"Allison, ang g'wapo naman ng tatlong 'yan," bahagyang kinikilig na siniko siya ni Kara. Kasamahan niya itong service crew na tumatao sa counter.
"Mga papansin ka 'mo," saad niyang nagpipigil naman ng ngiti.
Nagkukulitan sa mesa sa gilid sina Ethan, Zion at Leio. Hinatid siya ng mga ito kanina at nangako na hihintayin din siya hanggang sa matapos ang shift niya. Kanina pa paulit-ulit at salitan sa pag-order ng kung anu-ano ang tatlo.
"Grabe ka, sino r'yan ang boyfriend mo?" patuloy ni Kara.
"Wala," muntik na niyang malasahan ang pait ng sinabi niya.
"Ang bitter naman. Oh sige, kung ayaw mo umamin, huhulaan ko na lang kung sino."
Iniikot niya ang mga mata.
"Yung naka-itim"
"Huh?" pinilit niyang 'wag mamula, si Ethan ang tinutukoy nito.
"Kanina pa kasi siya tingin nang tingin sa 'yo."
Wala na. Namula na siya. Totoo nga ba? Tinitingnan siya ni Ethan? Pero tuwing titingin siya sa gawi ng mga ito, hindi naman ito nakatingin.
"Tama ako, noh?" Kara teased. "Bagay kayo. Napaka-prince charming ng dating niya girl!"
"Andrea, mga kaibigan ko lang ang mga iyan."
"Sabi mo eh," kibit-balikat nito at bahagyang naabala ng may mga dumating na customer.
Lumapit naman si Zion sa counter niya at um-order ulit.
"Hindi pa ba kayo busog?"
"Ally, para sa kaibigan mo, kahit maimpatso ka pa, sasamahan mo siya," Zion answered with a teasing smile.
"It's not healthy then," tumalikod siya para itago ang pamumula.
"Two hours pa," sinipat nito ng tingin ang suot nitong mamahaling wristwatch.
"Sinabi ko naman na sa inyo, 'wag n'yo na akong hintayin."
"We're fine, Ally."
Tipid siyang ngumiti. Ang totoo, nata-touch naman siya na nagpupuyat ang mga ito para sa kanya.
"Your choice."
Tumango ito bago bumalik sa mga kaibigan. Kung anu-ano ginagawa ng mga ito para hindi mabagot.
Napapangiti na lang si Ally. Maybe she should consider herself lucky. Kung hindi man siya ligawan ni Ethan, at least malapit na kaibigan na siya nito. May excuse na siya na lagi itong makasama.
"Palagay ko lang, may gusto rin sa 'yo ang isang iyon," bulong ni Kara nang makaalis si Zion.
"Si Zion? Hindi, mabait lang talaga 'yon."
"Bakit kapag si Zion kinukontra mo? 'Pag si Ethan hindi?" tukso nito.
"Ewan ko sa 'yo!" kinontra naman niya ito kanina ah? Malamang hinuhuli lang siya ni Kara.
"Oo na. Siya nga pala, ngayong gabi ang draw no'ng raffle. Sana manalo ako. Instant bahay at lupa. Napakalaking bagay no'n."
Ngumiti lang siya. Sa loob niya ay umaasa siya na makukuha niya rin iyon. Kahit hindi yung fully furnished.
Tiyak na matutuwa ang nanay niya at si Kyla. Alam niya na hirap na
hirap na ang mga ito sa maliit na espasyo ng bahay nila. Mainit iyon, hindi secured at takaw sunog. Mabuti na lang at hindi pa nagkakaroon ng sunog sa lugar nila.
-----
"Sigurado ka bang ngayon sasabihin kay Ally na nanalo siya ng bahay at lupa?" pabulong na tanong ulit ni Leio kay Ethan.
"Oo nga sabi eh," nayayamot na sagot ng binata. Paano kasi pang-sampung beses na atang nagtatanong si Leio. Halatang bagot na ito.
"Ang tagal kasi. May date pa kami ni Cindy."
"Cindy?" ulit ni Zion. "I thought yung sister niya na si Caren ang dine-date mo?"
"Sisters? Tinalo mo?" Ethan asked in disgust.
"'Course not!" kaila ni Leio. "Hindi tayo gano'n bro. Si Cindy talaga ang dine-date ko. Ewan ko ba rito kay Zion kung saan niya nakuha ang ideya na 'yon."
