Share

Chapter 13

Author: Chelle
last update Last Updated: 2025-04-24 13:20:21

Chapter 13

Troublesome Customer

Hindi ko alam kung bakit sobrang busy ko ngayong araw na ito. Nagtaka pa talaga ako, ang daming burarang kustomer. Parang sinasadya na nila.

May pumasok na tatlong dalagita. Mukhang nasa 20's below ang edad nila. Maingay at magulo sila, nagtutulakan pa.

"Ang gaganda ng mga damit," bulalas ng isa. Kumuha ng mga damit at mukhang gustong isukat.

"Saan ang fitting room dito?" mataray na tanong niya sa akin.

"Doon banda. At miss, hindi pwede ang maraming isusukat. Tatlo lang ang allowed," sabi ko.

"Isusukat lang naman eh," sabi rin ng isa.

"Yes, pero tatlo lang ang pwede!" mahinahon kong sabi.

"Bakit hindi pwede ang marami, ha?" nakapamaywang pang tanong ng pinakamatangkad sa kanilang tatlo.

"Nasa rules ng department store na ito na tatlo lang ang pwede, para madali lang sa amin malaman kung ilan ang sinukat ninyo, para maiwasan ang mawawalang items at nakaw," mapagpasensya kong paliwanag.

"Anong akala mo sa amin, magnanakaw?" sigaw ng
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ma Sofia Amber Llanda
more updates please thanks
goodnovel comment avatar
Ruth Liguan
ay saan n ang update nitong story?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 1

    One Night StandNapatda ako sa nakita ko pagpasok ko sa loob ng kwarto ng boyfriend ko. Nawala ang excitement sa mukha ko at napalitan ito ng galit at sama ng loob. Nilabas ko ang dala kong spray paint. "Mga hayop kayo! Mga taksil! Ang bababoy ninyo! Tangina n’yo, mga walanghiya kayo!" malakas kong sigaw, galit na galit sa kanila, habang panay pa rin ang pag-spray sa gawi ng dalawang magkasiping sa sahig. Wala na akong pakialam kung pati ang mukha nila ay malagyan ng spray paint. Dahil maputi ang boyfriend ko, halos itim na lahat ang buo nitong likod. Itim pala ang nahawakan kong spray paint at iyon ang ginamit ko sa kanila. Lahat ng madaanan ko ay in-sprayhan ko, pati mga pader ng bahay na ito, display, at lahat. Bago ako tumakbo palabas ng bahay, hindi ko pinalagpas na isama ang puting pinto ng bahay na ito. Humagulhol ako dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi ko matanggap na niloloko na pala ako ng boyfriend ko. Nang mahimasmasan ako, agad akong umangkas sa motorcycle ko. Paal

    Last Updated : 2025-04-11
  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 2

    Chapter 2Dim night Pagpasok pa lang namin sa loob ng condo nito ay agad na niya akong sinunggaban ng halik sa labi. Mapusok at malalim niya akong hinalikan sa labi. Sabik na sabik tila may pagmamadali ang bawat kilos nito. Ako, na madaling mag-init ng katawan, ay agad na bumigay.Kahit nahihilo ako, ay nakipagpaligsahan ako sa pagtugon sa halik niya sa akin. Kahit hindi ako marunong makipaghalikan, ay nakakatugon pa rin naman ako. Ginagaya ko lang ang bawat paggalaw ng kanyang labi. Madali lang naman. Habang naghahalikan kami, ay gumagalaw naman kami at naglalakad patungo sa kama. Walang may gustong bumitaw sa amin. Nakipagtagisan kami sa isa't isa. Parang naglalaban lang ang aming mga labi at walang gustong bumitaw. Pati mga dila namin ay nag-away na rin at nag-espadahan na sa loob ng aming mga labi. Mahigpit na mahigpit ang yakap ko sa binata at ganoon rin siya sa akin. Natumba kami sa ibabaw ng kama kaya nabitawan niya ang labi ko. Wala sa sarili, napahagikhik ako.Dim light an

