Lihim na napairap si Sofia bago niya harapin si Craig. Itinago niya ang gulat nang makita ang dalawa na magkasama. Umangat ang mga kamay niya at kunwaring inaayos nito ang maayos naman na kurbata ni Craig. "Narito na pala si Mr. Dela Paz. Escorted by Miss Salvador," aniya. Kay diin ng pagkakasabi nito sa apelyido ni Maxine. Tila may nilalaman pa sa pandinig ni Maxine ang salita nitong 'escorted'. Ayaw man niyang bigyan ng kahulugan iyon ay alam niya ang pasimpleng banat nito at pangungutya sa pagkatao niya. Alam niyang inuumpisahan na naman siya ng babae.Ngumiti siya. Ngiting hindi naaapektuhan sa pasimpleng pagpaparinig ng babae. Maging ang si Craig na nakatitig pa rin sa kanya ng mabigat ay nagawa niyang matamis na ngitian.Napaabante siya nang bigla siyang igiya ni Sergio palabas ng elevator. Maingat siya nitong inalalayan na para bang isa siyang babasaging bagay. Nang maayos na silang nakaharap sa dalawa ay binitiwan na nito ang siko niya at nakangiting humarap sa dalawang
"Ano ba, Craig! Nasisiraan ka na ba ng ulo?" bulyaw ni Maxine kay Craig nang sumara ang elevator. Mabilis niyang hinila ang kamay na hawak nito at lumayo dito. "Nahihibang ka na! Alam mo ba kung anong ginawa mo? You ruined everything!" Hindi niya mapigilan ang frustration na nararamdaman niya dahil dito."Fùck!" mura naman ni Craig. Napatalikod kay Maxine habang sinabunutan ang sariling buhok. Hindi pa nakuntento ay nagawa niyang pagtatampalin ang dingding ng elevator. Paulit-ulit. Papalakas nang papalakas. Doon niya ibinuhos ang frustration na nararamdaman niya. Kanina pa niya gustong pumutok na parang bulkan. Naitulos naman si Maxine dahil sa nakikitang break down kay Craig. Unang beses niya iyon makita. Bigla siyang nilukuban ng matinding kaba at the same time, malakas na tibok ng puso. Bakit ba nagkakaganoon ang lalaki?"Craig..." mahina at nananantiya na pagtawag niya sa pangalan nito.Tumigil naman ito. Pero nanatili itong nakatalikod sa kanya. Naitukod nito ang ulo sa dingding
Imbes na bumalik si Craig sa opisina niya ay minabuti niyang magtungo siya sa bar ni Aivan. Magulo ang utak niya para magpatuloy sa pagtatrabaho."Napapadalas ka yata, bro," aniya ng kaibigan nang sundan siya sa private room. Humingi siya agad dito ng maiinom. Kasunod nito ang isang tauhan na siyang may dala ng mga alak. Hindi pa bukas ang bar nito pero natawagan na niya bago pa man siya dumating kaya naihanda na rin nito ang private room. Hindi niya sinagot si Aivan bagkus ay agad siyang kumuha ng maiinom. If he can drown himself right now ay gagawin niya. Just to forget what happened a while ago.Fùck! Napamura na lamang siya sa sarili. Did he really beg Maxine to stay? Hindi naman literal na nagmakaawa siya but, it's like begging in some ways. At ang ikinapupuyos pa niya ay ang diretsang pagtanggi sa kanya ni Maxine.Saglit na pinag-aralan naman ni Aivan ang kaibigan. May pagbabago kay Craig na hindi niya mapangalanan."It's rude to stare!" asik nito nang mapansin siyang nakating
