Share

6. House & Lot.

Author: Yohanna Leigh
last update Last Updated: 2021-07-10 16:53:07

"Ethan, I swear. Hindi ito magugustuhan ni Allison," sabi ni Zion na sinusubukan siyang pigilin na sundan pa si Ally.

"She will not find out," itinabi niya ang magarang sasakyan at nag-alis ng seatbelt.

It was almost midnight. Galing sa fastfood si Ally at kanina pa nila ito sinusundan. Sumakay ito ng jeep at medyo nakampante naman siya dahil marami pa palang commuters kapag ganoong oras ng gabi.

Pero nagsimula siyang magpanic ng bumaba ito sa isang squatter's area.

"Bro, baka tayo pa ang mapagdiskitahan d'yan eh," sabi naman ni Leio na nakatingin sa grupo ng mga nag-iinuman at sunog-baga sa bukana ng maliit na iskinita.

"Natatakot ka ba? Maiwan ka na lang dito at isauli mo ang black belt mo sa karate."

Napapailing na lang ang mga kaibigan niya. He couldn't blame them. Maging siya ay kinakabahan. Never in his life na nakapunta siya sa ganitong lugar.

Pero mas natatakot siya para kay Ally. She was a girl, a d*mn beautiful one. Madali itong makaka-attract ng masasamang loob. May alam ba ito sa self-defense? Malabo iyon. Mas tumindi ang pagnanasa niya na protektahan ang dalaga.

"Ethan," Zion called bago siya makababa ng sasakyan.

"What?" Impatient na tanong niya. Kung hindi siya magmamadali, mawawala na sa paningin niya si Ally.

"I'm coming with you," Zion continued.

"What?!" bulalas ni Leio. "Have you lost your mind, too?" Marahas nitong naihilamos ang palad sa mukha bago napipilitang ipinahayag ang pagsama. "Alright, count me in."

"Guess you lost yours as well," Zion grinned and Leio just rolled his eyes at nagpatiuna na sa pagbaba.

"That's great. Let's go," napangiti siya.

"Hey, sasama lang ako para may bodyguard kayo," sabi ni Leio.

Ethan and Zion both rolled their eyes.

S'yempre hindi lang ito ang marunong sa self-defense. Mga bata pa lang sila ni Zion ay nag-aral na sila ng mixed martial arts. Marunong din silang humawak ng baril.

In their social status, kailangan daw na marunong silang ipagtanggol ang mga sarili nila. Kapalit iyon ng hindi pagkakaroon ng bodyguards. Kaya buong puso nilang pinag-aralan ang self-defense. Sino ba naman ang matutuwa na may bodyguard kang sunod nang sunod sa'yo? Worse, ay 'yong may magrereport sa mga aktibidad niya sa mga magulang niya.

Nakadaan nang ligtas at maayos si Allison sa mga nag-iinuman. For a while, he had to hold his breathe nang alukin pa ng mga ito ang dalaga. Allison politely refused at kinawayan ang mga ito bago tuluyang nakalampas.

"Mukhang safe naman si Ally," Zion said.

"Hindi natin alam kung saan ang bahay niya. Baka malayo pa," Ethan recalled how Ally refused his offer na ihatid ito pauwi. At alam na niya kung bakit hindi niya ito mapilit.

For someone na nag-aaral sa pangmayamang eskwelahan, squatter's area is the last na icoconsider mong tinitirhan ng estudyante. She must be really intelligent and hardworking para makakuha ng full scholarship.

"Mga bata, anong atin?" he was snapped out of his thoughts nang batiin sila ng mga nag-iinuman pagkatapat nila.

"Makikiraan lang po mga boss," sagot ni Zion. Well, expect the low tempered friend to fix matters like this.

"Hindi kayo tagarito," tumayo ang naka-topless na lalaki na halatadong lasing na.

"May dadalawin po kaming kaibigan."

Tumalikod na si Ethan. Zion and Leio will take care of the drunken guys. Narinig niyang tinawag ni Leio ang pangalan niya. Nang lingunin niya sila, Zion was pulling some bills out of his wallet tapos sumunod na ang dalawa sa kanya.