    Last Updated : 2025-04-11
  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 3

    Chapter 3 5 Years LaterJelaNagmamadali akong binihisan ang tatlo kong anak. Late na sila sa paaralan dahil late akong nagising kinabukasan. Napuyat kasi akong kahahanap ng trabaho kagabi sa website. Sa wakas, may nahanap na ako. May nag-email agad at may interview na ako mamayang hapon. Gano'n kabilis ang naging sagot ng nag-message ako. Sana, Panginoon, matanggap ako sa Cromwell Mall. Kailangan ko ng trabaho para sa tatlo kong anak. Ayaw kong umasa na lang sa perang pinapadala ng Tito nila sa bank account nila. Kailangan ko na rin kumayod at kumita sa sarili kong sikap at pagod. Iipunin ko na lang ang perang pinapadala ng Tito ko para sa akin para sa emergency. "Dalian niyo na, mga anak. Okay na ba ang lahat?" tanong ko sa kanila. "Opo, Mama," sabay nilang sagot. "Kasalanan mo, Mama, kapag mahuli kami sa klase," sabi ni Jon. "Kasalanan mo, Mama, kapag wala kaming star na makuha," simangot na sabi rin ni Jan."At kasalanan mo, Mama, kapag late at wala kaming star na ibibigay

    Last Updated : 2025-04-11
  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 4

    Chapter 4 Slap and KissNakapasok ako sa Cromwell Mall bilang isang saleslady. Kilala ako ng may-ari ng mall kaya nakiusap ako na mananatiling lihim ang aking personal na buhay. Nagmakaawa akong sana tanggapin nila ako bilang isang saleslady sa kanilang mall. Ito nga, isang buwan na akong nagtatrabaho dito. Masaya ang bawat araw ko dahil may mga totoong kaibigan na ako na alam kong balang araw sila ang makakaunawa sa sitwasyon ko nang walang halong paghusga. Busy na ako sa pwesto ko nang may dumating na delivery boy. "Miss, saan ko ilalagay ang mga delivery na ito?" tanong ng lalaki. Nagkagulatan pa kaming dalawa nang lumingon ako sa kanya. Kita ko ang kanyang pag-ngisi. "Ikaw?" malakas kong sambit. "Ako?" sagot naman ng lalaki. "Sinusundan mo ba ako?" akusa ko. "Sino ka ba?" tanong naman ng lalaki. "Anong ginagawa mo dito?" iniba ko ang tanong. Mukhang nakalimutan na yata niya ang eksena noong nakaraang buwan. "Nagde-deliver lang ako, Miss," ngisi ng lalaki. "Ang sungit mo

    Last Updated : 2025-04-11
  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 5

    Chapter 5 Meet againSabado ngayon, iniwan ko ang mga bata sa anak ng landlady kung saan ako nangungupahan. Gusto kong bumisita sa puntod ng aking ama. Every week ako dumadalaw sa kanya sa sementeryo. Masakit pa rin para sa akin ang maagang pagkawala ng aking ama. Kung sana nabubuhay pa siya, masaya na sana siyang nakikipaglaro sa mga anak ko. Sakay ng aking motorcycle, dumaan muna ako sa flower shop ng hapon na iyon para bumili ng bulaklak para sa aking ama. Bubuhayin ko na sana ang makina ng motorcycle nang biglang may umangkas sa likod ko. "What the hell!" malakas kong sigaw dahil sa gulat. "Faster, paandarin mo na ang motorcycle mo, Miss Sungit," "Gago! Ikaw na naman? Buo na naman ang problema ko!" inis na sigaw ko. "Now!" sigaw nito. Nataranta naman ako. Magnanakaw na naman ba ang sideline ng gagong ito kaya tumatakas sa humahabol sa kanya? Mapapahamak pa yata ako sa kalokohan ng lalaking ito. "Malas talaga ang dala mo sa buhay ko, Gago!" sigaw ko at mabilis akong nag-dr