"I'm kidding," bahagyang umaalog ang balikat sa pagtawang sagot ni Zion.
"You better be," panay ang tingin nito sa relo.
"Nag-aalala ka ba na naiinip na si Cindy?" tukso pa ni Zion. "May nakabihag na ba sa puso ni Leio Rivera?"
"Shut up. That girl is just amazing in b-- --!" his words were cut nang biglang magkaroon nang maliit na kumusyon.
"Really?!" napalingon sila sa excited at 'di makapaniwalang napabulalas na si Allison. "I won? I won?"
"Yes, Ally. Sabi ko naman sa'yo. Wag ka munang nega eh," si Ms Pam iyon. "And guess what? 'Yong fully furnished ang napanalunan mo!"
Ethan couldn't explain the happiness he felt when a crying Allison hugged her store manager. It was no doubt a very huge thing to her.
"You made her cry, bro," tapik ni Leio sa balikat niya.
"This calls for a celebration," si Zion "Hey Ethan, don't get too emotional there or Ally will figure out you're behind this."
Saka lang niya binawi ang tingin sa dalaga. Zion was right. Nagiging emosyonal siya. But it wasn't like he's crying. He just felt like his heart was about to burst. Masaya siya na mapasaya si Allison kahit hindi nito alam na siya ang may bigay ng napanalunan nito. At wala siyang planong ipaalam iyon sa dalaga. Unless she becomes a part of his life where honesty would matter so much.
"Do you ever plan to tell her?" untag ni Zion.
Natigilan siya, sa tanong nito at sa naisip niya kanina.
"You like her, don't you?" sabi naman ni Leio.
Lalo na siyang 'di nakasagot.
No. He only wanted to help Allison and make her happy. 'Yon lang. She was his friend.
Ngumiti lang ang dalawang kaibigan niya nang 'di siya sumagot. Tumayo ang mga ito at inusisa si Allison kung ano ang iniiyakan nito. Ally happily told them how she won a house and lot.
Pinagmasdan muna niya ang mga ito bago siya lumapit.
The last time he cared so much for a girl was three years ago, kay Felicity.
"Ethan!" Leio called his attention. "Ally won a house & lot!"
Napilitan na siyang makisali sa kasiyahan at magpanggap na walang kaalam-alam sa nangyayari.
"Ally, kailangan imbitahan mo kami sa bago mong bahay ha?" Leio told the still teary-eyed Allison.
"Oo naman," she agreed happily "Kayong tatlo," nagawi ang tingin nito sa kanya and Ethan wanted to envelope her in a hug. "I'm starting to believe na kayo ang swerte ko," biro nito.
"Ngayon mo lang ba na-realize?" tanong niya. "Come here," hindi na niya napigilan ang sarili niya at niyakap niya ito.
"Ethan--" she gasped.
'Say my name again, Ally... I love it when you say my name...'
"Congratulations," he said at binitawan ito.
"Thanks," she looked away to hide her pink cheeks.
She's really cute kapag nagba-blush ito. At gustong-gusto niya ang ideya na siya ang dahilan ng pamumula ng dalaga.
If he could, he would do more than just hug her, kiss her perhaps? The thought made him look at her lips.
Parang saglit pa siyang napatulala when he realized kung paanong parang kay sarap halikan ng mga labi nito. Agad niyang itinaas ang tingin sa mga mata nito bago kung ano pa ang maisip niya. He found her looking at him with questioning eyes.
Ngumiti siya and he wanted to laugh how his smile sent her blushing again.
"So, kelan ka p'wedeng lumipat sa bago mong bahay?" tanong ni Zion na na-sense yata ang bahagyang hindi pagiging komportable ni Allison.
"Next month pa sabi ni Ms. Pam," sagot nito.
"Kung gano'n sasamahan ka na namin," he said. "At bago ka tumanggi, 'wag mo ng subukan. Hindi ako papayag na hindi ka namin tutulungan."
"Okay," hindi na nga ito kumontra.
Naghintay pa sila ng isang oras bago nag-out si Allison. And as Ethan suspected, she tried to give the same wrong address again.
"Ally," he sighed. "I followed you the other night. Sumakay ka ulit ng jeep."
