Agad na nakarating si Zach sa mansion, ang kanina pang kinikimkim na galit ay ramdam sa bawat madiing hakbang niya papasok ng bahay. Hindi siya mapakali, lalo na't hindi niya alam kung anong nangyari kay Jhaira. Kung anuman ang dahilan kung bakit bigla itong umalis sa photoshoot, siguradong may nangyaring hindi maganda.Napabuntong-hininga siya, pilit pinipigil ang bugso ng emosyon sa dibdib niya. Hindi siya basta-basta nagagalit, pero kapag si Jhaira ang nasasaktan, hindi niya kayang palampasin iyon.Pagkapasok niya sa bahay, sinalubong siya ng butler, halatang nag-aalangan sa ekspresyon niyang seryoso at malamig. "Sir Zach, good evening po."Hindi na siya nag-aksaya ng oras. "Nasaan si Jhaira?" diretsong tanong niya, hindi na nag-abala pang alisin ang suot niyang coat."Nasa kwarto niya po, Sir. Kanina pa po siyang nakauwi."Mabilis siyang tumango at agad na tinungo ang kwarto nito. Nadaanan niya pa si Uno sa may sala, mukhang may kaaway ito "What? That's not my woman for fvcks sake
Tahimik lang si Uno habang nagda-drive, pero ramdam ni Jhaira ang matalim nitong tingin sa kanya. Hindi ito ‘yong usual na cold at supladong Uno na sanay siyang nakakasama. May kung anong bumabagabag dito at halatang kanina pa ito gustong magtanong pero pinipigilan lang. Papunta sila ngayon sa photoshoot niya Napabuntong-hininga siya at napailing nang hindi na nakatiis. "Itanong mo na kung anong gusto mong itanong, Uno," malumanay pero may halong inip niyang sabi habang nakatingin sa daan. Napalingon si Uno saglit sa kanya, saka bumalik ang tingin sa kalsada. "I don’t understand women," bigla nitong sabi, tila ba frustrated. "Pabago-bago ang emosyon ninyo. Minsan masaya, tapos biglang malungkot. Minsan naman galit pero maya-maya lang okay na? Ang labo n'yo!" Hindi napigilan ni Jhaira ang mapangiti nang bahagya bago tumawa nang mahina. "Buti naman at alam mo." Agad itong napatingin sa kanya, parang hindi makapaniwala sa sagot niya. "See? Look at that attitude! I don't even see any
Pagdating ni Jhaira sa venue ng photoshoot, agad siyang naglakad papasok dala ang matamis na ngiti sa labi. "Good morning po," bati niya sa lahat habang diretsong naglakad papunta sa dressing area. Pero sa halip na matuwa o bumati pabalik, isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong studio. Lahat ng staff, mula sa photographer hanggang sa makeup artists, ay tila napatigil sa ginagawa at nakatingin sa kanya. Napakunot ang noo niya. "Anong nangyayari?" mahinahon niyang tanong, pero dama niya ang bigat ng tingin ng mga tao sa paligid. Mula sa gilid, isang pamilyar na boses ang narinig niya. "Oh? Jhaira, anong ginagawa mo rito?" Lumingon siya at nakita si Diane, nakangising nakahalukipkip habang suot ang eleganteng gown na dapat sana'y siya ang magsusuot. Pinagmasdan niya itong mabuti—mukha itong kampante, tila may hawak na alas. "Ako dapat ang magtanong niyan sa'yo," diretsong sagot ni Jhaira. "Hindi ko alam na may proxy pala akong hindi ko naman pinayagan." "Oh, d
Maagang bumangon si Jhaira, bumaba siya sa kusina habang nakasuot ng maluwag na sweater at puting cotton shorts. Hinawi niya ang mahaba niyang buhok at kinuyom ang bibig upang pigilan ang paghikab. Malamig ang tiles sa ilalim ng kanyang talampakan, pero hindi niya ito alintana. May kailangan siyang gawin.Tahimik siyang naglakad papunta sa counter, kinuha ang apron, at sinimulang ayusin ang mga sangkap na gagamitin niya sa pagluluto. Kahit hindi naman siya sanay magluto para sa iba, hindi niya maiwasang gustuhin iyon—para kay Zach.Sa kalagitnaan ng kanyang paghihiwa ng bawang at sibuyas, biglang dumagsa ang ilang kasambahay sa kusina. Nagsimula ang magaan at masayang usapan habang abala rin sila sa kani-kanilang gawain."Sana ganyan din ako kaganda magluto kapag umaga katulad ni ma'am jhaira, baka sakaling ma inlove din saakin si sir Zachary" pabirong sigaw ni Rina habang pinupunasan ang basa niyang kamay sa kanyang apron.Napailing naman si Manang Linda habang nakapamaywang. "Kung hi
Jhaira Nanlalamig ang mga daliri ko habang mahigpit na nakakapit sa lunchbox na hawak ko. Pakiramdam ko, kahit ang hangin sa paligid ay bumibigat—parang unti-unting sumisikip ang mundo ko habang nakatitig ako sa bahagyang nakaawang na pinto.May malakas na tunog ulit mula sa loob. Para bang may nabagsak—o may sinadyang ihulog.Halos pigilan ko ang paghinga ko. Dahan-dahan akong yumuko, pilit na inaaninag ang loob ng opisina ni Zach mula sa maliit na siwang. Hindi ko alam kung anong inaasahan kong makita, pero hindi ito—hindi ito ang gusto kong makita.Si Risa.Si Risa, kasama ang lola ni Zach.Nakapusod ang buhok ni Risa, at kahit nakatalikod siya, halata ang tensyon sa paraan ng paggalaw niya. Halos nanginginig ang balikat niya habang nakatayo sa harapan ni Lola—pero hindi iyon dahil sa takot. Hindi iyon dahil sa kaba.Galit siya.Maging si Lola, bakas sa mukha ang hindi matitinag na ekspresyon. She looked firm, cold, as if she wasn’t intimidated by Risa’s presence at all. Nakatayo