    Last Updated : 2025-04-11
  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 6

    Chapter 6 Asaran with the Delivery Boy "Mama, wake up na! Maga na po, may pasok ka sa work. Kailangan natin ng pera dahil matakaw kami kumain po," malakas na sambit ni Jan. "Yung promise mo, Mama, na kakain tayo kay pareng Jabebe," dagdag naman ni Jon. What? Pareng Jabebe? Gusto kong tumawa sa sinasabi ng mga anak ko. Gusto ko na sanang magkunwaring tulog, kaya lang may pasok pala ako sa trabaho ngayon. Pero mamaya pa naman iyon. "Mama, gugutom na kami. Gusto na naming kumain po," sabi rin ng aking babae na anak. Naramdaman ko na humalik pa ito sa pisngi ko. Sumunod naman ang dalawang lalaki kong anak na humalik sa akin. Kaya nagmulat na ako ng aking mga mata. "Good morning, mga anak," ngiti ko. Pero ang mga anak ko ay nagtakip agad ng kanilang mga ilong. Napasimangot naman ako. "Mumog ka muna, Mama, bago mag-talk," sabi agad ng anak kong si Jan sabay takip ulit sa kanyang ilong. Humagikhik naman ang dalawa ko pang anak. "Mga bully na bata," sabay kiliti sa mga bewang

    Last Updated : 2025-04-17
  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 7

    Chapter 7He Festering My Day Pansit at tinapay ang order ng gagong lalaki. Tapos tag-isa kaming Ice Milo. Tanghali na, tapos ganito ang kakainin naming dalawa? "Meryenda time, Miss Sungit na gumanda dahil kasama ako!" kindat niya. "Nagmukha na akong itik dahil kasama kita!" irap ko. Humalakhak naman ang lalaki. May itsura talaga ang lalaking ito. Pero bakit delivery boy lang ang trabaho niya? Tapos sideline niya construction worker. May potential ito na maging model kung gugustuhin niya. Kaso gusto yata nito ng happy-go-lucky vibes. "Kain na. High blood ka na naman agad. Nagmamagandang loob lang naman ang gwapong lalaking ito eh," pa-cute pa nito sa akin. "Kanina pa ako naaalibadbaran sa itsura mo, planeta! Gwapong-gwapo ka sa sarili mo, mukha ka namang alien. Singkit na kuwago!" pang-aasar ko pa. Bigla itong nabilaukan dahil sa pagtawa! Agad siyang uminom ng Milo niya na mas lalong nagpaubo sa kanya. "Deserve!" sambit ko habang nakahalukipkip akong nakatingin sa lalaki

    Last Updated : 2025-04-17
  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 8

    Chapter 8 Importunate "Hello po, Kuya, good morning po. Daan po kami dito, ha? Huwag mo po ulit awayin ang Mama namin!" malakas na sigaw ni Jon sa lalaking nakatayo sa labas ng ginagawang building. Mukhang alam niyang dadaan ulit kami at makikipagkulitan na naman sa mga bata, na gustong-gusto ng mga anak ko. Kahit na sinabihan ko na sila na huwag masyadong makipag-usap sa lalaki dahil hindi naman namin siya kilala. "Good morning po!" sabay na bati rin ni Jan at Jam. "Hey, kids! Nice to see you again here! Good morning to all," nakangiting bati ni Jupiter sa mga bata, pero sa akin naman nakatingin. "Huwag mo na silang kakwentuhan. Late na sila sa paaralan," singit ko. "Late po kasi gising si Mama, kaya male-late na po ulit kami, Tito pogi," sabi ni Jam. "Hirap niya po gisingin, Tito," sumbong pa ni Jan. "Kailangan pa po namin sumigaw para lang magising si Mama, tapos sisimangot siya," segunda naman ni Jon. "Parang nguso na po ng bibe ang nguso ni Mama eh. Tapos ang mat

