Nagmamadali akong pumasok sa mansyon, hindi alintana kung may makakita sa akin. Ramdam ko pa ang matinding panginginig ng katawan ko, ang bigat sa dibdib na parang sasabog anumang oras. Hindi ko na rin napigilan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.Pagpasok ko, ang tahimik ng buong bahay, pero hindi ko iyon naramdaman. Ang buong paligid ko'y parang umiikot, ang dibdib ko'y nagkakandahabol ng hininga.At sa di kalayuan, narinig ko ang isang tinig na nagpahinto sa akin."Jhaira?"Mabilis akong napalingon.Si Uno.Nakatayo siya sa may hagdanan, ang mga braso'y nakatukod sa railings habang nakatitig sa akin nang may kunot-noong pag-aalala. Kitang-kita sa mukha niya ang pagtataka nang makita niya akong basang-basa ng luha, namumula ang ilong, at nangangatog sa harap niya.Mabilis niyang tinakbo ang distansya namin at hinawakan ako sa balikat."What happened?" seryoso niyang tanong, ang titig niya'y matalim at puno ng concern.Hindi ko na napigilan.Gumuho ang lahat ng pinipilit kong ita
Tahimik na nakaupo si Jhaira sa loob ng malamig na opisina ng kulungan, nakayuko at nakapikit, pilit nilalabanan ang bigat sa dibdib na parang hindi siya makahinga.Sa labas, maririnig niya ang mahihinang usapan nina Zach, Uno, at ng mga pulis. Ngunit kahit malinaw ang tunog, parang dumadaan lang iyon sa kanya. Hindi niya maintindihan. Hindi niya marinig. O baka ayaw niya lang marinig.Kasi ang totoo, wala naman siyang gustong marinig.Dahil kahit isang beses—Hindi siya nilapitan ni Zach.Ni isang sulyap, wala.Ni isang salita, wala.Mas pinili nitong makipag-usap sa iba, habang siya? Naiwan sa isang tabi, tila hindi na mahalaga. Tila hindi siya ang babaeng minsan nitong ipinangakong hindi iiwan.Dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin sa kanyang mga kamay, sa pulang marka ng posas na pilit niyang nilalabanan ang hapdi. Pilit niyang inuunawa kung paano siya nauwi sa ganitong sitwasyon.At bago pa niya napigilan, pumatak ang luha niya.Muling bumalik sa isip niya kung paano siya nilayua
Ang malakas na tugtog sa club ay parang tumitibok sa katawan ni Jhaira. Parang nararamdaman niya ang sakit ng pagtataksil ni Arjay sa kanya. Si Arjay, ang lalaking mahal niya, ay ikakasal na kay Diane. Si Diane ang step-sister niya, ito ang umagaw sa kaniya kay Arjay sa tulong ng step-mother niyang si Risa ay nagawa nilang mapaghiwalay si Jhaira at Arjay. Guwapo si Arjay at nagmula sa mayamang pamilya, masakit isipin na mas pinili ni Arjay ang step-sister niya kaysa sa kaniya"Isa pa please" aniya at nag order pa sa bartender ng inumin, kailangan niyang alisin ang sakit sa puso niya at tanging ang alak lang ang kayang makakatulong sa kaniya"Ma'am nakadalawang bote na po kayo" ani ng bartender pero sinungitan niya ito at tinignan ng masama"Bigyan mo nalang ako, wag mo akong pakialam sa gusto kong gawin" pagsusungit niya at napapakamot na ginawa ng bartender ang ginawa niyaHabang naghihintay ay hindi niya mapigilang mapaluhaPatay na ang nanay niya at tanging tatay niya nalang ang me
