Hindi makontrol ni Craig ang sariling humanga sa kagandahang nasa harap niya ngayon. Napatulala pa siya at hindi agad nakahuma. Nakapagkit ang mga mata niya at halos hindi na niya maiiwas pa.She's changed. Ang buhok nitong dating nakapusod lagi ay nakalugay na ngayon. At hindi lang basta-bastang nakalugay. It was cut in shoulder level bob cut and was highlighted with silver shadow balayage. Wala na ring suot na salamin ang babae. And for fùcking sake! She's wearing light makeup that enhances her beauty more. Her changes were not only one hundred sixty degree turn. It was three hundred and eighty degrees. Kung hindi lamang ito nagsalita kanina ay hindi niya agad ito makikilala. Hindi niya aakalaing si Maxine iyon na kilala niya at nakasama sa loob ng ilang taon. Napalunok siya at maging ang sasabihin ay nalunok na yata niya. She's stunning. Alam niyang capable si Maxine to be that beautiful. But not as beautiful as it now. The Maxine now was an upgraded version after the Dela P
"Parang bata! Binantaan ka ba talaga na tatanggalin sa proyektong pinaghirapan mo? Ano iyon? Ganti niya sa iyo?" Himutok ni Sharon nang makabalik siya sa opisina. Agad siyang pinuntahan nito nang makita siyang tila balisa. Naikuwento niya rito ang nangyari kaya naman wala ng preno ang bibig nito. Kulang na lang ay murahin nito at isumpa si Craig. Natuwa din siya dahil bumalik na sa dati ang babae. Nag-alala din siya rito dahil sa nangyari.Hindi pa rin naresolba ang nangyati sa party pero at least, masasabi niyang ligtas na sa kapahamakan si Sharon. Paanong hindi ligtas? Minu-minuto yata itong tsinetsek ni Alfred. Kulang na lang ay bantayan nito ang babae. "Ano na gagawin mo?" tanong na muli ni Sharon. Naupo ito sa mesa niya paharap sa kanya. Nakaupo naman siya sa swivel chair niya. "Hindi ko na rin alam, Sharon. Sala sa lamig, sala sa init ang pinsan mo. Ang hirap spelling-ngin ang ugali niya ngayon," ika naman niyang napasalumbaba. Iniisip pa rin niya ang proyekto na kasama ang ng
Pasipol-sipol pa si Sharon habang paakyat ang elevator sa opisina na ni Craig dala ang dokumento na naglalaman ng ipapa-approve niya sa pinsan. Ang saya-saya ng pakiramdam niya kaya parang gusto niyang alaskahin ito. Makaganti man lamang siya sa ginagawa nito kay Maxine. Hindi naman kasi siya takot sa lalaki. Wala eh, sa lahat ng mga tao sa pamilya nila, isa siya sa hindi takot kay Craig. Kahit maging sukdulan pa ang galit nito sa kanya. Wala naman mawawala sa kanya. Naglakad siya papunta agad sa opisina. Napasulyap siya sa desk ni Sofia pero wala roon ang babae. Uunahin niya sanang asarin ito. Napaismid siya nang mapalingon sa saradong pinto ng opisina ng kanyang pinsan. Akma na siyang kakatok nang may marinig mula sa loob kaya napatigil siya. Maingat niyang inilapit ang teynga sa pinto. "Aray! Be careful, Sofia..." tila ungol na nanggaling sa loob. Boses iyon ni Craig. "I am being careful, Hon. Gusto mo bilisan ko na lang..." anas naman ng babaeng alam niyang si Sofia. Nangn
