa anak niya na nasa tabi lang ni Janella. Agad din namang ginawa ng anak niya, tumawag siya ng ambulance at ilang minuto ay dumating na. Ang bilis ng panahon, grade six na ang panganay nilang anak at ngayon ay manganganak na si Janella ulit. Kambal pa ang bago nilang anak.“Ikaw kasi! Kung hindi mo ako ginapang, hindi sana ako mahihirapan ng ganito! Ang sakit, Diego!” galit na sigaw ni Janella kay Diego nang pumasok na sila sa loob ng ambulance. Hinawakan lang ni Diego ang kamay ni Janella dahil hindi niya na rin alam ang gagawin, kanina ay nagdidilig lang siya ng halama sa kanilang garden nang biglang sumigaw ang anak nila. Hindi niya rin naman alam na ngayon ba mismong araw m
Two months later, mas maraming nangyari. Naging sila ni Sandy at Fred; hindi na rin naman nagulat ang mga kaibigan nila dahil matagal na nilang napapansin noon na nagkakabutihan sina Sandy at Fred ngunit ang nakakagulat sa kanilang lahat ay ikakasal na si Liah at Andrei. Hindi nila alam na may nangayari na pala sa pagitan nilang dalawa, nagulat na lang sina Janella, Sandy at Felicia na buntis si Liah. Pero hindi lang iyon ang nangyari, naging magkaibigan na rin ang mga kaibigan ni Diego at mga kaibigan ni Janella; naging maayos ang pagkakaibigan nilang lahat. Sa Dark Blood Organization naman ay bumaba na si Diego bilang leader ng organization, he trained his brother, Daniel to become a leader. Agad din naman natutunan ni Daniel ang pagiging leader at dinala niya ang mga tauhan niya noon sa organization para i-train ng mga tauhan ni Diego. Naging maayos naman ang sitwasyon ng organization dahil naging focus sila sa goal para sa organization. Mag-iisang taon na rin ang anak nina Diego
Today is the day of house blessings ng bahay nina Diego at Janella. Lahat ng kaibigan ni Janella at kamag-anak niya ay dumalo, ganoon din kay Diego. Para itong isang engrandeng event sa buhay nila. Ayaw man ni Janella na marami ang taong dadalo pero ang nag-plano ay ang magulang niya at ang ina ni Diego. Pinag-usapan nila kung sino ang iimbitahan. Dahil sa plano ay nagkasundo na ang ina ni Diego at ina ni Janella, sila ang nangunguna sa preperasyon. Wala rin namang nagawa si Janella dahil hindi rin naman siya pinatulong. Ang ginawa niya lang ay inimbita ang mga kaibigan niya sa club. Dumalo rin ang mga kaibigan ni Diego at ang girlfriends and asawa ng mga kaibigan niya, kung sino-sino ang mga nakilala ni Janella noong unang pagdalo niya ng party na kasama si Diego at nakilala ang mga kaibigan ni Diego, iyon din ang mga taong dumalo ngayon. Makikita ang pinagkaiba ng antas ng dalawang parties, ang mga kaibigan ni Janella ay nagkakatuwaan habang ang mga kaibigan ni Diego na mga babae
Bumuntonghininga si Diego habang nakatingin kay Janella. She is suggesting na sasama siya kay Diego para makita at makausap si Amara. "Sigurado ka ba talaga na sasama ka? I heard from Daniel that her situation and behavior are getting worse, wife." He looked at Janella, and said. Ngumiti naman sa kanya si Janella, hinawakan ang kamay ni Diego. "She is also a human, love. Kahit anong nangyari sa kanya, mayroon pa rin siyang pinagdaanan kagaya natin. She's your friend and I know na may malaki siyang kasalanan sa atin pero hindi iyon magiging dahilan para hayaan lang siya. Maybe we can help her," Janella explained. Dahil sa sinabi ni Janella, tumango na lang siya at hinayaan na sumama sa kanya si Janella. Dahil naisip niya na tama naman si Janella, ang isa makakatulong kay Amara ay taong makakausap niya. People think Amara become crazy, dinala siya sa mental hospital para magpagaling ngunit naging worse lang lalo. "Hindi na siya binibisita ng pamilya niya," sabi ng nurse na nagha-hand
Everything become smooth, naging maayos naman ang trato ng pamilya ni Janella kay Diego simula nang tumira si Diego sa bahay nila Janella, para na rin siya ang gumawa ng bahay na gusto ni Janella. Minsan ay binibisita si Diego ng kanyang mga kaibigan para lang asarin, naging masaya naman si Diego sa nangyari dahil kahit pagod siya gumawa ng bahay nawawala naman ang pagod niya sa tuwing nakikita niya ang kanyang anak at si Janella."Ang hot talaga ng asawa mo," bulong ni Sandy kay Janella.Nakalabas na rin sina Sandy, Liah at Felicia. Ngayon, sila naman ang bumisita kay Janella. Naging maayos ang relasyon nilang apat ulit, ang dating magka-away ay dahan-dahang ibinalik ang datibg pagkakaibigan.Pinagmasdan nilang nagtatrabaho si Diego, maya-maya ay may dumating na kotse. Lumaba sina Andrei, Angelo, Daniel at Fred. "May dumagdag pa na hot daddies," bulong din ni Felicia sabay tawa habang nakatingin sa mga bagong dating. "Magtigil nga kayo, kung gusto niyong magka-boyfriend, huwag kayo