Wala pang alas sais ng umaga ay may nagdo-doorbell na sa condo ni Maxine. Nagmamadali niyang inayos ang sarili at pinasadahan iyon ng tingin sa body mirror. Nakasuot siya ng white t-shirt at ni-ternuhan niya ng maong na shorts. Katamtaman lamang ang haba niyon sa kanyang hita. Ngunit nagsisumigaw pa rin ang magandang hubog ng kanyang hita kahit simple lang ang suot. Muli niyang sinipat ang inilagay sa bag na dala nang muling tumunog ang doorbell niya. Napairap siyang pumunta sa pinto para buksan iyon. Hindi na siya nagtaka nang mapagbuksan si Sharon na ngising ngisi. "Morning beautiful," bati nito. Gaya niya ay nakasuot din ito ng puting t-shirt na niternuhan naman ng palda na maong. Medyo maiksi ang suot nito pero hindi naman malaswa tingnan. "You ready?" tanong nito na tinanguhan niya bilang sagot. "Kunin ko lang ang mga gamit ko," paalam niya. Iiwanan na sana ito sa labas. "Maaga pa, Max. Magpalipas muna tayo ng oras dito," sabi nito. Ito na rin ang nagtulak sa pinto para m
Parehong nanlaki ang mga mata nila Sharon at Maxine nang bumaling sa nagsalita. Nakaupo kasi sa pangalawang row si Craig. At sa kasamaang palad ay kasama rin nito si Sofia na napasimangot nang makita ang dalawa. Ayaw talaga sana nitong sumama. Napilitan lamang siya dahil gustong pumunta ni Craig. Bigla na lamang itong nagdesisyon pagkalabas nito sa hospital.Kanina pa din niya inuungot kay Craig na sa harapan sila pumuwesto. Kaya pala hindi siya nito pinagbigyan ay dahil inireserba nito ang harapan para kay Maxine. "Craig, bakit ka narito? Akala ko nasa hospital ka?" tanong ni Sharon na hindi pa rin makapaniwala. Napakurap-kurap pa talaga siya. Baka namamalik mata siya at iba na ang nakikita. "Max, nakikita mo ba si Craig o baka kaluluwa na niya itong nakikita ko, may kasama kasi siyang demonyo...""Sharon!" saway ni Craig. Tumaas pa ang boses nito."Sha!" tawag naman ni Maxine. Hinawakan pa ang kaibigan sa braso para pigilan ito.Lalong nanulis ang nguso ni Sharon. "Bakit ba kayo na
Maging si Sofia ay hindi nakatulog. Nagkunwari lamang siyang tulog pero sa buong biyahe ay nakiramdam lamang siya sa katabing lalaki. Sinadya pa niyang sumandig sa balikat nito pero hindi man lamang ito naapektuhan. Ni hindi siya nagawang akbayan para maayos na makapuwesto. Parang tuod itong nakaupo lamang.Alam niyang gising si Craig. Ramdam niya kasi ang malalim na paghinga nito at marahas na pagbuga ng hangin. Hindi naman siya tanga na hindi alam ang dahilan kung bakit ganito ito ngayon. She has no choice now. Kailangan niyang gumawa ng paraan para tuluyang mawala si Maxine sa landad nila.Palma Mountain Resort. Sa wakas ay nakarating din sila. Excited na nagsibabaan na ang mga empleyadong kasama. Bumabati pa ang mga dumadaan kila Craig bago tuluyang bumaba. Nasa hulihan pa sila Sharon kaya sila ang nahuli papunta sa harapan.Nagtaka si Sharon dahil habang papalapit siya sa unahan ay nakikita pa niya ang mga ulo ng apat na katao."Max, baba–"Nakita niya ang pag-angat ni Sergio
"Oh my gosh, Sha. Paano mong naisip ang bagay na iyon? Pinagsasabong mo ba talahmga ang dalawa?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Maxine nang nasa kuwarto na sila. Hindi pa man nase-settle ang lahat ay hinila na siya ni Sharon doon. Tumatawa naman itong humarap sa kanya. "Nakita mo itsura kanina ni Craig? Wala siyang magagawa. Kuwarto niya lang ang available. Isa pa perehas naman silang boss ng mga kompanyang magsasanib puwersa para sa isang proyekto. Makakabuti iyon para makapag-usap sila. Settle their differences!"Napailing siya na lang si Maxine. Para sa kanya, imposibleng mangyari iyon. Ewan ba niya bakit ganoon na lang ang inuugali ni Craig pagdating kay Sergio."Bakit nga ba parang galit na galit si Craig kay Sergio?" Biglang napatanong si Sharon. "Hindi ko din alam," sagot ni Max. "Kilala mo naman ang pinsan mo hindi ba? Lumaki siyang hindi gaanong nakikisalamuha sa iba. Defense mechanism niya siguro iyon...""Kaya nga better din ang naging suggestion ko no. Sana ma-set
