"Oh my gosh, Sha. Paano mong naisip ang bagay na iyon? Pinagsasabong mo ba talahmga ang dalawa?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Maxine nang nasa kuwarto na sila. Hindi pa man nase-settle ang lahat ay hinila na siya ni Sharon doon. Tumatawa naman itong humarap sa kanya. "Nakita mo itsura kanina ni Craig? Wala siyang magagawa. Kuwarto niya lang ang available. Isa pa perehas naman silang boss ng mga kompanyang magsasanib puwersa para sa isang proyekto. Makakabuti iyon para makapag-usap sila. Settle their differences!"Napailing siya na lang si Maxine. Para sa kanya, imposibleng mangyari iyon. Ewan ba niya bakit ganoon na lang ang inuugali ni Craig pagdating kay Sergio."Bakit nga ba parang galit na galit si Craig kay Sergio?" Biglang napatanong si Sharon. "Hindi ko din alam," sagot ni Max. "Kilala mo naman ang pinsan mo hindi ba? Lumaki siyang hindi gaanong nakikisalamuha sa iba. Defense mechanism niya siguro iyon...""Kaya nga better din ang naging suggestion ko no. Sana ma-set
"Max, sasama ka ba sa mountain hiking?" tanong ni Sharon kay Max habang nagpe-prepare sila sa umagang iyon. Pangatlong araw na nila doon at masasabi niyang worth ang pagsama niya. "No. Sa isang activity ako ngayon, Sha. At ang grupo ko ang nakatoka ngayon sa pagluluto," sagot niya. So far, masasabi niyang wala siyang naging problema sa mga kasama. Mas nakilala siya ng kapwa empleyado nila. Mas naging open ang mga ito sa kanya at mas naging malapit. Lalo na at hindi a siya nakikita ng mga ito na laging nakabuntot kay Craig. They even apologize dahil sa panghuhusga sa kanya noon."Sige. Excited akong mag-hiking. Hindi ko alam sinong kasama ko pero sana huwag sina Sofia at Hannah dahil ihuhulog ko talaga sila mula sa itaas ng bundok!" Natatawang napailing na lamang si Maxine sa turan ng kaibigan. Medyo nanahimik naman ang dalawa sa nakaraang mga araw. Hindi gumawa ang mga ito ng gulo na labis niyang ipinagpasalamat. Nang makababa sila ay naroon na ang ilang mga grupo. Nagtagpo ang
"Craig...""Max, are you alright?" tanong ni Sergio pero parang hindi siya narinig ni Maxine. "Max..."Bigla na lang itong umalis. Lakad -takbong sinalubong nito si Sharon. Sinundan niya agad ang babae."Sha, si Craig?" Nagtaka si Sergio bakit tinatanong ni Maxine ang lalaki. Si Sharon naman ay biglang napahagulhol. Muntikan mapasalampak, buti na lang at agad na nasalo ito ni Maxine. May hawak-hawak din itong jacket. Jacket na agad na nakikilala ni Maxine. Paborito iyong ginagamit ni Craig kahit saan ito magpunta. May sentimental value ito sa lalake. Kaya alam niya, may nangyaring masama. "Max...na...nawawala si Craig," ika nitong sinabayan ng mas malakas na iyak. Mababakas ang gulantang sa mukha ni Maxine. Agad siyang nag-panic. "Anong nawawala? Sha, hindi magandang biro ito. Huwag kang mang-prank..."Marahas na umiling si Sharon. Doon na labis na dinagundong ng malakas na kaba at nilukuban ng matinding takot ang sistema ni Maxine. Hindi pa naman steady ang kalagayan ni Craig. "