Ilang mura na ang pinakawalan ni Jhaira sa isipan habang papunta siya sa bahay ng tatay niya, paano kasi ay nakalimutan niya ang kaniyang ID sa hotel ng club. Nagmamadali siyang umalis kanina habang tulog pa ang lalaki at hindi nga ito nagbibiro ng sabihin niyang hindi siya palalakarin dahil kinailangan niya pang magtawag ng staff sa club para tulungan siyang maka-alis, sa huli pinasakay siya sa wheelchair at hiyang hiya siya roon"Ma'am okay lang po kayo?" Tanong ng taxi driver ng mahuli siya nitong binabatukan ang sarili, nahihiya siyang tumawa"O-okay lang po, masakit lang ang ulo" aniya at tumango itoPinapapunta siya ng tatay niya dahil may family gathering daw, ngayon kasi magkikita kita ang pamilya ni Diane at ang pamilya ni Arjay para pag-usapan ang tungkol sa kasal, iniisip niyang sinasadya ni Diane na ipatawag siya sa tatay niya para painggitin siya pero hindi niya ipapakita iyon, minahal niya si Arjay oo, pero hindi ganon kalalim ang pagmamahal niya kay Arjay"Ma'am andito
Nagsitayuan ang balahibo niya sa sinabi nito, ang akala niya ay magiging okay na pagkatapos umalis ni Zachary pero mukhang walang balak si Diane na pakawalan siya agad"Aray ano ba" inis niyang ani ng bigla siya nitong hinablot sa braso at masamang pinakatitigan, pinantayan niya ang titig ng kaniyang step-sister. Kung dati ay palagi siya nitong inaalipin at inaabuso pwes ngayon ay hindi siya aatras, natuto na siya sa mga ginawa ng mga ito sa kaniya"Bingi kaba? Hindi ba't sinabi na sayo ni mommy na huwag na huwag kang gagawa ng eksena, akin ang gabi na ito at kung sinusubukan mong agawin ulit saakin si Arjay pwes nagkakamali ka, sa susunod na buwan na ang kasal namin at hindi mo na siya maagaw pa saakin" matigas na ani ng dalaga sa kaniya, nawala ang mahinhin na Diane na nakikita niya lang kanina sa may hapagkainan kasama ang mga magiging biyenan nito Akmang magsasalita siya para sagutin ang step-sister niya pero dumating si Arjay"Babe, hindi kapa ba tapos? hinahanap ka na nila momm
Napalunok si Jhaira habang pinagmamasdan siya ni Zach sa kaniyang kinatatayuan, namumula mula ang pisngi ni Zach at dahil iyon sa kagagawan niya. Sinampal niya kanina ang lalaki pagkatapos nitong utusan siyang paghubadin "Hindi ba puwedeng si Arjay ang maging Vice President ng kompanya Zachary? Come on, pamangkin mo ang anak ko pagbigyan mona" boses ng mommy ni Arjay iyon na nakikiusap kay Zach "Mom, it's okay bagong araw palang ni tito sa kompanya wag na muna natin siyang stress-in" ani ni Arjay at inalalayan ang mommy nito Kasalukuyan sila ngayong nasa loob ng opisina ni Zach kasama si Arjay ang mommy nito at si Diane na kanina pa masama ang titig sa kaniya "No means no Deth, ako ang CEO ako ang masusunod" matigas na sagot ni Zach "kung wala na kayong sasabihin pa, umalis na kayong lahat" utos pa nito Walang nagawa ang tatlo, sa huli bagsak ang balikat ng mga itong umalis at nagtungo palabas ng opisina. Sumunod siya sa kanila at akmang lalabas na rin ng magsalita bigla si Z
Pinagmasdan ni Zachary ang Resignation letter na ibinigay ni Jhaira sa kaniya, naka envelope ito at maayos na naka sealed. Pero imbes na basahin ay hindi na niya inabala ang sarili na buksan o basahin man lang ito "Are you sure about this?" Tanong ni Zach at pinagmasdan si Jhaira na nakatayo sa harapan niya Marahang tumango ang dalaga, nilalaro niya ang kamay at nagbabakasakali na tanggapin ito ni Zach "Anong rason?" Tanong muli ni Zach at tumayo, napasinghap siya ng maglakad ito papalapit sa kaniya at matiim siyang pinagmasdan "U-uh m-may--- ahmm... May problema sa bahay, kailangan-- ahm mag stay at home na ako magiging call center a-at gusto kong sa bahay lang nag tra-trabaho" halos hindi malinaw ang kaniyang rason na ibinigay, wala siyang maisip na maayos na dahilan para sa kaniyang pag re-resign Napalunok siya ng isandal siya ni Zach sa lamesa at iniharang nito ang dalawang kamay sa magkabilang gilid niya, nag-iwas siya ng tingin at ilang beses na lumunok"Iyon lang?" Koment
