Nagising ako sa isang malaking kwarto. Puti ang kulay ng kwarto. Agad akong bumangon ngunit masakit parin ang ulo ko.
Tumayo ako para lumabas. Sobrang ganda ng design sa bahay na ito. "Are you okay?" lumingon ako sa likod ko kung saan nanggaling ang boses Nakita ko si boss na ganon parin ang sout niya kanina sa opisina. "Nasaan ako?." sabi ko "Obviously you are at home." masungit niyang sabi "Sungit mo nagtatanong lang ako." sabi ko at wala siyang sinagot sa sinabi ko. "Uuwi na ako." sabi ko "No let's talk." sabi ni boss at umalis Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa terrace. "Sit." sabi niya at umupo ako I will say that." sabi niya "Ano?" sabi ko Agad niyang ipinakita sakin ang picture ng isang babae. Nagulat ako dahil kamukhang kamukha ko sila, napahaplos ako sa mukha ko. "Si-no yan?" nauutal kong sabi "That's you." sabi niya "Ha? Hahahaha hindi ako yan." kinakabahang sabi ko "Meron kang Retrograde Amnesia." seryosong sabi ni boss "Ano ka doctor." sabi ko "The doctor told me." sabi niya "Bat di ko yan alam." sabi ko, wala siyang sinagot sa sinabi ko "Oo nga pala mahirap kami kaya hindi na uso ang mag pa check up." natatawang sabi ko "What's funny?" malamig niyang sabi "Pakialam mo boss bawal ba tumawa." sabi ko "Tsssk." sabi niya at umiling "By the way ihahatid na kita sainyo." sabi ni boss "Okeh." sabi ko at tumayo Kinuha ko muna ang bag ko sa kwarto ni boss at agad dumiretso sa labas. Sasakay sana ako sa likod kaso nagalit si boss. "Why are you sitting there?" sabi ni boss "Bakit ba dito nalang ako." sabi ko "No lipat ka dito sa front seat, I'm not your driver." masungit niyang sabi Agad akong lumipat sa front seat. Nagsimula nang umandar ang kotse ni boss. "Alam mo boss nakakapangit daw ang pag susungit." sabi ko "Do i care?" sabi niya "Wala boss sinasabi ko lang." sabi ko at ngumiti Nakita kong may soft drinks siya sa kotse niya. "Get it." sabi ni boss Kaya kumuha ako ng coke. Infairness malamig siya. Biglang huminto si boss, tinignan ko ang labas ng bintana nasa tapat na kami sa bahay namin. "Pano mo nalaman na dito ang bahay namin? " sabi ko "I have my ways." sabi niya at nag smirk "Heh." sabi ko at binuksan ang pinto ng sasakyan "Adios ten cuidado." sabi niya at tuluyan ng umalis Ano daw?? Ten??? Benten?? Ano yon kandado?? Hay ewan Pumasok na ako sa bahay nadatnan ko sila na tahimik "Anong nangyari." sabi ko, nang marinig nila ang boses ko ay agad silang nabuhayan "Ate." sabi ni freya "Anak kamusta? Tumawag yong boss mo sakin." sabi ni mama "Okay lang ako ma." sabi ko huminga ng malalim si mama Umupo kaming apat, diko maiwasan na tanungin si mama "Ma may Retrograde amnesia." sabi ko "Amnesia diba yan yung nawawalan nang memorya ate?" sabi ng bunsong kapatid ko, tumango lang ako sa kanya "Anak sorry." nagulat ako ng umiyak si mama "Ma bat ka umiiyak." sabi naman ni freya "Ma." sabi ko at hinawakan ko ang kamay ni mama "Hindi kita napatingin sa doktor noon." sabi ni mama "Okay lang ma naiintindihan ko." sabi ko "Nangako yung nakabangga sayo na kotse na sasagutin niya ang pangpa ospital mo." sabi ni mama na umiiyak pa rin "Tapos?" sabi ko "Pero para siyang bola anak bigla siyang nawala." sabi ni mama "Okay lang ma, naiintindihan kita." sabi ko at niyakap si mama Agad din nakisali ang mga kapatid ko sa yakapan namin ni mama Agad akong pumasok sa kwarto ko at humiga. Hindi ko alam pero