"Let's head back. Padilim na ang paligid. Let the rescue team take care of it. Where are they anyway?" tanong ni Sergio. Sinipat niya ang sapatos. There's no sign of blood or anything kaya magandang senyales iyon. "Parating na Boss," sumagot si Eleoreph na siyang kasama ng nakakita sa sapatos. Halos nagkumpulan sila roon nang malaman na may nahanap. "Are we all here? If so, let's go. Max..."Lumingon si Sergio sa kanyang likuran. Gumuhit ang gitla sa kanyang noo nang hindi makita ang babae roon. Iginala niya ang kanyang tingin. Panic consumes him as he searches for her. Hindi niya ito makita!"Where's Max?" tanong niya sa mga naroon. Maging ang mga ito ay parang nalitong napatingin-tingin. "She's here a while ago," aniya. Nakuyom ang mga kamao dahil sa biglang takbo ng isip niya. Umalis ba ito para hanapin mag-isa si Craig? Hindi nito sinunod ang utos niyang huwag lumayo.Napatakbo siya para hanapin ito sa paligid."Max!" sigaw niya sa pangalan nito. Umalingawngaw iyon sa buong pali
"Max..." anas ni Craig. Tumigil naman ito sa sapat na distansiya mula sa kinaroroonan niya. Nagpahid ito ng mga luha. "Okay ka lang ba?" Nanginginig ang boses nitong tanong. Muling humakbang palapit sa kanya habang pinapanood lamang niya ito. Hindi niya maipaliwanag pero parang napawi ang sakit ng kanyang ulo. Biglang na-relax ang pakiramdam niya knowing that Maxine is there. "Ang bobò mo talaga Mr. Samaniego! Ang laki mo na para hayaan ang sarili mo na mawala o mahulog sa bangin," sabi nito kapagdaka.Tumaas ang kilay niya. Is she for real? Concern ba talaga ito sa kanya? Bakit parang ginagalit siya nito ngayon. Bòbo? Kanina lang ay tinawag din siyang tanga. Hindi niya alam kung matatawa ba siya o hindi dahil sa lumabas sa bibig nito."Tinatanong kita Mr. Samaniego. Okay ka lang ba?" tanong nitong bumaba para sipatin siya.Bobò. Tangá. It's okay. Tawagin siya nito ng ganoon hanggang magsawa ito. He's happy because she was there for him. Hindi niya mapigilan ang biglang pagha
Doon pa lang ay binigyan na sila ng mga paunang lunas sa kani-kanilang mga sugat. Pasimpleng sumusulyap si Craig kay Maxine habang ginagamot ito ng isa pang paremedic. Sa tabi nito ay si Sergio na labis ang pag-aasikaso. "Craig...I was really afraid when we lost you..."Narinig naman niya si Sofia pero na kay Maxine pa rin ang buong atensiyon niya. He looked at how she was hurting when they were cleaning her wounds. "Okay na Mr. Samaniego," sabi naman ng paramedic na nakatoka sa kanya. Nalagyan na nito ng splint ang paa niya. "We will carry you to the bottom. Hindi mo na puwedeng ilakad ang paa mo dahil labis na ang pamamaga nito. We need to take you back and send you to the hospital for a series if test," dagdag nito. Nagsalita pa ang gumagamot sa kanya pero muli siyang napasulyap kay Maxine. Tsaka lamang siya napaiwas nang napalingon din si Max sa gawi niya. Saglit din naman na nagkatinginan sila bago talagang umiwas siya. "How about her?" tanong niya sa gumagamot sa kanya. Muk
"Don't look at me like that, Max. Wala akong ibig sabihin sa tanong ko," nakangiting saad ng doktora. "I'm just stating what I see..."Tumayo ito habang hindi naman mapakali si Maxine dahil sa sinabi ng doktora."Tapos na tayo," aniya nito. Inayos na ang gamit. Napatingin si Maxine sa kanyang kamay. She bandages it really like a pro. Marami kasi siyang gasgas dahil sa mga talahib at mga puno nang sinuong niya ang masukal na daan nang marinig ang sigaw ni Craig. Sa pagkukumahog niya ay hindi na niya inalintana masugat man siya."By the way. Do you want to have a drink with me when we get back?""Huh?" Tanging naging reaction ni Maxine. Paano ay alam naman nitong allergy siya sa alak kaya bakit siya inaaya nito. Nakalimutan ba nito iyon?Natawa naman ito nang ma-realize iyon. "Ay oo nga pala. May allergy ka sa alcohol. Pero kahit na hindi ka uminom. Kahit juice lang. Gusto ko lang may makasama talaga at makausap. It's been a while na rin since I go out with a friend."Ngumiti siya. Mu