"Max, sasama ka ba sa mountain hiking?" tanong ni Sharon kay Max habang nagpe-prepare sila sa umagang iyon. Pangatlong araw na nila doon at masasabi niyang worth ang pagsama niya. "No. Sa isang activity ako ngayon, Sha. At ang grupo ko ang nakatoka ngayon sa pagluluto," sagot niya. So far, masasabi niyang wala siyang naging problema sa mga kasama. Mas nakilala siya ng kapwa empleyado nila. Mas naging open ang mga ito sa kanya at mas naging malapit. Lalo na at hindi a siya nakikita ng mga ito na laging nakabuntot kay Craig. They even apologize dahil sa panghuhusga sa kanya noon."Sige. Excited akong mag-hiking. Hindi ko alam sinong kasama ko pero sana huwag sina Sofia at Hannah dahil ihuhulog ko talaga sila mula sa itaas ng bundok!" Natatawang napailing na lamang si Maxine sa turan ng kaibigan. Medyo nanahimik naman ang dalawa sa nakaraang mga araw. Hindi gumawa ang mga ito ng gulo na labis niyang ipinagpasalamat. Nang makababa sila ay naroon na ang ilang mga grupo. Nagtagpo ang
Inalalayan siya ni Craig papunta sa loob ng jewelry shop. Agad silang sinalubong ng isa sa mga sales person na babae. Mukhang inaasahan na sila dahil agad silang iginiya sa isang mesa kung saan ay may nakahanda ng mga alahas. Kahon-kahon ang nga iyon at nagkikinangan.Ipinaghila siya ni Craig ng mauupuan bago ito maupo sa kanyang tabi. Ang kaninang galak na naramdaman ay unti-unting napawi. Kay gaganda at kay kikinang at mukhang mamahalin ang mga alahas na nasa mesa, pero wala doon ang kaisa-isang hinahanap niya. Singsing. "Mrs. Samaniego...""Miss Salvador, Miss," pagko-correct niya agad sa tawag ng sales lady sa kanya. "Oh...sorry Miss...Salvador," aniya ng sales lady na napabaling pa kay Craig. Nahihiya. "Ahmmm, ipinahanda pala ni Mr. Samaniego ang mga alahas na ito para sa inyo...""I don't need any of those," tanggi niya agad. She pushes away those in front of her. Tuluyan siyang nawalan ng mood. Kahit gaano pa kaganda ang mga iyon. Hindi niya nakikita ang worth niya sa mga iy
"Ay ang ganda," saad ng baklang tumulong kay Maxine i-fit ang gown na gagamitin niya sa party. Alam niyang maaga pa iyon pero pinatawag siya dahil may binago sa napili niyang design. Napatingin siya sa body mirror. Oo nga, naitago pa ng gown na iyon ang maliit na umbok niya sa tiyan. Lalaki pa ang tiyan niya kaya okay na okay ang paglalagay ng mga ito ng ribbon para maitago ang umbok niya. Though hindi naman na kailangan dapat itago iyon dahil balak nga ng matandang Samaniego na sa party siya ipakikilala.'Bilang ano?' Piping tanong niya sa sarili."Ready to show, Mr. Handsome?"tanong ng baklang nag-assist sa kanya. Dahilan upang magising siya sa malalim na pag-iisip. Sa tuwina kasi, nahuhulog na lamang siya sa kawalan. She really needs assurance from Craig. Pero paano? Paano niya tatanungin iyo kung mahal na ba siya nito ngayon?"Let's go Mrs. Samaniego..." nakangising untag nito sa kanya. Tipid na lamang na napangiti siya.Muli niyang sinipat ang kanyang sarili. Satisfied naman s
