"Excuse me! Excuse me!"
Sampung minuto na lamang at mag-uumpisa na ang unang subject ni Allison sa araw na iyon. Kaya naman heto siya ngayon, tumatakbo at nagmamadali. She tried to push her way through the crowd of students along the hallway.
With her backpack carelessly slung on her right shoulder, a couple of books in her arms, a big black rimmed eyeglasses that covers half of her face, long black hair pulled into a messy bun, 3/4 white blouse paired with a below the knee black skater skirt - Allison Garcia was not your popular girl in school. In fact, nasa huling taon na siya ng kursong Accountancy and she managed to stay in the background. Siya iyong kapag nakasalubong mo sa hallway, hindi mo lilingunin ulit. Siya 'yong nag-eexist na hindi namamalayan ng karamihan.
Sure isa siya sa mga paborito ng mga instructors. Matalino si Ally. Straight Dean's Lister siya since setting a foot in college. Dahil doon ay nakakakuha siya ng discount which is totally a huge help in her studies.
During her spare time, you will not see her relaxing under a tree talking to her friends. Student Assistant siya at nag-aayos ng mga libro sa library every TTh 9am-10am at 3pm-5pm. MWF 11:30am - 1pm naman ay nasa counter siya sa school canteen. Minsan nasa Student Affairs Office siya at nag-e-errand girl. All those in exchange for free Miscellaneous Fee.
Ally rushed towards the stairs to the third floor and arrived just in time to beat her instructor - Ms. Basco in coming to the classroom. Habol habol pa niya ang hininga nang makaupo siya sa pinakalikuran. For some reason, wala silang sitting arrangement pero dapat ukupahin muna lahat ang nasa harapan bago punuin ang bandang likuran. Kaya based on that rule by Ms Basco, alam nito ang sequence of time that her students arrived for her class. Ally was never late, ngayon lang. She always makes it a point na maaga siya dahil nahihirapan siyang magbasa kapag nasa likuran na siya. Iyon ay dahil sa luma na niyang salamin sa mata.
Apat pa ang bakante nang dumating si Ally. Needless to ask, alam naman niya kung sino ang mga makakatabi niyang latecomers. Yung mga walang pakialam sa pag-aaral.
"Good morning class!" Masiglang bati ni Ms. Basco which was weird dahil Monday pa lang. It was the day of the week when you hate getting up from the bed. Even Ally had that Monday sickness but being a poor child doesn't give her the liberty to oversleep even a second.
She gets up as early as 3:30 in the morning everyday for an early morning job. Habang p'wede ng ma-access ang mga balita sa mga handheld devices, laptops at iba pang teknolohiya, there are still those who wanted their news feed the old fashion way. Thus, Ally bikes around an exclusive village to deliver the rich people's newspapers to their doorsteps. She usually starts at four in the morning and finishes at around six. And then she would rush to prepare for school.
Kaninang umaga, na-flat ang bisekleta niya kaya natagalan siyang makauwi. Mabuti na lang at okay ang endurance niya sa takbuhan.
"You're late again!"
Ally's thoughts snapped at Ms. Basco's annoyed voice. Her gaze automatically shifted to the door kung saan kakapasok lang ng tatlong greek gods.
"Good morning too, Miss," Ethan smirked as he strode past Ms. Basco to Ally's direction at the back, his two best friends, Zion and Leio on either side of him. Nakangiti ang mga ito na akala mo ay isang normal na bagay ang mahuli sa klase. Oh well, for the three of them, being late is a normal thing. Para ngang permanent seats na nila ang likurang bahagi, kay Ethan ang pinakahuling upuan. Parang may personal attachment na nga ito sa dingding dahil sasandal lang ito doon hanggang sa matapos ang klase, that is kung walang quiz o exam.
Ethan is a Billionaire's son kaya kung makapambalewala ito ng school rules ay ganoon na lang. First of all, hindi naman kasi nito kailangang mag-aral. He would not get hungry even if he forsakes school. He was an heir to the vast wealth of his family.
Pero hindi lang pagiging ubod ng yaman ang katangian ni Ethan. Matalino rin ito, iyong tipong nakakainis kasi kahit walang effort, nakakapasa ito. Kaya hindi rin masasabi na dahil lang mayaman ito at may impluwensya sa eskwelahan kaya umabot ito sa huling taon ng kurso nito.