"This what you are looking right?"Nanlaki ang mga mata ni Yvonne nang makita ang nakalahad sa kamay ni Maxine. Pinamulahan siya ng mukha at biglang nakaramdam ng hiya nang ilagay nito iyon sa kanyang kamay. Lalo na noong tumalikod na muli ito sa kama at inalis ang bed sheet na tumatabing doon."Wala ka bang dala?" tanong nito.Gusto niyang matawa nang bumaba ang tingin niya sa sanitary napkin na hawak."Sorry about that. Hindi ko sinasadya," sabi niya nang humarap na itong muli sa kanya.Nakangiti rin si Maxine habang hawak na ang bedsheet na may kaunting bahid ng dugo. "I'll tell the staff na palitan ang bedsheet ng bago. Use my bed. Magtabi na lang kami ni Sharon sa isang kama.""Thank you," nasabi na lamang ni Yvonne. Nahihiya dahil sa pagkakatagos sa bedsheet. Pero lihim din naman siyang nagpasalamat dahil nailigtas pa siya dahil doon."Alis na ako," paalam na muli ni Max sa kanya. Pero bago tuluyang umalis ay muli siyang binalingan nito. "Yvonne, I am trusting you. Tinuturing
Inalalayan siya ni Craig papunta sa loob ng jewelry shop. Agad silang sinalubong ng isa sa mga sales person na babae. Mukhang inaasahan na sila dahil agad silang iginiya sa isang mesa kung saan ay may nakahanda ng mga alahas. Kahon-kahon ang nga iyon at nagkikinangan.Ipinaghila siya ni Craig ng mauupuan bago ito maupo sa kanyang tabi. Ang kaninang galak na naramdaman ay unti-unting napawi. Kay gaganda at kay kikinang at mukhang mamahalin ang mga alahas na nasa mesa, pero wala doon ang kaisa-isang hinahanap niya. Singsing. "Mrs. Samaniego...""Miss Salvador, Miss," pagko-correct niya agad sa tawag ng sales lady sa kanya. "Oh...sorry Miss...Salvador," aniya ng sales lady na napabaling pa kay Craig. Nahihiya. "Ahmmm, ipinahanda pala ni Mr. Samaniego ang mga alahas na ito para sa inyo...""I don't need any of those," tanggi niya agad. She pushes away those in front of her. Tuluyan siyang nawalan ng mood. Kahit gaano pa kaganda ang mga iyon. Hindi niya nakikita ang worth niya sa mga iy
"Ay ang ganda," saad ng baklang tumulong kay Maxine i-fit ang gown na gagamitin niya sa party. Alam niyang maaga pa iyon pero pinatawag siya dahil may binago sa napili niyang design. Napatingin siya sa body mirror. Oo nga, naitago pa ng gown na iyon ang maliit na umbok niya sa tiyan. Lalaki pa ang tiyan niya kaya okay na okay ang paglalagay ng mga ito ng ribbon para maitago ang umbok niya. Though hindi naman na kailangan dapat itago iyon dahil balak nga ng matandang Samaniego na sa party siya ipakikilala.'Bilang ano?' Piping tanong niya sa sarili."Ready to show, Mr. Handsome?"tanong ng baklang nag-assist sa kanya. Dahilan upang magising siya sa malalim na pag-iisip. Sa tuwina kasi, nahuhulog na lamang siya sa kawalan. She really needs assurance from Craig. Pero paano? Paano niya tatanungin iyo kung mahal na ba siya nito ngayon?"Let's go Mrs. Samaniego..." nakangising untag nito sa kanya. Tipid na lamang na napangiti siya.Muli niyang sinipat ang kanyang sarili. Satisfied naman s
