"Ally, hindi ko makita 'yong Auditing Problems. Is it on loan?" tanong sa kanya ni Kattie.
Nagsasalansan siya ng mga libro sa library at nililinisan ang mga shelves nang lapitan siya ng kaklase.
Si Kattie - siya 'yong typical nerd na meron ang mga eskwelahan. Iyong genius na hindi lang ang grado sa paaralan ang mataas kundi maging ang grado ng mga mata nito. Siya iyong mukhang naglalakad na library sa dami ng kipkip na libro. Pero siya rin iyong matalik na kaibigang pinagkakatiwalaan ni Allison.
"Na kay Michael," inginuso niya ang male version ni Kattie, he's her friend as well. Nakap'westo ang lalaki sa pandalawahang mesa sa sulok ng library at super busy sa pagbabasa.
"Ah kaya naman pala," nagpaalam ito na pupuntahan nito si Michael.
Ally hoped she could join them. Kaso nasa library siya bilang Student Assistant at para magtrabaho. Nakakapagbasa lang siya doon kapag may absent silang instructor at doon nila palilipasin ang buong period.
She sighed as she absentmindedly touched her right arm. Nabugbog iyon nang husto sa pagkakabagsak niya kanina. Nangingitim na nga iyon. Mabuti at medyo natatakpan iyon ng suot niyang shirt dress.
Tinapos niya ang ginagawa dahil patapos na ang vacant period niya. Sasabay na siya kina Kattie at Michael.
"Ally, tapos mo na ba yung assignment natin?" Tanong ni Michael habang pababa sila ng hagdan. Nasa fourth floor kasi ang library.
"Oo. Tinapos ko na kagabi. Sana lang tama," she barely have one hour each night to work on her assignments. Mabuti at ni minsan hindi pa siya bumagsak dahil sa madalian laging paggawa niya sa mga iyon. Gusto na nga niyang maniwala na mas mahusay siya kapag may time limit at pressured siya.
"Kelan ka ba nagkamali, Ally? Ang galing galing mo nga eh kasi kahit di ka masyadong nakakapagbasa, nakakapasa ka pa rin," puri sa kanya ni Kattie.
"Naman, kung ganyang usapan na rin naman, ano naman ang panama ko sa inyong dalawa?" nakangiting sabi niya sa mga kaibigan. Nakatingin siya sa mga ito kaya nang mabangga siya nang nagmamadaling paakyat na dumaan sa tabi niya, napapihit siya at nawalan ng balanse.
They were still four stair steps away from the ground floor at hindi rin siya nahawakan ni Michael na siyang katabi niya. Ally braced herself for yet another hard fall that day.
'Please, not on my right!' pipi niyang hiling.
Parang slow motion yung pagbagsak niya. Napapikit siya nang finally ay maramdaman niyang bumagsak na siya - sa sahig?
"Ally!" narinig niya sina Kattie at Michael.
She didn't seem hurt at siguradong hindi siya sa sahig bumagsak. She was caught by someone by her waist!
"Ethan!" namilog ang mga mata niya nang makita niya kung sino ang sumalo sa kanya.
"It's you again!" He said, smiling down at her.
'Omg...'
Pakiramdam ni Ally kulay over ripe na makopa na siya. Ethan's face was so close and he's really got those gorgeous eyes staring back at her.
Napasipol naman si Leio na nasa kanan ni Ethan.
"And we met again," he remarked teasingly.
"Ally! Are you okay?" nag-aalalang lumapit si Kattie. "Thank you Ethan."
Saka lang siya naisipang itayo ng binata. But by doing so nahawakan nito ang kanang braso niya dahilan para mapangiwi siya sa sakit.
"Aray," mahina niyang daing.
Pero hindi iyon nakaligtas kay Ethan kaya agad nitong inusisa ang braso niya. Itinaas nito ang hanggang siko niyang manggas hanggang sa lumitaw ang malaki niyang pasa.
"You've got a bruise!" he exclaimed. "I knew it. You were the girl this morning!"