    Last Updated : 2025-04-17

Latest chapter

  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 13

    Chapter 13 Troublesome Customer Hindi ko alam kung bakit sobrang busy ko ngayong araw na ito. Nagtaka pa talaga ako, ang daming burarang kustomer. Parang sinasadya na nila. May pumasok na tatlong dalagita. Mukhang nasa 20's below ang edad nila. Maingay at magulo sila, nagtutulakan pa. "Ang gaganda ng mga damit," bulalas ng isa. Kumuha ng mga damit at mukhang gustong isukat. "Saan ang fitting room dito?" mataray na tanong niya sa akin. "Doon banda. At miss, hindi pwede ang maraming isusukat. Tatlo lang ang allowed," sabi ko. "Isusukat lang naman eh," sabi rin ng isa. "Yes, pero tatlo lang ang pwede!" mahinahon kong sabi. "Bakit hindi pwede ang marami, ha?" nakapamaywang pang tanong ng pinakamatangkad sa kanilang tatlo. "Nasa rules ng department store na ito na tatlo lang ang pwede, para madali lang sa amin malaman kung ilan ang sinukat ninyo, para maiwasan ang mawawalang items at nakaw," mapagpasensya kong paliwanag. "Anong akala mo sa amin, magnanakaw?" sigaw ng

  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 12

    Chapter 12 Eat Together with Jupiter Hinayaan ko na siya ang nagbayad sa pamasahe namin. Diretso na muna ako sa katabing kanto para bumili ng pagkain namin ng mga bata. Sigurado akong naghihintay na sila sa pag-uwi ko. Nasa bahay sila Aling Rosing ngayon. Dadaan na lang ako pagkabili ko ng ulam namin. "Hello, Ate, dalawang order nga po sa igado, isang order sa sinigang na hipon. Oh wait, hindi ba allergy sa hipon ang mga bata?" tanong ni Jupiter sa akin. "Hindi naman, walang allergies ang mga bata," sagot ko. Siya na kasi ang nagpresenta na bibili ng ulam namin. Hinahayaan ko lang siya. "Good, because sinigang na hipon is one of my favorite dishes. Ah, Ate, dalawang order pa sa pakbet at pritong manok. Okay na ba o may gusto ka pang ulam?" tanong nito sa akin. "Okay na 'yan, mga bata lang naman ang matakaw sa pagkain," sabi ko. "Drinks?" tanong nito. Minsan lang naman sila mag-drinks kaya tumango na ako. Orange juice ang pinabili ko. Dalawa naman ang binili niya. "D

  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 11

    Chapter 11 She Got Angry Isang linggo na walang lalaking nagpapapansin sa akin sa department store. Nawala nga ang lalaking palaging nanggugulo sa akin, pero sumunod naman na nagpaparinig ang ilan sa mga katrabaho ko dito. Sila rin ang gumawa ng chismis sa isa kong kaibigan dito. Ginawan nila ng kwento na hindi naman totoo. Tapos heto sila nagpapapansin naman sila sa akin. "Mga magkakaibigan na malalandi, alam na alam nila kung saan sila kakapit para umangat sa buhay," parinig ng isa sa katrabaho niya. 'Tanga! Anong akala niya sa akin, poor?' Dahil nakakainis na sila, nagparinig na ako. "Kailangan ko yatang magdala bukas ng Baygon, the multi-insect killer, o yung Raid para sa langgam at ipis. Ang daming virus at insektong nandito sa department store. Kailangan ko na yatang sabihin sa may-ari ng mall na ito na nagkalat ang mga insektong ito sa loob ng department store upang mapuksa na agad-agad. Hmp!" irap ko pa sa hangin. Humalakhak naman ang kaibigan kong si Rosey. "Ka