Torn between telling them the truth or keep lying, Allison chose the former."Una sa lahat, hindi ko ikinakahiya kung saan ako nakatira. I just know you guys, pipilitin n'yong tulungan ako," sabi niya pagkatapos sabihin ang totoong address. "Pangalawa, hindi kayo kasya roon," she gently chuckled at the thought of the three tall men entering her house.
"Whatever, Allison," Ethan shook his head.
"It's true."
Habang nasa byahe sila ay pinag-usapan nila kung paano siya tutulungang maglipat next month.
"Ako na bahala sa truck," ani Leio.
"Truck?" ulit niya.
"Yeah? Duh, the lipat bahay trucks- I think I can ask somebody to find one," Leio rolled his eyes.
"I know," tumatawang aniya. "Ang ibig kong sabihin, there is no need for that. Wala naman kaming masyadong gamit."
"Seriously? What about the sofa, tv, bed, cabinet-"
"Perhaps my car will do?" ani Ethan patukoy sa dala nitong pick up.
"Yeah but, look, you really don't have to bother yourselves guys-"
"It's settled then," Ethan said as if he did not hear her.
Allison braced herself for violent reactions nang makarating sila sa lugar na tinitir'han niya. Surprisingly though, walang nagkomento ng masama sa mga kaibigan niya.
Even when they reached her house, tahimik pa rin ang tatlo.
"Hey guys, look. This is where I live," sabi niya habang binubuksan ang gate.
"Allison, you should really leave this place," Ethan put a hand over her right shoulder, puno ng concern ang tinig nito na nakatingin sa alambre na ginamit para gawing lock ng gate.
"Well, I can't till next month," nakangiti niyang sabi, somehow she felt the need to assure him that she's okay.
"Hey Ally, who do you live here with?" tanong ni Zion.
"Mama ko saka kapatid ko," lumapit siya sa pinto ng apartment na inuukopa nilang mag-iina. "Tulog na sila kapag mga ganitong oras kaya hindi ko na kayo maiimbitang pumasok."
"Can we just take a look? I'm curious about what your home looks like," pangungulit ni Leio.
"Leio, Ally needs to rest now," saway ni Ethan bago siya binalingan. "Good night, Ally."
"'Night, Ally," napipilitang saad ni Leio.
"Good night, Allison," si Zion.
"Good night too. Salamat sa paghatid. Ingat kayo," she smiled at them.
"Pumasok ka na," sabi ni Ethan na hindi umalis hanggang masiguro nitong safe na siyang nakapasok.
Nakangiti pa rin siya hanggang sa makapasok na siya ng bahay.
"Sino sila ate?"
Muntik na siyang mapatalon sa gulat. Gising si Kyla at mukhang hinihintay ang pagdating niya.
"Mga kaibigan ko," sagot niya. "Bakit gising ka pa?"
"Wala na kasing gamot si mama ate."
"P'wede mo naman sabihin sa akin bukas nang maaga Ky, bakit nagpuyat ka pa?" niyakap niya ang kapatid.
Narealize niya na matagal na niyang hindi ito nayayakap. Lagi kasi siyang nagmamadali, sa eskwela, sa trabaho. Hindi na nga pala niya ito nakakakwentuhan maliban sa mabilis na kumustahan nila bago siya papasok sa umaga.
"Magtataas din ng renta dito sa bahay," dagdag nito na tiningala siya ng may simpatya. "Ate, kaya naman ni mama mag-isa. Tutulungan na lang kitang magtrabaho."
"'Wag mo ng aalalahanin 'yon," ngumiti siya nang maalalang lilipat na sila ng bahay. "Si ate na ang bahala. Bantayan mo na lang nang maigi si mama at may mga 'di pa siya kayang gawin mag-isa."
"Pero nahihirapan ka na."
"Ky, ilang buwan na lang graduate na ako. Ngayon pa ba tayo susuko?"
"Gusto ko lang naman na matulungan ka, ate."
"Maniwala ka sa akin, itong pag-aalaga mo kay mama ay napakalaking tulong mo na sa akin. Hindi ko kayang gawin 'yon habang nasa trabaho at school ako. Kaya 'wag mong isipin na hindi ka nakakatulong, okay?"
Tumango na lang ang kapatid niya at bumalik na sa pagtulog. She stayed up a little longer. She just received her salary kaya kailangan niyang magk'wenta para mabudget niya iyon.
"Kunti na lang, Allison," she encouraged herself.
Balang araw makakaahon din sila.