"Ilista mo na lang," sabi niya kay Zion nang abutan na siya ng mga ito.

Tinapik lang siya nito sa balikat bilang tugon.

Sinusundan nila si Ally na may reasonable distance. Nang lumiko ito, nagmadali sila at baka mawala ito.

True enough, pagkanan ni Ally hindi na nila ito nakita. Mawawalan na sana sila ng pag-asa at nag-uumpisa na silang magsisihan when they heard a door unlocked from a short distance. Pumasok pala ito sa isang two door gated apartment.

"There she is," pabulong na sabi ni Zion, pointing at Allison who was still oblivious to their presence.

Ethan's heart sanked when he saw where Allison lives. Ilang beses na mas mainam ang tirahan ng mga katulong nila.

Walang pintura ang kinakalawang ng gate na mukhang wala na ring silbi. Madilim ang wala ring pintura na unit na halata na ang mga sira.

"My, my," iling ni Leio. "This is not a safe place to live."

"I agree," si Zion.

Speechless siya. There was an urge inside him of wanting to take Allison away from that place.

"May ilaw ba sila? I didn't see a light switched on," sabi ulit ni Leio.

"Ethan-" untag ni Zion.

Humigit siya nang malalim na hininga. No, he'd find a way para maialis si Allison sa lugar na iyon.

"Leio, your family is on Real Estate Development right?"

"Yeah?" arko ang kilay na sagot ng kaibigan niya.

"I'm buying a house for Ally."

"What?!" Leio exclaimed. Zion on the other hand, just smiled, knowingly.

-----

"First time yatang sa hulihan mauupo si Ethan mo," pabulong na sabi ni Kattie sa kanya.

Mula ng magkakilala sila ni Ethan, lagi itong maagang pumapasok. Lagi silang magkatabi dahil kahit mas maaga ito, hinihintay nitong dumating siya. Kapag mas maaga naman siya, sinusuhulan nito ang katabi niya at kung babae naman, charm lang ang katapat.

It was hard not to like Ethan. Habang nakikilala niya ito, napapatunayan niya kung gaano ito kabuting tao. Na ang pagiging man-whore nito ay hindi nagdedefine ng pagkatao nito. In fact, medyo nagslow down ito sa pambababae. Hindi iilang beses na may naninisi sa kanya kung bakit hindi na available si Ethan.

The whole school thinks na silang dalawa ng g'wapong binata.

But no, hindi siya nililigawan ni Ethan.

"Papasok pa kaya 'yon?" tanong ulit ni Kattie.

"Malamang hindi na. Wala rin sina Leio at Zion," singit ni Michael.

"Baka tinamad sila o may pinagkaabalahan kagabi," sagot ni Ally. Nakaramdam siya ng sakit sa tinuran niya. May pinagkaabalahan nga kaya si Ethan kagabi? Lihim niyang nahiling na sana hindi babae.

Inaamin naman ni Allison sa sarili na in love na siya sa binata. But she couldn't help but guard her heart kasi kung di naman interesado si Ethan sa kanya, problemang malaki iyon.

"Baka nga," Kattie dismissed.

Natapos ang subject na hindi nagpapakita ang tatlo.

Buong araw na hindi nagpakita si Ethan. Si Zion nakita niya noong hapon na pero hindi niya nakausap dahil mukhang nagmamadali ito. Hindi tuloy niya maiwasang mag-alala. Okay lang ba si Ethan?

Halos tulalang nakatitig siya sa cellphone niya habang lulan ng jeep papunta sa fastfood restaurant. Hindi tumatawag o nagmemessage si Ethan. Dati naman ang kulit-kulit nito.

Itetext ba kita o hindi? Masyado ba akong magiging assuming kung tatanungin ko kung nasaan ka?

Sa huli, she decided not to.

"Ally, nariyan ka na pala. Tamang-tama ang dating mo," anang manager nila na si Ms. Pam. "I-fill out mo ito. Pa-raffle ng management," inabutan siya nito ng form.

"Ms. Pam naman. Alam nyo naman na wala akong s'werte sa ganito eh," sabi niya remembering how she had hoped na siya ang makakuha ng brand new laptop noong christmas party nila last year. Ayon, she ended up getting a coffee mug instead.