naiiyak ako. Tumawa at umiiyak ako para na akong baliw. "Ano ba hindi ka naman iyakin." sabi ko sa sarili ko "Kaya mo to Miafye Chavez." sabi ko sa sarili at huminga ng malalim "Gorabels." sabi ko at ngumiti Biglang tumunog ang cellphone ko. Unknown number ang tumatawag "Hello?" bungad ko, walang sumagot sa sinabi ko "Sino po sila?" sabi ko pero hindi parin sumasagot "Hoy kung ano mang trip mo wag mokong tripan sa iba nalang." sabi ko "Ano hindi ka parin magsasalita?" sabi ko papatayin ko na sana ang tawag ng marinig ko ang kaboses ni boss "Tsk." sabi ng boses sa kabilang linya "Boss?" sabi ko "Yes." sabi niya at napatakip ako sa bibig ko "Loh pano mo nalaman number ko bos." sabi ko "Of course you're my secretary, I really know your mobile number." sabi ni boss sa kabilang linya "Ah oo nga haha, sorry boss ang sama ng bungad ko sayo." sabi ko "It's okay by the way how are you?" sabi niya "Okay lang ako boss." sabi ko "Okay." sabi niya "Okay." sabi ko, walang nagsalita samin kaya napag desisyonan ko na magpaalam "Boss matutulog na ako." sabi ko "Okay." sabi niya "Wala bang goodnight jan." sabi ko at tumawa siya "Hala tumawa kaba boss, ikaw boss ha." natatawang sabi ko "What?" sabi niya "What whatin ko kaya yang mukha mo boss hehe jokelang baka tanggalin mo ko sa trabaho." sabi ko "Alright Goodnight see you tomorrow." sabi ni boss "Good night boss." sabi ko at pinatay ko ang tawag Bago ako nakatulog ay nakatitig muna ako sa pader namin. Ang lalim ng iniisip ko Baka talaga ako yung mia na sinasabi ni boss. Kamusta kaya yung naka bangga sakin patay na ata o nakonsensya ba siya sa ginawa niya sakin. Sarap niyang ibalibag. Sana na karmahan na yon. Sa buhay kong to kailangan ko talaga mag patuloy kahit may amnesia ako. Amnesia ka lang maganda ako choss diba walang connect hahahaha Pero sana mubalik na ang alaala ko. Sobrang hirap makalimutan mo ang nakaraan mo. Nakakalimutan mo ang mga magagandang alaala nong bata pa ako. Kung makikita ko lang talaga ang nakabangga sakin noon magsusuntukan talaga kami jokelang. Ano kaya nakain ni boss at napatawag siya sakin. Baka miss ako char assumera ka sis. Tinapos ko na ang mga bumabagabag sa utak ko at napagdesisyunan ko na matutulog na ako."Good morning." nagulat ako dahil mas nauna pang bumati si boss sakin"Good morning din boss, ganda ata ng mood mo ngayon." sabi ko at ngumiti, nakita kong ngumiti siya kauntiAgad akong umupo sa upuan ko. Tinignan ko ang schedule ni boss ngayon. Pinuntahan ko siya sa opisina niya"Boss mag meeting kayo ngayon." sabi ko"What time?" tanong ni boss"9:30 am boss." sabi ko"Okay thanks, and by the way give me a coffee." sabi niya at tumango lang akoAgad akong lumabas sa opisina ni boss. Nag salin ako ng mainit na tubig at inihalo ko ang Nescafe powder.Maingat ko itong inilagay sa lamesa ni boss at agad akong lumabas.Nang makaupo ako ay huminga ako ng malalim. Biglang may kumatok sa pinto at agad akong tumayo para buksan."Where's Devor?" bungad sakin ni Cassandra"Nasa opisina po." sabi ko"Pakitawag sa kanya pakisabi hinahanap ko siya." sabi niya"Busy siya." sabi ko"Wala akong pake." mataray niyang sabi"Kung wala kang pake pwes ako din." sabi ko at tumaas ang kilay niya sa sinabi