"Craig, are you good now?" tanong ni Sharon nang silipin ang lalaki sa opisina nito. Halos hindi sila makapag-usap dahil parehong busy. Siya sa pag-organize ng party sa susunod na dalawang buwan at si Craig na busy sa mga transactions at kabi-kabilaang meetings. "Yeah, I'm almost done. You go ahead..." sabi nito. Ni hindi siya magawang sulyapan man lamang."Kay, umuwi ka agad. Sabi mo i-remind kita dahil nangako ka kay Max na uuwi agad..."Pagkabanggit niya sa pangalan ni Max ay mabilis itong napalingon sa kanya. Ngumisi siya."Nakalimutan mo, noh?" tukso niya rito."No..."aniya. "I have it on my alarm," sabi ni Craig. Minsan, kapag kasi nakatutok na siya sa trabaho ay nakakalimutan na niya ang ibang mga bagay. So he had to use his alarm. "Thanks anyway.""Kumuha ka na kasi ng secretary mo, Craig. Magiging busy na ako at mahihirapan kayo ni Max kapag nagkataon..."Alam iyon ni Craig. Kaya nga kahit hindi na dumaan sa mabusising pagsusuri ay kukuhanin niya. Okay na rin kung mga person
Isinugod agad sa hospital si Maxine. Nilukuban naman nang matinding takot si Sharon nang tawagan niya si Craig. Hindi niya ito nakikita pero ramdam niya ang matinding galit nito nang sabihin niya ang nangyari kay Maxine.Pero iwinaglit ni Sharon ang takot para kay Craig. Mas lubos siyang nag-alala kay Maxine lalo na noong mamilipit ito sa sakit at mawalan ng malay. Buti na lang talaga at may tumulong sa kanila para agad itong madala sa hospital.Pumikit siya at piping nagdasal na sana ay okay si Maxine lalo na ang baby nito."What really happened!" Nagulat siya sa pumaimbabaw na boses ni Craig. Nagkukumahog itong lumapit sa kanya. Halata sa mukha ang sobrang pag-aalala. Nanginginig ang mga labi nitong nakapinid. Ramdam na ramdam ni Sharon ang emosyon ng pinsan. Galit na galit na may pag-aalala. Ngayon niya lamang ito nakita ng ganoon. "I told you to go home right away! Paanong nangyari iyon?" Hindi maiwasang bulyaw nito. Nasabi na niya dito ang dahilan at kung nasaan sila noong nan
Dahil hindi natuloy ang pagpunta nila sa designer ng damit noong nakaraan ay ngayon sila may panahon mapuntahan iyon. Kasama ni Maxine si Sharon dahil biglang may mahalagang meeting si Craig. 'I'm sorry, Max, promise, I'll be there later. Hahabol ako sa inyo' Bago siya umalis ay sabi ni Craig. Halatang gusto siya nitong samahan pero siyempre, mahalaga pa rin ang role nito sa kompanya.Pagkatapos nitong sabihin ang tungkol sa pagligtas ng ina niya sa lalaki ay matagal bago niya iyon naproseso sa kanyang isip. Pero mas naging proud siya sa kanyang ina. Dahil nagawa nitong iligtas ang lalaking minahal niya. Hanggang doon lamang ang sinabi ni Craig. Hindi pa siya handang aminin sa babae na ang dahilan kung bakit namatay ito ay dahil rin sa kanya. Natatakot siya sa magiging reaksyon ni Maxine. Ngayon pa lamang, nahirapan na siya dito. Sa mas malalim pa kayang katotohanan? Natatakot siyang kasuklaman siya ng babae. Kahit sabihin na hindi naman niya ginusto ang mga nangyari at nadamay lam
Isang buwan pa ang nakalipas. Medyo may umbok na sa tiyan ni Maxine pero hindi pa naman gaanong kahalata. She's living the life she always wanted. Unti-unting nababago ni Craig ang pananaw niya dito. Pinapatunayan nito ang sarili sa kanya.Walang paltos si Craig sa pag-aalaga sa kanya. Maging sa mga check ups niya ay naroon ito. Sa paningin na nga niya ay nagiging husband material na ito. Pero siyempre, ayaw niyang pakasiguro. Ayaw niyang bigyan ang sarili ng isang daang porsyentong pag-asa. Ayaw niya pa rin masaktan.Waking up beside him was everything. Nagigising siya sa umagang laging nakayakap ito sa kanya. Maging ang amoy nito ay kabisado na niya. Kaya kahit nakatalikod siya at paparating ito ay alam na alam niya. Wala ng mahihiling pa si Maxine. Parang nananaginip pa rin siya dahil pangarap lamang niya noon si Craig. Lihim na minamahal. Pero heto ngayon. Kasama niya. It all started with a contract being his bed warmer. Ngayon, aabot nga kaya sila sa isa na namang kontrata? K
