Chapter 3
5 Years Later Jela Nagmamadali akong binihisan ang tatlo kong anak. Late na sila sa paaralan dahil late akong nagising kinabukasan. Napuyat kasi akong kahahanap ng trabaho kagabi sa website. Sa wakas, may nahanap na ako. May nag-email agad at may interview na ako mamayang hapon. Gano'n kabilis ang naging sagot ng nag-message ako. Sana, Panginoon, matanggap ako sa Cromwell Mall. Kailangan ko ng trabaho para sa tatlo kong anak. Ayaw kong umasa na lang sa perang pinapadala ng Tito nila sa bank account nila. Kailangan ko na rin kumayod at kumita sa sarili kong sikap at pagod. Iipunin ko na lang ang perang pinapadala ng Tito ko para sa akin para sa emergency. "Dalian niyo na, mga anak. Okay na ba ang lahat?" tanong ko sa kanila. "Opo, Mama," sabay nilang sagot. "Kasalanan mo, Mama, kapag mahuli kami sa klase," sabi ni Jon. "Kasalanan mo, Mama, kapag wala kaming star na makuha," simangot na sabi rin ni Jan. "At kasalanan mo, Mama, kapag late at wala kaming star na ibibigay ni teacher kasi late kami," dagdag naman ni Jam. "Kasalanan ninyong tatlo kapag hindi pa kayo mabilis kumilos para makaalis na tayo," sagot ko naman. "Let's go!" sigaw ng tatlong makukulit na bata. Walking distance lang ang paaralan nila kaya madali lang sa akin na ihatid sila. "Oh, Jon at Jan, hawak kamay na kayong dalawa. Huwag malikot, at huwag kung saan-saan kayo tumitingin, ha," bilin ko pa habang hawak ko naman si Jam. "Opo, Mama," sabay naman na sagot nilang dalawa. Maliksi na silang naghawak-kamay at nagsimula nang maglakad. May building malapit sa amin na pinapatayo kaya medyo traffic ang kalsada. Dumaan kami sa tabi ng mga nagsisimulang magtrabaho sa building. Napatigil kami ng mga anak ko nang may humarang sa amin. "Miss, bawal ang dumaan dito. Hindi mo ba nabasa ang karatulang 'Construction work in progress?' May 'Dangerous Site' pang nakalagay. Hindi mo ba nababasa, Miss?" seryosong tanong ng lalaki sa akin. "Hoy, Mister, kapag na-late ang mga anak ko sa paaralan at nawalan sila ng star na ibibigay ng teacher sa kanila, ingungudngod kita sa semento," malakas kong sigaw sa lalaking kaharap ko. "Alam mong may nagpapatayo ng building dito at may signboard na bawal ang dumaan dito, tapos nagpupumilit ka pa!" sagot ng lalaki na ayaw yata niyang padaanin kami. "Kahapon nakadaan pa kami dito! Tinulungan pa kami ng construction worker. Ikaw, lalaki ka na nagtatrabaho dito, pagbabawalan mo kami? Bago ka lang ba at wala kang alam sa mga signboard na nakalagay dito sa labas?" sarkastiko kong tanong. "Nag-iingat lang ako, Miss, dahil tatlong bata ang kasama mo. Sumunod na lang sa payo kaysa makipagtigasan ka pa! Kapag napahamak kayo dito, sinong sisisihin mo, kami?" pagalit na sambit ng lalaki. "Tulungan mo na lang kaming dumaan!" sabi ko naman. "Sa kabila kayo dumaan, huwag dito! Walang daanan dito dahil pinasara ko na," galit na sagot ng lalaki. "Kuya!" "Sir!" "Tito!" "Huwag mo po awayin ang Mama namin," sabay-sabay na sambit ng tatlo. "Wow! Kuya na nga, naging Sir pa, Tito pa, nagkaroon tuloy ako ng mga pamangkin," natutuwang bulalas ng lalaki. "Padaanin niyo na po kami dito, Tito," sabi ni Jon. "Male-late na po kami sa school," dagdag pa ni Jam. "Mawawalan na kami ng star dahil late kami pumasok," si Jan. "Kasalanan mo po kapag na-late kami," malakas na sambit ng tatlong bata. "Bahala ka pong ingungod ni Mama sa semento," banta pa ni Jon. Napahagikhik naman ang dalawang bata. "Kaya paraanin mo na kami! Pwede!" singit ko naman. Tinaasan ko pa siya ng kilay. Wala akong pakialam kung may itsura siya. Construction worker na walang alam sa signboard. Langya! "Please po, Kuya, Tito, Sir," sabi naman ni Jan. "Bawal kasi talaga ang dumaan dito! Ang kukulit ninyong apat!" sumusukong sabi ng lalaki, pero galit ang mukha. "Walang pulang karatula ang nakalagay dito, kaya huwag ka nang magreklamo dahil trabaho niyo naman ito. Masesante ka sana sa katangahan mo! Lalo na't wala kang alam," sikmat ko. Dahil ayaw ko rin patalo. "Ikaw