Mabilis na lumipas ang isang buwan. Exams, quizzes, recitations, practicum, trabaho, at kulitan. And before Ally knew it, it was already the day when she, Amelia and Kyla would leave their house.Noong isang linggo, pormal ng ibinigay sa kanya ang napanalunan niyang bahay. Hindi nga lang sila nakalipat dahil naglinis pa siya. Well, hindi lang siya. S'yempre nakabuntot na naman ang tatlo niyang bodyguards."Alam n'yo ba kung paano maglinis?" tanong niya sa tatlo noon."OA nito. Hello, hindi naman masyadong marumi rito dahil nga nilinis na ito bago gawing papremyo sa raffle n'yo" sagot ni Leio na masyadong tunog defensive."May alikabok pa rin," saad niyang natawa dahil binatukan ni Zion si Leio."You and your big mouth bro!""What?" reklamo nit. "It's a matter of fact!""Whatever. You're not helping Ally with your arguments," sabad ni Ethan na pinagitnaan sina Zion at Leio. "So, shall we start?"In the end, imbes makapaglinis si
Ally hasn't seen Ethan in a while. Sabi nina Zion at Leio, busy ito dahil nasa bansa raw ang mga magulang ng binata."Hoy Zion, sinong mas maganda, si Cheska o si Rica?" pangungulit ni Leio sa kaibigang gumagawa ng assignment nito sa library."The girl in red," sagot naman ni Zion na bahagyang sinulyapan ang ipinapakitang pictures ni Leio."Are you sure?" diskumpyado ang mukha ni Leio. "Hey, Ally!"Siya naman ang ginulo nito."What?" iniangat niya ang mukha mula sa binabasa.Wala si Ms. Basco kaya nasa library sila nina Zion, Leio, Michael at Kattie. Kaso wala si Ethan at kahit ayaw aminin ni Ally, namimiss niya ang binata."Sinong mas magan-""The girl in red," putol niya na ginaya lang ang sinabi ni Zion."What the---??!" inis na sina Michael at Kattie ang sunod nitong ginulo."Kelangan ba may survey kung sino ang sunod niyang ide-date?" aniya kay Zion."That's
"Asaan si Ally?!" May pekeng pagpapanic sa boses na asik ni Leio kay Shanna.Nasa pinto lang pala ito kasama si Zion na naghihintay sa kanila. Bihis na bihis na rin ang dalawa na akala mo eh dadalo ng kasalan."Stupid," tugon ni Shanna."Who's stupid?""You! Who else?"And the two bickered like two five year olds."You look very beautiful tonight, Ally," ani Zion na pinabayaan lang sina Leio at Shanna na mag-away."Thanks.""Let's go?" He offered his arm which she gladly took dahil kakapiraso pa lang ang nalalakad niya ay masakit na ang paa niya."Wait!" Panabay na habol ng dalawang bata nilang kasama."That's so rude, Zion!" Si Shanna.Ally figured that Shanna was close to Zion and Leio."The party already started," sagot lang ni Zion."So where's my cousin?""Syempre andoon na," si Leio ang sumagot."Am I talking to you Leio?""Kids, stop," saway na ni Zion. "Shall we go
Ilang minuto na lang at tapos na ang shift niya pero ramdam na ramdam na ni Allison ang malapit ng bumagsak niyang mga talukap. She was tired and all she wanted to do was lie on her bed and sleep."Bye Ally!" Paalam ng kasamahan niya at nauna nang umalis."Bye," she lazily packed her things up tapos gumayak na rin.Hihikab-hikab pa siya pagkalabas ng restaurant. She could hardly open her eyes pero kailangan niyang labanan ang antok para makauwi siya nang ligtas.Dumaan muna siya sa isang convenient store at bumili ng kape. A cup of hot coffee might as well help her stay awake.Naghihintay na siya ng jeep when a familiar car pulled over in front of her."Allison."Ally's heart must have skipped a beat kasi para siyang hindi huminga nang two seconds at the sight of a gorgeous Ethan Montenegro getting out of his car."Ethan!" Tinalo pa ng kagwapuhan nito ang kapeng iniinom niya. Gising siya kaagad."Get in. Hatid ka na nami