"Hindi ba dapat ay magpasalamat ka saakin? Niligtas ko ang future mo sa matandang iyon"Napanguso si Jhaira sa sinabi ni Zachary "Hindi mo naman kailangang gawin pero salamat" ani niya Nakaupo ngayon si Zach sa harapan niyang couch at matiim na nakatitig sa kaniya, hindi mapigilang maglakbay ang mata ng binata sa kabuuan ni Jhaira. Hindi niya maiwasang alalahanin ang itsura nito nuong unang pagkikita nila at nakatalik niya itoTumikhim si Zach, ramdam niya ang pagtigas ng pagkalalaki dahil sa naiisip "So ano ng plano mo ngayon? Hindi kaba babalik sa kompanya ko?" Tanong ni Zach at hinaplos ang sariling labi Napakagat ng labi si Jhaira, wala naman na siyang ibang kailangan pang gawin pero hindi naman masama ang offer nito"P-pag iisipan ko pa, sa ngayon uuwi muna ako" ani niya "Sa bahay ko" Ani ni Zach na nagpataas ng kaniyang kilay "Simula ngayon uuwi kana sa bahay ko dahil asawa na kita, hindi magandang tignan na magkaibang bubong naninirahan ang mag-asawa" Napalunok siya ng il
Tahimik na nakaupo si Jhaira sa loob ng malamig na opisina ng kulungan, nakayuko at nakapikit, pilit nilalabanan ang bigat sa dibdib na parang hindi siya makahinga.Sa labas, maririnig niya ang mahihinang usapan nina Zach, Uno, at ng mga pulis. Ngunit kahit malinaw ang tunog, parang dumadaan lang iyon sa kanya. Hindi niya maintindihan. Hindi niya marinig. O baka ayaw niya lang marinig.Kasi ang totoo, wala naman siyang gustong marinig.Dahil kahit isang beses—Hindi siya nilapitan ni Zach.Ni isang sulyap, wala.Ni isang salita, wala.Mas pinili nitong makipag-usap sa iba, habang siya? Naiwan sa isang tabi, tila hindi na mahalaga. Tila hindi siya ang babaeng minsan nitong ipinangakong hindi iiwan.Dahan-dahan niyang ibinaba ang tingin sa kanyang mga kamay, sa pulang marka ng posas na pilit niyang nilalabanan ang hapdi. Pilit niyang inuunawa kung paano siya nauwi sa ganitong sitwasyon.At bago pa niya napigilan, pumatak ang luha niya.Muling bumalik sa isip niya kung paano siya nilayua
Nagmamadali akong pumasok sa mansyon, hindi alintana kung may makakita sa akin. Ramdam ko pa ang matinding panginginig ng katawan ko, ang bigat sa dibdib na parang sasabog anumang oras. Hindi ko na rin napigilan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.Pagpasok ko, ang tahimik ng buong bahay, pero hindi ko iyon naramdaman. Ang buong paligid ko'y parang umiikot, ang dibdib ko'y nagkakandahabol ng hininga.At sa di kalayuan, narinig ko ang isang tinig na nagpahinto sa akin."Jhaira?"Mabilis akong napalingon.Si Uno.Nakatayo siya sa may hagdanan, ang mga braso'y nakatukod sa railings habang nakatitig sa akin nang may kunot-noong pag-aalala. Kitang-kita sa mukha niya ang pagtataka nang makita niya akong basang-basa ng luha, namumula ang ilong, at nangangatog sa harap niya.Mabilis niyang tinakbo ang distansya namin at hinawakan ako sa balikat."What happened?" seryoso niyang tanong, ang titig niya'y matalim at puno ng concern.Hindi ko na napigilan.Gumuho ang lahat ng pinipilit kong ita