Pagkatapos ng nangyari, maraming nagbago. Hindi pa rin nagigising si Felicia at si Liah. Malaki ang sugat na natamo nila dahil sa pagbaril ni Amara. Tatlong araw mula noong araw na nagkagulo ang lahat at sa tatlong araw na iyon, pinipilit pa rin ni Diego ang sarili niya na makausap si Janella. Kahit na lapitan niya lang ang anak nila ay hindi pumayag si Janella. Malaki pa rin ang galit ni Janella kay Diego ngunit hindi rin naman tumitigil si Diego para patawarin siya ni Janella. "Nasaan si Amara?" tanong ni Diego kay Andrei."Nasa kulungan na siya at sinisugurado namin na hindi na siya makakalabas kahit tulongan pa siya ng pamilya niya," sagot naman ni Andrei. Tumango lang si Diego at umupo sa kanyang swivel chair. "Kumusta kayo ni Janella?" tanong ni Andrei.Bumuntonghininga si Diego at tumingin saglit kay Andrei. "Hindi ko alam kung kailan niya ako kakausapin. Hanggang tingin lang ako sa kanilang dalawa ng anak ko. What should I do to make her feel na hindi ko ginusto ang nangyari
Bumaba si Diego mula sa kanyang kotse nang makitang nasa labas na rin si Andrei at si Angelo. Tinawagan niya ang kanyang mga tauhan nang hanapin niya si Amara. Hindi niya naman alam kung nasaan talaga si Amara kaya humingi siya ng tulong sa kanila. “Did you find her?” Diego asked Andrei. Tumango naman si Andrei sa kanya, “yes, we already find her. Na-track na nila Fred at Jayson kung nasaan siya, malapit lang din dito kaya mabilis lang din puntaha. We need get her now, ang pagkakaalam namin ay may nag-aantay na helicopter sa kanya para tumakas.” Mahabang sagot ni Andrei.Hindi na rin naman sila nag-aksaya ng oras at agad na nilang pinuntahan kung nasaan si Amara. Kailangan nilang maunahan si Amara bago pa man makatakas dala ang bata. Habang naghahabol sila Diego, kakarating lang din nina Janella na parehong lugar kung nasaan sina Diego. Bumaling sila kay Felicia, nag-aantay kung ano ang sasabihin. Janella doubted Felicia, pareho nina Sandy at Liah. May parte sa kanila na hindi naniwa
Habang naglalakad si Janella, napunta siya sa labas ng hospital at hindi na siya mahanap ng kanyang magulang na sumusunod sa kanya. Umiiyak si Janella at kahit na tinitignan siya ng mga tao ay hindi niya na lang pinapansin, hindi niya rin napansin na sinusundan siya ng mga nurses sa hospital. “Where are you, my son?” iyak niya. Ang akala ng mga taong tumitingin sa kanya ay isa siyang baliw dahil nakasuot pa rin siya ng hospital gown, sumisigaw dahil tinatawag niya ang kanyang anak. Dumating sa punto na sinsii niya ang kanyang sarili, kung siya lang sana ang pumunta sa nursery ward para kunin ang anak niya ay hindi ito mangyayari. Hindi nila alam na madaling araw nangyari ang insidente. Pumasok sa loob ng hospital si Amara para gawin ang plano niya, hindi iyon napansin ng iilang dumadaan sa hallway sa nursey ward dahil nakasuot siya ng uniform ng nurse. Sa loob ng kotse, hindi mapakali si Sandy kakasalita habang nagmamaneho si Felicia at si Liah naman ay tahimik lang. Nang nanggalin
Nakatayo si Diego habang nakatingin sa bintana ng nursery ward kung nasaan ang anak nila ni Janella. He coudn’t get away of his smile while watching his son, at mas lalo siyang napangiti nang makita ang pangalan na nakasulat para sa anak nila. “Diego Janiel,” he read it. Sobrang saya niya nang pinangalan ni Janella ang anak nila sa pangalan niya. Sino ba naman ang hindi sasaya na ganoon ang ginawa ni Janella? Ang tagal niyang nawala, ang tagal niyang hindi nagpakita kay Janella pero hindi pa rin siya kinalimutan ni Janella. “I can’t wait to be with you and our son, wife.” “Can we talk?” Mabilis na lumingon si Diego sa nagsalita, it was Janella’s father. Byron bowed his head to give respect. Inaya naman siya ng ama ni Janella na umupo sa upoan. Nakaramdam ng kaba si Diego dahil hindi niya alam kung bakit gusto siyang kausapin ng ama ni Janella. Galit pa rin pa ba siya kay Diego? May gusto ba siyang ipagawa kay Diego para patawarin niya? Maraming sumagi sa isipan ni Diego ngunit ni