"Thank you sa pagsalo sa akin," sa halip ay sagot niya para makaiwas sa topic. "Kattie, Michael, let's go."
"Hey," si Zion na tahimik lang kanina. "Mr. Zamora will not be in today," tukoy nito sa instructor nila sa sunod na subject kung saan kaklase na naman nila ang tatlo.
It was funny how they knew about it. Eh dati naman, invisible sila sa mga ito. But now, they actually knew they belong to the same class.
"Talaga?!" tuwang-tuwa at panabay na tanong ng mga kaibigan niya na agad tumakbo paakyat sa library.
"Affirmative," tugon ni Zion pero wala na ang dalawa.
'Mga traydor. Bakit ninyo ako iniwan?'
Akmang susunod siya sa dalawang kaibigan pero pinigilan siya ng kamay na pumaikot sa kanyang baywang.
"That means, we need to talk," Ethan pulled her closer to her genuine shock.
"What?" namumulang nilingon niya ang binata. Wrong. She shouldn't have. Dahil pagpihit niya paharap kay Ethan, she found his face dangerously close to hers.
She blushed even more.
"You're blushing," he teased.
"What do you want?" tila napapasong inalis niya ang kamay nito at dumistansya. She couldn't handle being so close to anyone, kay Ethan pa kaya?
"See you later, bro," tinapik nina Zion at Leio sa magkabilang balikat si Ethan na nginisihan lang ang mga ito bago sila iwanan.
"We need to talk," hinawakan nito ang kamay niya bago niya naiiwas iyon.
"What's there to talk about? Hey!" she protested nang hilahin siya nito papunta kung saan and they're attracting audiences.
Why, this was Ethan and he's holding a nobody's hand! "Where are we going?!" She tried breaking free by pulling her hand.
"Stop that," annoyed na saway nito. "You're creating a show."
Napahinto naman siya at gusto niyang matunaw sa dami ng nakatingin sa kanila. This is not how she wanted to end her college life. Ayaw niyang nakakakuha ng atensyon. She's happy existing in the background.
"Good," he smirked bago inakbayan na lang siya. "Now this is better."
"Ethan," she said through gritted teeth.
"Stay calm, Allison."
He said her name! Ethan knew her name!
-----
"What?" kunot noo at asiwang tanong niya kay Ethan.
Dinala siya nito sa school canteen. Nakaupo silang magkaharap. Bumili ito ng dalawang fruitshake na siyang nakapagitan sa kanila ngayon.
Kanina pa ito nakatitig sa mukha niya. Naka-cross arms ito at may naglalarong mga munting ngiti sa mga labi nito.
What a sight of the super handsome Ethan Montenegro. Only that, hindi niya na-eenjoy ang tanawin na iyon dahil sa kasalukuyan ay ito yata ang nag-eenjoy sa nakikitang pagkaasiwa niya.
"Kung hindi mo sasabihin kung bakit tayo nandito, I swear, I'm walking out," she pressed her lips into a thin line.
"Relax," he leaned over the table at bago pa siya nakaiwas, he reached to remove her eyeglasses.
"Ethan!" awtomatiko niyang ipinikit ang mga mata. She will not be able to see clearly without her eyeglasses. "Give it back!"
"When was the last time you visited your Optalmologist?" he asked, marahil napansin nito na marami ng gasgas ang salamin niya.
Kelan nga ba siya huling nagpalit ng salamin? Hindi na niya maalala. She planned on having her eyes checked again. Pero hindi pa sa ngayon. She needed all the money she could save para sa pag-aaral niya. At kaunting panahon na lang. Just five more months.
"I don't know! You don't care.... " hindi pa rin nagmumulat na sagot niya pero nakalahad ang mga kamay niya para hingiin ang salamin niya. "Just give it back, please. I'm serious!"
She heard him sigh. Tapos naramdaman niyang lumipat ito sa tabi niya at ikinabit ang salamin niya.
"Open your eyes now," nasa pisngi pa rin niya ang dalawang kamay ni Ethan.