"'Wag ka munang nega. House and lot 'to," excited na pahayag ni Ms. Pam. "Saka dalawa ang mananalo. 'Yong isa sa mga bahay, fully furnished pa. Malay mo, this time, swertehin ka na."

"House and Lot?" ulit niya.

"Yes, dear. Kaya sige na, fill out mo na 'yan," tumingin ito sa suot na relo. "May ten minutes ka," she added bago siya iniwanan.

Na-excite siya bigla. Matagal na niyang pangarap na makabili ng bahay at lupa. 'Yong maayos. 'Yong hindi mahihirapan ang kanyang ina at kapatid. Pero tanggap niya na pangarap lang 'yon sa ngayon. Balang araw gagawin niya iyong katotohanan.

For the meantime, hindi naman siguro masamang mangarap na mapanalunan niya ang house and lot. Baka ito na ang swerte niya.

Hinalik-halikan pa niya ang papel bago pinunit ang stub no'n.

"Ms Pam! Ito na po!"

Ganado siya for the rest of her shift.

Naghihintay na siya ng jeep pauwi nang may tumigil na gwapong-gwapong black Mercedes-Benz sa harapan niya. Nang umibis ang gwapong-gwapo ring driver, pakiramdam ni Ally tumigil sa pagtibok ang puso niya.

"Ethan," she said his name, her voice almost just a little above whisper.

"Hi, Ally!" ngumiti ito at feeling niya tatalon na palabas ang puso niya.

"Hey!" aniya nang makabawi. "Anong ginagawa mo rito?" sinikap niyang itago ang excitement sa boses niya.

Kung kanina inaantok na siya, ngayon naman dinaig pa niya ang nakainom ng isang drum na kape.

"Sinusundo ka?" binuksan nito ang passenger seat para sa kanya.

"T-teka, bakit mo ako susunduin? Gabing-gabi na. Nasa labas ka pa?"

"Wala lang. 'Di kasi kita nakita buong maghapon," pinilit siya nitong pumasok kaya wala na siyang nagawa.

"Ethan, hindi mo naman ako kailangang sunduin," sabi niya nang makaikot na ito sa driver's seat.

"Ihahatid na kita Ally."

"H-ha?" nagpanic siya bigla.

"Ihahatid na kita," ulit nito. Bahagyang nakangiti, he moved closer para ikabit ang seatbelt niya. Hindi siya nakakilos agad. Ang bango ni Ethan. "There."

"H-hindi na kailangan," akma siyang bababa pero pinaharurot na nito ang sasakyan. "Seryoso, Ethan! Bababa na ako."

"Ally, all you have to do is relax and tell me where I should drop you off."

Hindi niya maiwasang magpanic. Hindi siya p'wedeng magpahatid kay Ethan. Hindi naman sa gusto niyang itago kung saan siya nakatira. Hindi niya ikinakahiya iyon.

Ayaw niya lang na malaman pa ng binata. Kilala na niya si Ethan. He would insist on helping her dahil maaawa ito sa kanya. She already had enough of his pity.

Allison decided to give him the wrong address.

----

Ethan couldn't believe na binigyan siya ni Ally ng maling address. Imbes na sa totoo nitong tinitir'han, nagpahatid ito sa ibang lugar. At mas napalayo pa ito.

Gusto tuloy niyang pagsisihan ang ginawang pagsundo sa dalaga. Ngayon wala siyang choice kundi maingat itong sundan nang sumakay ulit ito ng jeep pauwi sa totoo nitong tirahan.

Mabuti na lang at hindi na traffic. Nakauwi pa rin ito bago mag alas dose ng hating gabi.

Hindi siya nakapasok dahil inayos nila ni Leio ang pagbili niya ng dalawang bahay sa isang regular na subdivision. 'Yong tipong kapani-paniwala lang na papremyo pero maayos at higit sa lahat secured.

He spent the rest of last night thinking about how to give the house to Ally na hindi nito malalaman na bigay niya iyon. Kilala na niya kasi ang dalaga. Tatanggi ito o 'di naman kaya, babawi.

