Share

Billionaire's Secretary
Billionaire's Secretary
Author: Jane Domingo

CHAPTER ONE

"Ma alis na ako." paalam ko kay mama at nagmano bago umalis

"Ingat ka nak." sabi ni mama at tumango lang ako

Nag hahanap ako ng trabaho ngayon para may pang gastos kami ni mama araw araw. Patay na si papa simula bata palang ako. Mahirap lang ang buhay namin, ako lang ang inaasahan ng dalawa kong kapatid na nag aaral.

"Para." sabi ko at inabot ang bayad sa driver

Bumaba ako sa jeep at agad pumasok sa isang building na a-applyan ng trabaho. Malaking malaki ang building na ito mukhang mayayaman ang may ari.

Pumasok ako sa elevator at pinindot ang 4th floor. Ako lang mag isa dito kasi maaga akong pumunta para ako ang mauna sa interview.

Nang tumunog na ang elevator ay agad akong nagtanong sa isang babae.

"Hi po saan po dito mag aaply bilang sekretarya." sabi ko sa isang babae at ngumiti, pormal ang kaniyang kasuotan

"This way maam." sabi ng babae at sinundan ko siya

"Goodluck." sabi niya at binuksan ang pinto, ngumiti pa siya sakin at ngumiti rin ako pabalik

Huminga ako ng malalim bago pumasok.

Pagpasok ko ay medyo sosyal ang mga kagamitan at malinis na malinis. Nahagip ng mata ko ang isang lalaki na nakaupo at nakapatong ang paa sa lamesa.

Nang magtama ang aming mga mata at tumaas ang kanyang kilay. Huminga ako ng malalim bago umupo.

"Uh mag a-apply po ako bilang sekretarya niyo po." mahinahong sabi ko

Devor Ledro Schneider wew gwapo na nga gwapo pa ang pangalan choss

Kinuha niya ang mga papeles na dala ko at binasa, tinitignan niya pa ang mukha ko parang may sinusuri

"Hmm Miafye Chavez so tell me about your self." sabi niya

Ay english lagot mapapasabak ako sa englishan nito.

"I am the eldest in our family, and I can do what you ask me to do, and I will never give up." mayabang na sabi ko

"I thought you didn't know English." sabi niya at nag smirk

Aba parang minamaliit ako nito ah, marunong ako mag english hoy

Ngumiti nalang ako, kunwari mabait choss hahaha

"You can start right now." sabi niya

"Haaa?" sabi ko, parang nabingi ako shet

"I said you can start right now." sabi niya

"As in ngayon?" di ma pakaniwalang sabi ko

Tumango lang siya bigla ako tumayo at niyakap siya, sorry feeling close joke

Nagulat siya sa ginawa ko at ngumiti lang ako, naka peace sign pa ako

"Salamat po hehe, sorry pala." sabi ko at ngumiti

Tumango lang siya at ngumiti nang kaunti.

"Sit there." sabi niya at tinuro ang isang upuan na may mesa, nakalagay pa doon secretary.

"Pwede ba mag cr muna ako b-boss?" sabi ko at tumango naman siya

Agad akong pumasok at inilabas ang cellphone ko. Tinawagan ko si mama.

"Maa." mahinang sabi ko baka marinig ako ni boss

"Oh bakit kamusta." sabi ni mama

"Ma nagsisimula na ako." sabi

"Ano?" tanong ni mama

"Ah pano ba to uh nagsisimula na ako mag trabaho." sabi ko

"Talaga anak? Bakit ambilis." sabi ni mama

"Diko din alam ma." sabi ko

"Sge na ma byebye." sabi ko

"Bye anak." sabi ni mama at pinatay ko ang tawag

Lumabas na ako sa cr at agad umupo sa sinabi ni boss kanina.

Naninibago pa ako, habang nag mumuni muni ako ay napasigaw ako sa gulat ng biglang tumunog ang telepono.

"Sorry boss." sabi ko at tumango lang siya

Agad kong sinagot ang tawag.

"Devor!!" sigaw ng babaeng boses kaya inilayo ko sa tenga ko ang telepono, masisira ear drums ko sa babaeng to

"Hello this is the secretary of Devor Ledro Schneider what do you need?" sabi ko

"Wow may secretary na pala." mahinang sabi niya

"By the way pakisabi may nag hahanap sa kanya." sabi niya

"Okay." sabi ko at tumingin sa direksyon ni boss

"Uh boss may nag hahanap sainyo, babae po." sabi ko

"What is her name." sabi niya at agad kong ibinalik sa tenga ko ang telepono

"Anong pangalan niyo po." sabi ko

"Cassandra." sabi niya

"Cassandra daw po." sabi ko at kita ko sa mukha niya inis

"Okay, tell her I'm busy." sabi niya at tumango lang ako

"Miss busy ho si boss." sabi ko

"Anong busy!! Pupunta ako jan!!" sigaw niya at pinatay ang telepono

Aba shutangina yong babaeng yon ah.

Hindi ko nalang pinansin at ibinalik ko ang sarili ko sa pagbabasa ng mga papeles.

"Miafye give a juice." sabi ni boss at agad akong tumayo

"Malamig po ba o hindi?" sabi ko

"Cold." sabi niya, oo boss cold kasing cold mo choss

Agad akong kumuha ng baso at nagsalin ng malamig na tubig, inihalo ko ang powder ng juice.