  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 10

    Chapter 10 Unwanted Visitor "Mama, gusto lang namin siyang kausapin. Tsaka baka pagod na siya sa pagtitinda ng balut," pa-cute na sabi ni Jon. "Magpahinga muna siya, Mama, kasi lagi siya nagtatawag ng bibili ng baluuuuuut, baluuuuuut, wuwuwutwu, baluuuuuut," hindi namin mapigilang tumawa sa panggagaya ni Jan sa balut. May karugtong pang ibang salita. Hindi ko na alam kung sino sa dalawa ang maloko at makulit. Minsan nagsasalitan silang dalawa sa kakulitan na parang may telepathy silang dalawa lang ang nagkakaintindihan. "Mama, hindi po ba kayo magagalit?" dagdag pa ni Jam na tanong sa akin. Mahal na mahal ko ang batang ito. Malambing na bata siya. Kahit hindi kadugo ng mga anak ko si Jam ay very close at caring pa rin sila sa Ate Jam nila. "Ano pa nga ba, mga anak, hinila niyo na siya, di ba?" "Pahinga lang naman po siya eh," sagot ni Jan. "Sa labas lang, bawal sa loob," sabi ko. "Okay lang, ang mahalaga ay nakita ko kayo," singit ni Jupiter. "Kung sana nagtinda

  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 9

    Chapter 9 Selling Balut "Mama, puwede po kami kumain ng balut?" tanong ni Jon. "Puwede po ba sa amin kumain ng balut, Mama?" dagdag na tanong ni Jan. "Gusto ko rin po, Mama, ng shetsharon at bomb corn po," sabi naman ni Jam. Napalingon ako sa anak kong babae. What? Shetsharon at bomb corn? Saan naman niya nakuha ang salitang bomb corn? "Anong bomb corn, anak?" tanong ko kay Jam. "Yung niluluto po na buto ng corn tapos mag-boom!" sagot ni Jam. "Turo ni Jan, Mama, bomb corn daw ang tawag po eh," dugtong pa ni Jam. "Yes, it's bomb corn. I saw it on TV, noong niluto po nila yung buto ng corn. Parang yung tunog pa, Mama, pogs, pugs, pyang, chugs. Ganyan po, Mama, ang tunog," sagot naman ni Jan. Napahagikhik kami ni Jam. "Kaya gusto po namin kumain ng ganun, Mama, bomb corn po," ungot ni Jam. "Gusto ko rin po. Gusto ko rin po ng shesharon na may suka na maasim po," singit ni Jon. "Me too, Mama." "Gugutom po kami, eh, please Mama. Lagi po kaming mabait kay Nanay Rosin

  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 8

    Chapter 8 Importunate "Hello po, Kuya, good morning po. Daan po kami dito, ha? Huwag mo po ulit awayin ang Mama namin!" malakas na sigaw ni Jon sa lalaking nakatayo sa labas ng ginagawang building. Mukhang alam niyang dadaan ulit kami at makikipagkulitan na naman sa mga bata, na gustong-gusto ng mga anak ko. Kahit na sinabihan ko na sila na huwag masyadong makipag-usap sa lalaki dahil hindi naman namin siya kilala. "Good morning po!" sabay na bati rin ni Jan at Jam. "Hey, kids! Nice to see you again here! Good morning to all," nakangiting bati ni Jupiter sa mga bata, pero sa akin naman nakatingin. "Huwag mo na silang kakwentuhan. Late na sila sa paaralan," singit ko. "Late po kasi gising si Mama, kaya male-late na po ulit kami, Tito pogi," sabi ni Jam. "Hirap niya po gisingin, Tito," sumbong pa ni Jan. "Kailangan pa po namin sumigaw para lang magising si Mama, tapos sisimangot siya," segunda naman ni Jon. "Parang nguso na po ng bibe ang nguso ni Mama eh. Tapos ang mat