He remembered how she tried to give him something in return sa ginawa niyang pagtulong dito na makapagpasalamin nang bago. She said she hadn't got much kaya ipinagbake na lang siya nito ng cookies na ginawa umano nito sa bahay nila Kattie.

The memory created a smile on his face. He didn't eat the cookies. Hindi dahil gusto niyang i-preserve iyon. Hindi lang talaga edible. His smile turned into a chuckle. S'yempre hindi niya sinabi iyon kay Ally but did preserve the cookies. Naappreciate niya iyon. Sa katunayan na-touch siya.

Ethan figured that the best way to give the house to Ally was to guise it through a raffle. At dalawa para hindi halata na sinadya iyong ibigay sa kanya. Kumuha siya ng tao na kakausap sa management ng pinagtatrabahuan ni Ally para gawin ang kunwaring raffle.

Syempre hindi naman 'yon gano'n gano'n lang at papayag na ang mga ito. He had to pay them.

In the end, Ethan decided that it was worth it kung ang kapalit naman ay peace of mind niya na ligtas ang titir'han ni Allison.

Related chapters

  • Billionaire's Untainted Love (Tagalog)   7. You like her, don't you?

    "Allison, ang g'wapo naman ng tatlong 'yan," bahagyang kinikilig na siniko siya ni Kara. Kasamahan niya itong service crew na tumatao sa counter."Mga papansin ka 'mo," saad niyang nagpipigil naman ng ngiti.Nagkukulitan sa mesa sa gilid sina Ethan, Zion at Leio. Hinatid siya ng mga ito kanina at nangako na hihintayin din siya hanggang sa matapos ang shift niya. Kanina pa paulit-ulit at salitan sa pag-order ng kung anu-ano ang tatlo."Grabe ka, sino r'yan ang boyfriend mo?" patuloy ni Kara."Wala," muntik na niyang malasahan ang pait ng sinabi niya."Ang bitter naman. Oh sige, kung ayaw mo umamin, huhulaan ko na lang kung sino."Iniikot niya ang mga mata."Yung naka-itim""Huh?" pinilit niyang 'wag mamula, si Ethan ang tinutukoy nito."Kanina pa kasi siya tingin nang tingin sa 'yo."Wala na. Namula na siya. Totoo nga ba? Tinitingnan siya ni Ethan? Pero tuwing titingin siya sa gawi ng mga ito, hindi naman ito nakat

    Last Updated : 2021-07-12
  • Billionaire's Untainted Love (Tagalog)   8. I am not falling in love again.

    Mabilis na lumipas ang isang buwan. Exams, quizzes, recitations, practicum, trabaho, at kulitan. And before Ally knew it, it was already the day when she, Amelia and Kyla would leave their house.Noong isang linggo, pormal ng ibinigay sa kanya ang napanalunan niyang bahay. Hindi nga lang sila nakalipat dahil naglinis pa siya. Well, hindi lang siya. S'yempre nakabuntot na naman ang tatlo niyang bodyguards."Alam n'yo ba kung paano maglinis?" tanong niya sa tatlo noon."OA nito. Hello, hindi naman masyadong marumi rito dahil nga nilinis na ito bago gawing papremyo sa raffle n'yo" sagot ni Leio na masyadong tunog defensive."May alikabok pa rin," saad niyang natawa dahil binatukan ni Zion si Leio."You and your big mouth bro!""What?" reklamo nit. "It's a matter of fact!""Whatever. You're not helping Ally with your arguments," sabad ni Ethan na pinagitnaan sina Zion at Leio. "So, shall we start?"In the end, imbes makapaglinis si

    Last Updated : 2021-07-14
  • Billionaire's Untainted Love (Tagalog)   9. He is back.