Ramdam ko pa ang pangangatog ng mga kamay ko habang nakatitig kay Tita Emily, ngunit ang mas matindi ay ang ginaw sa dibdib ko. Para akong natuyuan ng dugo habang nakikita ko siyang sumisigaw, nagngangalit, at puno ng galit na nakatutok sa akin."She's inside because of you! Because of you, my mother is dying!"Napakurap ako, parang hindi makapaniwala sa narinig ko. Nananatiling nanunuyo ang lalamunan ko habang nakikita ko ang mukha niyang halos hindi na niya makontrol sa matinding emosyon."T-Tita, hindi ako—"Pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko, isang malakas na tulak ang nagpabagsak sa akin sa malamig na sahig ng ospital.Napangiwi ako nang maramdaman ang matinding hapdi sa siko ko matapos itong tumama sa tiles. Ang palad ko'y nanginginig habang pilit kong itinukod iyon sa sahig para bumangon, ngunit bago ko pa magawa, narinig ko ulit ang boses niyang bumaon sa dibdib ko."You're not supposed to be here!"Halos napapikit ako sa tindi ng sigaw niya, at bago ko pa mahabol ang sa
Nagmamadali akong pumasok sa mansyon, hindi alintana kung may makakita sa akin. Ramdam ko pa ang matinding panginginig ng katawan ko, ang bigat sa dibdib na parang sasabog anumang oras. Hindi ko na rin napigilan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.Pagpasok ko, ang tahimik ng buong bahay, pero hindi ko iyon naramdaman. Ang buong paligid ko'y parang umiikot, ang dibdib ko'y nagkakandahabol ng hininga.At sa di kalayuan, narinig ko ang isang tinig na nagpahinto sa akin."Jhaira?"Mabilis akong napalingon.Si Uno.Nakatayo siya sa may hagdanan, ang mga braso'y nakatukod sa railings habang nakatitig sa akin nang may kunot-noong pag-aalala. Kitang-kita sa mukha niya ang pagtataka nang makita niya akong basang-basa ng luha, namumula ang ilong, at nangangatog sa harap niya.Mabilis niyang tinakbo ang distansya namin at hinawakan ako sa balikat."What happened?" seryoso niyang tanong, ang titig niya'y matalim at puno ng concern.Hindi ko na napigilan.Gumuho ang lahat ng pinipilit kong ita
Tahimik na nakaupo si Jhaira sa loob ng malamig na opisina ng kulungan, nakayuko at nakapikit, pilit nilalabanan ang bigat sa dibdib na parang hindi siya makahinga.Sa labas, maririnig niya ang mahihinang usapan nina Zach, Uno, at ng mga pulis. Ngunit kahit malinaw ang tunog, parang dumadaan lang iyon sa kanya. Hindi niya maintindihan. Hindi niya marinig. O baka ayaw niya lang marinig.Kasi ang totoo, wala naman siyang gustong marinig.Dahil kahit isang beses—Hindi siya nilapitan ni Zach.Ni isang sulyap, wala.Ni isang salita, wala.Mas pinili nitong makipag-usap sa iba, habang siya? Naiwan sa isang tabi, tila hindi na mahalaga. Tila hindi siya ang babaeng minsan nitong ipinangakong hindi iiwan.Dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin sa kanyang mga kamay, sa pulang marka ng posas na pilit niyang nilalabanan ang hapdi. Pilit niyang inuunawa kung paano siya nauwi sa ganitong sitwasyon.At bago pa niya napigilan, pumatak ang luha niya.Muling bumalik sa isip niya kung paano siya nilayua

Pagkarinig ni Jhaira sa usapan ng photographer at ng assistant nito, agad siyang umatras, pinipigilan ang sariling huminga nang malakas. Ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya sa kaba at galit. Paano nalaman ng photographer na allergic siya sa honey? At bakit siya nito gustong saktan? Halatang may nag-utos dito.Nanginginig ang kamay niya habang marahang umatras palayo sa pintuan. Ayaw niyang mahalata siyang nakikinig, kaya dahan-dahan siyang naglakad paalis ng makeup room. Wala siyang balak manatili roon. Kailangan niyang umalis bago pa siya tuluyang mapahamak.Sa pagmamadali, hindi niya napansin na medyo mabilis ang lakad niya. May ilang staff na napatingin sa kaniya, pero hindi na niya iyon pinansin. Ang gusto niya lang ay makalayo. Pakiramdam niya ay parang may nakasunod sa kaniya, kaya lalo niyang binilisan ang hakbang. Pagkarating niya sa labas ng venue, agad siyang sumakay sa sasakyang naghihintay sa kaniya."Sa bahay po, kuya," mahinahon niyang sabi sa driver, pilit