But besides those traits, everyone knows Ethan as the attractive young man who stands six feet tall, who has a body built like a pro model, a gorgeous face with deep seated eyes, beautifully molded nose and thin kissable lips- Ethan just never fails to make every girl drool over him.
In fact, he's the school's player and heart breaker. Kung nasa liberated country lang sila, he sure must have slept with the whole female population of their school. Pero dahil hindi, it's okay to say that he must have slept with all the slutty and those willing females.
Pero hindi ibig sabihin na mga malalandi lang ang naaapektuhan ng charm ni Ethan. Kung pagiging popular lang sa kababaihan ang usapan, he definitely got everyone of them.
Including Allison. Definitely including her...
Umiwas ng tingin si Allison nang magtama ang paningin nila. It only lasted a mere nanosecond but she could already feel her pulse racing. Yumuko siya and pretended to be taking down notes. At the corner of her eyes, nakita niyang sa tabi niya naupo si Ethan- for the first time, not beside his wall best friend!
She almost blushed nang aksidenteng magkadikit ang mga braso nila. Kaagad niyang inilayo ang braso na para bang napaso siya.
But well, si Ethan ito at si Ally siya. He's the popular guy, she's the nobody. At kahit medyo crush niya rin ang binata, hindi naman siya nangangarap na mapapansin siya nito. That was realistic thinking.
"What are you doodling?"
Ethan whispered against her ear, immediately sending shivers throughout her body.
"H-huh?" Was he talking to her? Lumaki ang mga mata niya nang mapagtanto na hindi naman siya nagsusulat ng notes. Bagkus ay mga linya at bilog bilog ang nasa notebook niya.
'Omg!'
"I said what are you doodling?" He moved closer to her. "Or should it be, what are you drawing?" To get a better view of her notebook, hinawakan nito ang kamay niyang may hawak na ballpen at bahagyang itinaas iyon.
Her cheeks burned. Ally knew it base sa pag-iinit ng kanyang pisngi. Never. As in never in her four years in college did she even get this close to Ethan. Let alone have him hold her hand!
Okay. It's probably not in a romantic way. But still, his touch almost left her breathless.
"I- I'm writing," she stammered trying to pull her hand from his grip.
"Well, you sure have a nice handwriting, babe " he chuckled cooly.
Ally's whole face turned red now with the way he chuckled and because he had called her babe. But most specially because Ethan's still holding her hand.
"Please let go," hila niya ang kamay.
"What are you writing then? Care to share?" Ethan teased pero binitawan naman siya.
"It's none of your business," he chuckled once again bago ito umayos ng upo, palayo nang kaunti kay Allison.
Ally tried to concentrate because the whole time Ethan would move closer to her and ask her stupid questions.
"Hey, are you really in this class?"
"Obviously."
"Then why haven't I seen you before?"
"Maybe you're not looking," sinikap niyang babaan ang boses dahil napapatingin na sa kanila si Ms Basco.
"My bad. How could have I missed your beautiful face?"
"Please, stop it, Ethan," namumula na naman siya.
"You know my name?" Umakto itong hindi makapaniwala.
"Seriously? No. I'm just guessing," she answered sarcastically. Kahit yata hindi nag-aaral sa school nila, kilala ito. Siya pa ba?
He laughed.
"I really feel bad now because I don't know yours..."
She rolled her eyes. That's perfectly understandable.
"Hey, what's your name?"
Hindi niya ito pinansin dahil naabala siya sa pagkokopya ng lecture nila. Sigurado namang nangtri-trip lang si Ethan. Kapag hinayaan niya itong maapektuhan siya, siya lang ang matatalo. She couldn't miss their lesson while Ethan could just care less.
Given that she's got a huge crush on him, hindi niya p'wedeng ipagsapalaran ang class standing niya.
"Aren't you being rude? Hey, tell me your name," pangungulit pa rin ng binata.
Seriously? What has gotten into Ethan?
"Leave me alone," sagot niya.
"The whole class would have to go if you want to be alone."
"Yeah, funny," hindi naman niya alam bakit sagot siya nang sagot. P'wede namang 'wag na niya itong pansinin.
