Share

CHAPTER FOUR

Wala akong naintindihan sa meeting nila para ako lang ang may sariling mundo. Wala naman kasi akong kaalam alam pagdating sa negosyo.

Almost 1 hour ang meeting ni boss.

"Boss uuwi ba tayo ngayon?" sabi ko habang nasa kotse kami

"Yea." sabi niya

Pabalik na kami sa mansion ngayon. Nang biglang bumuhos ang malakas na ulan. Napasinghap ako at napa sapo sa noo

"Hello." sabi ni luca, may katawag siya sa cellphone

"Alright." sabi niya at ibinaba ang tawag

"Bro you can't go back to the philippines right now because of the typhoon and there's no flight today." sabi ni luca kay boss

"Okay." sabi ni boss

"Ano? Kala ko ba uuwi tayo?" sabi ko

"There is a storm today." sabi ni boss sakin

Tumango nalang ako at hindi na nagsalita. Shutang bagyong to. Pano na sila mama wala ako sa bahay haysss

Huminto na ang kotse at may bumukas sa pinto namin na mga katulong, may dala silang payong.

"Thank you." sabi ko sa babae at sumunod kay boss papasok sa mansion

Sumunod pa rin ako kay boss hanggang sa paakyat sa hagdan.

"Dito." sabi ni boss

"Dito ako matutulog." sabi ko at tumango lang siya

"We will stay here for good until the storm stop." sabi ni boss

"Okay boss." sabi ko at pumasok na sa malaking kwarto

Ganito ba talaga ang mga mayayaman. Hmmm so ako lang matutulog dito susulitin ko na.

Naghalf bath muna ako at isinout ang terno na pampatulog na damit.

Tumingin muna ako sa labas ng bintana. Sobrang lakas parin ng ulan at sumabay ang hangin. Agad kong tinawagan si mama.

"Anak." bungad ni mama

"Ma okay lang kayo, kamusta jan?" sabi ko

"Okay lang kami anak." sabi ni mama

"Ma hindi ako makakauwi ngayon." malungkot na sabi ko

"Alam ko anak may bagyo kasi ibinalita rin sa tv." sabi ni mama

"Kumain na kayo ma?" sabi ko

"Oo anak, ikaw? Wag mong pababayaan ang sarili mo." sabi ni mama

"Oo ma, alagang alaga ako dito joke hahaha." sabi ko at tumawa, narinig ko ding tumawa si mama

"Ma sgi na ma tulog na kayo, promise pagka sweldo ko kakain tayo sa mcdoo!!" masayang sabi ko

"Kahit wag na anak." sabi ni mama

"Ano ka ba ma minsan lang to." sabi ko

"Osge na tulog na mother earth, goodnight ma mahal ko kayo." sabi ko at pumikit

"Mahal ka rin namin anak." sabi ni mama at ngumiti ako

"Bye ma." sabi ko

"Bye anak." sabi ni mama at pinatay ko na ang tatawag

Hihiga na sana ako sa kama nang nakita ko si boss na nakatayo sa pinto.

"Ay anak ng-

"Kanina ka pa jan boss?" sabi ko, umiling siya

"I just want to check you kung okay ka lang jan." sabi niya

"Ay okay kang ako boss." sabi ko at ngumiti ng kaunti

Tumango lang siya at nagpaalam na babalik na siya sa silid niya. Agad kong humiga sa kama ko.

Nag picture picture pa ako na nakahiga.

Gumawa ako ng i*******m account. Mukhang ako ang walang i*******m eh.

Nang makagawa ako ay ipinost ko ang mirror shot ko kanina. Sobrang ganda ko naman here.

Bago ako natulog ay nag dasal muna ako.

-

Nagising ako pero malakas parin ang ulan, tinignan ko ang oras sa cellphone ko 10:48 am na pala.

Bumangon ako at inayos ang higaan. Dumiretso ako sa banyo para maghilamos at mag toothbrush. Inayos ko rin ang buhok ko.

Lumabas ako sa kwarto at nakita ko sa labas yung babae na nagbigay sakin ng damit.

"Maam gising kana pala, sabi ho ni sir pag gumising kayo kumain lang daw kayo don." sabi niya at tinuro ang hapag kainan

"Ako? Kakain don?" sabi ko at tumango lang siya

"Kakahiya naman pwedeng sa kwarto nalang ako kakain?" sabi ko

"Hindi ko alam kung pwed maam." sabi niya ngumiti

Huminga ako ng malalim bago bumaba sa hagdanan at agad akong umupo.

Agad naman nag bigay ng mga ulam ang mga katulong sa mesa ko.

"Ang rami naman." sabi ko sa kanila ngunit ngumiti lang sila

Nagsimula na akong kumain. Nakakahiya mukhang palamunin lang ako dito huhuhu.

"Hey just eat slowly." narinig ko ang boses ni luca

Agad akong uminom ng tubig ng umupo siya sa harapan ko.

"You know you look like mia." sabi niya

Ayan nanaman siya puro siya mia

"Sino si mia? Mia Khalifa ba?" sabi ko habang kumakain

"What the hahahaha no no not Mia Khalifa." sabi niya at malakas na tumawa

"Idi sino?" sabi ko

"Mia is our childhood best friend ." sabi niya at ngumiti

"Don't you remember me?" sabi niya

"Hindi." sabi ko patuloy lang sa pagkain

"Wala kabang childhood best friend na lalaki." sabi niya

"Nag tatagalog ka pala." sabi ko at tumango lang siya

"Yea." sabi niya at ngumiti

"Hmm meron naman pero diko na maalala." sabi ko

May best friend talaga ako noon dalawang lalaki pero nong nabangga ako ng isang kotse ay don na nagsimula ang mga bagay na hindi ko na maalala ang mga nakaraan ko.

Tumango lang siya at nagpaalam. Nang matapos na ako ay hinugasan ko ang kinainan kong pinggan.

Babalik na sana ako sa kwarto ko nang makasalubong ko si boss.

"Oh ikaw pala boss." sabi ko

"We may not be able to go home yet." malamig na sabi ni boss

"Okay." sabi ko at ngumiti ng kaunti

Aalis na sana si boss nang tinawag ko siya.

"Boss?" sabi

"What?" inis niyang sabi

"Sungit mo naman may itatanong lang ako." sabi ko

"Sino ba si mia." nang masabi ko iyon ay nagbago ang kaniyag expression

"You will know at the right time." seryosong sabi niya at tuluyan na akong tinalikuran

Nang makabalik na ako sa kwarto ay wala ako ginawa kundi mag mokmok, tinawagan ko na sila mama, ginawa ko na lahat para hindi ako ma bored. Hindi ko maiwasan bakit nila sinasabi na ako si mia? Baka kamukha ko lang.

Bakit hindi niya nalang sabihin? Bakit kailangan niya pa akong ipa overthink. Baka nga ako si mia pero khalifa choss. Naguguluhan na ako s***a

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status