"Craig, are you good now?" tanong ni Sharon nang silipin ang lalaki sa opisina nito. Halos hindi sila makapag-usap dahil parehong busy. Siya sa pag-organize ng party sa susunod na dalawang buwan at si Craig na busy sa mga transactions at kabi-kabilaang meetings. "Yeah, I'm almost done. You go ahead..." sabi nito. Ni hindi siya magawang sulyapan man lamang."Kay, umuwi ka agad. Sabi mo i-remind kita dahil nangako ka kay Max na uuwi agad..."Pagkabanggit niya sa pangalan ni Max ay mabilis itong napalingon sa kanya. Ngumisi siya."Nakalimutan mo, noh?" tukso niya rito."No..."aniya. "I have it on my alarm," sabi ni Craig. Minsan, kapag kasi nakatutok na siya sa trabaho ay nakakalimutan na niya ang ibang mga bagay. So he had to use his alarm. "Thanks anyway.""Kumuha ka na kasi ng secretary mo, Craig. Magiging busy na ako at mahihirapan kayo ni Max kapag nagkataon..."Alam iyon ni Craig. Kaya nga kahit hindi na dumaan sa mabusising pagsusuri ay kukuhanin niya. Okay na rin kung mga person
Isinugod agad sa hospital si Maxine. Nilukuban naman nang matinding takot si Sharon nang tawagan niya si Craig. Hindi niya ito nakikita pero ramdam niya ang matinding galit nito nang sabihin niya ang nangyari kay Maxine.Pero iwinaglit ni Sharon ang takot para kay Craig. Mas lubos siyang nag-alala kay Maxine lalo na noong mamilipit ito sa sakit at mawalan ng malay. Buti na lang talaga at may tumulong sa kanila para agad itong madala sa hospital.Pumikit siya at piping nagdasal na sana ay okay si Maxine lalo na ang baby nito."What really happened!" Nagulat siya sa pumaimbabaw na boses ni Craig. Nagkukumahog itong lumapit sa kanya. Halata sa mukha ang sobrang pag-aalala. Nanginginig ang mga labi nitong nakapinid. Ramdam na ramdam ni Sharon ang emosyon ng pinsan. Galit na galit na may pag-aalala. Ngayon niya lamang ito nakita ng ganoon. "I told you to go home right away! Paanong nangyari iyon?" Hindi maiwasang bulyaw nito. Nasabi na niya dito ang dahilan at kung nasaan sila noong nan
Dahil hindi natuloy ang pagpunta nila sa designer ng damit noong nakaraan ay ngayon sila may panahon mapuntahan iyon. Kasama ni Maxine si Sharon dahil biglang may mahalagang meeting si Craig. 'I'm sorry, Max, promise, I'll be there later. Hahabol ako sa inyo' Bago siya umalis ay sabi ni Craig. Halatang gusto siya nitong samahan pero siyempre, mahalaga pa rin ang role nito sa kompanya.Pagkatapos nitong sabihin ang tungkol sa pagligtas ng ina niya sa lalaki ay matagal bago niya iyon naproseso sa kanyang isip. Pero mas naging proud siya sa kanyang ina. Dahil nagawa nitong iligtas ang lalaking minahal niya. Hanggang doon lamang ang sinabi ni Craig. Hindi pa siya handang aminin sa babae na ang dahilan kung bakit namatay ito ay dahil rin sa kanya. Natatakot siya sa magiging reaksyon ni Maxine. Ngayon pa lamang, nahirapan na siya dito. Sa mas malalim pa kayang katotohanan? Natatakot siyang kasuklaman siya ng babae. Kahit sabihin na hindi naman niya ginusto ang mga nangyari at nadamay lam
Isang buwan pa ang nakalipas. Medyo may umbok na sa tiyan ni Maxine pero hindi pa naman gaanong kahalata. She's living the life she always wanted. Unti-unting nababago ni Craig ang pananaw niya dito. Pinapatunayan nito ang sarili sa kanya.Walang paltos si Craig sa pag-aalaga sa kanya. Maging sa mga check ups niya ay naroon ito. Sa paningin na nga niya ay nagiging husband material na ito. Pero siyempre, ayaw niyang pakasiguro. Ayaw niyang bigyan ang sarili ng isang daang porsyentong pag-asa. Ayaw niya pa rin masaktan.Waking up beside him was everything. Nagigising siya sa umagang laging nakayakap ito sa kanya. Maging ang amoy nito ay kabisado na niya. Kaya kahit nakatalikod siya at paparating ito ay alam na alam niya. Wala ng mahihiling pa si Maxine. Parang nananaginip pa rin siya dahil pangarap lamang niya noon si Craig. Lihim na minamahal. Pero heto ngayon. Kasama niya. It all started with a contract being his bed warmer. Ngayon, aabot nga kaya sila sa isa na namang kontrata? K