"What do you want from me, Ethan?" Na-i-stress na tanong niya and opened her eyes to find his blue-gray ones soft with concern while looking at her "What?" She blushed and he touched that part of her cheek that turned pink
"Let's have your eyes checked," seryosong pahayag nito.
"Thank you for your concern," inalis niya ang mga kamay nito sa mukha niya. "But it's not like I'm going blind anytime soon."
"Allison, you only got one pair. And they're beautiful. You should take good care of them."
"Really, thank you. But even if I want to -" she stopped there bago pa siya mapasubong magsabi ng dahilan kung bakit
"What are you doing outside in the wee hours?" tukoy nito sa early morning encounter nila kanina.
"It's five in the morning."
"Still too early."
"What do you care?"
"Because I almost hit you! If it wasn't me, It could be somebody else! And you might not just get a bruise next time!"
"Come on... That's an isolated thing. I've been on that job for years!"
"Years?" he shook his head "And how old are you now Allison? Seventeen? Eighteen? Nineteen -"
"Twenty," gagad niyang hindi nagugustuhan ang tono nito. "I'm an adult. And I know exactly what I'm doing."
"Where are your parents?"
"Ano ba gusto mong palabasin, Ethan? Let's put it this way. You are a Billionaire's son. Kahit mag-explain ako sa 'yo ngayon kung bakit kailangan kong magtrabaho habang tulog pa kayong mayayaman, you will never understand. Hindi lahat ng makikilala mo, kasing yaman mo." litanya niya, nag-isang linya ang mga labi ni Ethan habang nakatitig lang sa kanya.
"Done?"
"And I don't get the point why you're wasting your time on me," umiwas siya at kinipkip na ang libro niya bago tumayo.
"Others wanted my attention," he frowned.
"Then give it to those who wanted it. Excuse me, nakaharang ka po sa daan."
"I'll walk you to your next class" tumayo na rin ito.
"I can manage."
"Don't be stubborn."
"What's wrong with you?" Frustrated na tanong na niya.
Mabagal muna itong ngumiti bago siya sinagot.
"Maybe I like those who resist me."
She fought the urge to roll her eyes and threw her hands in a surrender motion.
She might have hoped he would notice her. But not this way. Hindi ganitong halata namang naaawa ito sa kanya.
Did she touch his heart somehow?
Ethan watched as Ally entered her classroom. Hindi niya ito kaklase sa subject na iyon dahil magkaiba sila ng kurso. He's also in the same department though."Bro," tapik sa balikat niya ang umagaw ng atensyon niya.It was Zion. He was his best friend. The only person he could be comfortable with. Komportable din naman siya kay Leio. He was his friend too. But Zion- they've been together since time immemorial."Hey.""What, you're already walking Ally to her class, huh?" he teased."You know me. I always do that," he shrugged. "-to anyone.""To anyone who has got interested in you. But Ally? I doubt that," Zion shook his head."She likes me. Everyone does.""Ally's a good girl," tinapik siya ulit ni Zion sa balikat bago nagpatiuna sa paglalakad.It's a warning from a friend, isn't it?"I know," siya na lang ang nakarinig sa sinabi niya.Bakit nga ba niya inihatid si Allison? Bakit nga ba niya ginawan ng par
Allison set her phone on silent mode and threw it carelessly on the empty chair beside her. Kanina pa kasi iyon nagriring. Number lang ang nag-aapear kaya hindi niya sinasagot. She doesn't talk to strangers and if it was important, magpapadala ito ng mensahe. Saka niya lang sasagutin ang tawag kapag alam na niya kung sino ang caller at kung ano ang pakay nito.Binuksan niya ang Taxation book niya at isinabay sa pagkain ang pagre-review. May long test siya sa sunod na subject. Kailangan niyang magmulti-task. With a spoon in her right hand feeding her mouth, calculator naman ang hawak ng kaliwang kamay niya at nagco-compute sa mga examples sa libro.3:10 p.m. on the clock and she got so engrossed with whatever she was doing. Hindi niya napansin nang umupo sa harapan niya ang pissed off na si Ethan."Bakit 'di mo sinasagot ang tawag ko?" He demanded at totoong nagulat si Allison na hindi na pala siya nag-iisa sa sulok na iyon sa canteen.Nag-
