Nahihiyang lumabas si Janella sa kwarto ng magulang niya, muntikan niya na ngang masapak ang sarili dahil ang adult niya na pero nagpapaalam pa rin ito sa magulang. Kahit naman na may hindi alam ang magulang niya na sobra pa sa inaakala ng mga tao. Ngunit hindi niya pa rin maiwasan ang kabahan lalo na kung si Diego ang kanyang makakasama sa isang kwarto.
But, speaking of Diego. Iniisip pa rin ni Janella kung ano ang dahilan ni Diego kung bakit naisipan siyang ayain na matulog sa kwarto. Paanong hindi siya magtataka kung ito ang unang beses na sinabi ni Diego. Kinakabahan pa rin siyang hanggang ngayon dahil iniisip niya kung ano ang mangyayari na silang dalawa lang sa loob ng isang kwarto ngunit inalis niya agad iyon sa kanyang isipan, hindi dapat siya nag-iisip ng ganoong bagay. Tama naman si Diego na dapat ay masanay silang dalawa na ansa iisang kwarto na magkasama dahil balang a
Nagpahatid lang sina Diego at Janella sa driver, dinala ni Diego si Janella sa mamahaling restaurant at tanging sila lang dalawa sa pwesto na pinili ni Diego. It’s exclusively sa mga VIP member at dahil ang may ari ng Wilbohn Restaurant ay si Fred, kasamahan din ng Dark Blood Organization kaya pinahanda ni Diego ang gabi ito bago pa man sila nagkagulo kanina sa condo ni Angelo.Nang makarating sila, unang bumaba si Diego at inalalayan si Janella sa kabilang pintuan ng likod ng kotse. Nahiya pa si Janella dahil nakaramdam siya ng kakaiba nang hawakan ang kamay ni Diego. Dahil ito ang unang beses na makakapunta siya sa marangyang lugar at mamahalin, hindi niya alam kung ano ang magiging reaction niya sa lugar at kung paano ka-gentle si Diego sa kanya. Pakiramdam niya, ang special niya para kay Diego at ang araw na ito ay para lang sa kanilang dalawa.
Nang matapos ang gabi nila sa restaurant ni Fred, inaya ni Janella na gumala muna silang dalawa sa park na malapit lang din sa restaurant. Naglalakad sila at iniwan muna ang kotse. Tahimik ang paligid, tanging kaunting sasakyan na lang ang nakikita. Alas Diyes na ng gabi kaya wala ng masyadong nakikitang tao sa park. Tahimik na naglalakad sina Diego at Janella habang magkahawak ang kamay. Hindi mapigilan ni Janella ang pagngiti kanina pa, hindi rin siya makapagsalita dahil mas gusto niyang ramdamain ang kamay ni Diego sa kamay niya. Si Diego naman ay mas lalong nagustohan ang kaganapan. Sa kanyang iniisip ay mas maayos na kung ganito palagi, magaan ang kanyang pakiramdam habang kasama si Janella. “Hindi mo ba na-miss ang pamilya mo?” tanong ni Janella nang nakaupo na sila sa bench. Tumingin si Diego sa kanya saglit bago tumingin sa langit. “I missed them…a lot.” Janella looked at him, inaantay na may sasabihin pa si Diego. “Pero nasanay na rin akong hindi ko sila nakakasama ng ilan
Kinabukasan, nagising si Janella na masakit ang buong katawan. Sino ba naman ang hindi sasakit ang katawan kung pinagod siya ni Diego. Hindi niya akalain na alam ni Diego ang mga ganoong bagay ngunit naisip niya rin na lalaki si Diego, natural sa mga lalaki na alam ang pangangailangan nila. Mahinang umunat si Janella at sabay na lumingon sa gilid niya nang maramdamang may yumakap sa tiyan niya. Napamulat ang kanyang mga mata nang makitang nakangiti si Diego habang nakapikit pa rin ang mata. Gising na ito ngunit dinaramdam niya pa ang presensya ni Janella sa kanyang tabi. “Good morning, wife.” In his husky voice at dahan-dahang iminulat ang mga mata. Agad na tumalikod si Janella ngunit hinuli ni Diego ang kanyang mukha para halikan. Sa sobrang kahihiyan na naidulot ni Janella, iniwas niya ang kanyang mukha kay Diego. “What are you doing? Hindi pa ako nag-toothbrush.” Nakatakip ang bibig niya gamit ang kanyang kamay. “Pwede bang maghilamos muna?” Nahihiyang sabi ni Janella. Diego
Ginawa nga ni Janella ang pagluto para sa lunch ni Diego at pumunta sa opisina, ginawa rin ni Diego ang pinangako niyang i-cancel ang mga meeting para lang makasabay si Janella sa lunch break. Lahat ng empleyado ng araw na iyon ay nagtataka kung bakit ibang-iba si Diego sa harap ni Janella samantalang sa kanila ay suplado. Siguro nga, nag-iiba ang isang tao kapag kaharap ang taong nagustuhan nila o ano pa. Hinayaan na lang nila iyon dahil mas nakakabuti rin naman na laging nasa mood si Diego para hindi sila mapagalitan. "Ang sarap mo talaga magluto." Nakangiting sabi ni Diego kay Janella nang matapos silang kumain. Niligpit na ni Janella ang mga kalat at ibinalik ang mga tupperware sa dala niyang food bag. Bumaling siya kay Diego na nakangiti rin. "Bagay na ba ako maging asawa mo?" pilyang tanong ni Janella. Nagulat naman siyang lumapit sa kanya si Diego at niyakap sa likuran, gusto niya sanang umiwas dahil nakaramdadam siya ng awkward ngunit napagtanto niyang sila lang dalawa sa