"Why won't you tell me your name?"
"Because it's not important."
"Of course it's important. I won't ask for it if it's not," pacute na inilapit pa nito ang mukha.
She sighed. Tapos binalingan ang katabi niyang babae sa kaliwa niya na obvious namang sinadyang magpahuli sa klase para sa likuran maupo.
"Hey, Lauren, would you like us to switch sits?" alok niya sa maganda at sexy na kaklase na halata namang kanina pa gustong makalapit kay Ethan.
"Oh, I thought you'd never ask," parang ito pa ang inip na inip at tumayo ito kaagad-agad.
"Thanks!" agad din siyang tumayo at nagpalitan sila ng upuan.
"Hi, baby," ani Lauren kay Ethan.
"Hello, beautiful," ganti naman ng binata.
Ally sighed again. She knew it. Gusto lang may maistorbo ni Ethan.
RUSHING again... This time Ally made a mistake of sleeping late. Natraffic kasi siya kagabi mula sa shift niya sa fastfood kaya 'yong standard four hours rest niya gabi gabi ay naging three hours na lang before she needed to wake up at 3:30 in the morning.
Mabilis na kinuha niya sa supplier ang mga newspapers at maingat na inilagay ang mga iyon sa basket sa unahan ng bike niya. In less than thirty minutes, she already delivered half.
At dahil nga nagmamadali siya, hindi niya napansin ang isang kotse na papalabas sa garahe ng isang malapalasyong bahay. Surprised, Ally wasn't able to hit the brakes at once. More afraid to crash with the car and damage it than her own safety, Ally made a sharp stop causing her to lose balance and hit the hard pavement.
"Aw!" Daing niyang napakapit sa kanang braso na sumalo sa buong bigat niya pagkabagsak niya
"I'm sorry!" agad namang bumaba ang driver ng napakagarang sasakyan na muntik na niyang mabangga "Are you okay?" Awtomatiko nito siyang inalalayan na makabangon.
"No... Hindi po ako nakatingin.. Kasalanan ko-" tuloy tuloy na sabi niya habang pinupulot ang mga dyaryo. "I'm okay -" nakasakay na siya ulit sa bike niya nang lingunin niya ang lalaki.
"It's you!" Bulalas ni Ethan.
Hindi naman agad nakahuma si Ally. The Ethan in front of her now is exceptionally handsome that she suddenly felt conscious on how she looked like. Napakaaga pa ng araw ay bihis na bihis na ito. Pero hindi naman ito mukhang papasok na sa eskwela. More like may iba itong pupuntahan.
Inayos ni Ally ang suot na baseball cap patakip sa mukha niya tapos nagmamadali siyang umalis.
"Hey!"
Hindi siya lumingon.
Wth? Ilang taon na siyang nagtatrabaho sa lugar na iyon pero wala siyang ideya na doon nakatira si Ethan.
Gosh, she'd been delivering his newspaper everyday! Well, maybe he wasn't the one reading it but still... At doon pa ito nakatira sa bahay na ilang beses niya ring hinangaan at pinangarap na balang araw magkakaroon din siya ng gano'n.
'Who are you kidding, Ally?'