"May problema tayo."Napaangat ang tingin ni Max sa nagsalita. Si Sharon na tila may pinoproblema nga."What?" tanong niya. Binitiwan ang hawak na ballpen at ibinaling ang buong atensiyon sa kaibigan. "Tumawag ang resort na pinagpa-book-an ni Miguel para sa retreat natin. Na-double book daw nila tayo sa isa pang kompanya. They're calling us if we want to postpone ours," sabi nitong tila hapong hapo na naupo sa harapan ng mesa niya. "Pero, it was all settled na. Lahat-lahat, okay, na. Anong gagawin natin?" Napaisip din si Maxine. Malaking problema nga iyon. Excited pa naman siya. Lalo at hindi siya halos lumalabas sa kanyang opisina. Naroon lamang siya halos isang linggo dahil ayaw niyang maging tampulan siya ulit ng usap-usapan. At ang retreat na iyon sana ang pinakauna niyang labas kasama ang ibang empleyado. "How about booking another place?" suhestiyon niya. Umiling lamang si Sharon. "Miguel and I tried that already. Wala na kaming makuha. Though the resort said, puwede naman
"Oh my God! Did you see their faces? Para silang natatae nang makita ka! I can't stop laughing!" mula sa pagtawa ay saad ni Sharon. Napayuko pa at napahawak sa kanyang tiyan dahil sa walang tigil na pagtawa. "Oh my...sana pala kumuha ako ng camera para nakuhanan ko sila. Mga mata nila halos lumuwa na sa inggit!"Aminin niya, there's a satisfaction seeing them shock as they saw her. Pero hindi pa rin niya sana gustong magpakita sa mga ito. Tahimik na kasi ang buhay niya sa advertising department, mukhang mabubulabog na naman dahil mas marami na ang nakakaalam na naroon siya at ng pagbabago niya. "Oh wait..." napatigil si Sharon at napawi bigla ang ngiti sa mga labi. Sumeryoso. "Kaya pala kita hinahanap, Max, may naghahanap sa iyo. Nasa opisina mo," ika nito.Nangunot ang noo ni Maxine. Wala siyang inaasahan at alam niyang si Craig lang ang may kailangan sa kanya. Hindi na ba ito nakapaghintay para pumunta pa siya sa opisina niya?"Mukhang importante, pinuntahan ka eh," sabi pa ni Sh
"Can...can you go back and put on your shirt!" Mahinang pagtawa ang narinig ni Maxine pagkatapos niyang sigawan si Sergio nang lumabas ito na walang damit sa itaas.Biglang nanindig ang balahibo niya nang maramdaman niya ang paglapit nito sa kanya. "I am trying to seduce you here, Max. Did it affect you?" bulong nito sa kanyang teynga. Ang hininga nito ay dumampi sa kanyang balat. Mabilis pa sa alas kuwatrong umabante siya at lumayo sa lalaki. Naringgan na muli niya ito ng pagtawa bago ito bumalik sa washroom. Nang lumabas muli ito ay naisuot na nito ang t-shirt. Basa pa sa parteng natapunan ng kape pero hindi na masyadong halata ang mantsa doon. "I can text Eleoreph to bring me spare clothes pero hindi na aabot. I told Mr. Samaniego to be here by eleven in the morning," aniya.Napatingin siya sa relong nasa dingding niya. Mag-aalas diyes na ng umaga. Hindi na nga aabot iyon.Simpleng pinag-aralan niya ang lalaki. Hindi niya mapigilang humanga sa kasimplehan nito. Nakasuot nga
Lihim na napairap si Sofia bago niya harapin si Craig. Itinago niya ang gulat nang makita ang dalawa na magkasama. Umangat ang mga kamay niya at kunwaring inaayos nito ang maayos naman na kurbata ni Craig. "Narito na pala si Mr. Dela Paz. Escorted by Miss Salvador," aniya. Kay diin ng pagkakasabi nito sa apelyido ni Maxine. Tila may nilalaman pa sa pandinig ni Maxine ang salita nitong 'escorted'. Ayaw man niyang bigyan ng kahulugan iyon ay alam niya ang pasimpleng banat nito at pangungutya sa pagkatao niya. Alam niyang inuumpisahan na naman siya ng babae.Ngumiti siya. Ngiting hindi naaapektuhan sa pasimpleng pagpaparinig ng babae. Maging ang si Craig na nakatitig pa rin sa kanya ng mabigat ay nagawa niyang matamis na ngitian.Napaabante siya nang bigla siyang igiya ni Sergio palabas ng elevator. Maingat siya nitong inalalayan na para bang isa siyang babasaging bagay. Nang maayos na silang nakaharap sa dalawa ay binitiwan na nito ang siko niya at nakangiting humarap sa dalawang