Madilim pa rin ang mukha ni Craig nang pumasok siya sa coffee shop kung saan niya nakita sila Maxine at ang Dela Paz na iyon.Hindi nawala sa isip niya ang nasaksihan kanina, kung paano ngumiti ang Dela Paz na iyon dahil sa presensiya ni Maxine. Maging ang nahihiyang itsura ng babae habang inabot nito ang isang kahon.Napasulyap siya sa kahon na nasa mesa. Mukhang iniwanan iyon ng Dela Paz na iyon. "Craig...magpapaliwanag ako..." Saad ni Maxine sabay kuha sa kahon na iyon. Tumayo si Maxine mula sa kinauupuan. Marahan naman niyang inabot ang kamay nito at hinila. Hindi pa rin siya nagsasalita. Kinokontrol niya ang sariling emosyon dahil baka sumabog siya. Ayaw niyang mangyari iyon dahil nasa matao silang lugar. 'Patience Craig. Patience!' Paalala niya iyon sa sarili. Iyon ang gusto niyang gawin kahit na halos bulkan ng gustong pumutok ang galit niya.Hinila niya si Maxine papunta sa kanyang sasakyan. Pilit niyang ikinubli ang damaged ng sasakyan sa mga mata ni Maxine. Buti na lamang
"Hindi pa ba dumadating si Craig, Max?" Dumungaw si Sharon sa kanyang opisina. Kanina pa nito tinatanong kung susunduin ba siya ni Craig. Ngumiti siya. "Sabi niya ay hintayin ko siya, Sharon. Kung may pupuntahan ka, go na. Baka mainip ang date mo," sabi niyang nagbibiro lang naman. Pero nang makitang namula ang kaibigan ay napatunayan niyang meron nga itong mahalagang pupuntahan kaya tanong nang tanong. Lumapit ito sa kanyang mesa. "Nag-aalala ako, baka hindi siya makabalik agad. Okay ka lang bang maghintay dito?"Tinaasan niya ito ng kilay. "Sha, buntis lang ako. Hindi may sakit. Huwag kang mag-alala sa akin. May ginagawa pa ako kaya hihintayin ko na si Craig."Napalabi ito. "Sure ka ha? Basta kapag hindi siya dumating tawagan mo ako. Lilipad ako para mapuntahan ka..."Mas lumawak ang pagkakangiti ni Maxine. Magagawa niya bang sirain ang date ng kaibigan? Pero siyempre kunwaring napatango na lamang siya para hindi ito ma-guilty na iwanan siya. Simula noong mabuntis siya at napagta
"Max, do you want Japanese food?" tanong ni Craig kay Max. Galing ito sa sariling opisina. Magtatanghali na kaya gusto niyang tanungin ito kung anong kine-crave na pagkain ng babae. "Kahit ano, Craig," sagot ng babae. Tumaas ang kilay niya dito. Ang 'kahit ano' nito ay whether she likes it or not. Pero usually, ayaw nito kaya tinatanong niya ito ng maigi.Lumapit siya dito. Hindi man lamang kasi siya nagawang tingnan nito. Masyadong abala ito sa ginagawa. Kaharap nito ngayon ang computer at ngayon nga ay nakatutok ang mga mata roon. Ni hindi nga siya napansin na nakalapit na.Pumuwesto siya sa gilid nito at dumungaw sa ginagawa. She's busy with the project with the Dela Paz."Still not finalized?" Napapansin niyang lagi nitong nire-revised ang ilan sa mga detalye. Ayaw na sana niya itong magtrabaho pero mapilit ito. Sabagay, meron namang go signal ang doctor na puwede itong magtrabaho. On moderation nga lamang. Walang stress dapat."I'll meet with Sergio the next day. This will be th