"Ally, hindi ko makita 'yong Auditing Problems. Is it on loan?" tanong sa kanya ni Kattie.Nagsasalansan siya ng mga libro sa library at nililinisan ang mga shelves nang lapitan siya ng kaklase.Si Kattie - siya 'yong typical nerd na meron ang mga eskwelahan. Iyong genius na hindi lang ang grado sa paaralan ang mataas kundi maging ang grado ng mga mata nito. Siya iyong mukhang naglalakad na library sa dami ng kipkip na libro. Pero siya rin iyong matalik na kaibigang pinagkakatiwalaan ni Allison."Na kay Michael," inginuso niya ang male version ni Kattie, he's her friend as well. Nakap'westo ang lalaki sa pandalawahang mesa sa sulok ng library at super busy sa pagbabasa."Ah kaya naman pala," nagpaalam ito na pupuntahan nito si Michael.Ally hoped she could join them. Kaso nasa library siya bilang Student Assistant at para magtrabaho. Nakakapagbasa lang siya doon kapag may absent silang instructor at doon nila palilipasin ang buong period.Sh
Ethan watched as Ally entered her classroom. Hindi niya ito kaklase sa subject na iyon dahil magkaiba sila ng kurso. He's also in the same department though."Bro," tapik sa balikat niya ang umagaw ng atensyon niya.It was Zion. He was his best friend. The only person he could be comfortable with. Komportable din naman siya kay Leio. He was his friend too. But Zion- they've been together since time immemorial."Hey.""What, you're already walking Ally to her class, huh?" he teased."You know me. I always do that," he shrugged. "-to anyone.""To anyone who has got interested in you. But Ally? I doubt that," Zion shook his head."She likes me. Everyone does.""Ally's a good girl," tinapik siya ulit ni Zion sa balikat bago nagpatiuna sa paglalakad.It's a warning from a friend, isn't it?"I know," siya na lang ang nakarinig sa sinabi niya.Bakit nga ba niya inihatid si Allison? Bakit nga ba niya ginawan ng par
Allison set her phone on silent mode and threw it carelessly on the empty chair beside her. Kanina pa kasi iyon nagriring. Number lang ang nag-aapear kaya hindi niya sinasagot. She doesn't talk to strangers and if it was important, magpapadala ito ng mensahe. Saka niya lang sasagutin ang tawag kapag alam na niya kung sino ang caller at kung ano ang pakay nito.Binuksan niya ang Taxation book niya at isinabay sa pagkain ang pagre-review. May long test siya sa sunod na subject. Kailangan niyang magmulti-task. With a spoon in her right hand feeding her mouth, calculator naman ang hawak ng kaliwang kamay niya at nagco-compute sa mga examples sa libro.3:10 p.m. on the clock and she got so engrossed with whatever she was doing. Hindi niya napansin nang umupo sa harapan niya ang pissed off na si Ethan."Bakit 'di mo sinasagot ang tawag ko?" He demanded at totoong nagulat si Allison na hindi na pala siya nag-iisa sa sulok na iyon sa canteen.Nag-
"Ally," pabulong na tawag ni Ethan sa dalaga.Nasa library sila. Nag-aayos ng mga libro si Allison sa isang shelf. Nasa likuran naman noon si Ethan at kanina pa kinukuha ang atensyon niya mula sa mga siwang ng libro."Ally!" ulit nitong bahagyang napalakas."Ssshhhh," saway ng Chief Librarian na si Ms Alonzo.Hindi niya pinapansin si Ethan kahit kanina pa ito sunod nang sunod at sinasadyang hulihin ang tingin niya. Wala siyang pakialam kahit napakaganda ng mga mata nito.Wala siyang pakialam kahit na sa loob loob niya, gusto na niyang batiin ang g'wapong binata."Ally," malapit na sila sa dulo ng shelf. Pagliko niya, hinarang na siya ni Ethan. "Bakit ba hindi mo ako pinapansin?" yamot na ito."Nagtatrabaho ako," umiwas siya pero humarang ulit ito."Bakit ang sungit mo? Meron ka---?""Ano bang kailangan mo?" she hissed, earning a wide grin from Ethan. Nagpa-cute pa ito."Lunch? Mamaya?""Busy ako," nilampasa
"Ethan, I swear. Hindi ito magugustuhan ni Allison," sabi ni Zion na sinusubukan siyang pigilin na sundan pa si Ally."She will not find out," itinabi niya ang magarang sasakyan at nag-alis ng seatbelt.It was almost midnight. Galing sa fastfood si Ally at kanina pa nila ito sinusundan. Sumakay ito ng jeep at medyo nakampante naman siya dahil marami pa palang commuters kapag ganoong oras ng gabi.Pero nagsimula siyang magpanic ng bumaba ito sa isang squatter's area."Bro, baka tayo pa ang mapagdiskitahan d'yan eh," sabi naman ni Leio na nakatingin sa grupo ng mga nag-iinuman at sunog-baga sa bukana ng maliit na iskinita."Natatakot ka ba? Maiwan ka na lang dito at isauli mo ang black belt mo sa karate."Napapailing na lang ang mga kaibigan niya. He couldn't blame them. Maging siya ay kinakabahan. Never in his life na nakapunta siya sa ganitong lugar.Pero mas natatakot siya para kay Ally. She was a girl, a d*mn beautiful