    Ally hasn't seen Ethan in a while. Sabi nina Zion at Leio, busy ito dahil nasa bansa raw ang mga magulang ng binata."Hoy Zion, sinong mas maganda, si Cheska o si Rica?" pangungulit ni Leio sa kaibigang gumagawa ng assignment nito sa library."The girl in red," sagot naman ni Zion na bahagyang sinulyapan ang ipinapakitang pictures ni Leio."Are you sure?" diskumpyado ang mukha ni Leio. "Hey, Ally!"Siya naman ang ginulo nito."What?" iniangat niya ang mukha mula sa binabasa.Wala si Ms. Basco kaya nasa library sila nina Zion, Leio, Michael at Kattie. Kaso wala si Ethan at kahit ayaw aminin ni Ally, namimiss niya ang binata."Sinong mas magan-""The girl in red," putol niya na ginaya lang ang sinabi ni Zion."What the---??!" inis na sina Michael at Kattie ang sunod nitong ginulo."Kelangan ba may survey kung sino ang sunod niyang ide-date?" aniya kay Zion."That's

    Last Updated : 2021-07-16
  • Billionaire's Untainted Love (Tagalog)   10. She deserves to be loved.

    "Asaan si Ally?!" May pekeng pagpapanic sa boses na asik ni Leio kay Shanna.Nasa pinto lang pala ito kasama si Zion na naghihintay sa kanila. Bihis na bihis na rin ang dalawa na akala mo eh dadalo ng kasalan."Stupid," tugon ni Shanna."Who's stupid?""You! Who else?"And the two bickered like two five year olds."You look very beautiful tonight, Ally," ani Zion na pinabayaan lang sina Leio at Shanna na mag-away."Thanks.""Let's go?" He offered his arm which she gladly took dahil kakapiraso pa lang ang nalalakad niya ay masakit na ang paa niya."Wait!" Panabay na habol ng dalawang bata nilang kasama."That's so rude, Zion!" Si Shanna.Ally figured that Shanna was close to Zion and Leio."The party already started," sagot lang ni Zion."So where's my cousin?""Syempre andoon na," si Leio ang sumagot."Am I talking to you Leio?""Kids, stop," saway na ni Zion. "Shall we go

    Last Updated : 2021-07-22
  • Billionaire's Untainted Love (Tagalog)   11. She's avoiding us.

    Ilang minuto na lang at tapos na ang shift niya pero ramdam na ramdam na ni Allison ang malapit ng bumagsak niyang mga talukap. She was tired and all she wanted to do was lie on her bed and sleep."Bye Ally!" Paalam ng kasamahan niya at nauna nang umalis."Bye," she lazily packed her things up tapos gumayak na rin.Hihikab-hikab pa siya pagkalabas ng restaurant. She could hardly open her eyes pero kailangan niyang labanan ang antok para makauwi siya nang ligtas.Dumaan muna siya sa isang convenient store at bumili ng kape. A cup of hot coffee might as well help her stay awake.Naghihintay na siya ng jeep when a familiar car pulled over in front of her."Allison."Ally's heart must have skipped a beat kasi para siyang hindi huminga nang two seconds at the sight of a gorgeous Ethan Montenegro getting out of his car."Ethan!" Tinalo pa ng kagwapuhan nito ang kapeng iniinom niya. Gising siya kaagad."Get in. Hatid ka na nami

    Last Updated : 2021-07-23
  • Billionaire's Untainted Love (Tagalog)   12. You owe me a kiss.

    Saglit lang ang naging pagdiriwang ng puso niya. Dahil over lunch, kasama rin nila si Trixie. Lumabas sila sa school para mag-lunch dahil sakto ring wala siyang shift sa canteen.Pero kung may naging pagbabago, inaasikaso pa rin siya ni Ethan kahit na andoon ang girlfriend nito.Andoon din si Shanna na dumayo pa raw para makita siya. Pero itong si Leio, wala ng ginawa kundi asarin ang pinsan ni Ethan. Si Zion ang nagrereferee.Kahit paano naaaliw si Ally kahit pa todo the moves si Trixie kay Ethan para lang pansinin ito ng huli. Hindi na lang niya tinitingnan ang babae.Nakakamiss din pala ang mga ito. Saglit niya lang silang iniwasan pero parang matagal na noong huli niya silang makasama."Don't you like your food, Ally?" Tanong ni Ethan sa kanya. Ally realized na pinaglalaruan na lang niya ang pagkain niya dahil sa kakanood kina Leio at Shanna. Sa isip niya ay bagay ang dalawa."Ha? Hindi. Busog na kasi ako." She told Ethan"Halos h

    Last Updated : 2021-07-25
  • Billionaire's Untainted Love (Tagalog)   13. Cold cash.