"Good morning boss." bati ko kay boss"Morning." sabi niyaNaninibago ako bakit walang kape sa mesa niya.Hmmm timplahan ko kaya.Agad ako nagsalin ng mainit na tubig at inihalo ang Nescafe powder.Kumatok ako habang dala dala ko ang tasa."Get in." sabi ni bossAgad akong pumasok nang makita ni boss ang dala ko ay ngumiti siya. Naks gwapo ah"Thanks." sabi niya at ininom ang kapeng tinimpla koAgad akong umalis sa opisina ni boss at umupo sa upuan ko. Nag stretching muna ako dahil masakit parin ang likod ko.May clinic pala dito sa gusaling ito. Agad ako nag paalam kay boss na pupunta ako ng clinic."Boss pupunta lang ako ng clinic." sabi ko"Why what happened to you?" sabi ni boss"Masakit lang likod ko boss, hihingi lang ako ng pain killer." sabi ko"Aight okay." sabi ni boss"Uh san pala clinic dito boss hehe?" sabi ko"1st floor." sabi ni boss at tumango lang akoIsinirado ko ang pinto at dali daling bumaba sa hagdan. Ayoko na gumamit ng elevator baka mangyari ulit yung na stock
"Ma tara na." sigaw ko sa labas ng bahay namin"Ito na." sabi ni mamaLumabas na si mama at ang mga kapatid ko."Excited na ako ate." sabi ng bunsong kapatid ko"Tara na." sabi koPupunta kami ngayon sa mall balak kong bilhan sila mama ng mga damit. Nagbigay ng sweldo si boss kahapon.Agad akong pumara ng jeep. Nang makasakay na kami ay kita ko sa mukha nila mama at kapatid ko na masaya sila.Madami ring nangyari kahapon. Hinatid ako ni boss sa bahay namin. Napapansin ko ata hinahatid na niya ako sa bahay. Assumera hahaha"Para." sabi ko at iniabot ang bayad sa driverAgad kaming pumasok sa mall. Sobrang dami ng tao.Namili agad ng mga damit si mama at ang mga kapatid ko. Syempre pumili rin ako para may damit rin ako para sa trabaho ko."Ate okay nato." sabi ng kapatid ko"Sige ilagay mo don babayaran ko." sabi ko at inilabas ang pera ko, iniabot ko ang bayad sa cashier"Mamimili muna tayo ng groceries." sabi ko"Kuha ka ng push cart." sabi ko kay freyaMga kinuha lang namin ay mga di
WARNING: READ AT YOUR OWN RISK"Ma alis na ako." paalam ko kila mama"Ingat ka anak." sabi ni mama"Ikaw na bahala dito freya." sabi ko sa kapatid ko"Oo ate." sabi ni freyaNang makalabas na ako sa bahay ay nag lakad muna ako para makarating sa sakayan.Kagabi madami kaming pinag usapan ni rayven. Taga don pala siya sa kabilang bayan.Agad ako pumara ng jeep at sumakay. Nang makasakay na ako ay may kaharap akong isang lalaki. Para ako nabuhusan ng tubig hindi ako makagalaw. Siya yung lalaki sa panaginip ko. Agad sumikip ang dibdib ko.Tinititigan ko ng maigi ang lalaki medyo may katandaan na siya pero hindi parin mawala sa isip ko ang mukha niya."Para lang." sabi ko at iniabot ang bayadAgad akong pumasok at pumunta sa opisina.Tuloy tuloy lang ang pasok ko at agad umupo."Morning." sabi ni bossNgumiti lang ako ng kaunti at binasa ang mga reports, schedule.Hindi marami ang mga reports ngayon kaya mabilis akong natapos.Tumayo ako at kumuha ng dalawang baso. Nagsalin ako ng malamig
I cre-cremate na namin ang patay na katawan ni mama ngayon.Habang ipinapasok si mama ay umiiyak ang mga kapatid ko. Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha sa mata ko.3 hours din ang natapos ang cremation ni mama at nadagdagan ng 1 hour dahil sa processing.Ang sabi nila ay 7 to 10 days bago ibalik ang ashes ni mama samin. Kaya napagpasiyahan naming umuwi.Habang papauwi kami sa bahay ay may mga lalaking nag tatambay sa bahay namin."Anong ginawa niyo dito." sabi ko sa tatlong lalaki"Kayo po ba nakatira sa bahay na ito." sabi ng isang lalaki"Obvious naman di naman kayo sisitahin ng ate ko kung hindi kami nakatira dito." sabi ni freya sa kanila"Inutusan lang kami kailangan nanamin i demolish ang bahay niyo." sabi ng lalaki"Anooo!!" gulat kong sabi"Sino nag utos? Tangina wag naman kayong dumagdag." galit kong sabi"Bibigyan po namin kayo ng oras para mag impake sa mga gamit niyo." sabi ng isang lalaki"Hindi! Hindi kami aalis." sigaw ng kapatid ko ng bunsong kapatid ko"M