"Ally," pabulong na tawag ni Ethan sa dalaga.Nasa library sila. Nag-aayos ng mga libro si Allison sa isang shelf. Nasa likuran naman noon si Ethan at kanina pa kinukuha ang atensyon niya mula sa mga siwang ng libro."Ally!" ulit nitong bahagyang napalakas."Ssshhhh," saway ng Chief Librarian na si Ms Alonzo.Hindi niya pinapansin si Ethan kahit kanina pa ito sunod nang sunod at sinasadyang hulihin ang tingin niya. Wala siyang pakialam kahit napakaganda ng mga mata nito.Wala siyang pakialam kahit na sa loob loob niya, gusto na niyang batiin ang g'wapong binata."Ally," malapit na sila sa dulo ng shelf. Pagliko niya, hinarang na siya ni Ethan. "Bakit ba hindi mo ako pinapansin?" yamot na ito."Nagtatrabaho ako," umiwas siya pero humarang ulit ito."Bakit ang sungit mo? Meron ka---?""Ano bang kailangan mo?" she hissed, earning a wide grin from Ethan. Nagpa-cute pa ito."Lunch? Mamaya?""Busy ako," nilampasa
"Ethan, I swear. Hindi ito magugustuhan ni Allison," sabi ni Zion na sinusubukan siyang pigilin na sundan pa si Ally."She will not find out," itinabi niya ang magarang sasakyan at nag-alis ng seatbelt.It was almost midnight. Galing sa fastfood si Ally at kanina pa nila ito sinusundan. Sumakay ito ng jeep at medyo nakampante naman siya dahil marami pa palang commuters kapag ganoong oras ng gabi.Pero nagsimula siyang magpanic ng bumaba ito sa isang squatter's area."Bro, baka tayo pa ang mapagdiskitahan d'yan eh," sabi naman ni Leio na nakatingin sa grupo ng mga nag-iinuman at sunog-baga sa bukana ng maliit na iskinita."Natatakot ka ba? Maiwan ka na lang dito at isauli mo ang black belt mo sa karate."Napapailing na lang ang mga kaibigan niya. He couldn't blame them. Maging siya ay kinakabahan. Never in his life na nakapunta siya sa ganitong lugar.Pero mas natatakot siya para kay Ally. She was a girl, a d*mn beautiful
"Allison, ang g'wapo naman ng tatlong 'yan," bahagyang kinikilig na siniko siya ni Kara. Kasamahan niya itong service crew na tumatao sa counter."Mga papansin ka 'mo," saad niyang nagpipigil naman ng ngiti.Nagkukulitan sa mesa sa gilid sina Ethan, Zion at Leio. Hinatid siya ng mga ito kanina at nangako na hihintayin din siya hanggang sa matapos ang shift niya. Kanina pa paulit-ulit at salitan sa pag-order ng kung anu-ano ang tatlo."Grabe ka, sino r'yan ang boyfriend mo?" patuloy ni Kara."Wala," muntik na niyang malasahan ang pait ng sinabi niya."Ang bitter naman. Oh sige, kung ayaw mo umamin, huhulaan ko na lang kung sino."Iniikot niya ang mga mata."Yung naka-itim""Huh?" pinilit niyang 'wag mamula, si Ethan ang tinutukoy nito."Kanina pa kasi siya tingin nang tingin sa 'yo."Wala na. Namula na siya. Totoo nga ba? Tinitingnan siya ni Ethan? Pero tuwing titingin siya sa gawi ng mga ito, hindi naman ito nakat
Mabilis na lumipas ang isang buwan. Exams, quizzes, recitations, practicum, trabaho, at kulitan. And before Ally knew it, it was already the day when she, Amelia and Kyla would leave their house.Noong isang linggo, pormal ng ibinigay sa kanya ang napanalunan niyang bahay. Hindi nga lang sila nakalipat dahil naglinis pa siya. Well, hindi lang siya. S'yempre nakabuntot na naman ang tatlo niyang bodyguards."Alam n'yo ba kung paano maglinis?" tanong niya sa tatlo noon."OA nito. Hello, hindi naman masyadong marumi rito dahil nga nilinis na ito bago gawing papremyo sa raffle n'yo" sagot ni Leio na masyadong tunog defensive."May alikabok pa rin," saad niyang natawa dahil binatukan ni Zion si Leio."You and your big mouth bro!""What?" reklamo nit. "It's a matter of fact!""Whatever. You're not helping Ally with your arguments," sabad ni Ethan na pinagitnaan sina Zion at Leio. "So, shall we start?"In the end, imbes makapaglinis si