    "Hey, Ally!"Mula sa mabilis niyang paglalakad ay bigla siyang huminto.Bakit naman hindi kung tinatawag siya ni Ethan Montenegro?"Ethan!" She acknowledged with a huge smile on her face.Lumapit naman ang binata at agad kinuha ang kamay niya."Sabay na tayo," nakangiti nitong sabi."Sa pagkakatanda ko, hindi tayo magkaklase sa sunod na subject ko," she playfully frowned at him."Eh 'di ihahatid kita."Allison remembered Atty. Sandoval. Threat nga ba siya kay Ethan kaya siya pinapalayo?If they made a research about her, dapat nalaman ng mga ito na hindi siya nababayaran. Sa ginawa ng mga ito ay hinamon lang siya lalo na ipaglaban ang ano mang meron sila ni Ethan."Lunch later, okay?" Sabi ng binata nang nasa tapat na sila ng classroom niya."Yes, sir!""Oh, one more thing," inilagay nito ang mga kamay nito sa likod nito and started to chant something like he was doing a magic. "For you," bigla siya

    Last Updated : 2021-08-01
  • Billionaire's Untainted Love (Tagalog)   14. She will be your ruin.

    "Tito Ramon, I know that mom is here. Papasukin ninyo na ako!" Gusto niyang magwala dahil ayaw siyang papasukin sa opisina ng sarili niyang ina."Ethan, your mother can't talk to you right now.""B*llsh*t!" He cursed. "You do not expect me to believe that, do you? Tell my good mother that I want to talk to her!""She's inside with a client. Kung gusto mo, maupo ka at maghintay," mariin na sabi ng kausap niya."I can't believe this!" He looked passed Ramon to his mother's office. Surely if he would run, this old man in front of him can't stop him."If this is about your friend, I suggest na ikaw na mismo ang lumayo sa kanya.""Who are you to tell me what to do, huh? Are you a part of my family?" Ayaw niyang maging bastos dahil matagal ng naninilbihan sa pamilya niya ang may katandaan ng abogado. "Allison is a good person. If you want to help, tell my mother that she leaves her alone!""I can't do that," umiling ito."Then stop a

    Last Updated : 2021-08-04

Latest chapter

  • Billionaire's Untainted Love (Tagalog)   Conclusion

    "Ate, may bisita ka na naman," pabirong pinaikot ni Kyla ang mga mata nito nang bumalik ito sa kinaroroonan niyang kasunod ang asawa niyang one hour ago ay nagpaalam na papasok na sa trabaho. "Ligpitin ko na ang mga ito para makapagsarilinan kayo ng manliligaw mo," patuloy nitong biro na kinuha ang mga pinagkainan niya."Thanks for the privacy, Ky! May reward ka sa akin, anong gusto mo, in kind or cash?" sakay ni Ethan sa kapatid niya. "Bayad ka na, kuya," sincere ang ngiting ibinigay rito ni Kyla bago ito umalis at iwan sila.Alam nilang tatlo kung ano ang ibig sabihin ni Kyla. Sa pagmamahal pa lamang ni Ethan sa kanya at sa kanyang ina at kapatid, sobra pa ito sa bayad. He was family.Ethan smiled at her. The kind of smile that makes her fall for him time and again. He was already his husband, yet whenever he would look at her, Ally could still feel the butterflies in her stomach.Kinikilig pa rin siya kahit naman alam niyang ang mga m

  • Billionaire's Untainted Love (Tagalog)   36. A testimony.