"Ano ba, Craig! Nasisiraan ka na ba ng ulo?" bulyaw ni Maxine kay Craig nang sumara ang elevator. Mabilis niyang hinila ang kamay na hawak nito at lumayo dito. "Nahihibang ka na! Alam mo ba kung anong ginawa mo? You ruined everything!" Hindi niya mapigilan ang frustration na nararamdaman niya dahil dito."Fùck!" mura naman ni Craig. Napatalikod kay Maxine habang sinabunutan ang sariling buhok. Hindi pa nakuntento ay nagawa niyang pagtatampalin ang dingding ng elevator. Paulit-ulit. Papalakas nang papalakas. Doon niya ibinuhos ang frustration na nararamdaman niya. Kanina pa niya gustong pumutok na parang bulkan. Naitulos naman si Maxine dahil sa nakikitang break down kay Craig. Unang beses niya iyon makita. Bigla siyang nilukuban ng matinding kaba at the same time, malakas na tibok ng puso. Bakit ba nagkakaganoon ang lalaki?"Craig..." mahina at nananantiya na pagtawag niya sa pangalan nito.Tumigil naman ito. Pero nanatili itong nakatalikod sa kanya. Naitukod nito ang ulo sa dingding
Inalalayan siya ni Craig papunta sa loob ng jewelry shop. Agad silang sinalubong ng isa sa mga sales person na babae. Mukhang inaasahan na sila dahil agad silang iginiya sa isang mesa kung saan ay may nakahanda ng mga alahas. Kahon-kahon ang nga iyon at nagkikinangan.Ipinaghila siya ni Craig ng mauupuan bago ito maupo sa kanyang tabi. Ang kaninang galak na naramdaman ay unti-unting napawi. Kay gaganda at kay kikinang at mukhang mamahalin ang mga alahas na nasa mesa, pero wala doon ang kaisa-isang hinahanap niya. Singsing. "Mrs. Samaniego...""Miss Salvador, Miss," pagko-correct niya agad sa tawag ng sales lady sa kanya. "Oh...sorry Miss...Salvador," aniya ng sales lady na napabaling pa kay Craig. Nahihiya. "Ahmmm, ipinahanda pala ni Mr. Samaniego ang mga alahas na ito para sa inyo...""I don't need any of those," tanggi niya agad. She pushes away those in front of her. Tuluyan siyang nawalan ng mood. Kahit gaano pa kaganda ang mga iyon. Hindi niya nakikita ang worth niya sa mga iy
"Ay ang ganda," saad ng baklang tumulong kay Maxine i-fit ang gown na gagamitin niya sa party. Alam niyang maaga pa iyon pero pinatawag siya dahil may binago sa napili niyang design. Napatingin siya sa body mirror. Oo nga, naitago pa ng gown na iyon ang maliit na umbok niya sa tiyan. Lalaki pa ang tiyan niya kaya okay na okay ang paglalagay ng mga ito ng ribbon para maitago ang umbok niya. Though hindi naman na kailangan dapat itago iyon dahil balak nga ng matandang Samaniego na sa party siya ipakikilala.'Bilang ano?' Piping tanong niya sa sarili."Ready to show, Mr. Handsome?"tanong ng baklang nag-assist sa kanya. Dahilan upang magising siya sa malalim na pag-iisip. Sa tuwina kasi, nahuhulog na lamang siya sa kawalan. She really needs assurance from Craig. Pero paano? Paano niya tatanungin iyo kung mahal na ba siya nito ngayon?"Let's go Mrs. Samaniego..." nakangising untag nito sa kanya. Tipid na lamang na napangiti siya.Muli niyang sinipat ang kanyang sarili. Satisfied naman s