  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 7

    Chapter 7He Festering My Day Pansit at tinapay ang order ng gagong lalaki. Tapos tag-isa kaming Ice Milo. Tanghali na, tapos ganito ang kakainin naming dalawa? "Meryenda time, Miss Sungit na gumanda dahil kasama ako!" kindat niya. "Nagmukha na akong itik dahil kasama kita!" irap ko. Humalakhak naman ang lalaki. May itsura talaga ang lalaking ito. Pero bakit delivery boy lang ang trabaho niya? Tapos sideline niya construction worker. May potential ito na maging model kung gugustuhin niya. Kaso gusto yata nito ng happy-go-lucky vibes. "Kain na. High blood ka na naman agad. Nagmamagandang loob lang naman ang gwapong lalaking ito eh," pa-cute pa nito sa akin. "Kanina pa ako naaalibadbaran sa itsura mo, planeta! Gwapong-gwapo ka sa sarili mo, mukha ka namang alien. Singkit na kuwago!" pang-aasar ko pa. Bigla itong nabilaukan dahil sa pagtawa! Agad siyang uminom ng Milo niya na mas lalong nagpaubo sa kanya. "Deserve!" sambit ko habang nakahalukipkip akong nakatingin sa lalaki

  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 6

    Chapter 6 Asaran with the Delivery Boy "Mama, wake up na! Maga na po, may pasok ka sa work. Kailangan natin ng pera dahil matakaw kami kumain po," malakas na sambit ni Jan. "Yung promise mo, Mama, na kakain tayo kay pareng Jabebe," dagdag naman ni Jon. What? Pareng Jabebe? Gusto kong tumawa sa sinasabi ng mga anak ko. Gusto ko na sanang magkunwaring tulog, kaya lang may pasok pala ako sa trabaho ngayon. Pero mamaya pa naman iyon. "Mama, gugutom na kami. Gusto na naming kumain po," sabi rin ng aking babae na anak. Naramdaman ko na humalik pa ito sa pisngi ko. Sumunod naman ang dalawang lalaki kong anak na humalik sa akin. Kaya nagmulat na ako ng aking mga mata. "Good morning, mga anak," ngiti ko. Pero ang mga anak ko ay nagtakip agad ng kanilang mga ilong. Napasimangot naman ako. "Mumog ka muna, Mama, bago mag-talk," sabi agad ng anak kong si Jan sabay takip ulit sa kanyang ilong. Humagikhik naman ang dalawa ko pang anak. "Mga bully na bata," sabay kiliti sa mga bewang

  • Billionaire One Night Stand with the Saleslady    Chapter 5

    Chapter 5 Meet againSabado ngayon, iniwan ko ang mga bata sa anak ng landlady kung saan ako nangungupahan. Gusto kong bumisita sa puntod ng aking ama. Every week ako dumadalaw sa kanya sa sementeryo. Masakit pa rin para sa akin ang maagang pagkawala ng aking ama. Kung sana nabubuhay pa siya, masaya na sana siyang nakikipaglaro sa mga anak ko. Sakay ng aking motorcycle, dumaan muna ako sa flower shop ng hapon na iyon para bumili ng bulaklak para sa aking ama. Bubuhayin ko na sana ang makina ng motorcycle nang biglang may umangkas sa likod ko. "What the hell!" malakas kong sigaw dahil sa gulat. "Faster, paandarin mo na ang motorcycle mo, Miss Sungit," "Gago! Ikaw na naman? Buo na naman ang problema ko!" inis na sigaw ko. "Now!" sigaw nito. Nataranta naman ako. Magnanakaw na naman ba ang sideline ng gagong ito kaya tumatakas sa humahabol sa kanya? Mapapahamak pa yata ako sa kalokohan ng lalaking ito. "Malas talaga ang dala mo sa buhay ko, Gago!" sigaw ko at mabilis akong nag-dr

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status