Hindi makapagsalita sina Mina at Janella dahil sa sinabi ni Diego. Ang kahibangan ni Diego ang nagpagulat sa kanila. Hindi na rin nagreklamo si Janellla at hinayaan na lang ang araw na kasama si Diego sa mall. Nang makarating sila sa mall, hindi sana tatabi si Mina kay janella dahil nga kasama nila si Diego pero sinabi ni Diego na tabihan at samahan si Janella maglakad. “I am okay with this,” he said. Kahit na nagtataka pa rin si Mina sa inasta ng kanyang boss, lumapit siya kay Janella. “Ano ba talagang pinakain mo kay Sir Diego at kahit pati girl’s out ay nagiging buntor mo siya?” bulong ni Mina kay Janella. Bumuntonghininga si Janella at bumaling sa kanya, hindi nga niya alam kung anong nangyayari kay Diego. “Pareho tayong walang alam sa pinaggawa niya, Mina. Ewan ko ba sa lalaking iyan,” sagot ni Janella. Kahit anong isipin ni Janella kung bakit sumama sa kanila si Diego, mababaliw lang siya kaya hinayaan niya na lang kahit na nakakahiya. Sino ba naman ang hindi mahihiya kung
Dumating ang araw ng kasal at lahat ng naibentahan ay maagang dumating sa venue. Sa dressing room, kasama ni Janella si Mina at ang kanyang ina. “Kailangan mo pa ba ng makeup? Maganda ka na,” sabi ni Mina. Natawa naman si Janella dahil sa pambobola ng kaibigan. “Sabagay, dapat ikaw ang pinakamaganda ngayong araw.” Nakangiting sabi ni Mina habang patuloy na inaayusan si Janella. “Si Diego?” tanong ni Janella sa kanyang ina na kanina pa nakangiting tumitingin sa kanya. “Bakit, inay?” Umiling ang kanyang ina at nilapitan siya. Tumingin si Mina sa kanila at nagpaalam na aalis muna dahil kailangan nilang mag-usap mag-ina. “Thanks, Mina.” Nang makalabas si Mina, doon na tuloyang lumapit ang ina ni Janella sa kanya. Hinawakan ang kanyang balikat at sa salamin lang nakatingin. “Bakit paiyak ka na, inay? Hindi ka ba masaya na ikakasal na ako? Gusto mo bang i-cancel ko?” “Crazy.” Hinampas niya si Janella at bahagyang natawa. Paanong naisip ni Janella na hindi na gusto ng kanyang ina ang ka
Nakangising nakatingin si Felicia kay Janella at nang makita ni Janella ang kanang kamay ni Felicia na may hawak na kutsilyo, bigla siyang kinabahan. Palapit nang palapit si Felicia sa kanya, paatras naman siya nang paatras hanggang sa wala na siyang maatrasan kundi pader na lang. “What the hell are you doing, Felicia? Ibaba mo ang patalim!” sigaw ni Janella ngunit mas lalo lang natuwa si Felicia sa reaction ni Janella, takot na takot si Janella. “Please…ibaba mo ang kutsilyo, mag-usap tayo.” Kumapa si Janella ng bagay na malapit sa kanya at ang hinawakan niya ang upuan. “Ang damot mo naman, hindi mo talaga ako sinabihan na ngayon ka na pala magpapakasal.” Hindi pa rin nawala ang ngisi na nakakatakot sa mukha ni Felicia. Noong isang araw niya lang nalaman kay Miss Pim na ngayon ang araw na ikakasal si Janella, nagalit siya dahil hindi siya sinabihan ni Janella. Matagal na silang hindi magkaibigan kaya dapat lang na hindi siya sabihan ni Janella. “Alam ko namang hindi ka pupunta—”
“Did you see them?” Diego asked his companion. Nang matapos ang kasal, hinatid niya muna si Janella sa reception para sa huling party. Pumunta siya sa likod ng hotel, malayo sa mga tao. Kasama niya sina Andrei, Freed at Jayson. Nalaman nilang may nagmamasid sa kanila kanina sa simbahan ngunit hindi nila ito nalaman kung sino dahil bago pa mahuli ng tauhan ni Diego, mabilis silang nakaalis. “Hindi na sila nahabol pa. Diego, tinanong mo ba kay Janella kung anong nangyari sa kanya kanina bago siya pumunta sa simbahan?” Kumunot ang noo ni Diego at bumaling kay Jayson nang sabihin niya iyon. Nagtataka ang mukha ni Diego, hindi malaman kung ano ang ibig sabihin ni Jayson. “Ano ang ibig mong sabihin?” tanong ni Diego. Bumaling narin si Andrei at Fred sa kanya, nag-aantay ng ano pang idagdag na sasabihin tungkol kay Janella. “My wife told me after the church wedding, sinabi lang din ito ni Lucy sa kanya. That, before Janella came to the church, she was terrified in the dressing room. Na