Saglit lang ang naging pagdiriwang ng puso niya. Dahil over lunch, kasama rin nila si Trixie. Lumabas sila sa school para mag-lunch dahil sakto ring wala siyang shift sa canteen.Pero kung may naging pagbabago, inaasikaso pa rin siya ni Ethan kahit na andoon ang girlfriend nito.Andoon din si Shanna na dumayo pa raw para makita siya. Pero itong si Leio, wala ng ginawa kundi asarin ang pinsan ni Ethan. Si Zion ang nagrereferee.Kahit paano naaaliw si Ally kahit pa todo the moves si Trixie kay Ethan para lang pansinin ito ng huli. Hindi na lang niya tinitingnan ang babae.Nakakamiss din pala ang mga ito. Saglit niya lang silang iniwasan pero parang matagal na noong huli niya silang makasama."Don't you like your food, Ally?" Tanong ni Ethan sa kanya. Ally realized na pinaglalaruan na lang niya ang pagkain niya dahil sa kakanood kina Leio at Shanna. Sa isip niya ay bagay ang dalawa."Ha? Hindi. Busog na kasi ako." She told Ethan"Halos h
"Hey, Ally!"Mula sa mabilis niyang paglalakad ay bigla siyang huminto.Bakit naman hindi kung tinatawag siya ni Ethan Montenegro?"Ethan!" She acknowledged with a huge smile on her face.Lumapit naman ang binata at agad kinuha ang kamay niya."Sabay na tayo," nakangiti nitong sabi."Sa pagkakatanda ko, hindi tayo magkaklase sa sunod na subject ko," she playfully frowned at him."Eh 'di ihahatid kita."Allison remembered Atty. Sandoval. Threat nga ba siya kay Ethan kaya siya pinapalayo?If they made a research about her, dapat nalaman ng mga ito na hindi siya nababayaran. Sa ginawa ng mga ito ay hinamon lang siya lalo na ipaglaban ang ano mang meron sila ni Ethan."Lunch later, okay?" Sabi ng binata nang nasa tapat na sila ng classroom niya."Yes, sir!""Oh, one more thing," inilagay nito ang mga kamay nito sa likod nito and started to chant something like he was doing a magic. "For you," bigla siya
"Tito Ramon, I know that mom is here. Papasukin ninyo na ako!" Gusto niyang magwala dahil ayaw siyang papasukin sa opisina ng sarili niyang ina."Ethan, your mother can't talk to you right now.""B*llsh*t!" He cursed. "You do not expect me to believe that, do you? Tell my good mother that I want to talk to her!""She's inside with a client. Kung gusto mo, maupo ka at maghintay," mariin na sabi ng kausap niya."I can't believe this!" He looked passed Ramon to his mother's office. Surely if he would run, this old man in front of him can't stop him."If this is about your friend, I suggest na ikaw na mismo ang lumayo sa kanya.""Who are you to tell me what to do, huh? Are you a part of my family?" Ayaw niyang maging bastos dahil matagal ng naninilbihan sa pamilya niya ang may katandaan ng abogado. "Allison is a good person. If you want to help, tell my mother that she leaves her alone!""I can't do that," umiling ito."Then stop a
"Are you ready, Allison? I'm on my way," kausap niya si Shannah sa cellphone kinabukasan."Yep," she answered."Good. Will be there in ten.""Alright. Take care."Pagdating ni Shanna ay umalis na sila agad matapos magpaalam kina Kyla at Amelia. Mahaba-haba raw kasi ang byahe nila.Next, they picked up Leio."Para hindi boring," Shanna offered. "At may ka-alternate sa pagdadrive," she winked.Pero ang ginawa nito ay lumipat silang dalawa sa backseat at hinayaang magdrive mag-isa ang lalaki.Complain ng complain si Leio. Nagsisisi raw itong pumayag ito na sa kanila sumabay."Should have been Zion!" Ngitngit nito."Ano ka ba, kapag si Zion hindi iyon magrereklamo noh!" Giit naman ni Shanna."How did you know, aber?""Because he's a gentleman!""And I am not?!""You're gay!""What?!" Biglang pumreno si Leio at kandasubsob sila ni Shanna sa backseat."Ano ba?!" Singhal ni Shann
"Ate, may bisita ka na naman," pabirong pinaikot ni Kyla ang mga mata nito nang bumalik ito sa kinaroroonan niyang kasunod ang asawa niyang one hour ago ay nagpaalam na papasok na sa trabaho. "Ligpitin ko na ang mga ito para makapagsarilinan kayo ng manliligaw mo," patuloy nitong biro na kinuha ang mga pinagkainan niya."Thanks for the privacy, Ky! May reward ka sa akin, anong gusto mo, in kind or cash?" sakay ni Ethan sa kapatid niya. "Bayad ka na, kuya," sincere ang ngiting ibinigay rito ni Kyla bago ito umalis at iwan sila.Alam nilang tatlo kung ano ang ibig sabihin ni Kyla. Sa pagmamahal pa lamang ni Ethan sa kanya at sa kanyang ina at kapatid, sobra pa ito sa bayad. He was family.Ethan smiled at her. The kind of smile that makes her fall for him time and again. He was already his husband, yet whenever he would look at her, Ally could still feel the butterflies in her stomach.Kinikilig pa rin siya kahit naman alam niyang ang mga m