"Allison, ang g'wapo naman ng tatlong 'yan," bahagyang kinikilig na siniko siya ni Kara. Kasamahan niya itong service crew na tumatao sa counter."Mga papansin ka 'mo," saad niyang nagpipigil naman ng ngiti.Nagkukulitan sa mesa sa gilid sina Ethan, Zion at Leio. Hinatid siya ng mga ito kanina at nangako na hihintayin din siya hanggang sa matapos ang shift niya. Kanina pa paulit-ulit at salitan sa pag-order ng kung anu-ano ang tatlo."Grabe ka, sino r'yan ang boyfriend mo?" patuloy ni Kara."Wala," muntik na niyang malasahan ang pait ng sinabi niya."Ang bitter naman. Oh sige, kung ayaw mo umamin, huhulaan ko na lang kung sino."Iniikot niya ang mga mata."Yung naka-itim""Huh?" pinilit niyang 'wag mamula, si Ethan ang tinutukoy nito."Kanina pa kasi siya tingin nang tingin sa 'yo."Wala na. Namula na siya. Totoo nga ba? Tinitingnan siya ni Ethan? Pero tuwing titingin siya sa gawi ng mga ito, hindi naman ito nakat
Mabilis na lumipas ang isang buwan. Exams, quizzes, recitations, practicum, trabaho, at kulitan. And before Ally knew it, it was already the day when she, Amelia and Kyla would leave their house.Noong isang linggo, pormal ng ibinigay sa kanya ang napanalunan niyang bahay. Hindi nga lang sila nakalipat dahil naglinis pa siya. Well, hindi lang siya. S'yempre nakabuntot na naman ang tatlo niyang bodyguards."Alam n'yo ba kung paano maglinis?" tanong niya sa tatlo noon."OA nito. Hello, hindi naman masyadong marumi rito dahil nga nilinis na ito bago gawing papremyo sa raffle n'yo" sagot ni Leio na masyadong tunog defensive."May alikabok pa rin," saad niyang natawa dahil binatukan ni Zion si Leio."You and your big mouth bro!""What?" reklamo nit. "It's a matter of fact!""Whatever. You're not helping Ally with your arguments," sabad ni Ethan na pinagitnaan sina Zion at Leio. "So, shall we start?"In the end, imbes makapaglinis si
Ally hasn't seen Ethan in a while. Sabi nina Zion at Leio, busy ito dahil nasa bansa raw ang mga magulang ng binata."Hoy Zion, sinong mas maganda, si Cheska o si Rica?" pangungulit ni Leio sa kaibigang gumagawa ng assignment nito sa library."The girl in red," sagot naman ni Zion na bahagyang sinulyapan ang ipinapakitang pictures ni Leio."Are you sure?" diskumpyado ang mukha ni Leio. "Hey, Ally!"Siya naman ang ginulo nito."What?" iniangat niya ang mukha mula sa binabasa.Wala si Ms. Basco kaya nasa library sila nina Zion, Leio, Michael at Kattie. Kaso wala si Ethan at kahit ayaw aminin ni Ally, namimiss niya ang binata."Sinong mas magan-""The girl in red," putol niya na ginaya lang ang sinabi ni Zion."What the---??!" inis na sina Michael at Kattie ang sunod nitong ginulo."Kelangan ba may survey kung sino ang sunod niyang ide-date?" aniya kay Zion."That's
"Ate, may bisita ka na naman," pabirong pinaikot ni Kyla ang mga mata nito nang bumalik ito sa kinaroroonan niyang kasunod ang asawa niyang one hour ago ay nagpaalam na papasok na sa trabaho. "Ligpitin ko na ang mga ito para makapagsarilinan kayo ng manliligaw mo," patuloy nitong biro na kinuha ang mga pinagkainan niya."Thanks for the privacy, Ky! May reward ka sa akin, anong gusto mo, in kind or cash?" sakay ni Ethan sa kapatid niya. "Bayad ka na, kuya," sincere ang ngiting ibinigay rito ni Kyla bago ito umalis at iwan sila.Alam nilang tatlo kung ano ang ibig sabihin ni Kyla. Sa pagmamahal pa lamang ni Ethan sa kanya at sa kanyang ina at kapatid, sobra pa ito sa bayad. He was family.Ethan smiled at her. The kind of smile that makes her fall for him time and again. He was already his husband, yet whenever he would look at her, Ally could still feel the butterflies in her stomach.Kinikilig pa rin siya kahit naman alam niyang ang mga m