    "Mr. E, here are the reports that you asked me to prepare," sabi ni Michael na nakasunod na agad sa kanya sa opisina niya pagdating na pagdating pa lang niya."Has Ms. Reyes called yet?" he asked while opening his laptop. "Yes, Sir. They already found a match for Angel. Right now, they are determining the best time to do the operation." "That's good. But what's taking them so long? Put Yanah on the phone," aniya. Bahagyang natuwa sa balita pero slightly na nairita rin. "Yes, Mr. E." Kaagad na tumalima sa utos niya si Michael. A few minutes later, nasa linya na si Yanah. "Mr. Montenegro, don't worry. Everything is fine," sabi nito agad. "Ms. Reyes, you know that Angel's case is close to me. I want you to do everything you can to save her," malumanay niyang sabi. When he came back to the shelter, hinanap niya ang batang nagpakilala ng Diyos sa kanya. He found out that she was there by herself. Dah

  • Billionaire's Untainted Love (Tagalog)   35. Are You real?

    He had so many plans for their future together. Nang makilala ni Ethan si Ally, alam niyang magkakaroon ito nang malaking bahagi sa buhay niya. Sinubukan naman niyang maging kaibigan lang. But in the end, hindi niya kayang hindi palalimin ang relasyon nila.He was happy. They were happy. They love each other sincerely. Kaya naman nang iwan siya ni Ally at sabihin nitong yaman lang niya ang habol nito at hindi siya nito minahal kailanman, labis siyang nasaktan. Hindi niya matanggap dahil akala niya ay ito ang pinakatotoong nangyari sa buhay niya. He felt betrayed and used. He believed that Ally sold their love for twenty million. Pagkakamali na hanggang sa mga sandaling iyon ay malaking pinagsisisihan ni Ethan. That was their relationship's turning point. Had he fought and saw the truth behind Ally's lies, everything would've happened differently. But what could he do now? Lahat ng Doktor na nakausap niya, sinabihan siyang isuko na ang

  • Billionaire's Untainted Love (Tagalog)   34. Gift of marriage.

    "Look at you, you're so beautiful, Allison," masayang sabi ni Shanna habang pareho silang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin. Inayusan siya nito para sa kasal nila ni Ethan sa araw na 'yon. It's only been a few days since he proposed at ngayon nga, ikakasal na sila. Ally was wearing a simple white dress. Iyong saktong magiging komportable lang siya at the same time, presentable naman para sa isang kasalan. Kasal pa rin iyon ng isang Ethan Montenegro na bagamat isang pribadong affair ang okasyon ay napaka-unfair naman dito kung bukod sa mukha na talaga siyang mamamatay ay hindi pa siya mag-aayos nang kaunti.She was so thankful to God that He let her live up to that day. Sapat na sa kanyang nagising siya sa araw na iyon. Bagamat napakahina ng pakiramdam niya and she could feel her body aching almost everywhere, she didn’t tell anyone.That day was supposed to be happy. And she was indeed very happy. Ayaw naman niyang pasamain ang mood ng la

  • Billionaire's Untainted Love (Tagalog)   33. Deafening silence.

    Hindi akalain ni Ally na seseryosohin ni Ethan ang pagpo-propose ulit kapag may dala na itong singsing. Pero si Ethan Montenegro ito, whatever he says, he will do. Ang pinaka hindi niya talaga mapaniwalaan ay ang makatanggap pa ng marriage proposal kahit nasa bingit na siya ng kamatayan. Hindi niya deserve iyon. Lalo at nararamdaman na niyang napakalapit na niya sa hukay. Each passing day was already getting dimmer. She knew it. She could feel it.Hindi rin deserve ni Ethan na pakasalan ang isang taong maaaring mamatay na ano mang oras. Napakaaga nitong magiging widower kung sakali. He deserves someone who could grow old with him. Hindi katulad niya na isang cell na lang ata ang hindi pa pumipirma para tuluyan na siyang mamaalam. She couldn't hurt Ethan like that.'Come on, Allison. Give the man some credit. He is not even thinking of that. He only wanted to marry you. Besides, the marriage needs not to be registered if you will pass a

  • Billionaire's Untainted Love (Tagalog)   32. Somewhere, somehow.