"Mr. E, here are the reports that you asked me to prepare," sabi ni Michael na nakasunod na agad sa kanya sa opisina niya pagdating na pagdating pa lang niya."Has Ms. Reyes called yet?" he asked while opening his laptop. "Yes, Sir. They already found a match for Angel. Right now, they are determining the best time to do the operation." "That's good. But what's taking them so long? Put Yanah on the phone," aniya. Bahagyang natuwa sa balita pero slightly na nairita rin. "Yes, Mr. E." Kaagad na tumalima sa utos niya si Michael. A few minutes later, nasa linya na si Yanah. "Mr. Montenegro, don't worry. Everything is fine," sabi nito agad. "Ms. Reyes, you know that Angel's case is close to me. I want you to do everything you can to save her," malumanay niyang sabi. When he came back to the shelter, hinanap niya ang batang nagpakilala ng Diyos sa kanya. He found out that she was there by herself. Dah
He had so many plans for their future together. Nang makilala ni Ethan si Ally, alam niyang magkakaroon ito nang malaking bahagi sa buhay niya. Sinubukan naman niyang maging kaibigan lang. But in the end, hindi niya kayang hindi palalimin ang relasyon nila.He was happy. They were happy. They love each other sincerely. Kaya naman nang iwan siya ni Ally at sabihin nitong yaman lang niya ang habol nito at hindi siya nito minahal kailanman, labis siyang nasaktan. Hindi niya matanggap dahil akala niya ay ito ang pinakatotoong nangyari sa buhay niya. He felt betrayed and used. He believed that Ally sold their love for twenty million. Pagkakamali na hanggang sa mga sandaling iyon ay malaking pinagsisisihan ni Ethan. That was their relationship's turning point. Had he fought and saw the truth behind Ally's lies, everything would've happened differently. But what could he do now? Lahat ng Doktor na nakausap niya, sinabihan siyang isuko na ang
"Look at you, you're so beautiful, Allison," masayang sabi ni Shanna habang pareho silang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin. Inayusan siya nito para sa kasal nila ni Ethan sa araw na 'yon. It's only been a few days since he proposed at ngayon nga, ikakasal na sila. Ally was wearing a simple white dress. Iyong saktong magiging komportable lang siya at the same time, presentable naman para sa isang kasalan. Kasal pa rin iyon ng isang Ethan Montenegro na bagamat isang pribadong affair ang okasyon ay napaka-unfair naman dito kung bukod sa mukha na talaga siyang mamamatay ay hindi pa siya mag-aayos nang kaunti.She was so thankful to God that He let her live up to that day. Sapat na sa kanyang nagising siya sa araw na iyon. Bagamat napakahina ng pakiramdam niya and she could feel her body aching almost everywhere, she didn’t tell anyone.That day was supposed to be happy. And she was indeed very happy. Ayaw naman niyang pasamain ang mood ng la
Hindi akalain ni Ally na seseryosohin ni Ethan ang pagpo-propose ulit kapag may dala na itong singsing. Pero si Ethan Montenegro ito, whatever he says, he will do. Ang pinaka hindi niya talaga mapaniwalaan ay ang makatanggap pa ng marriage proposal kahit nasa bingit na siya ng kamatayan. Hindi niya deserve iyon. Lalo at nararamdaman na niyang napakalapit na niya sa hukay. Each passing day was already getting dimmer. She knew it. She could feel it.Hindi rin deserve ni Ethan na pakasalan ang isang taong maaaring mamatay na ano mang oras. Napakaaga nitong magiging widower kung sakali. He deserves someone who could grow old with him. Hindi katulad niya na isang cell na lang ata ang hindi pa pumipirma para tuluyan na siyang mamaalam. She couldn't hurt Ethan like that.'Come on, Allison. Give the man some credit. He is not even thinking of that. He only wanted to marry you. Besides, the marriage needs not to be registered if you will pass a