Maaga akong nagising. Pagkagising ko wala na si lola sa tabi ko kaya agad akong bumangon at inayos ang buhok ko.Naabutan ko sila lola at ang kapatid ko na nag kwekwentuhan."Ate gising ka na pala." sabi ng bunsong kapatid ko, ngumiti lang akoKumuha ako ng baso at nagsalin ng mainit na tubig. Nag timpla ako ng kape."Mamaya kaba aalis apo?" tanong ni lola"Oo la mag hahanap ako ng condo." sabi koTumango lang si lola. Kumain kami ng sabay, pagkatapos namin kumain ay naligo na ako.Sout ko ang high waist na pants at long sleeve na tops na binili ko. Inayos ko ang mga gamit sa maleta."Freya ito." sabi ko at iniabot ko sa kanya ang pera na inipon ni mama"Para san to ate." sabi niya"Para sa pagbubuntis mo at sa gastosin niyo dito palamunin pa naman kayo." sabi ko"Ate wag na." sabi niya"Hindi kunin mo yan." sabi ko"Salamat ate." sabi niya"Mag ingat kayo dito ha." sabi ko at niyakap ko silang dalawa"Ate dito ka nalang." sabi ng bunsong kapatid ko"Bibisita naman si ate." sabi ko"S
Mga 5 am ako nagising, naligo muna ako bago lumabas sa kwarto.Agad ako nag luto ng apat ma fried egg, bacon, at hotdog. Bahala siya prito lang ang alam ko sa mga luto luto na yan.Inayos ko muna ang sarili ko. Sout ko ang long skirt na white at long sleeve na itim. Nakarinig ako ng yapak sa hagdanan kaya napatingin ako don."Good morning." sabi ni boss at agad umupo sa hapag kainan"Morning." sabi ko at umupo na rin, kita kong kumunot ang kilay ni boss"Where's the good?" tanong ni boss"Walang good boss." sabi ko"Okay let's eat." sabi ni boss at nagsimula na kaming kumainAwkward parin samin na kumakain na kami lang dalawa. Nang matapos na kaming kumain ay kinuha ko agad ang bag ko."Sabay na tayo." sabi ni boss at tumango lang akoSumunod lang ako sa kanya hanggang sa paglabas ng bahay. Pumasok na ako sa kotse. Nakaupo ako ngayon sa front seat.Tahimik lang ang buong byahe namin hanggang sa makarating kami sa parking lot.Sabay rin kaming pumasok sa elevator. Naunang pumasok si bo
"Are you okay now?" tanong ni boss at tumango lang akoNagsimula na kaming kumain. Tahimik lang kami walang daldalan. Walang pasok ngayon sa opisina dahil linggo."I'm going to my rest house later do you want to come?" sabi ni bossTumango lang ako, ako na nagligpit sa mga kinain namin. Habang naghuhugas ako ay may narinig akong boses sa labas. Hindi naman naririnig ni boss dahil nasa kwarto siya.Nang lumabas ako ay parehas kaming nagulat."What are you doing here?" maarte sabi ni cassandraKingina sisirain nanaman niya ang umaga ko."Yan ang dapat na itanong ko sayo." kalmadong sabi ko"Where's devor does he know you are here?" tumaas ang kilay ko sa sinabi niya"Bobo kaba? Sa tingin mo titira ako dito ng hindi niya alam? Syempre alam niya talaga bahay niya ito eh." sabi ko"Don't call me bobo." inis niyang sabi"Bakit? Bagay naman sayo." kalmadong sabi ko, kita kong namumula na siya sa galit"Let me in." sabi niya, papasok na sana siya nang hinarang ko ang sarili ko sa pinto"Get o