ang walang alam, Miss! Kahit anong kulay pa 'yan, kung may nakalagay naman na 'Dangerous' sa signboard, it means delikado ang lugar na ito. You never know when an accident might happen kapag biglang may matumba, gumuho, o mahulog dito. Nagmamagandang loob ako tapos sabihan mo ako ng ganyan!" galit na galit na ang lalaki. Construction worker lang naman, akala mo kung sino maka-English. Pwe! "Walang nakalagay na bawal diyan! At kung meron man, di sana hindi na kami dumaan. Kaya nga may nakatalaga sa labas para tulungan at i-guide ang mga dumadaan dito! Mahirap bang gawin iyon?" Hinila ko na ang anak kong babae at inutusan ang dalawang batang lalaki na anak ko na maglakad na. "Dalian ang paglalakad, pareho na tayong late sa pupuntahan natin," galit kong sabi sa mga bata. Pati ang mga inosenteng bata nadamay na sa inis ko sa lalaking ito. Bwesit siya! "Relax lang, Mama, gagalit ka na naman eh," sabi ni Jam. "Tsaka wala kaming kasalanan po ah," singit ni Jon. "Kasalanan ninyong dalawa ni Kuya, aaway kayo eh," sabi rin ni Jan. "Tapos kami ang pagalitan ninyo, Mama!" sabay-sabay na sambit ng kambal. "Oo na, sorry na. Dali na, lakad na," Nakarinig ako ng mahinang pagtawa mula sa lalaki sa likuran namin. "Mag-iingat kayo! Bukas, bawal na kayong dumaan dito," paalala pa ng lalaki. "Dadaan pa rin kami!" sagot ko naman. "For your safety and the kids, Miss. Lakad na, male-late na kayo. Baka ako pa ang sisihin ninyo," seryosong salita ng lalaki. "Bay-bay po, Tito pogi," kaway pa ni Jam. "Bay-bay po!" sabay-sabay na sabi ng kambal. "Mama, mag-ba-bay ka na rin," utos ng kambal. "Lakad na! Huwag na maraming salita!" sagot ko naman. "Bay-bay daw po, sabi ni Mama. Next time, huwag mo na po aawayin Mama namin, ha," sabi pa ni Jan. "Sabihin mong magpakabait muna ang Mama ninyo para hindi kami mag-away!" natatawang sabi ng gonggong na lalaki. "Huwag nang sasagot. Nawili na naman kayo! Lakad na!" sikmat ko sa mga bata. Peborit pa naman nila ang magsalita.Chapter 4 Slap and KissNakapasok ako sa Cromwell Mall bilang isang saleslady. Kilala ako ng may-ari ng mall kaya nakiusap ako na mananatiling lihim ang aking personal na buhay. Nagmakaawa akong sana tanggapin nila ako bilang isang saleslady sa kanilang mall. Ito nga, isang buwan na akong nagtatrabaho dito. Masaya ang bawat araw ko dahil may mga totoong kaibigan na ako na alam kong balang araw sila ang makakaunawa sa sitwasyon ko nang walang halong paghusga. Busy na ako sa pwesto ko nang may dumating na delivery boy. "Miss, saan ko ilalagay ang mga delivery na ito?" tanong ng lalaki. Nagkagulatan pa kaming dalawa nang lumingon ako sa kanya. Kita ko ang kanyang pag-ngisi. "Ikaw?" malakas kong sambit. "Ako?" sagot naman ng lalaki. "Sinusundan mo ba ako?" akusa ko. "Sino ka ba?" tanong naman ng lalaki. "Anong ginagawa mo dito?" iniba ko ang tanong. Mukhang nakalimutan na yata niya ang eksena noong nakaraang buwan. "Nagde-deliver lang ako, Miss," ngisi ng lalaki. "Ang sungit mo
Chapter 5 Meet againSabado ngayon, iniwan ko ang mga bata sa anak ng landlady kung saan ako nangungupahan. Gusto kong bumisita sa puntod ng aking ama. Every week ako dumadalaw sa kanya sa sementeryo. Masakit pa rin para sa akin ang maagang pagkawala ng aking ama. Kung sana nabubuhay pa siya, masaya na sana siyang nakikipaglaro sa mga anak ko. Sakay ng aking motorcycle, dumaan muna ako sa flower shop ng hapon na iyon para bumili ng bulaklak para sa aking ama. Bubuhayin ko na sana ang makina ng motorcycle nang biglang may umangkas sa likod ko. "What the hell!" malakas kong sigaw dahil sa gulat. "Faster, paandarin mo na ang motorcycle mo, Miss Sungit," "Gago! Ikaw na naman? Buo na naman ang problema ko!" inis na sigaw ko. "Now!" sigaw nito. Nataranta naman ako. Magnanakaw na naman ba ang sideline ng gagong ito kaya tumatakas sa humahabol sa kanya? Mapapahamak pa yata ako sa kalokohan ng lalaking ito. "Malas talaga ang dala mo sa buhay ko, Gago!" sigaw ko at mabilis akong nag-dr