"Ally, alam mo ba na engaged na pala ang babaeng 'yan? Wala man lang pasabi! Kung hindi pa pinahanap ni Mr. Montenegro, wala siyang balak na imbitahin tayo sa kasal niya!" "Michael!" saway ni Katie na pinanlakihan ng mga mata ang kaibigan nilang lalaki.Natawa si Allison. Kahit video call lang silang nag-uusap na tatlo, kitang-kita pa rin ang pamumula ni Katie. "Totoo ba, Katie?" tanong naman niyang masayang-masaya sa nalaman. Eh dati, libro lang ang alam gawing boyfriend ni Katie. Who would've thought that just a few years after graduation ay engaged na agad ito? "Eh, hindi naman kasi sa gano'n," ani Katie. "Iba naman kasi ang sitwasyon. Mapapa-deport ako kung hindi ko pakakasalan ang kaibigan ko rito." "Hmn, ilegal stay?" aniyang nananantiya. Nasa Amerika kasi sa kasalukuyan ang kaibigan nila."Hindi naman totally—""So, kailan ang kasal?" pag-iiba niya ng usapan. Ayaw niyang mapahiya ito o ano.
"She was in and out of consciousness last night, Mr. Montenegro. And today, she's not waking up yet. It's almost past two PM."Halos paliparin na ni Ethan ang sasakyan niya papunta sa shelter. He was in the middle of an important meeting when Yanah called. Nang makita pa lamang niya ang pangalan nito na nag-flash sa naka-silent niyang cellphone, inatake na ng kaba ang dibdib niya. He let his phone ring while abruptly wrapping up the meeting. Nawala na siya sa focus at abot abot ang hiling niya na sana walang nangyaring masama kay Allison habang wala siya sa tabi nito. At heto nga, parang patalim na sumasaksak sa puso niya ang mga sinabi ni Yanah. "Please, be well, Ally," aniya habang blurred na ang paningin na nagmamaneho siya ng lampas na sa speed limit. He just hoped na hindi siya masita. Ngayon lang naman. He needed to be beside Ally at once. "Wait for me, please…" Nang makarating ay halos takbuhin niy
"Mama," tawag niya sa atensyon ng inang nakatayo malapit sa glass wall ng kanyang opisina. Lumingon si Andrea Montenegro at tipid ang malamig nitong ngiti sa kanya. Sometimes, he wondered if his mother ever knew how to be a mother. Wala man lang warmth ang kanyang ina. "What brought you here?" he asked. "Is that how you welcome your mother, son?" Gusto niyang paikutin ang mga mata niya. Ito nga ang wala man lang emosyon pagkakita sa kanya eh. "I'm just asking, Ma." He approached Andrea and kissed her cheek. And that simple gesture surprised his mother. Bagamat saglit lang nag-iba ang ekspresyon sa mga mata nito. "Well, I felt obliged to pay you a visit," Andrea took a seat without breaking eye contact with him. "A Director raised a concern that you're always unreachable. What is going on, Ethan?""Tinatanong mo ba ako, Mama, dahil hindi mo pa alam? O
"Hindi pa ba nagkakadevelope-an ang dalawang iyan?" amused na tanong ni Ally habang nakamasid kina Leio at Shanna na nakikipagbiruan sa ibang pasyente ng shelter. "Hmn, about that, I am not sure kung gusto kong ipagkatiwala ang pinsan ko kay Leio," Ethan answered, masuyo na inayos nito ang pagkakahilig ng ulo niya sa balikat nito. "Bakit naman? Ain't Leio your friend? Best friend pa nga.""Yes. And so I know how he treats women. Ayokong mapasama sa listahan niya ang pinsan ko. You know, Shanna is so dear to me. Like a sister, actually," he explained."Para namang wala ng chance magbago si Leio," Ally said, chuckling a bit. "I still think they look good together." "Ah, don't encourage them!" Tumawa rin nang bahagya ang binata. "On a serious note, kapag nga nagkagustuhan ang dalawa na 'yan, sa tingin ko okay na rin. Shanna is being picky. Wala siyang magustuhan sa mga admirers niya." "Baka nga kasi