Maingat ko itong inilagay sa table ni boss

"Thanks." sabi niya

Ngumiti lang ako at bumalik sa upuan.

"Devor Ledro Schneider lumabas ka jan!!!" sigaw ng boses sa labas

Tatayo na sana ako ng pigilan ako ni boss

"No ako na bahala." malamig niyang sabi at tumayo, pagbukas niya nang pinto ay ang ingay ng babaeng yon malaki siguro bunganga niya

Habang inaabala ko ang sarili ko sa pagbabasa ng mga papeles at schedule ko ay hindi ko namalayan na nakabalik na pala si boss

Nag stretch pa ako dahil sumakit ang likod ko. Pagtingin ko sa bintana ay umuulan ng malakas at malakas ang hangin.

Nang tignan ko si boss ay nakatingin na siya sakin.

"Let's go." sabi niya iniligpit ang mga gamit niya

"Ha?" sabi ko

"I said let's go." sabi niya at binuksan ang pinto

"Saan?" sabi ko

"Umalis kana jan dami mong tanong." sabi niya napatakip pa ako sa bunganga ko dahil ambaho joke infairness nag tagalog si boss

Lumabas na ako at sumabay sa kaniya sa elevator.

Habang nakasakay kami ay tahimik lang kami. Nagtatama rin ang aming mga mata ngunit agad din akong umiiwas ng tingin

Biglang bumukas ang elevator at bumungad samin ang parking lot. Nauna siyang naglakad ngunit ako nanatili lang sa elevator

"Uh bye boss una na ako." sabi ko at pinindot ang first floor, kita kong tumango siya

Nang bumukas na ang elevator ay kita ko sa labas ang malakas na ulan. Lintek bakit ngayon pa umulan wala akong dalang payong huhuhuhu.

Nagpasilong muna ako sa labas para maghanap ng jeep. Habang nag hihintay ako ay biglang may huminto na kotse sa harap ko. Mamahaling kotse dae

Biglang bumaba ang salamin ng kotse at bumungad ang mukha ni boss, lumaki pa ang mata ko ng makita ko siya

"Sabay kana." sabi niya

"Hindi na boss." sabi ko at ngumiti, akala ko pipilitin niya ako pero hindi pala agad siyang umalis, para akong baliw tawa ng tawa

Agad akong pumara ng jeep medyo na basa pa ako pero gorabels parin.

Habang sumasakay ako ay may katabi akong lalaki, hindi sa masama ako pero mabaho siya parang usok ng sigarilyo ang baho niya.

"Kuya pwede bang umusog ka." sabi ko at ngumiti

"Problema mo." galit niyang sabi, galit agad si kuya

"Wala po hehe." sabi ko at plastik na ngumiti

Kinuha ko nalang ang panyo at nilagyan ito ng alcohol, ginamit ko itong pangtakip sa ilong ko.

Pansin ko rin sa mga ibang pasahero na nababahoan sila.

Nangpansin ni kuya ang mga ginagawa namin ay bigla siyang nainis

"Bakit kayo nagtatakip wala namang mabaho." Sabi ni kuya

"Hindi mo maamoy kasi ikaw ang mabaho." sabi ng isang pasahero

"Anong sabi mo." galit na sabi ni kuya

Biglang huminto ang jeep at may babaeng sasakay. Nang makaupo na siya kita ko sa mukha niya na naboboan siya.

"Ano ba yan amoy putok este sigarilyo." pagrereklamo niya

"Manong dito nalang ako." sabi ko at iniabot ang bayad

Nang makaalis na ako sa jeep ay huminga ako ng malalim. Tumakbo ako papunta sa bahay namin.

"Ma." sabi ko at binuksan ang pinto

Kita kong umiyak si mama kaya agad akong nabahala. Pinuntahan ko sila.

"Anong nangyari ma?" kinakabahang sabi ko

"Yang kapatid mo si Freya buntis." sabi ni mama

Para ako nawalan nang lakas ng marinig ko ang sinabi ni mama. Napaupo ako at napahilamos sa mukha.

Tumayo ako at kinaladkad ang kapatid ko.

"Tangina ka nagpabuntis kana hindi pa nga ako binibigyan ng sweldo!." sigaw ko sa sobrang galit

"Ito baaa ito baa ang isusukli mo sa pag aaral ko sayo!" sigaw ko, umaawat si mama samin at ang bunso kong kapatid

"Freya si mama may sakit tumigil ako sa pag aaral para may panggastos sa pamilyang to at mapag aral kayong kapatid ko." umiiyak na sabi ko

"Ate tama na." sabi ni freya

"Anak tama na." napahikbi ako ng marinig ko ang boses ni mama

"Sorry ate." umiiyak na sabi ng kapatid ko

"Sino ang ama niyan." sabi ko

"Ate hindi kami pananagutan ng tanginang ama ng dinadala ko." sabi niya at umiiyak

"Ate sorry kung ang tanga tanga ko sorry ate kung hindi ako nag iisip ate so-rry." humihikbi niyang sabi

Agad ko siyang niyakap at yumakap rin si mama at ang bunso kong kapatid. Nag iyakan lang kaming lahat.

"Kakayanin ni ate." sabi ko sa kapatid ko

Tahimik lang kaming kumain. Nang matapos na kaming kumain ay pinagpahinga ko na si freya, si mama at ang bunso kong kapatid. Bago ako nagtulog ay nagdasal muna ako.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status