"Craig, are you good now?" tanong ni Sharon nang silipin ang lalaki sa opisina nito. Halos hindi sila makapag-usap dahil parehong busy. Siya sa pag-organize ng party sa susunod na dalawang buwan at si Craig na busy sa mga transactions at kabi-kabilaang meetings. "Yeah, I'm almost done. You go ahead..." sabi nito. Ni hindi siya magawang sulyapan man lamang."Kay, umuwi ka agad. Sabi mo i-remind kita dahil nangako ka kay Max na uuwi agad..."Pagkabanggit niya sa pangalan ni Max ay mabilis itong napalingon sa kanya. Ngumisi siya."Nakalimutan mo, noh?" tukso niya rito."No..."aniya. "I have it on my alarm," sabi ni Craig. Minsan, kapag kasi nakatutok na siya sa trabaho ay nakakalimutan na niya ang ibang mga bagay. So he had to use his alarm. "Thanks anyway.""Kumuha ka na kasi ng secretary mo, Craig. Magiging busy na ako at mahihirapan kayo ni Max kapag nagkataon..."Alam iyon ni Craig. Kaya nga kahit hindi na dumaan sa mabusising pagsusuri ay kukuhanin niya. Okay na rin kung mga person
Isinugod agad sa hospital si Maxine. Nilukuban naman nang matinding takot si Sharon nang tawagan niya si Craig. Hindi niya ito nakikita pero ramdam niya ang matinding galit nito nang sabihin niya ang nangyari kay Maxine.Pero iwinaglit ni Sharon ang takot para kay Craig. Mas lubos siyang nag-alala kay Maxine lalo na noong mamilipit ito sa sakit at mawalan ng malay. Buti na lang talaga at may tumulong sa kanila para agad itong madala sa hospital.Pumikit siya at piping nagdasal na sana ay okay si Maxine lalo na ang baby nito."What really happened!" Nagulat siya sa pumaimbabaw na boses ni Craig. Nagkukumahog itong lumapit sa kanya. Halata sa mukha ang sobrang pag-aalala. Nanginginig ang mga labi nitong nakapinid. Ramdam na ramdam ni Sharon ang emosyon ng pinsan. Galit na galit na may pag-aalala. Ngayon niya lamang ito nakita ng ganoon. "I told you to go home right away! Paanong nangyari iyon?" Hindi maiwasang bulyaw nito. Nasabi na niya dito ang dahilan at kung nasaan sila noong nan
Dahil hindi natuloy ang pagpunta nila sa designer ng damit noong nakaraan ay ngayon sila may panahon mapuntahan iyon. Kasama ni Maxine si Sharon dahil biglang may mahalagang meeting si Craig. 'I'm sorry, Max, promise, I'll be there later. Hahabol ako sa inyo' Bago siya umalis ay sabi ni Craig. Halatang gusto siya nitong samahan pero siyempre, mahalaga pa rin ang role nito sa kompanya.Pagkatapos nitong sabihin ang tungkol sa pagligtas ng ina niya sa lalaki ay matagal bago niya iyon naproseso sa kanyang isip. Pero mas naging proud siya sa kanyang ina. Dahil nagawa nitong iligtas ang lalaking minahal niya. Hanggang doon lamang ang sinabi ni Craig. Hindi pa siya handang aminin sa babae na ang dahilan kung bakit namatay ito ay dahil rin sa kanya. Natatakot siya sa magiging reaksyon ni Maxine. Ngayon pa lamang, nahirapan na siya dito. Sa mas malalim pa kayang katotohanan? Natatakot siyang kasuklaman siya ng babae. Kahit sabihin na hindi naman niya ginusto ang mga nangyari at nadamay lam
Isang buwan pa ang nakalipas. Medyo may umbok na sa tiyan ni Maxine pero hindi pa naman gaanong kahalata. She's living the life she always wanted. Unti-unting nababago ni Craig ang pananaw niya dito. Pinapatunayan nito ang sarili sa kanya.Walang paltos si Craig sa pag-aalaga sa kanya. Maging sa mga check ups niya ay naroon ito. Sa paningin na nga niya ay nagiging husband material na ito. Pero siyempre, ayaw niyang pakasiguro. Ayaw niyang bigyan ang sarili ng isang daang porsyentong pag-asa. Ayaw niya pa rin masaktan.Waking up beside him was everything. Nagigising siya sa umagang laging nakayakap ito sa kanya. Maging ang amoy nito ay kabisado na niya. Kaya kahit nakatalikod siya at paparating ito ay alam na alam niya. Wala ng mahihiling pa si Maxine. Parang nananaginip pa rin siya dahil pangarap lamang niya noon si Craig. Lihim na minamahal. Pero heto ngayon. Kasama niya. It all started with a contract being his bed warmer. Ngayon, aabot nga kaya sila sa isa na namang kontrata? K