Ally hasn't seen Ethan in a while. Sabi nina Zion at Leio, busy ito dahil nasa bansa raw ang mga magulang ng binata."Hoy Zion, sinong mas maganda, si Cheska o si Rica?" pangungulit ni Leio sa kaibigang gumagawa ng assignment nito sa library."The girl in red," sagot naman ni Zion na bahagyang sinulyapan ang ipinapakitang pictures ni Leio."Are you sure?" diskumpyado ang mukha ni Leio. "Hey, Ally!"Siya naman ang ginulo nito."What?" iniangat niya ang mukha mula sa binabasa.Wala si Ms. Basco kaya nasa library sila nina Zion, Leio, Michael at Kattie. Kaso wala si Ethan at kahit ayaw aminin ni Ally, namimiss niya ang binata."Sinong mas magan-""The girl in red," putol niya na ginaya lang ang sinabi ni Zion."What the---??!" inis na sina Michael at Kattie ang sunod nitong ginulo."Kelangan ba may survey kung sino ang sunod niyang ide-date?" aniya kay Zion."That's
"Asaan si Ally?!" May pekeng pagpapanic sa boses na asik ni Leio kay Shanna.Nasa pinto lang pala ito kasama si Zion na naghihintay sa kanila. Bihis na bihis na rin ang dalawa na akala mo eh dadalo ng kasalan."Stupid," tugon ni Shanna."Who's stupid?""You! Who else?"And the two bickered like two five year olds."You look very beautiful tonight, Ally," ani Zion na pinabayaan lang sina Leio at Shanna na mag-away."Thanks.""Let's go?" He offered his arm which she gladly took dahil kakapiraso pa lang ang nalalakad niya ay masakit na ang paa niya."Wait!" Panabay na habol ng dalawang bata nilang kasama."That's so rude, Zion!" Si Shanna.Ally figured that Shanna was close to Zion and Leio."The party already started," sagot lang ni Zion."So where's my cousin?""Syempre andoon na," si Leio ang sumagot."Am I talking to you Leio?""Kids, stop," saway na ni Zion. "Shall we go
"Ate, may bisita ka na naman," pabirong pinaikot ni Kyla ang mga mata nito nang bumalik ito sa kinaroroonan niyang kasunod ang asawa niyang one hour ago ay nagpaalam na papasok na sa trabaho. "Ligpitin ko na ang mga ito para makapagsarilinan kayo ng manliligaw mo," patuloy nitong biro na kinuha ang mga pinagkainan niya."Thanks for the privacy, Ky! May reward ka sa akin, anong gusto mo, in kind or cash?" sakay ni Ethan sa kapatid niya. "Bayad ka na, kuya," sincere ang ngiting ibinigay rito ni Kyla bago ito umalis at iwan sila.Alam nilang tatlo kung ano ang ibig sabihin ni Kyla. Sa pagmamahal pa lamang ni Ethan sa kanya at sa kanyang ina at kapatid, sobra pa ito sa bayad. He was family.Ethan smiled at her. The kind of smile that makes her fall for him time and again. He was already his husband, yet whenever he would look at her, Ally could still feel the butterflies in her stomach.Kinikilig pa rin siya kahit naman alam niyang ang mga m
"Mr. E, here are the reports that you asked me to prepare," sabi ni Michael na nakasunod na agad sa kanya sa opisina niya pagdating na pagdating pa lang niya."Has Ms. Reyes called yet?" he asked while opening his laptop. "Yes, Sir. They already found a match for Angel. Right now, they are determining the best time to do the operation." "That's good. But what's taking them so long? Put Yanah on the phone," aniya. Bahagyang natuwa sa balita pero slightly na nairita rin. "Yes, Mr. E." Kaagad na tumalima sa utos niya si Michael. A few minutes later, nasa linya na si Yanah. "Mr. Montenegro, don't worry. Everything is fine," sabi nito agad. "Ms. Reyes, you know that Angel's case is close to me. I want you to do everything you can to save her," malumanay niyang sabi. When he came back to the shelter, hinanap niya ang batang nagpakilala ng Diyos sa kanya. He found out that she was there by herself. Dah