    "Ally, alam mo ba na engaged na pala ang babaeng 'yan? Wala man lang pasabi! Kung hindi pa pinahanap ni Mr. Montenegro, wala siyang balak na imbitahin tayo sa kasal niya!" "Michael!" saway ni Katie na pinanlakihan ng mga mata ang kaibigan nilang lalaki.Natawa si Allison. Kahit video call lang silang nag-uusap na tatlo, kitang-kita pa rin ang pamumula ni Katie. "Totoo ba, Katie?" tanong naman niyang masayang-masaya sa nalaman. Eh dati, libro lang ang alam gawing boyfriend ni Katie. Who would've thought that just a few years after graduation ay engaged na agad ito? "Eh, hindi naman kasi sa gano'n," ani Katie. "Iba naman kasi ang sitwasyon. Mapapa-deport ako kung hindi ko pakakasalan ang kaibigan ko rito." "Hmn, ilegal stay?" aniyang nananantiya. Nasa Amerika kasi sa kasalukuyan ang kaibigan nila."Hindi naman totally—""So, kailan ang kasal?" pag-iiba niya ng usapan. Ayaw niyang mapahiya ito o ano.

  • Billionaire's Untainted Love (Tagalog)   31. More than enough.

    "She was in and out of consciousness last night, Mr. Montenegro. And today, she's not waking up yet. It's almost past two PM."Halos paliparin na ni Ethan ang sasakyan niya papunta sa shelter. He was in the middle of an important meeting when Yanah called. Nang makita pa lamang niya ang pangalan nito na nag-flash sa naka-silent niyang cellphone, inatake na ng kaba ang dibdib niya. He let his phone ring while abruptly wrapping up the meeting. Nawala na siya sa focus at abot abot ang hiling niya na sana walang nangyaring masama kay Allison habang wala siya sa tabi nito. At heto nga, parang patalim na sumasaksak sa puso niya ang mga sinabi ni Yanah. "Please, be well, Ally," aniya habang blurred na ang paningin na nagmamaneho siya ng lampas na sa speed limit. He just hoped na hindi siya masita. Ngayon lang naman. He needed to be beside Ally at once. "Wait for me, please…" Nang makarating ay halos takbuhin niy

  • Billionaire's Untainted Love (Tagalog)   30. Formal and Cold.

    "Mama," tawag niya sa atensyon ng inang nakatayo malapit sa glass wall ng kanyang opisina. Lumingon si Andrea Montenegro at tipid ang malamig nitong ngiti sa kanya. Sometimes, he wondered if his mother ever knew how to be a mother. Wala man lang warmth ang kanyang ina. "What brought you here?" he asked. "Is that how you welcome your mother, son?" Gusto niyang paikutin ang mga mata niya. Ito nga ang wala man lang emosyon pagkakita sa kanya eh. "I'm just asking, Ma." He approached Andrea and kissed her cheek. And that simple gesture surprised his mother. Bagamat saglit lang nag-iba ang ekspresyon sa mga mata nito. "Well, I felt obliged to pay you a visit," Andrea took a seat without breaking eye contact with him. "A Director raised a concern that you're always unreachable. What is going on, Ethan?""Tinatanong mo ba ako, Mama, dahil hindi mo pa alam? O

  • Billionaire's Untainted Love (Tagalog)   29. Here for you.

    "Hindi pa ba nagkakadevelope-an ang dalawang iyan?" amused na tanong ni Ally habang nakamasid kina Leio at Shanna na nakikipagbiruan sa ibang pasyente ng shelter. "Hmn, about that, I am not sure kung gusto kong ipagkatiwala ang pinsan ko kay Leio," Ethan answered, masuyo na inayos nito ang pagkakahilig ng ulo niya sa balikat nito. "Bakit naman? Ain't Leio your friend? Best friend pa nga.""Yes. And so I know how he treats women. Ayokong mapasama sa listahan niya ang pinsan ko. You know, Shanna is so dear to me. Like a sister, actually," he explained."Para namang wala ng chance magbago si Leio," Ally said, chuckling a bit. "I still think they look good together." "Ah, don't encourage them!" Tumawa rin nang bahagya ang binata. "On a serious note, kapag nga nagkagustuhan ang dalawa na 'yan, sa tingin ko okay na rin. Shanna is being picky. Wala siyang magustuhan sa mga admirers niya." "Baka nga kasi

DMCA.com Protection Status