Ramdam ko pa ang pangangatog ng mga kamay ko habang nakatitig kay Tita Emily, ngunit ang mas matindi ay ang ginaw sa dibdib ko. Para akong natuyuan ng dugo habang nakikita ko siyang sumisigaw, nagngangalit, at puno ng galit na nakatutok sa akin."She's inside because of you! Because of you, my mother is dying!"Napakurap ako, parang hindi makapaniwala sa narinig ko. Nananatiling nanunuyo ang lalamunan ko habang nakikita ko ang mukha niyang halos hindi na niya makontrol sa matinding emosyon."T-Tita, hindi ako—"Pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko, isang malakas na tulak ang nagpabagsak sa akin sa malamig na sahig ng ospital.Napangiwi ako nang maramdaman ang matinding hapdi sa siko ko matapos itong tumama sa tiles. Ang palad ko'y nanginginig habang pilit kong itinukod iyon sa sahig para bumangon, ngunit bago ko pa magawa, narinig ko ulit ang boses niyang bumaon sa dibdib ko."You're not supposed to be here!"Halos napapikit ako sa tindi ng sigaw niya, at bago ko pa mahabol ang sa
Jhaira Nanlalamig ang mga daliri ko habang mahigpit na nakakapit sa lunchbox na hawak ko. Pakiramdam ko, kahit ang hangin sa paligid ay bumibigat—parang unti-unting sumisikip ang mundo ko habang nakatitig ako sa bahagyang nakaawang na pinto.May malakas na tunog ulit mula sa loob. Para bang may nabagsak—o may sinadyang ihulog.Halos pigilan ko ang paghinga ko. Dahan-dahan akong yumuko, pilit na inaaninag ang loob ng opisina ni Zach mula sa maliit na siwang. Hindi ko alam kung anong inaasahan kong makita, pero hindi ito—hindi ito ang gusto kong makita.Si Risa.Si Risa, kasama ang lola ni Zach.Nakapusod ang buhok ni Risa, at kahit nakatalikod siya, halata ang tensyon sa paraan ng paggalaw niya. Halos nanginginig ang balikat niya habang nakatayo sa harapan ni Lola—pero hindi iyon dahil sa takot. Hindi iyon dahil sa kaba.Galit siya.Maging si Lola, bakas sa mukha ang hindi matitinag na ekspresyon. She looked firm, cold, as if she wasn’t intimidated by Risa’s presence at all. Nakatayo
Maagang bumangon si Jhaira, bumaba siya sa kusina habang nakasuot ng maluwag na sweater at puting cotton shorts. Hinawi niya ang mahaba niyang buhok at kinuyom ang bibig upang pigilan ang paghikab. Malamig ang tiles sa ilalim ng kanyang talampakan, pero hindi niya ito alintana. May kailangan siyang gawin.Tahimik siyang naglakad papunta sa counter, kinuha ang apron, at sinimulang ayusin ang mga sangkap na gagamitin niya sa pagluluto. Kahit hindi naman siya sanay magluto para sa iba, hindi niya maiwasang gustuhin iyon—para kay Zach.Sa kalagitnaan ng kanyang paghihiwa ng bawang at sibuyas, biglang dumagsa ang ilang kasambahay sa kusina. Nagsimula ang magaan at masayang usapan habang abala rin sila sa kani-kanilang gawain."Sana ganyan din ako kaganda magluto kapag umaga katulad ni ma'am jhaira, baka sakaling ma inlove din saakin si sir Zachary" pabirong sigaw ni Rina habang pinupunasan ang basa niyang kamay sa kanyang apron.Napailing naman si Manang Linda habang nakapamaywang. "Kung hi
Pagdating ni Jhaira sa venue ng photoshoot, agad siyang naglakad papasok dala ang matamis na ngiti sa labi. "Good morning po," bati niya sa lahat habang diretsong naglakad papunta sa dressing area. Pero sa halip na matuwa o bumati pabalik, isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa buong studio. Lahat ng staff, mula sa photographer hanggang sa makeup artists, ay tila napatigil sa ginagawa at nakatingin sa kanya. Napakunot ang noo niya. "Anong nangyayari?" mahinahon niyang tanong, pero dama niya ang bigat ng tingin ng mga tao sa paligid. Mula sa gilid, isang pamilyar na boses ang narinig niya. "Oh? Jhaira, anong ginagawa mo rito?" Lumingon siya at nakita si Diane, nakangising nakahalukipkip habang suot ang eleganteng gown na dapat sana'y siya ang magsusuot. Pinagmasdan niya itong mabuti—mukha itong kampante, tila may hawak na alas. "Ako dapat ang magtanong niyan sa'yo," diretsong sagot ni Jhaira. "Hindi ko alam na may proxy pala akong hindi ko naman pinayagan." "Oh, d