He had so many plans for their future together. Nang makilala ni Ethan si Ally, alam niyang magkakaroon ito nang malaking bahagi sa buhay niya. Sinubukan naman niyang maging kaibigan lang. But in the end, hindi niya kayang hindi palalimin ang relasyon nila.He was happy. They were happy. They love each other sincerely. Kaya naman nang iwan siya ni Ally at sabihin nitong yaman lang niya ang habol nito at hindi siya nito minahal kailanman, labis siyang nasaktan. Hindi niya matanggap dahil akala niya ay ito ang pinakatotoong nangyari sa buhay niya. He felt betrayed and used. He believed that Ally sold their love for twenty million. Pagkakamali na hanggang sa mga sandaling iyon ay malaking pinagsisisihan ni Ethan. That was their relationship's turning point. Had he fought and saw the truth behind Ally's lies, everything would've happened differently. But what could he do now? Lahat ng Doktor na nakausap niya, sinabihan siyang isuko na ang
"Look at you, you're so beautiful, Allison," masayang sabi ni Shanna habang pareho silang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin. Inayusan siya nito para sa kasal nila ni Ethan sa araw na 'yon. It's only been a few days since he proposed at ngayon nga, ikakasal na sila. Ally was wearing a simple white dress. Iyong saktong magiging komportable lang siya at the same time, presentable naman para sa isang kasalan. Kasal pa rin iyon ng isang Ethan Montenegro na bagamat isang pribadong affair ang okasyon ay napaka-unfair naman dito kung bukod sa mukha na talaga siyang mamamatay ay hindi pa siya mag-aayos nang kaunti.She was so thankful to God that He let her live up to that day. Sapat na sa kanyang nagising siya sa araw na iyon. Bagamat napakahina ng pakiramdam niya and she could feel her body aching almost everywhere, she didn’t tell anyone.That day was supposed to be happy. And she was indeed very happy. Ayaw naman niyang pasamain ang mood ng la
Hindi akalain ni Ally na seseryosohin ni Ethan ang pagpo-propose ulit kapag may dala na itong singsing. Pero si Ethan Montenegro ito, whatever he says, he will do. Ang pinaka hindi niya talaga mapaniwalaan ay ang makatanggap pa ng marriage proposal kahit nasa bingit na siya ng kamatayan. Hindi niya deserve iyon. Lalo at nararamdaman na niyang napakalapit na niya sa hukay. Each passing day was already getting dimmer. She knew it. She could feel it.Hindi rin deserve ni Ethan na pakasalan ang isang taong maaaring mamatay na ano mang oras. Napakaaga nitong magiging widower kung sakali. He deserves someone who could grow old with him. Hindi katulad niya na isang cell na lang ata ang hindi pa pumipirma para tuluyan na siyang mamaalam. She couldn't hurt Ethan like that.'Come on, Allison. Give the man some credit. He is not even thinking of that. He only wanted to marry you. Besides, the marriage needs not to be registered if you will pass a
"Ally, alam mo ba na engaged na pala ang babaeng 'yan? Wala man lang pasabi! Kung hindi pa pinahanap ni Mr. Montenegro, wala siyang balak na imbitahin tayo sa kasal niya!" "Michael!" saway ni Katie na pinanlakihan ng mga mata ang kaibigan nilang lalaki.Natawa si Allison. Kahit video call lang silang nag-uusap na tatlo, kitang-kita pa rin ang pamumula ni Katie. "Totoo ba, Katie?" tanong naman niyang masayang-masaya sa nalaman. Eh dati, libro lang ang alam gawing boyfriend ni Katie. Who would've thought that just a few years after graduation ay engaged na agad ito? "Eh, hindi naman kasi sa gano'n," ani Katie. "Iba naman kasi ang sitwasyon. Mapapa-deport ako kung hindi ko pakakasalan ang kaibigan ko rito." "Hmn, ilegal stay?" aniyang nananantiya. Nasa Amerika kasi sa kasalukuyan ang kaibigan nila."Hindi naman totally—""So, kailan ang kasal?" pag-iiba niya ng usapan. Ayaw niyang mapahiya ito o ano.