"Mr. E, here are the reports that you asked me to prepare," sabi ni Michael na nakasunod na agad sa kanya sa opisina niya pagdating na pagdating pa lang niya."Has Ms. Reyes called yet?" he asked while opening his laptop. "Yes, Sir. They already found a match for Angel. Right now, they are determining the best time to do the operation." "That's good. But what's taking them so long? Put Yanah on the phone," aniya. Bahagyang natuwa sa balita pero slightly na nairita rin. "Yes, Mr. E." Kaagad na tumalima sa utos niya si Michael. A few minutes later, nasa linya na si Yanah. "Mr. Montenegro, don't worry. Everything is fine," sabi nito agad. "Ms. Reyes, you know that Angel's case is close to me. I want you to do everything you can to save her," malumanay niyang sabi. When he came back to the shelter, hinanap niya ang batang nagpakilala ng Diyos sa kanya. He found out that she was there by herself. Dah
He had so many plans for their future together. Nang makilala ni Ethan si Ally, alam niyang magkakaroon ito nang malaking bahagi sa buhay niya. Sinubukan naman niyang maging kaibigan lang. But in the end, hindi niya kayang hindi palalimin ang relasyon nila.He was happy. They were happy. They love each other sincerely. Kaya naman nang iwan siya ni Ally at sabihin nitong yaman lang niya ang habol nito at hindi siya nito minahal kailanman, labis siyang nasaktan. Hindi niya matanggap dahil akala niya ay ito ang pinakatotoong nangyari sa buhay niya. He felt betrayed and used. He believed that Ally sold their love for twenty million. Pagkakamali na hanggang sa mga sandaling iyon ay malaking pinagsisisihan ni Ethan. That was their relationship's turning point. Had he fought and saw the truth behind Ally's lies, everything would've happened differently. But what could he do now? Lahat ng Doktor na nakausap niya, sinabihan siyang isuko na ang
"Look at you, you're so beautiful, Allison," masayang sabi ni Shanna habang pareho silang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin. Inayusan siya nito para sa kasal nila ni Ethan sa araw na 'yon. It's only been a few days since he proposed at ngayon nga, ikakasal na sila. Ally was wearing a simple white dress. Iyong saktong magiging komportable lang siya at the same time, presentable naman para sa isang kasalan. Kasal pa rin iyon ng isang Ethan Montenegro na bagamat isang pribadong affair ang okasyon ay napaka-unfair naman dito kung bukod sa mukha na talaga siyang mamamatay ay hindi pa siya mag-aayos nang kaunti.She was so thankful to God that He let her live up to that day. Sapat na sa kanyang nagising siya sa araw na iyon. Bagamat napakahina ng pakiramdam niya and she could feel her body aching almost everywhere, she didn’t tell anyone.That day was supposed to be happy. And she was indeed very happy. Ayaw naman niyang pasamain ang mood ng la
Hindi akalain ni Ally na seseryosohin ni Ethan ang pagpo-propose ulit kapag may dala na itong singsing. Pero si Ethan Montenegro ito, whatever he says, he will do. Ang pinaka hindi niya talaga mapaniwalaan ay ang makatanggap pa ng marriage proposal kahit nasa bingit na siya ng kamatayan. Hindi niya deserve iyon. Lalo at nararamdaman na niyang napakalapit na niya sa hukay. Each passing day was already getting dimmer. She knew it. She could feel it.Hindi rin deserve ni Ethan na pakasalan ang isang taong maaaring mamatay na ano mang oras. Napakaaga nitong magiging widower kung sakali. He deserves someone who could grow old with him. Hindi katulad niya na isang cell na lang ata ang hindi pa pumipirma para tuluyan na siyang mamaalam. She couldn't hurt Ethan like that.'Come on, Allison. Give the man some credit. He is not even thinking of that. He only wanted to marry you. Besides, the marriage needs not to be registered if you will pass a
"Ally, alam mo ba na engaged na pala ang babaeng 'yan? Wala man lang pasabi! Kung hindi pa pinahanap ni Mr. Montenegro, wala siyang balak na imbitahin tayo sa kasal niya!" "Michael!" saway ni Katie na pinanlakihan ng mga mata ang kaibigan nilang lalaki.Natawa si Allison. Kahit video call lang silang nag-uusap na tatlo, kitang-kita pa rin ang pamumula ni Katie. "Totoo ba, Katie?" tanong naman niyang masayang-masaya sa nalaman. Eh dati, libro lang ang alam gawing boyfriend ni Katie. Who would've thought that just a few years after graduation ay engaged na agad ito? "Eh, hindi naman kasi sa gano'n," ani Katie. "Iba naman kasi ang sitwasyon. Mapapa-deport ako kung hindi ko pakakasalan ang kaibigan ko rito." "Hmn, ilegal stay?" aniyang nananantiya. Nasa Amerika kasi sa kasalukuyan ang kaibigan nila."Hindi naman totally—""So, kailan ang kasal?" pag-iiba niya ng usapan. Ayaw niyang mapahiya ito o ano.