Tahimik lang si Uno habang nagda-drive, pero ramdam ni Jhaira ang matalim nitong tingin sa kanya. Hindi ito ‘yong usual na cold at supladong Uno na sanay siyang nakakasama. May kung anong bumabagabag dito at halatang kanina pa ito gustong magtanong pero pinipigilan lang. Papunta sila ngayon sa photoshoot niya Napabuntong-hininga siya at napailing nang hindi na nakatiis. "Itanong mo na kung anong gusto mong itanong, Uno," malumanay pero may halong inip niyang sabi habang nakatingin sa daan. Napalingon si Uno saglit sa kanya, saka bumalik ang tingin sa kalsada. "I don’t understand women," bigla nitong sabi, tila ba frustrated. "Pabago-bago ang emosyon ninyo. Minsan masaya, tapos biglang malungkot. Minsan naman galit pero maya-maya lang okay na? Ang labo n'yo!" Hindi napigilan ni Jhaira ang mapangiti nang bahagya bago tumawa nang mahina. "Buti naman at alam mo." Agad itong napatingin sa kanya, parang hindi makapaniwala sa sagot niya. "See? Look at that attitude! I don't even see any
Agad na nakarating si Zach sa mansion, ang kanina pang kinikimkim na galit ay ramdam sa bawat madiing hakbang niya papasok ng bahay. Hindi siya mapakali, lalo na't hindi niya alam kung anong nangyari kay Jhaira. Kung anuman ang dahilan kung bakit bigla itong umalis sa photoshoot, siguradong may nangyaring hindi maganda.Napabuntong-hininga siya, pilit pinipigil ang bugso ng emosyon sa dibdib niya. Hindi siya basta-basta nagagalit, pero kapag si Jhaira ang nasasaktan, hindi niya kayang palampasin iyon.Pagkapasok niya sa bahay, sinalubong siya ng butler, halatang nag-aalangan sa ekspresyon niyang seryoso at malamig. "Sir Zach, good evening po."Hindi na siya nag-aksaya ng oras. "Nasaan si Jhaira?" diretsong tanong niya, hindi na nag-abala pang alisin ang suot niyang coat."Nasa kwarto niya po, Sir. Kanina pa po siyang nakauwi."Mabilis siyang tumango at agad na tinungo ang kwarto nito. Nadaanan niya pa si Uno sa may sala, mukhang may kaaway ito "What? That's not my woman for fvcks sake
Pagkarinig ni Jhaira sa usapan ng photographer at ng assistant nito, agad siyang umatras, pinipigilan ang sariling huminga nang malakas. Ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng puso niya sa kaba at galit. Paano nalaman ng photographer na allergic siya sa honey? At bakit siya nito gustong saktan? Halatang may nag-utos dito.Nanginginig ang kamay niya habang marahang umatras palayo sa pintuan. Ayaw niyang mahalata siyang nakikinig, kaya dahan-dahan siyang naglakad paalis ng makeup room. Wala siyang balak manatili roon. Kailangan niyang umalis bago pa siya tuluyang mapahamak.Sa pagmamadali, hindi niya napansin na medyo mabilis ang lakad niya. May ilang staff na napatingin sa kaniya, pero hindi na niya iyon pinansin. Ang gusto niya lang ay makalayo. Pakiramdam niya ay parang may nakasunod sa kaniya, kaya lalo niyang binilisan ang hakbang. Pagkarating niya sa labas ng venue, agad siyang sumakay sa sasakyang naghihintay sa kaniya."Sa bahay po, kuya," mahinahon niyang sabi sa driver, pilit