One Night StandNapatda ako sa nakita ko pagpasok ko sa loob ng kwarto ng boyfriend ko. Nawala ang excitement sa mukha ko at napalitan ito ng galit at sama ng loob. Nilabas ko ang dala kong spray paint. "Mga hayop kayo! Mga taksil! Ang bababoy ninyo! Tangina n’yo, mga walanghiya kayo!" malakas kong sigaw, galit na galit sa kanila, habang panay pa rin ang pag-spray sa gawi ng dalawang magkasiping sa sahig. Wala na akong pakialam kung pati ang mukha nila ay malagyan ng spray paint. Dahil maputi ang boyfriend ko, halos itim na lahat ang buo nitong likod. Itim pala ang nahawakan kong spray paint at iyon ang ginamit ko sa kanila. Lahat ng madaanan ko ay in-sprayhan ko, pati mga pader ng bahay na ito, display, at lahat. Bago ako tumakbo palabas ng bahay, hindi ko pinalagpas na isama ang puting pinto ng bahay na ito. Humagulhol ako dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi ko matanggap na niloloko na pala ako ng boyfriend ko. Nang mahimasmasan ako, agad akong umangkas sa motorcycle ko. Paal
Chapter 2Dim night Pagpasok pa lang namin sa loob ng condo nito ay agad na niya akong sinunggaban ng halik sa labi. Mapusok at malalim niya akong hinalikan sa labi. Sabik na sabik tila may pagmamadali ang bawat kilos nito. Ako, na madaling mag-init ng katawan, ay agad na bumigay.Kahit nahihilo ako, ay nakipagpaligsahan ako sa pagtugon sa halik niya sa akin. Kahit hindi ako marunong makipaghalikan, ay nakakatugon pa rin naman ako. Ginagaya ko lang ang bawat paggalaw ng kanyang labi. Madali lang naman. Habang naghahalikan kami, ay gumagalaw naman kami at naglalakad patungo sa kama. Walang may gustong bumitaw sa amin. Nakipagtagisan kami sa isa't isa. Parang naglalaban lang ang aming mga labi at walang gustong bumitaw. Pati mga dila namin ay nag-away na rin at nag-espadahan na sa loob ng aming mga labi. Mahigpit na mahigpit ang yakap ko sa binata at ganoon rin siya sa akin. Natumba kami sa ibabaw ng kama kaya nabitawan niya ang labi ko. Wala sa sarili, napahagikhik ako.Dim light an

Chapter 4 Slap and KissNakapasok ako sa Cromwell Mall bilang isang saleslady. Kilala ako ng may-ari ng mall kaya nakiusap ako na mananatiling lihim ang aking personal na buhay. Nagmakaawa akong sana tanggapin nila ako bilang isang saleslady sa kanilang mall. Ito nga, isang buwan na akong nagtatrabaho dito. Masaya ang bawat araw ko dahil may mga totoong kaibigan na ako na alam kong balang araw sila ang makakaunawa sa sitwasyon ko nang walang halong paghusga. Busy na ako sa pwesto ko nang may dumating na delivery boy. "Miss, saan ko ilalagay ang mga delivery na ito?" tanong ng lalaki. Nagkagulatan pa kaming dalawa nang lumingon ako sa kanya. Kita ko ang kanyang pag-ngisi. "Ikaw?" malakas kong sambit. "Ako?" sagot naman ng lalaki. "Sinusundan mo ba ako?" akusa ko. "Sino ka ba?" tanong naman ng lalaki. "Anong ginagawa mo dito?" iniba ko ang tanong. Mukhang nakalimutan na yata niya ang eksena noong nakaraang buwan. "Nagde-deliver lang ako, Miss," ngisi ng lalaki. "Ang sungit mo
Chapter 3 5 Years LaterJelaNagmamadali akong binihisan ang tatlo kong anak. Late na sila sa paaralan dahil late akong nagising kinabukasan. Napuyat kasi akong kahahanap ng trabaho kagabi sa website. Sa wakas, may nahanap na ako. May nag-email agad at may interview na ako mamayang hapon. Gano'n kabilis ang naging sagot ng nag-message ako. Sana, Panginoon, matanggap ako sa Cromwell Mall. Kailangan ko ng trabaho para sa tatlo kong anak. Ayaw kong umasa na lang sa perang pinapadala ng Tito nila sa bank account nila. Kailangan ko na rin kumayod at kumita sa sarili kong sikap at pagod. Iipunin ko na lang ang perang pinapadala ng Tito ko para sa akin para sa emergency. "Dalian niyo na, mga anak. Okay na ba ang lahat?" tanong ko sa kanila. "Opo, Mama," sabay nilang sagot. "Kasalanan mo, Mama, kapag mahuli kami sa klase," sabi ni Jon. "Kasalanan mo, Mama, kapag wala kaming star na makuha," simangot na sabi rin ni Jan."At kasalanan mo, Mama, kapag late at wala kaming star na ibibigay