"She was in and out of consciousness last night, Mr. Montenegro. And today, she's not waking up yet. It's almost past two PM."Halos paliparin na ni Ethan ang sasakyan niya papunta sa shelter. He was in the middle of an important meeting when Yanah called. Nang makita pa lamang niya ang pangalan nito na nag-flash sa naka-silent niyang cellphone, inatake na ng kaba ang dibdib niya. He let his phone ring while abruptly wrapping up the meeting. Nawala na siya sa focus at abot abot ang hiling niya na sana walang nangyaring masama kay Allison habang wala siya sa tabi nito. At heto nga, parang patalim na sumasaksak sa puso niya ang mga sinabi ni Yanah. "Please, be well, Ally," aniya habang blurred na ang paningin na nagmamaneho siya ng lampas na sa speed limit. He just hoped na hindi siya masita. Ngayon lang naman. He needed to be beside Ally at once. "Wait for me, please…" Nang makarating ay halos takbuhin niy
"Mama," tawag niya sa atensyon ng inang nakatayo malapit sa glass wall ng kanyang opisina. Lumingon si Andrea Montenegro at tipid ang malamig nitong ngiti sa kanya. Sometimes, he wondered if his mother ever knew how to be a mother. Wala man lang warmth ang kanyang ina. "What brought you here?" he asked. "Is that how you welcome your mother, son?" Gusto niyang paikutin ang mga mata niya. Ito nga ang wala man lang emosyon pagkakita sa kanya eh. "I'm just asking, Ma." He approached Andrea and kissed her cheek. And that simple gesture surprised his mother. Bagamat saglit lang nag-iba ang ekspresyon sa mga mata nito. "Well, I felt obliged to pay you a visit," Andrea took a seat without breaking eye contact with him. "A Director raised a concern that you're always unreachable. What is going on, Ethan?""Tinatanong mo ba ako, Mama, dahil hindi mo pa alam? O
"Hindi pa ba nagkakadevelope-an ang dalawang iyan?" amused na tanong ni Ally habang nakamasid kina Leio at Shanna na nakikipagbiruan sa ibang pasyente ng shelter. "Hmn, about that, I am not sure kung gusto kong ipagkatiwala ang pinsan ko kay Leio," Ethan answered, masuyo na inayos nito ang pagkakahilig ng ulo niya sa balikat nito. "Bakit naman? Ain't Leio your friend? Best friend pa nga.""Yes. And so I know how he treats women. Ayokong mapasama sa listahan niya ang pinsan ko. You know, Shanna is so dear to me. Like a sister, actually," he explained."Para namang wala ng chance magbago si Leio," Ally said, chuckling a bit. "I still think they look good together." "Ah, don't encourage them!" Tumawa rin nang bahagya ang binata. "On a serious note, kapag nga nagkagustuhan ang dalawa na 'yan, sa tingin ko okay na rin. Shanna is being picky. Wala siyang magustuhan sa mga admirers niya." "Baka nga kasi