Madilim pa rin ang mukha ni Craig nang pumasok siya sa coffee shop kung saan niya nakita sila Maxine at ang Dela Paz na iyon.Hindi nawala sa isip niya ang nasaksihan kanina, kung paano ngumiti ang Dela Paz na iyon dahil sa presensiya ni Maxine. Maging ang nahihiyang itsura ng babae habang inabot nito ang isang kahon.Napasulyap siya sa kahon na nasa mesa. Mukhang iniwanan iyon ng Dela Paz na iyon. "Craig...magpapaliwanag ako..." Saad ni Maxine sabay kuha sa kahon na iyon. Tumayo si Maxine mula sa kinauupuan. Marahan naman niyang inabot ang kamay nito at hinila. Hindi pa rin siya nagsasalita. Kinokontrol niya ang sariling emosyon dahil baka sumabog siya. Ayaw niyang mangyari iyon dahil nasa matao silang lugar. 'Patience Craig. Patience!' Paalala niya iyon sa sarili. Iyon ang gusto niyang gawin kahit na halos bulkan ng gustong pumutok ang galit niya.Hinila niya si Maxine papunta sa kanyang sasakyan. Pilit niyang ikinubli ang damaged ng sasakyan sa mga mata ni Maxine. Buti na lamang
"Hindi pa ba dumadating si Craig, Max?" Dumungaw si Sharon sa kanyang opisina. Kanina pa nito tinatanong kung susunduin ba siya ni Craig. Ngumiti siya. "Sabi niya ay hintayin ko siya, Sharon. Kung may pupuntahan ka, go na. Baka mainip ang date mo," sabi niyang nagbibiro lang naman. Pero nang makitang namula ang kaibigan ay napatunayan niyang meron nga itong mahalagang pupuntahan kaya tanong nang tanong. Lumapit ito sa kanyang mesa. "Nag-aalala ako, baka hindi siya makabalik agad. Okay ka lang bang maghintay dito?"Tinaasan niya ito ng kilay. "Sha, buntis lang ako. Hindi may sakit. Huwag kang mag-alala sa akin. May ginagawa pa ako kaya hihintayin ko na si Craig."Napalabi ito. "Sure ka ha? Basta kapag hindi siya dumating tawagan mo ako. Lilipad ako para mapuntahan ka..."Mas lumawak ang pagkakangiti ni Maxine. Magagawa niya bang sirain ang date ng kaibigan? Pero siyempre kunwaring napatango na lamang siya para hindi ito ma-guilty na iwanan siya. Simula noong mabuntis siya at napagta
"Max, do you want Japanese food?" tanong ni Craig kay Max. Galing ito sa sariling opisina. Magtatanghali na kaya gusto niyang tanungin ito kung anong kine-crave na pagkain ng babae. "Kahit ano, Craig," sagot ng babae. Tumaas ang kilay niya dito. Ang 'kahit ano' nito ay whether she likes it or not. Pero usually, ayaw nito kaya tinatanong niya ito ng maigi.Lumapit siya dito. Hindi man lamang kasi siya nagawang tingnan nito. Masyadong abala ito sa ginagawa. Kaharap nito ngayon ang computer at ngayon nga ay nakatutok ang mga mata roon. Ni hindi nga siya napansin na nakalapit na.Pumuwesto siya sa gilid nito at dumungaw sa ginagawa. She's busy with the project with the Dela Paz."Still not finalized?" Napapansin niyang lagi nitong nire-revised ang ilan sa mga detalye. Ayaw na sana niya itong magtrabaho pero mapilit ito. Sabagay, meron namang go signal ang doctor na puwede itong magtrabaho. On moderation nga lamang. Walang stress dapat."I'll meet with Sergio the next day. This will be th