Madilim pa rin ang mukha ni Craig nang pumasok siya sa coffee shop kung saan niya nakita sila Maxine at ang Dela Paz na iyon.Hindi nawala sa isip niya ang nasaksihan kanina, kung paano ngumiti ang Dela Paz na iyon dahil sa presensiya ni Maxine. Maging ang nahihiyang itsura ng babae habang inabot nito ang isang kahon.Napasulyap siya sa kahon na nasa mesa. Mukhang iniwanan iyon ng Dela Paz na iyon. "Craig...magpapaliwanag ako..." Saad ni Maxine sabay kuha sa kahon na iyon. Tumayo si Maxine mula sa kinauupuan. Marahan naman niyang inabot ang kamay nito at hinila. Hindi pa rin siya nagsasalita. Kinokontrol niya ang sariling emosyon dahil baka sumabog siya. Ayaw niyang mangyari iyon dahil nasa matao silang lugar. 'Patience Craig. Patience!' Paalala niya iyon sa sarili. Iyon ang gusto niyang gawin kahit na halos bulkan ng gustong pumutok ang galit niya.Hinila niya si Maxine papunta sa kanyang sasakyan. Pilit niyang ikinubli ang damaged ng sasakyan sa mga mata ni Maxine. Buti na lamang
"Hindi pa ba dumadating si Craig, Max?" Dumungaw si Sharon sa kanyang opisina. Kanina pa nito tinatanong kung susunduin ba siya ni Craig. Ngumiti siya. "Sabi niya ay hintayin ko siya, Sharon. Kung may pupuntahan ka, go na. Baka mainip ang date mo," sabi niyang nagbibiro lang naman. Pero nang makitang namula ang kaibigan ay napatunayan niyang meron nga itong mahalagang pupuntahan kaya tanong nang tanong. Lumapit ito sa kanyang mesa. "Nag-aalala ako, baka hindi siya makabalik agad. Okay ka lang bang maghintay dito?"Tinaasan niya ito ng kilay. "Sha, buntis lang ako. Hindi may sakit. Huwag kang mag-alala sa akin. May ginagawa pa ako kaya hihintayin ko na si Craig."Napalabi ito. "Sure ka ha? Basta kapag hindi siya dumating tawagan mo ako. Lilipad ako para mapuntahan ka..."Mas lumawak ang pagkakangiti ni Maxine. Magagawa niya bang sirain ang date ng kaibigan? Pero siyempre kunwaring napatango na lamang siya para hindi ito ma-guilty na iwanan siya. Simula noong mabuntis siya at napagta
"Max, do you want Japanese food?" tanong ni Craig kay Max. Galing ito sa sariling opisina. Magtatanghali na kaya gusto niyang tanungin ito kung anong kine-crave na pagkain ng babae. "Kahit ano, Craig," sagot ng babae. Tumaas ang kilay niya dito. Ang 'kahit ano' nito ay whether she likes it or not. Pero usually, ayaw nito kaya tinatanong niya ito ng maigi.Lumapit siya dito. Hindi man lamang kasi siya nagawang tingnan nito. Masyadong abala ito sa ginagawa. Kaharap nito ngayon ang computer at ngayon nga ay nakatutok ang mga mata roon. Ni hindi nga siya napansin na nakalapit na.Pumuwesto siya sa gilid nito at dumungaw sa ginagawa. She's busy with the project with the Dela Paz."Still not finalized?" Napapansin niyang lagi nitong nire-revised ang ilan sa mga detalye. Ayaw na sana niya itong magtrabaho pero mapilit ito. Sabagay, meron namang go signal ang doctor na puwede itong magtrabaho. On moderation nga lamang. Walang stress dapat."I'll meet with Sergio the next day. This will be th