"She was in and out of consciousness last night, Mr. Montenegro. And today, she's not waking up yet. It's almost past two PM."Halos paliparin na ni Ethan ang sasakyan niya papunta sa shelter. He was in the middle of an important meeting when Yanah called. Nang makita pa lamang niya ang pangalan nito na nag-flash sa naka-silent niyang cellphone, inatake na ng kaba ang dibdib niya. He let his phone ring while abruptly wrapping up the meeting. Nawala na siya sa focus at abot abot ang hiling niya na sana walang nangyaring masama kay Allison habang wala siya sa tabi nito. At heto nga, parang patalim na sumasaksak sa puso niya ang mga sinabi ni Yanah. "Please, be well, Ally," aniya habang blurred na ang paningin na nagmamaneho siya ng lampas na sa speed limit. He just hoped na hindi siya masita. Ngayon lang naman. He needed to be beside Ally at once. "Wait for me, please…" Nang makarating ay halos takbuhin niy
"Mama," tawag niya sa atensyon ng inang nakatayo malapit sa glass wall ng kanyang opisina. Lumingon si Andrea Montenegro at tipid ang malamig nitong ngiti sa kanya. Sometimes, he wondered if his mother ever knew how to be a mother. Wala man lang warmth ang kanyang ina. "What brought you here?" he asked. "Is that how you welcome your mother, son?" Gusto niyang paikutin ang mga mata niya. Ito nga ang wala man lang emosyon pagkakita sa kanya eh. "I'm just asking, Ma." He approached Andrea and kissed her cheek. And that simple gesture surprised his mother. Bagamat saglit lang nag-iba ang ekspresyon sa mga mata nito. "Well, I felt obliged to pay you a visit," Andrea took a seat without breaking eye contact with him. "A Director raised a concern that you're always unreachable. What is going on, Ethan?""Tinatanong mo ba ako, Mama, dahil hindi mo pa alam? O
"Hindi pa ba nagkakadevelope-an ang dalawang iyan?" amused na tanong ni Ally habang nakamasid kina Leio at Shanna na nakikipagbiruan sa ibang pasyente ng shelter. "Hmn, about that, I am not sure kung gusto kong ipagkatiwala ang pinsan ko kay Leio," Ethan answered, masuyo na inayos nito ang pagkakahilig ng ulo niya sa balikat nito. "Bakit naman? Ain't Leio your friend? Best friend pa nga.""Yes. And so I know how he treats women. Ayokong mapasama sa listahan niya ang pinsan ko. You know, Shanna is so dear to me. Like a sister, actually," he explained."Para namang wala ng chance magbago si Leio," Ally said, chuckling a bit. "I still think they look good together." "Ah, don't encourage them!" Tumawa rin nang bahagya ang binata. "On a serious note, kapag nga nagkagustuhan ang dalawa na 'yan, sa tingin ko okay na rin. Shanna is being picky. Wala siyang magustuhan sa mga admirers niya." "Baka nga kasi